ELIJAH - 11

CHAPTER 11

I FELT LIKE MY HEAD IS THROBBING IN PAIN. I tried to move my hand while eyes closed and thank God I did it. Ginalaw ko rin ang ulo ko para hanapin si Reign. I froze and shiver when I saw her lying in the ground meters away from me- walang malay at naliligo sa sariling dugo.

"Reign," mahinang sabi ko habang sinusubokang igalaw ang katawan ko palapit sa kan'ya.

Tunog ng sirena ng papalapit na ambulansya ang aking narinig habang sinusubokang gumapang palapit kay Reign. Napatigil lang ako sa ginagawa nang may lumuhod na mga medic mismo sa aking harapan.

"Sir, steady lang po muna kayo. Huwag po muna kayong gagalaw." Sabi sa akin ng lalaki bago nagtawag ng kasama para maisakay ako sa stretcher. Kung meron mang swerte sa amin ngayon ni Reign ay 'yung naaksidente kami malapit lang sa Hospital.

Isinakay ako sa stretcher at kinarga papasok ng ambulansya. "Si Reign... unahin po niyo siya." I mumbled while my eyes closed.

"Susunod po namin siyang isasakay, Sir, 'wag na po muna kayong gumalaw." Magalang na sagot sa'kin ng lalaking medic.

Maya-maya pa ay naramdaman ko nang umandar ang sinasakyan na siyang huli ko nang naramdaman bago ako gupokin ng antok.

KINABUKASAN ay nagising ako na ang puting kisame ang unang sumalubong sa akin. Pati ang pamilyar na amoy ng alcohol at tunog ng aircon. Hindi ko na alam kung ilang oras akong nakahiga sa kamang kinaroroonan ko ngayon pero ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko na parang binugbog ng ilang beses.

Hindi rin ako sigurado kung umaga na, tanghali, o gabi.

"Hijo?" A familiar soft voice pulled me out to my reverie. "Oh God, you're awake." Mommy Amelia hold my hand tightly.

"M-mom," I cleared my throat. "Si Reign po." I felt her stiffened a bit when she heard Reign's name. Sinubukan niyang ngumiti pero tila nakipag-unahan na ang luhang tumulo sa kaniyang mata.

"S-she... she's not fine anak," humihikbi niyang sabi habang umiiling. "She's in critical." Tila bombang sumabog sa harapan ko ang sinabi ni Mama. Napalingon ako kay Ate Rajah na tahimik lang na umiiyak sa tabi niya. May bahid pa ng dugo ang puting blusa niya at namamaga ang kaniyang mga mata.

"Ate..." tawag pansin ko sa kan'ya. Umangat ang tingin niya sa'kin. "Gusto k-kong makita si Reign." Sabi ko. Umiling siya sa'kin ng ilang beses.

"'Wag na muna ngayon, EJ, hmm? Antayin lang muna nating kumalma si Tita." Nanikip ang dibdib ko sa narinig. Namuo ang luha sa mata ko at tila gusto kong magwala dahil sa galit.

I was too careless last night, and right now, I know that I am not the best and right prince for Reign. Sana hindi nalang ako nakinig sa kaniya, sana pinanatili ko nalang ang bilis ng takbo ng sasakyan sa nakasanayan ko, sana- ang daming sana, and now, not that I'm blaming her, coz the fact that I am the one who's driving, I shouldn't listen to her plea and all.

Tumayo si Ate palapit sa kama ko at hinawakan ang kamay ko. "Please, don't blame yourself for what happen. Ryan, Ramses, and Tita Rhean is not mad at you. It was an accident bunso, okay?" Malumanay niyang sabi. Umiling ako. Of course I should be the one to blame! I want to shout in pain.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ni Ate at sinagot niya 'yun. "Hon?" Bumaling ang tingin niya sa'kin. "He's awake now... yeah, he a-ask me to send him there... okay hon, thank you."

"A-ano pong sabi, Ate?" She sighed and look at Mama.

"Mom, tumawag si Ryan, sinabi niyang o-okay lang daw na pumunta dun si Elijah." Aniya kay Mommy na nakakaintinding tumango bago tumingin sa akin.

"Control your emotions okay baby? Reign might hear you crying.... be strong for her anak." Bilin niya na tinangoan ko. Agad namang lumabas si Ate para manghiram ng wheelchair sa nurse station. Pagbalik niya ay may kasama siyang dalawang lalaking nurse na umalalay sa akin pasakay ng wheelchair.

Ate Rajah wheeled me to ICU where Reign is. Naabotan namin si Kuya Ryan at Ramses na nakatungo habang nakaupo.

"Hon," tawag ni Ate kay Kuya Ryan nang makalapit na kami sa gawi nila. Nagtaas ng tingin ang magkapatid na binigyan ako ng maliit na ngiti bago sabay na tumayo.

"Elijah, okay ka na ba?" Sabi ni Kuya Ryan pagkahinto niya sa harap ko.

"O-opo Kuya, medjo masakit lang po ang katawan ko." He give me a small smile and patted me on my shoulder.

"Lucky you, kid, sa damohan ka tumilapon." Aniya. "But Reign," iling niyang sabi. "Unfortunately, tumama ang ulo niya sa semento."

Napatungo ako sa huling sinabi niya. "I'm sorry Kuya," mahina kong sabi. "I'm sorry dahil di ko po nagawang ingatan at iligtas si Reign." Humihikbing sabi ko. Umiling siya.

"Wala kang kasalanan, Elijah, nabangga ang kotse niyo ng truck. The driver now is in jail." Nagpapaintinding sabi niya bago humarap kay Ate. "Pumasok na muna kayo, Hon. Maya-maya darating ang nurse at doktor na magche check sa kaniya."

Tumango si Ate at agad na akong itinulak papasok ng ICU. Pinasuot sa akin ni Ate ang scrub suit na blue at hairnet pati mask bago pinalapit sa kamang kinahihigaan ni Reign.

Napahikbi ako nang makita ang itsura niya. May nakakabit na tubo sa bibig, benda sa ulo, sugat sugat sa iba't-ibang parte ng katawan at pati na sa mukha. I reached for her hand and squeeze it lightly para iparamdam sa kaniya ang presensya ko.

"Reign, I'm sorry..." hikbi ko. "Sorry dahil nasa ganyan kang kalagayan ngayon."

"Sshhhh," Ate Rajah hush me while hugging me at the back. "Don't cry bunso. She might hear you." Paalala niya.

Tumikhim ako para alisin ang bikig sa lalamunan. "Today is our graduation day, Reign, I will call the school director to move it for you... gusto kong nandoon ka, Reign, pangarap mo ang umakyat ng entablado para tanggapin ang diploma at medalya mo." Kwento ko.

"I'll call Jhiny too to tell her about what happened... I'll do whatever makes you happy Reign...." huminto ako sandali para huminga. "I'll do everything for you.."

PAGKATAPOS ng tagpong iyon ay hindi na muna ako pinayagang bumalik doon. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit pero dahil ang Doctor ko na ang kumausap sa akin ay walang magawang pumayag ako.

Tinawagan ko rin ang school director at pinakiusapang mai-move kahit hanggang sa katapusan ng buwan ang aming pagtatapos. Nagulat pa ito nang malaman kung bakit ano ang dahilan ko na hilingin ang bagay na 'yun.

"Elijah? Bunso wake up," napamulat ako bigla nang marinig ang boses na 'yun ni Ate Rajah. Napabuntong hininga akong umiling dahil hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako.

"Kumain ka na ba?" Ani Ate habang inaayos sa side table ang prutas na binili niya. Tumango ako habang tinitignan ang oxygen monitor. "Hindi ka ba muna uuwi? Baka mabinat ka naman sa sobrang puyat Elijah, alam mo namang nag-aalala na rin si Mommy sa'yo."

I massage my temple when it throbs. "I was planning to go home now Ate, don't worry," sagot ko na ikinangiti niya sabay tapik sa balikat ko.

"Sige, ako muna ang magbabantay dito... tatawagan ko si Ryan para sabihan siyang umuwi ka muna." Tumango lang ako kay Ate habang nakatuon ang tingin kay Reign.

Nang mag alas tres na ng hapon ay napag pasiyahan kong umuwi na muna sa bahay para makatulog ng maayos dahil 'yun ang pinayo sakin ng doctor. Naabotan ko si Mommy na malungkot na nakatitig sa kawalan, at napangiti lang nang makita akong pumasok ng bahay.

"Oh my hijo! Buti naman at umuwi ka anak. Your Doctor were so worried about you not getting enough sleep this past few days," naiiyak na sabi ni Mommy habang iginigiya ako paupo sa sofa. "You want something to eat, anak?"

"No Mom," iling ko at bahagyang ngumiti. "I'm full."

She nods and gave me a small smile. "Reign will be fine okay? Just pray and pray anak. For now, magpahinga ka muna para maibalik mo ang dating lakas mo, hmm?" Masuyong ani Mommy sakin. Naglalambing na sumandal lang ako sa balikat niya habang hinahaplos niya ang buhok ko. And maybe, because of sleepless nights, I get easily fell asleep in her arms.

Nagising lang ako na nakahiga ako sa sofa at nakakumot na. I roam around my eyes and I saw Mom inside the kitchen wearing her apron while baking. Kausap niya via Video call si Dad na nagpaiwan lang sa states kasama si Kuya Lucas.

I sigh and close my eyes again to sleep.


📌LaaLaa says: Unedited part. Raw and freshly bale (chariz)... You know the drill guys hehehe 😉

📣PLEASE FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FOR MORE UPDATES:

FACEBOOK: Shiela Arocha

TWITTER: laalaabiesWP

INSTAGRAM: laalaabies

SNAPCHAT: shielaarocha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top