Ipaalala

"Ipaalala"
Sinulat ni Liya Carpio

Minsan, nagtagpo ang ating mga mata.
Sa gitna ng maliwanag na kalangitan.
Sa gitna ng daan.
Kung saan, natagpuan ko ang iyong tinig.

Ang tinig na minsan ay nagbigay sa 'kin ng lambing.
Lambing. Himbing.
Na sa tuwing gabi ay aking baon.
Sa gitna ng mga panaginip. Sa gitna ng katotohanan.

Kaya hayaan mo akong ipaalala sa 'yo,
Ang ilang sandali na ako lang ang nakakaalam.
Hayaan mo akong ipaalala sa 'yo,
At hahayaan kitang ipaalala sa 'kin na walang tayo.

Ipapaalala ko sa 'yo kung paano mo ako ngitian,
Ipaalala mo sa 'kin kung paano mo ako hindi pinansin.
Dahil wala namang atin.
Walang bagay - Walang tayo – Dito sa mundo

Ipapaala ko sa 'yo kung sino ako.
At ipaalala mo sa 'kin na hanggang ngayon,
Hindi mo pa rin alam kung sino ako sa buhay mo.
Ako, ako na nagmamahal sa 'yo.

Ipapaalala ko sa 'yo ang ilang segundo na naging masaya ako sa piling mo.
Ipaalala mo sa 'kin na balewala lang ito.
Ipaalala mo sa 'kin.
Na hanggang dito lang tayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top