Day 69

06:28 AM
Liya:
Magandang umaga!

Louie:
Good morning, Miss Carpio.

Liya
Marami kang gagawin?

Louie:
Busy day?

Liya
Haha.

Louie:
Haha.

This is one of the sign that we're meant to be.

Liya:
*Rapid shallow breathing*

Naniniwala ka do'n? Bakit nagiging sweet ka na masyado? Si Louie ka ba? Huhu.

Louie:
This is your Louie. And I believe in meant to be. Like you are meant to be mine.

...

...

Louie:
Kinilig ka?

Liya
Louie! Huhu. Don't be like that.

Louie:
Like what?

This is me, voicing out my feelings for you, Liya. If I need to remind you how much I needed you in my life, I will.

Kaya masanay ka na.

Because there's something more I want to say and I want to do when the right time comes. Because to tell you honestly, I am really excited meeting you on person and hold you.

Be ready for that, Miss Carpio.

Liya
Ah...

Sige.

Louie:
Good.

And in case you forgot, I like you.

Seen 07:02 AM

Liya
Hindi ko talaga alam ang sasabihin.

Saka palagi pa rin talaga ako mabibigla sa 'yo. Sa lahat ng sasabihin mo. Sa lahat ng mga gagawin mo.

Pero I like you.

Ingat sa pagpasok! Break a leg!

Seen 07:15 AM

Louie:
That's my girl.

Seen 07:20 AM

Liya:
Ah...

Louie:
Haha.

Seen 07:22 AM

---

09:00 PM
Liya
I saw him.

Aelie:
What do you mean?

Liya:
Nagpa-check up ako kanina tapos nakita ko si Louie with his mom.

Aelie:
Wait. What? Nagpa-check up ka? Are you okay? Are you sick? What happened?

Liya
Kalma haha.

Kinakabahan ako kanina pero natawa ako sa 'yo haha. Ayiiieh concern siya haha.

Aelie:
Liya!

Liya:
Haha. Nagpa-check up ako kasi madalas akong nahihilo. Pero ayos naman na ako. Low blood lang pala.

Aelie:
Iwasan mo na kasi ang pagpupuyat mo. At huwag kang masiyadong nagpapagod.

Liya:
Opo, 'nay.

Aelie:
I'm serious.

Liya
I know. Thank you~

Aelie:
Okay. Now tell me what happened.

Liya:
Nakasalubong ko si Louie at ang mommy niya no'ng pauwi na ako. Actually, nakita ako ni Louie pero hindi naman niya ako pinansin. Sandali lang niya ako tiningnan. Hindi man lang niya ako nginitian. Pero nginitian ako ng mommy niya.

Sa tingin mo ba kapag dumating 'yong time na nagkita kami ni Louie, matatanggap niya ako?

Paano kapag nag-expect siya tapos hindi naman pala ako gano'n?

Aelie:
Tatanggapin ka niya. Huwag kang masiyadong mag-worry.

Liya:
Hindi ko alam. Hindi niya talaga ako kilala, e.

Aelie:
Are you crying?

Liya
No.

Hindi pa. Nagwo-worry lang talaga ako. Nalulungkot.

Aelie:
You knew him, right? He is not the kind of person who smiles when he sees a familiar face. 

Liya:
I know.

Aelie:
Kaya huwag ka na mag-worry. Saka kapag hindi ka niya tinaggap, ipapasapak ko siya kay Lenard haha.

Liya
Sige haha.

Aelie:
Cheer up!

Liya:
Thank you!

Aelie:
Welcome. Thank you rin sa cake. Naubos ni Lenard haha.

Liya:
Dapat hindi mo siya binigyan haha.

Aelie:
Inagaw niya haha.

Liya:
Hmp!

Seen 09:24 PM

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top