Day 50
11:00 AM
Louie:
I don't know if it's just me or what, but what do you mean that I don't remember you?
Liya:
Wala 'yon. Wrong send nga.
Louie:
No. You asked that question on me before.
Liya:
Baka wrong send?
Louie:
Wrong send in messenger? Really?
Liya:
Bakit sa text lang ba puwede ang wrong send? Hah. Hindi kaya. Na-wrong send nga ako minsan sa prof namin. Ang sabi ko ba naman, "HOY. INIWAN MO NA NAMAN AKO! DIYAN KA NA SA BOYFRIEND MO! MAGSAMA KAYONG DALAWA! All caps pa 'yan tapos biglang nag-reply prof ko, "What are you talking about, Miss Carpio?" Napahiya ako! Parang gusto kong maglaho no'ng panahon na 'yon haha tapos sabay drop. Sinabi kong wrong send at nag-sorry na lang ako. Kaya lang hindi ko alam kung naniwalang na-wrong send nga ako haha.
'yan ngayon haha. SKL. Share ko lang haha. Ang witty ng mga Pilipino. Dapat pinaparangalan tayo, e.
Louie:
Okay fine. Nakalusot ka do'n.
Liya:
*Le sigh* Buti! Ipaglalaban ko talaga 'to. Free will ko ito haha.
Louie:
Alright, Miss Carpio.
Liya:
I almost forget. Did you drink your meds? Matulog ka na kaya?
Louie:
I already drink my meds. Thank you. And about sleeping, well can I just talk to you? At least 30 more minutes?
Liya:
Hindi puwede! Baka hindi ka gumaling niyan. Bawal magpuyat ang maysakit! Tulog na.
Louie:
But.
Liya:
No buts! Sleep.
Louie:
Alright. Good night, Miss Carpio.
Liya:
Rest well.
Seen 11:34 PM
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top