Kapitulo XIII - Stay

Napatakbo ako papalapit sa may living room ng bahay ni North nang makita siyang nakahandusay sa sahig habang may nakakalat na mga bubog na sa tingin ko ay dahil sa isang gamit na nabasag. Agad ko siyang dinaluhan at inalalayan pahiga sa sofa. Nang tuluyan ko siyang maihiga ay tinapik ko agad ang kanyang pisngi. "North? North! Wake up, please! Open your eyes..." natatarantang usal ko. Ramdam ko ang matinding init ng kanyang katawan at panlalamig ng kanyang mga kamay. "Damn it!"

Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata at nakatikom ang bibig. Pinakiramdaman ko ang kanyang pulso at halos lumabas ang aking puso sa sobrang kaba nang hindi ko agad mahanap ang tibok nito. Agad kong inilapit ang aking tainga sa kanyang bibig at naramdaman kong umawang iyon nang kaunti upang huminga nang maayos bago muli itong itinikom.

"M-Mmm..." Kita ko ang sunud-sunod na paggalaw ng kanyang Adam's apple habang nakatikom ang kanyang bibig.

Para akong nabunutan ng tinik nang marinig ang tugon niya. "Wait lang, North... I'm here, okay? Kukuha lang ako ng—" Natigilan ako sa pagsasalita nang hawakan ng nanlalamig niyang palad ang aking kamay upang pigilan ako sa pagtayo.

"W-Wag mo k-kong iwan..." nahihirapang usal niya.

Bumagsak ang aking balikat dahil sa sinabi niya. Ramdam ko ang panghihina ng aking mga tuhod at paninikip ng aking dibdib habang nakikita siyang nahihirapan. Umupo ako muli sa tabi niya at idinampi ang kamay ko sa kanyang pisngi. "I'll be back. May kukunin lang akong mga gamit pati gamot para maalagaan na kita, okay? I-I won't leave you, North..."

Kahit bakas ang sakit at paghihirap sa kanyang mukha ay nakuha niya pa ring ngumiti dahil sa sinabi ko. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik bago tumayo na at dumiretso sa kanyang silid upang kumuha ng unan at kumot pati na rin ng kanyang pamalit na damit. Kumuha rin ako ng bimpo at medicine kit mula sa kanyang drawer.

Pagkalabas ko ng kanyang silid ay dumiretso agad ako sa sofa at inayos muna ang kanyang pagkakahiga bago siya kinumutan. Tinitigan niya ako gamit ang kanyang mapupungay na mga mata. Idinampi ko ang aking kamay sa kanyang noo at napabuntong-hininga na lang nang maramdaman ang matinding init nito. "Ang init mo..."

Kahit nakapikit ang mga mata dahil sa pagod ay umusbong pa rin ang isang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. "I know right. I'm really hot..."

Marahan kong pinisil ang tungki ng kanyang ilong. "Ikaw talaga! May sakit na't lahat-lahat, napakayabang mo pa rin!" pabirong sabi ko sa kanya. Mahina siyang natawa dahil sa sinabi ko kaya napatawa rin ako. Maya maya'y tumayo na ako upang magluto ng soup na makakain niya bago siya uminom ng gamot at makagpahinga. Inayos ko na rin ang basin na may lamang maligamgam na tubig at saka ibinabad ang maliit na tuwalya.

Pagbalik ko ay nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog habang bahagyang nakaawang ang bibig. Inilapag ko muna ang tray ng pagkain bago umupo sa kanyang tabi. Piniga ko ang towel na nakalagay sa basin bago nagsimulang punasan ang kanyang mukha. Napangiti ako nang palihim nang magsimulang punasan ang mga mata niyang may mahahabang pilik pababa sa kanyang leeg. Ibinabad kong muli ang maliit na towel bago pinigaan at nagsimulang punasan ang kanyang mga braso at kamay.

Nang matapos punasan ang kanyang mga kamay ay ibinaba ko muna saglit ang tuwalya bago napalunok nang hawakan ko ang laylayan ng kanyang suot na sa damit na pantaas. Mahina akong napamura habang dahan-dahang inaangat ito. Napasinghap ako nang makita ang kanyang katawan bago naramdaman ang maliliit na butil ng pawis na lumalabas sa aking noo.

Halos mabitiwan ko naman ang damit niya nang makitang nakatitig na pala siya sa akin na tila ba namamangha sa reaksyon ko. "Why do you look so nervous, babe?"

Inirapan ko na lang siya at hindi na lamang pumatol pa sa pang-aasar niya. Itinuloy ko ang pagtanggal ng kanyang damit hanggang sa ulo niya bago iniwas ang tingin sa kumikinang niyang katawan.

Nanginginig ang mga kamay na inabot ko ang sandong kinuha ko na pamalit niya ngunit tila nanlamig ang mga kamay ko nang maramdaman ko ang mas malamig niyang kamay na nakahawak dito. "Babe..." malambing na tawag niya sa akin. Pakiramdam ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig kaya hindi agad ako nakagalaw.

"A-Ano?" mahinahon kong tanong sa kanya kahit sa loob-loob ko'y para na akong kukunin ng liwanag dahil sa matinding kaba.

"Pakiss nga..." Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Natigalgal na lamang ako at naubusan na ng sasabihin. Nagulat naman ako nang bigla siyang humagalpak ng tawa habang nakahawak sa kanyang abs— I mean, tiyan.

Sa sobrang inis ay ibinato ko sa mukha niya ang damit na pamalit at tumayo na mula sa pagkakaupo. Tinitigan ko siya nang masama bago sinigawan. "B-Bahala ka nga sa buhay mo! Aalis na ako!"

Naglakad na ako patungo sa pint9 palabas ng main door ngunit bago ko pihitin ang doorknob ay napaharap ako pabalik sa kanya nang hilahin niya ako palapit sa kanya. "Ito talagang babe ko, napakabilis mapikon. Hmm... 'Lika nga rito," aniya bago ako pinalibutan ng kanyang mga bisig.

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso na tila umuugong na sa aking pandinig. Ramdam ko rin ang init ng kanyang katawang nakayakap sa akin dahil wala siyang suot na pantaas. Tila estatwa naman ako sa pagkakatayo habang si North ay nakayakap sa akin. Gusto ko siyang itulak palayo, gusto kong umatras, gusto kong gumalaw, pero parang ang mga paa ko ay nakadikit na sa sahig na siyang pumipigil sa aking umalis.

"Stay close... Don't go..."

Parang may sariling buhay ang aking mga kamay nang ito'y kusang umangat patungo sa kanyang likod upang yakapin siya pabalik. Kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha ay ramdam ko ang kanyang pagngiti. Unti-unti kong naramdaman ang bigat ng katawan niya kaya naman napasandal ako sa may pinto. "N-North?"

"Hmm..."

"Tsk! Baliw ka kasi, 'lika na at ihihiga na ulit kita sa sofa. Sige na, 'wag na matigas ang ulo, ha? Aalagaan kita," pangangaral ko sa kanya. Inilagay ko ang kanyang braso sa aking balikat bago inalalayan siya patungo sa sofa. Nang makahiga siya ay mabilis ko siyang sinuotan ng damit bago kinumutan at inilagay ang malamig na bimpo sa kanyang noo.

Kinuha ko ang tray ng kanyang pagkain at tinapik nang marahan ang kanyang pisngi upang imulat niya ang kanyang mga mata. "Kain ka muna, tapos inom ka ng gamot bago ka magpahinga. Babantayan kita hanggang sa paggising mo."

Tumango siya sa akin bago bahagyang bumangon at sumandal sa sofa. Ipinatong ko sa lamesa ang tray at kinuha ang bowl ng soup pati ang kutsara. Akmang kukunin niya ang kutsara ngunit tinapik ko ang kanyang kamay na siyang ikinagulat niya. "Ako na! Ang kulit mo talaga!" singhal ko sa kanya.

Tinaasan niya muna ako ng isang kilay bago magsalita. "Kaya ko naman 'yan. Ako na."

Napairap ako dahil sa kanyang sinabi. "Mukha mo! Kaya pala nadatnan kita dito na nakahandusay sa sahig tapos nabasag 'yong isang baso mo, 'no?" sarkastikong sabi ko sa kanya.

Inismiran niya lamang ako bago bumalik na sa pagkakasandal. Nagsimula na akong sumalok sa soup at inilapit ang kutsara sa kanyang bibig ngunit nanatili lamang itong nakatikom. Tinitigan ko siya nang matalim bago binantaan. "Nga-nganga ka, o nga-nganga ka?"

Napanguso siya dahil sa tanong ko. "Mali! Dapat 'Nga-nganga ka o hahalikan kita?' 'yong choices," suhestiyon niya sa akin.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. "Gusto mo 'yon?"

Ngumiti siya na tila isang inosenteng bata bago masiglang tumugon sa akin. "Uh-huh."

Ibinaba ko ang bowl at kutsara sa may tray bago inirapan siya. "In your dreams! Kumain ka mag-isa mo!" pagalit na sabi ko sa kanya. Nakakainis! Daig pa ng bata 'tong inaalagaan ko, eh! Mas okay pa nga yatang mag-alaga ng batang maysakit kaysa sa damulag na 'to na feeling baby pa rin kung mag-inarte!

Narinig ko ang halakhak niya bago kinuha ang kutsara at iniabot sa akin. Ngumiti siya nang matamis bago magsalita. "Subuan mo na ako, mommy! Nga-nganga na po!"

"Okay," inis kong sabi sa kanya bago kinuha ang kutsara at nagsimula na ulit sumalok ngunit pinigilan niya ako.

"Bakit 'Okay' lang?!" inis na tanong din niya sa akin.

Nagtataka ko siyang tinitigan. "Oh, ano namang problema ro'n?" naiinis ko ring tanong sa kanya.

"Dapat 'Okay, baby!' ang sinabi mo!"

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. "Ano?! Bakit naman?!"

"Eh, 'di ba sabi ko 'mommy'? Dapat 'baby' ang tawag mo sa akin!" nagtatampong sabi niya na tila isang spoiled na bata. Nasapo ko na lamang ang aking noo dahil sa sinabi niya. So, sinabi niya pala 'yon on purpose? Ano ba 'tong inaalagaan ko, sanggol?!

Tinitigan ko siya nang matalim bago binantaan. "Ikaw, puro ka kalokohan, ah? Konting-konti na lang isusungalngal ko na sa'yo 'tong buong mangkok ng soup!"

Napakamot na lamang siya sa kanyang ulo at hindi na kumontra pa. Maya maya'y naubos niya na rin ang soup at nakainom na ng gamot. Pinahiga ko na siya ulit at nilagyan ng bimpo ang kanyang noo. "Magpahinga ka na muna. Lilinisin ko lang 'tong kalat mo kanina," wika ko bago tumayo ngunit agad niyang nahagilap ang pala-pulsuhan ko.

"You'll stay, right? Promise me..." mahinahong sabi niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "I will, I promise." Pagkatapos kong sabihin iyon ay dahan-dahan na siyang bumitiw sa pagkakahawak sa akin bago unti-unting nagpahila sa kanyang antok.

Nilinisan ko ang mga kalat na bubog sa sahig pati hinugasan ang pinagkainan niya bago ako bumalik muli sa tabi niya at binantayan siya hanggang sa tuluyan na rin akong hilahin ng aking antok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top