Kapitulo VII - Pretend
Kinaumagahan ay ramdam ko ang bigat ng aking mga mata habang naglalakad. Parang pati ang katawan ko ay mabigat at parang gusto ko na lang din yatang manatili rito sa bahay. Naligo muna ako, nagbihis, at nag-ayos ng sarili bago lumabas sa aking silid.
Pagkalabas ko ng kwarto ay halos mapatalon sa gulat si Anna nang makita niya akong nakatingin sa kanya. "Holy sh—"
Pinagtaasan ko na lamang ng isang kilay ang over-acting niyang reaksyon at saka muling nagpatuloy sa paglalakad papuntang kusina.
"Leche ka, Demi! Akala ko pinasok na tayo ng zombie rito! Anong nangyari sa mga mata mo?!"
Patamad ko lang siyang tinapunan ng tingin bago umupo na sa isang upuan sa may lamesa. "Huwag mo na lang pansinin."
Pumunta siya sa may harapan ko at pinagtaasan din ako ng isang kilay habang nakapameywang. "Nagpuyat ka ba? O umiyak ka na naman magdamag?!" eksaheradang tanong niya.
Inirapan ko siya. "Anong akala mo sa 'kin? Forever na lang iiyak gabi-gabi?" inis na sabi ko.
Napahawak pa siya sa kanyang baba na tila nag-iisip. "So nagpuyat ka nga? Bakit ka nagpuyat, ha? Kala mo naman may pinagpupuyatan ka! Uy, gising gising sa katotohanan, Demi! Wala ka nang jowa, 'teh!"
Sinamaan ko siya ng tingin bago nagpalaman ng itlog sa tinapay. "Oo na! Ang dami pang sinabi, eh!" inis na sabi ko sa kanya bago humigop sa aking kape.
Napailing-iling pa siya habang nakatingin sa akin. "Siguro ay kausap mo si Hilaga magdamag, 'no?"
Halos mabuga ko naman ang iniinom kong kape dahil sa sinabi niya. What the hell? Paano niya nalaman? Narinig niya kaya? O baka nagising siya dahil sa ingay ko kagabi? Damn!
"H-Hindi, 'no! As if naman!" pagsisinungaling ko sa kanya bago umiling nang sunud-sunod.
Tinitigan niya ako na tila ba sinusuring mabuti ang aking mukha kung nagsasabi ako ng totoo. "Weh? Hindi mo nakausap si North?" panggigisa niya sa akin.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "N-Nakausap pero... hindi magdamag!" pagtatanggol ko sa aking sarili.
Nanliit ang kanyang mga mata habang nanatiling nakatitig sa akin. "Talaga ba?"
Napairap ako sa tanong niyang tila hindi kumbinsido sa mga sagot ko. "Oo nga sabi! Siguro sa'yo niya nakuha 'yong number ko, 'no?!"
Nagulat ako nang bigla niya akong hinampas sa braso. "Shet bagay na bagay talaga kayong dalawa, bes!" Kinikilig-kilig na sagot niya.
Sinamaan ko siya ng tingin habang nakahawak sa braso kong hinampas niya. "Mandiri ka nga, hoy!"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Wow, ikaw pa talaga ang choosy, ah? Ganda mo naman!" Sarkastikong sabi niya sa akin.
"Maganda talaga ako," mayabang na sabi ko sa kanya.
"Pero puyat!"
Napanguso ako sa sinabi niya. "At least maganda pa rin!"
"Yuck!" maarteng sabi niya bago umarteng parang nasusuka. "Pero bagay kayo ni Hilaga! Hehe," pag-iiba niya sa usapan. Tiningnan ko siya nang blangko bago muling kumagat sa aking tinapay.
"Nung una talaga crush ko siya! Naalala mo yung unang beses na nakilala natin siya? Nung nalaman ko name niya, lalo akong kinilig! Pangalan pa lang, tunog fafa na!" Kinikilig na sabi niya.
Namamangha akong napatingin sa kanya. Seryoso ba siya? Ano namang kagusto-gusto sa mokong na 'yon? "Eh, bakit mo ako inaasar sa kanya? Dapat sa'yo na lang siya!" suhestiyon ko sa kanya.
Hinampas niya muli ako sa aking braso. "Ano ka ba! Hindi pa kasi ako tapos magkwento!" inis na saway niya sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya at hinayaan siyang magkwento habang nakain ako. "As in, sobrang gwapong-gwapo ako kay Fafa North tapos na-realize ko na mas bagay kayo noong nagsimula kayong mag-asaran. As in, may sparks talaga! Alam mo 'yong pakiramdam na para akong nanonood ng K-Drama? Gano'n na gano'n kayo, beshy!"
Napairap ako dahil sa sinabi niya. "Ay, parang ang O.A. na, ah."
Napalingon kami parehas nang biglang tumunog ang doorbell. Nagkatinginan kaming dalawa ni Anna bago parehong napakunot ang noo. Nagkibit-balikat na lamang ako at hinayaan siyang magbukas ng pinto upang tingnan kung sino ang taong pumunta nang ganito kaaga. Uminom na lamang ako ng tubig nang maubos ang kape.
"Hi, babe! Good morning!"
Napaubo ako nang sunud-sunod dahil mabilis kong nalunok ang tubig na iniinom ko. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at pinunasan ng tissue ang aking bibig bago inabutan ako ng tubig. Nang mahimasmasan ako ay agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Anong ginagawa mo rito?! Ang aga mo namang mambulabog!" singhal ko sa kanya.
Napatawa siya sa akin. "Ano pa nga ba? Syempre, binibisita 'yong 'girlfriend' kong maganda." Hindi ko alam kung sinasadya ba niya talagang idiin at lakasan ang pagbanggit ng salitang 'girlfriend' o pinagt-trip-an niya lang talaga ako sa harap ni Anna.
Nagulat ako nang biglang tumili si Anna sa may likuran naming dalawa na tila nakakita ng artista sa personal. "Kayo na?!"
Bago pa ako makapagsalita ay inakbayan niya na agad ako at mabilis na hinalikan sa pisngi. "Oo, sinagot niya na ako kahapon lang," mayabang na sabi niya.
Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. Ano bang trip sa buhay ng isang 'to? Hobby niya na ba ang bwisitin ako araw-araw?
Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti ng matamis. "Di ba, babe?" Tanong niya sa akin bago bahagyang pinisil ang braso kong inaakbayan niya. Napangiti ako ng peke sa sinabi niya bago tumango at pasimpleng kinurot siya sa kanyang tagiliran. Plastikan goals.
"OMG!" Nagtitili na naman nang parang kiti-kiti si Anna roon at nagpaalam na mauuna na raw siyang pumasok sa school at sumunod na lang daw kami. Kinindatan niya pa ako na tila ba may ibig sabihin bago ngumuso kay North. Napahawak na lang ako sa aking sentido at napabuntong-hininga bago hinintay na makaalis si Anna.
Pagkasarado pa lang ng pinto ay pinaulanan ko na agad ng hampas at suntok sa braso si North. "Ang kapal talaga ng mukha mo kahit kailan! Nakakainis ka!" singhal ko sa kanya.
"A-Aray ko naman, babe! Tama na— Ah! Aray naman! Ang sakit na, ha!" daing niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala ka na bang ibang alam gawin kun'di sirain ang araw ko?!" singhal ko sa kanya.
"Mayroon pa, ang buuin ang araw mo."
Napapikit na lang ako upang pakalmahin ang sarili. Maaga akong babawian ng buhay dahil sa sobrang pagka-high blood ko lagi dito sa lalaking ito, eh!
"Pwede bang shut up ka na lang?" mahinahong tanong ko sa kanya bago pumikit at hinawakan ang aking sentido.
Napamulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako patayo. "Tara na, sabay tayong papasok sa school ngayon," nakangiting sabi niya sa akin.
"At bakit?" mataray na tanong ko sa kanya.
"Makikita tayo ng ex mo ngayon. Kailangan mong ipakita sa kanya na nakamove on ka na sa kanya," seryosong sabi niya.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at nanatili na lamang tahimik hanggang sa makapasok kami sa kanyang sasakyan. Tila napansin niya naman ito kaya napabuntong-hininga siya. "Ayaw mo ba?"
Napatingin ako sa kanya pero agad ding napaiwas nang magtama ang tingin naming dalawa. "H-Hindi naman sa gano'n..."
Ngumiti siya sa akin kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. "Ganito na lang... Kung gusto mong balikan ka pa rin ng ex mo, tutulungan pa rin kita. Basta ipapakita lang natin na mukhang naka-move on ka na at ako ang bago mong boyfriend para habulin ka ulit niya at balikan," paliwanag niya sa akin.
"Be mine forever."
Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang maalala ang kanyang sinabi sa akin kaninang madaling araw. Itinikom ko na lang ang aking bibig at hindi na umimik sa buong biyahe patungong school. Nang makarating kami roon at makapag-parking ay sabay kaming naglakad papasok ng building. Hinawakan niya agad ang kamay ko nang mamataan ang ex ko na kasama ang girlfriend niya.
Nang magtama ang tingin naming dalawa ni Drake ay napahigpit ang hawak ko kay North na agad niya namang napansin kaya hinawakan niya ang baba ko at marahang hinarap sa kanya ang mukha ko. "Shh... Okay lang 'yan. Nandito lang ako, babe," nakangiting sabi niya sa akin.
Kita ko sa gilid ng paningin ko na nakapako ang tingin sa amin ni Drake pero agad din niyang hinila ang girlfriend niya paakyat ng hagdan.
"Ang P.D.A masyado, ah..." pabulong kong sabi sa kanya. Napatawa naman siya sa akin bago binitiwan ang baba ko at hinila na rin paakyat ng hagdan. Kaming dalawa na lamang ni North ang naakyat doon at mukhang nauna na sila Drake umakyat. Napakunot ang noo ko ngunit ipinagkibit-balikat ko na lamang ito at ipinagpatuloy ang pag-akyat sa hagdan.
"Hays, bakit ba naman kasi 4th floor pa!" reklamo ko.
"Para mabawasan daw yung taba mo," biglang sabat ni North.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo, kahit kailan talaga ay pabibo ka!" sarkastikong sabi ko sa kanya.
"Ikaw nga bida-bida ka, eh," sabi niya sa akin.
"Ano—"
"Bidang-bida ka kasi sa puso ko." Pagputol niya sa sasabihin ko.
Napanga-nga ako sa corny niyang banat. Seriously? Ito na ba ang pinaka-sweet niyang sasabihin? Kahit yata ipis at daga ay hindi kikiligin, eh!
"Pabibo na nga, ang corny pa. Tsk!" napapailing na sabi ko bago nauna na sa pagpasok sa room.
Nang nakatalikod ako sa kanya ay unti-unti ring kumawala sa aking labi ang ngiting kanina ko pa pinipigilan. Kahit talaga nakakabadtrip at nakakasira ng araw yung lalaking 'yon ay kayang-kaya pa rin akong pa-ngitiin kahit ang corny niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top