Kapitulo III - Déjà vu
Kinabukasan ay maaga na akong gumising dahil Lunes na at ngayong araw ang unang araw ng klase namin para sa ikalawang semester ko sa college.
"Anna, wala na bang ibibilis 'yan?!" sigaw ko habang naiinip na nakatayo sa harap ng banyo kung saan naliligo ang aking kaibigan.
"Teka lang naman! Atat masyado? Nagko-Kojic pa ako, 'teh!" Sigaw niya pabalik.
Napahawak na lang ako sa aking sentido dahil nananakit ang ulo ko kay Anna. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas singko y media na ng madaling araw.
Kinalampag ko ang pinto ng banyo. "Hoy, Anna Victoria, 5:30 AM na! Malayo pa ang biyahe natin papuntang school! Traffic ngayon at magc-commute lang tayo!" Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Anna na nakatuwalya lang. Inirapan niya agad ako at nilagpasan. Mabilis akong pumasok doon at nagsimulang maligo.
Nang maramdaman ang pag-agos ng maligamgam na tubig sa aking mukha at katawan ay tila unti-unti akong dinadala nito palayo sa reyalidad.
"Hoy, batang masungit!" Inis akong lumingon sa pinanggagalingan ng boses at nakita ang nakakainis na lalaki na nang-asar sa akin noong isang linggo. Inirapan ko lang siya at muling pinaandar ang kotseng pinapaandar gamit ang remote control. "Ang sungit mo talaga! Tsk."
Tinapunan ko lang siya ng pagod na tingin. "Alam mo kung wala kang magandang sasabihin, shut up ka na lang!"
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at kinuha ang remote control sa kamay ko. "Kababae mong tao, kotseng de-remote control ang laruan mo! Dapat sa'yo ay Barbie doll!"
Hinila ko sa kamay niya ang remote control at tinalikuran siya. "Hindi naman kasi lahat ng babae ay kailangang Barbie doll ang hawak."
Narinig ko ang hagikgik niya. "Abnormal ka kasi."
Sarkastiko akong ngumiti sa kanya. "I'm not abnormal, I'm just different. I'm not like all the other girls you know."
Kita ko ang pagkamangha sa mga mata niya kaya inirapan ko siyang muli. "Tomboy ka siguro," pahabol na aniya.
"Alam mo, pabibo ka talaga!" inis na sabi ko sa kanya.
"Ah, so tomboy ka talaga? 'Di mo tinanggi, eh."
Inis na ibinaba ko sa sahig ang remote control na hawak ko at tuluyang humarap sa kanya habang nakapameywang. "Hindi ako tomboy! Bakit ba ang pakielamero mo, ha?!"
Umangat ang isang gilid ng labi niya. "Eh, bakit ang sarap mong asarin?"
Napasinghap ako sa sinabi niya at napahawak sa sentido bago pilit na pinakalma ang sarili. Dapat hindi ako nag-aaksaya ng oras sa mga walang kwentang kausap, eh!
"You know what? Let's be friends. Magkakasundo tayo." Napabalik ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Are you stupid or what? Tayong dalawa? Friends? Friends, my ass!" sarkastikong sabi ko sa kanya.
Napahalakhak siya sa sinabi ko. "Ang cute mo talaga, batang masungit!"
Inirapan ko muna siya bago ako tumalikod at pinulot ang remote control sa sahig. Pinaandar ko na lamang muli ang sasakyan at hinayaan siyang magpuputak sa likod ko.
"Isang araw, kapag malaki na tayong dalawa, gusto ko ikakasal ka sa akin, batang masungit."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at paglingon ko ay wala na siya sa kinatatayuan niya kanina.
"Hoy, Demetria Madison! Akala ko ba ay kailangan nating magmadali?! Bakit ikaw d'yan 'yong mabagal kumilos?" Napamulat ang aking mga mata at nabalik sa reyalidad nang marinig ang sigaw ng kaibigan mula sa labas.
Binilisan ko na lang ang pagligo at paglabas ng banyo ay nagbihis na agad ako ng uniporme. As expected, na-late kami sa first day katulad lang noong last semester.
Pagkapasok sa unang klase ko ay mapalad ako nang makitang wala pang prof. sa unahan ngunit marami nang estudyanteng magkakakilala na. Mukha ring walang nakapansin sa pagdating ko kaya dire-diretso lamang akong pumunta sa may bandang likod na upuan na katabi ng bintana.
Isinalpak ko ang earphones sa aking magkabilang-tainga at nagrandom play ng kanta. Ipinatong ko ang aking pisngi sa aking kamay at tumingin sa kulay asul na kalangitan sa labas ng bintana. Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin dito hanggang sa marinig ko ang isang shutter sound ng isang camera.
Nanlalaki ang mga matang nilingon ko ito at nakita ko ang nakakaasar na pagmumukha ng lalaking nanira ng gabi ko kagabi.
"Oops, nakalimutan kong i-silent," pa-inosenteng sabi niya bago sumipol habang inaayos ang upo sa tabi ko.
Pinandilatan ko siya ng mga mata at agad tumayo upang sugurin siya. Tumayo rin naman agad siya at itinaas ang kanyang cellphone na sinubukan kong abutin ngunit hindi ko ito maabot dahil sa tangkad niya.
"Ano ba?! Akin na 'yan! I-delete mo 'yong picture!"
Napasinghap ako nang makita ko na naman ang nakakairitang ngiti sa kanyang labi. "Abutin mo muna," pang-aasar niya.
Hinampas ko ang dibdib niya at tinitigan siya nang masama. "Alam mo ikaw, pabibo ka talaga, 'no?! Alam mong 'di ko 'yan maaabot dahil itinaas mo tapos ipapaabot mo sa 'kin?"
Mas lumawak ang ngisi sa kanyang labi. "Ang sabihin mo, pandak ka lang talaga."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Gosh, I can't believe this!
Tumalikod na lamang ako sa kanya at hinayaan siyang mang-asar sa likod ko. Iiling-iling akong napalingon sa paligid at nakitang nasa amin ang atensyon ng lahat ng nasa silid. Buti na lang at wala pang teacher dahil talagang malaking eksena 'to. Dapat hindi na ako mag-aksaya pa ng oras sa wala namang kwentang kausap!
"Bilis mo namang sumuko. Hmm..." Muling wika niya bago umupo sa upuan katabi ko.
Bakit ba ito ang pinili kong upuan?! Dapat inisip ko na maaaring may makatabi akong katulad niya na masarap ihambalos sa pader dahil sa sobrang kahanginan at ubod nang kapal ng mukha!
"Ano kayang gagawin ko sa picture na 'to? Hmm... I-post ko kaya? Hays," pagpaparinig niya sa akin na siyang nakakuha muli ng atensyon ko.
Inis na nilingon ko siya at tinitigan nang blangko habang pilit na pinapakalma ang sarili. "Bakit mo ba ako pinicture-an, ha?" mahinahong tanong ko sa kanya.
Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mukha niya dahil sa inasta ko kaya halos mapairap ako habang nakatingin sa kanya. "Mukha ka kasing nagse-senti 'dyan. Parang pangmusic video."
"Ah, talaga? Bakit BS Medical Technology ang kinuha mong course? Dapat nag-Multimedia Arts ka na lang kung 'yan pala gusto mo," may bahid pagkasarkastiko ngunit mahinahong sabi ko sa kanya.
Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko ngunit agad ding napalitan ng isang ngiti. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at isinalpak muli ang earphones sa aking tainga ngunti agad kumunot ang noo ko nang maramdaman pa rin ang titig niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay at pinatay ang music. "Oh, ano pang tinitingin-tingin mo d'yan?" pagtataray ko.
"Tss. Ang sungit talaga."
Hindi ko na napigilan ang sarili at napatayo na sa aking kinauupuan at binitbit ang aking mga gamit upang lumipat sa ibang upuan, ngunit bago pa ako makalagpas sa kanya ay naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking pala-pulsuhan. Gulat akong napalingon bago ibinaba ang tingin sa kamay niyang nakahawak sa may pala-pulsuhan ko. "What the hell?"
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nagtataka siyang tinitigan pabalik. "Dito ka na lang sa tabi ko. 'Wag ka nang umalis."
Nanginig ang aking mga labi habang nakatingin sa kanyang ngiti. Thousands of memories came rushing into my mind and I feel my world slowly spinning.
"Hoy, batang masungit!" Inis akong lumingon sa kanya bago siya inirapan. "Wow naman, nairapan agad ako, eh wala pa nga akong ginagawa!"
"Tss," singhal ko.
Nagulat ako nang maramdaman ko siya sa may tabi ko. Umusod ako nang kaunti upang makalayo sa kanya at patuloy na nagbuo ng palasyo sa buhanginan dito sa may tabing-dagat.
"Bakit ba ang sungit-sungit mo sa akin palagi?" kuryosong tanong niya.
Tiningnan ko lamang siya nang blangko bago ibinalik ang tingin sa palasyong ginagawa ko. 'Bahala ka d'yan mapagod kakasalita! Makiramdam ka naman na ayaw kitang kausap at kasama, batang kapre!' Napangiti ako sa sinigaw ko sa aking isip.
"Kailan ba tayo magiging magkaibigan, Demetria?" Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. Bakas ang pagiging seryoso sa kanyang mukha.
"H-How did you know my name?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Umangat ang isang gilid ng kanyang labi. "Bagay pala sa'yo ang malumanay magsalita. Siguro bagay rin sa'yo 'pag nakangiti ka," aniya.
"Sagutin mo ako!" singhal ko sa kanya.
"Ha? Bakit? Nanligaw ka na ba?" Gulat na tanong niya.
Napaawang ang aking bibig dahil sa tanong niya. Nasa tamang pag-iisip pa ba itong kausap ko? Pinapakulo niya talaga palagi ang dugo ko!
Tumayo na ako at pinagpagan ang aking damit at shorts na may mga buhangin at nagsimulang maglakad papalayo sa kanya. Wala namang kwenta kausap ang isang 'to kaya bahala na siya sa buhay niya!
Bago pa man ako makalagpas sa kanya ay naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking pala-pulsuhan. Gulat akong napalingon bago ibinaba ang tingin sa kamay niyang nakahawak sa may pala-pulsuhan ko. "What the hell?"
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nagtataka siyang tinitigan pabalik. "Dito ka na lang sa tabi ko. 'Wag ka nang umalis."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top