Kapitulo II - Nickname
Naramdaman ko na lamang ang sarili ko na napapalibutan ng mga bisig ng lalaking nasa harapan ko. Sa 'di maipaliwanag na dahilan ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. I feel shattered and sorrowful. I feel incomplete and a hug from someone may be the best solution to make me feel a little better.
Siya ang naunang bumitiw sa yakap at iniangat niya ang aking mukha gamit ang isang kamay. Inangat niya pa ang isa niyang kamay upang punasin ang mga luhang lumandas sa aking pisngi bago ngumiti sa akin. "Wala na sila, Miss. Makakahinga ka na nang maluwag. Pwede ka nang bumalik sa mga kasama mo," aniya bago tinapik ang ibabaw ng aking ulo.
"T-Thank you..." I muttered before he started walking away. I suddenly felt a bit awkward. Feeling ko ay ang laking kahihiyan ng ginawa ko kanina. Tama ba ang iniasta ko sa taong hindi ko naman kilala? Nakakahiya!
Huminga muna ako nang malalim at pinakalma ang sarili bago nagpasyang bumalik na sa pwestong pinag-iwanan ko kay JV at Anna kanina. Pagkarating ko roon ay sinalubong agad nila ako ng mga tanong at bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.
"Saan ka ba nanggaling, bakla?! Bakit ang tagal mo? Kaloka ka, ang sabi mo ay mabilis ka lang! Ka-stress ka sa bangs!" sermon sa akin ni JV.
"Oo nga! Bakit ba natagalan ka? Tawag ng kalikasan ba kaya 'di mo napigilan?" inis na tanong ni Anna.
Umiling ako sa kanila at ngumiti nang pilit. "I-I'm okay... May nakita lang akong hindi dapat," sagot ko sa kanila kaya agad nagsalubong ang kanilang mga kilay habang nakatingin sa akin. Bumuntong-hininga muna ako bago muling nagsalita. "Mamili kayo ng mga alak, magpa-party tayo sa bahay," pabirong sabi ko sa kanila bago tumawa nang peke upang maiba ang usapan.
"Ba't 'di na lang tayo sa bar mag—"
"Ay nako, ekis ako d'yan sa gusto mo, Anna Victoria, ha! Bad influence ka talagang babae ka!" mabilis na pigil sa kanya ni JV.
"Dali na! Minsan lang naman, oh! At saka kita mo namang may pinagdadaanan 'tong babaeng 'to, kaya samahan na natin!" Nanatili lamang akong tahimik na nakikinig sa kanila.
"Alam niyo kasi ganito 'yan, hindi sagot ang alak sa pagtanggal ng broken heart! Kayo talagang mga babae, sinusunod niyo 'yong mga nababasa niyo sa Wattpad na maglalasing kapag broken? Bakit nagt-trabaho na ba kayo, ha?! O kaya siguro dahil sa mga napapanood niyong movies na naglalasing para makamove-on, ano? Mali 'yon! Kung gusto niyong magmove on, i-kain niyo lang! Healthy pa! Hindi puro alcohol lagi!" pangangaral ni JV sa amin.
Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Anna bago napabuntong-hininga. Hindi naman talaga kami mananalo rito sa baklang 'to! Kung hindi ko lang talaga alam na chef ang pangarap niyang trabaho, ay iisipin kong pwede siyang maging abogado!
"Oo na po, Attorney Jenard Vinn Lopez," pagsuko ko sa kanya.
Tiningnan niya naman ako na tila ba may nasabi akong nakakadiri. "Jenny nga sabi, hindi Jenard! Yuck!" Nagpanggap pa siya na parang nasusuka. Napailing na lamang ako sa inasta niya.
"Hays, wala nang pag-asa 'to si JV! Bumigay na talaga! Tss..." napapailing na sabi ni Anna.
Napatawa na lang ako nang magsimulang magbangayan ang dalawa. Naagaw naman ang atensyon ko nang muling mamataan ang lalaking tumulong sa akin kanina.
"Teka—" Naputol agad ang sasabihin ko nang sumingit si JV.
"Uy, Hilaga! Nandito ka pala!" Napalingon ako sa kanya nang bigla siyang sumigaw at kumaway sa lalaking tinitingnan ko.
"Ano raw? Nilaga?" naguguluhang tanong ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin.
Napatingin akong muli sa lalaking tinawag niya na ngayon ay naglalakad na papunta sa direksyon namin. Napalunok naman ako nang ilang beses bago nag-iwas ng tingin. "Shit... Nakakahiya," pabulong kong sabi sa sarili.
"Oh, Jenard ikaw pala 'yan— Aray!" Napatingin akong muli sa kanya at nakita siyang nakangiwi habang hawak ang tagiliran.
Pinandilatan siya ng mga mata ni JV. "Sinabi na ngang 'Jenny', eh!"
Umangat lamang ang isang gilid ng kanyang labi bago tumingin sa gawi ko. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko at napaiwas ng tingin. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sobrang kahihiyan nang maalala ang nangyari kanina.
"Hi, Miss..."' Napaigting ang aking panga nang marinig ang kanyang tinig. Napatingin naman ako kay JV at Anna na nagpapabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.
"H-Hello..." nauutal na bati ko sa kanya pabalik.
Narinig ko ang halakhak niya. "Hindi ko naman alam na mahiyain ka pala..." May halong pang-aasar sa kanyang tinig.
Inangat ko ang aking tingin sa kanya bago siya pinukulan ng isang matalim na tingin. Bago pa ako makapagsalita ay agad nang umeksena si JV. "Teka nga! Magkakilala na kayo?!"
Tinitigan ko siya nang masama at bago pa ako makatanggi kay JV ay nauna na siyang magsalita. "Yeah, just a while ago," kalmadong sagot niya samantala ako ay kabadong-kabado na sa mga salitang susunod niyang bibitiwan.
"Talaga? Paano?" manghang tanong sa akin ni Anna.
Agad akong umiling nang sunod-sunod sa kanya. Nagtataka naman akong tiningnan ng lalaking tinawag nilang 'Nilaga' habang hinihintay ang sunod kong sasabihin. "H-Hindi! Kakakita pa lang namin kanina! Nakasalubong ko siya sa may daan papuntang restroom," pagdedepensa ko sa sarili.
Kumunot ang noo ni JV bago napahawak pa sa kanyang baba. "Ah... So kaya ka pala natagalan sa banyo, kasi nakita mo siya?" makahulugang tanong niya sa akin na agad nagpalaki sa mga mata ko.
Napatingin ako sa lalaking nakangiting-tagumpay na animo'y may masamang binabalak na sabihin. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha at sigurado akong nahahalata na rin iyon ng mga kaibigan ko. Pinandilatan ko ng mga mata ang lalaki ngunit tinataas-taas niya lamang ang kanyang isang kilay sa akin at may bahid ng pang-aasar ang kanyang ngiti.
Bumaling siya sa mga kaibigan ko at naging seryoso ang mukha. "Oo, tama... nakasalubong ko siya kanina roon," seryosong aniya.
"Tapos?" sabay na sabi ni Anna at JV habang nakatitig sa kanya na tila sinusubaybayan ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.
"Nagulat nga ako kanina noong nakita niya ako, bigla niya na lang akong niyakap," aniya bago bumuntong-hininga na tila ba hindi makapaniwala. Tila nabato naman ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang kanyang sinabi.
"Ano?!" sabay na sigaw ng aking mga kaibigan bago tumingin sa akin na tila ba hindi makapaniwala sa narinig.
"H-Hindi, ah! A-Ang kapal mo!" Halos sugurin ko na siya sa pwesto niya pero hindi ko magawa dahil nakatingin sa akin si Anna at JV.
"Niyakap mo siya?!" gulat na tanong sa akin ni Anna.
"H-Hindi! I-I mean... Oo, pero," Damn it! I can't find the right words to say! Half of what he said was true pero hindi naman tama 'yong sinabi niyang ako ang yumakap sa kanya pagkakita ko sa kanya!
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at tinapik ang aking ulo na parang aso. "Aish! Okay lang 'yan, Demi! Umamin ka na sa kanila, mapagkakatiwalaan mo naman 'yan, eh. At isa pa, kaibigan mo sila kaya 'wag mo nang itago pa," aniya sa akin bago ginulo ang aking buhok.
"W-What the hell..." Nanginig ang aking boses dahil sa sobrang pagkairita at panggigigil sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Tumalikod na siya sa akin at nagsimulang maglakad palayo kaya halos kaladkarin ko na siya pabalik at pagsusuntukin sa mukha dahil sa sobrang inis. Ang kapal ng mukha! Kala mo naman kung sinong gwapo, eh gwapo naman talaga!
"Hoy, Nilaga!" Pagalit na tawag ko sa kanya. Napalingon naman ang mga taong malapit sa amin dahil sa lakas ng boses ko.
Lumingon siya sa akin at nagtaas ng kilay bago itinuro ang kanyang sarili. "Ako ba?" inosenteng tanong niya.
"At sino pa bang iba?" mataray na tanong ko sa kanya.
Napaangat ang isang gilid ng kanyang labi bago tuluyang pumihit paharap muli at naglakad papalapit sa kinatatayuan ko. "What did you call me?"
Taas-noo akong nakipagtitigan sa kanya. "At ikaw, what did you call me earlier, huh? Didn't you call me 'Demi' without my permission? First of all, hindi tayo close! And for your information, my name is Demetria, and my friends call me 'Demi'. Kaya 'Demetria' ang itawag mo sa'kin dahil hindi naman tayo friends!" pagtataray ko sa kanya.
Unti-unting namuo ang isang ngisi sa kanyang labi na tila ba pinipigilan niyang humalakhak. "Oh, I thought 'Demi' is your name kasi iyon ang sabi ni Anna kanina. Hindi ko naman alam na nickname mo na pala iyon. Sorry, my bad," kunwaring gulat na sabi niya pero halata namang nang-aasar lang siya lalo. Mas lalong nagdilim ang paningin ko sa kanya at akmang susugurin ko na siya ngunit bigla siyang nagsalita. "But you called me by my nickname, too," nakangising sumbat niya sa akin na siyang nagpaawang sa bibig ko.
Tinitigan ko siya nang masama. "E-E'di quits lang!"
Nakita kong muli ang pag-angat ng isang gilid ng kanyang labi bago siya tumalikod sa akin ngunit hindi pa nagsisimulang lumakad. "For your information, too... It's not 'Nilaga'. It's 'Hilaga', Miss Demetria."
At pagkasabi niya no'n ay naiwan akong nakatulala habang pinapanood ang pag-alis niya. I can't believe him! Nakakainis siya! Bakit ba kanina niya pa ako pinapahiya? Bwisit! Sana hindi ko na siya makita ulit, dahil 'pag nagkasalubong kami ulit ay babanatan ko na talaga 'to!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top