Kapitulo I - Pain

"Bata!"

Inangat ko ang aking tingin kahit walang tigil ang pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata. Napapikit akong muli nang mapatakan ng luha ang sugat sa aking tuhod dulot ng pagkakadapa.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Mukha ba akong ayos lang?!" iritadong singhal ko sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata at bahagyang napaawang ang bibig dahil sa sinabi ko. Pinalis ko ang mga luhang kumawala sa mga mata ko bago siya pinagtaasan ng isang kilay.

"Sungit! Nagtatanong lang, eh!" nakangusong sabi niya.

"Kita mo na ngang hindi ako okay, itatanong mo pa kung ayos lang ba ako! Nananadya ka ba, ha?"

Imbis na sagutin ako ay inangat niya ang kanyang kamay at iniabot sa akin. "Tutulungan na nga kita, nagtataray ka pa!" inis na sumbat niya sa akin.

Inirapan ko na lang siya at tinapik ang kamay niya bago tumayo nang hindi nagpapatulong sa kanya. Ramdam ko ang kirot sa aking tuhod pero nagpanggap ako na hindi ko iyon naramdaman at inirapan muli siya. "No need, I can handle myself. Hindi ko kailangan ng tulong mo."

Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata niya pero agad ding napanguso. "Sungit masyado, lampa naman. Tss," pabulong na sabi niya.

Tumalikod na lang ako sa kanya at hindi na pinatulan pa ang pang-aasar niya sa akin. Narinig ko ang pagsigaw niya nang makalayo-layo ako nang kaunti. "Ako nga pala si Theo! Nice meeting you, batang masungit!"

Lumingon ako muli sa kanya at pinagtaasan siya ng isang kilay. "Hindi ko tinatanong!" sigaw ko pabalik bago mas binilisan ang lakad paalis.

Pagkauwi ko ng bahay ay napaiyak na lamang ako dahil sa hapdi ng sugat ko sa tuhod dahil sa pagpupumilit kong kaya kong tiisin ang kirot nito hanggang sa pag-uwi.

"Demi!"

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang marinig ang isang sigaw mula sa labas ng aking silid. Pinalis ko ang mga butil ng pawis sa aking noo bago huminga nang malalim. Ramdam ko ang pananakit ng aking sentido pero isinawalang-bahala ko na lang iyon at tumugon sa aking kaibigan.

"Bakit?" patamad na sabi ko bago ipinadausdos ang aking mga daliri sa buhok ko.

"Bumangon ka na d'yan! Kakain na tayo!"

"Hindi pa ako gutom..." marahang sabi ko bago humiga at muling tinakpan ng kumot ang aking mukha.

Narinig ko muna ang mga yabag niya papalapit sa akin bago natanggal ang kumot na nakatakip sa aking mukha. Halos umusok na ang ilong niya habang nakatingin sa akin.

"Ano ba, Demi?! Nakikita mo ba ang sarili mo? Ang putla-putla mo na! Noong isang araw pa ang huling kain mo at halos 'di ka na lumalabas ng kwarto mo maghapon!" Tumalikod ako sa kanya at ipinikit muli ang aking mga mata. Hinayaan ko na lamang siyang magsalita sa aking likuran. "Jusko naman, Demetria Madison! Alagaan mo naman ang sarili mo! 'Wag mo namang pabayaan ang sarili mo para lang doon sa lintik na lalaking 'yon!"

Napapikit ako nang mariin bago magsalita. "Huwag mo namang sabihan ng lintik si Drake, Anna..." kalmadong saway ko sa kanya bago humarap at umupo sa kama.

Napahawak na siya sa kanyang sentido at napapikit nang mariin bago ako tiningnan nang masama. "'Yan, sige pa! Ipagtatanggol mo pa 'yang ex mo! Iniwan ka na nga, pero siya pa rin ang kinakampihan mo! Ayusin mo nga 'yang sarili mo dahil hindi siya kawalan, Demetria!"

Napayuko ako dahil sa sinabi niya bago huminga nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili. "It's too easy for you to say that, hindi mo naman kasi alam yung nararamdaman ko, eh."

Rinig ko ang malakas na pagsinghap niya ng hangin bago muling magsalita. "Hindi naman porke't NBSB ako, eh wala na akong alam sa mga ganyan! Hindi ako tanga, hoy! Why don't you stand up and show him that he's not worth chasing for? Ipakita mo sa kanya na hindi ikaw ang maghahabol, kun'di siya dapat! Ipakita mo sa kanya kung sino 'yong sinayang niya!"

Namuo ang mga luha sa aking mga mata pero hindi ko ito hinayaang tumulo. Niyakap ko na lamang ang aking mga tuhod at ipinatong ang aking ulo roon. Sawang-sawa na ako sa pag-iyak... Pagod na pagod na talaga ako.

Ilang araw na rin pala simula noong naghiwalay kaming dalawa. Pakiramdam ko ay parang tinanggalan ako ng karapatang sumaya. He used to be my number one source of happiness, but now... he's gone and I'm left all alone.

"Demi, look at me..." Anna said while holding both of my hands. "He is gone. Kalimutan mo na si Drake. Tama na ang pagpapakatanga, 'teh." And with that, my tears started to fall down continuously. I felt my heartbeat almost stopped and my heart feels so broken all over again. It feels like the scars inside my heart just started to bleed again.

"Ang sakit naman, beshy! Ang straightforward mo talaga masyado," pabirong sabi ko sa kanya habang humihikbi.

Napailing siya dahil sa sinabi ko bago umupo sa tabi ko at hinagod ang aking likod. "Mas mabuti na 'yong magising ka sa katotohanan! You need to move on, Demi. Kung siya nga ay okay na, dapat ipakita mo rin na kaya mo ring maging okay!"

Lalo lang akong napaiyak dahil sa sinabi niya. When will I be okay? Hanggang kailan ako masasaktan ng ganito? Hanggang kailan ako iiyak? Pagod na pagod na ako!

He is my first boyfriend. He is my first in almost everything. He is my soulmate. He is my other half. He is my everything... and now, we're back to nothing. Yes, maybe I could live without him, just like a fairy without its pixie dust. I would live, but I feel like the magic will be gone.

"Anna, ang sakit..." pabulong na sabi ko sa kanya habang umiiyak.

Hinawakan ni Anna ang magkabilang pisngi ko bago ako tinitigan nang diretso sa mga mata. "You can do it, Demi! I know you can! Ang best friend ko ay matatag at alam kong kakayanin niya lahat ng pagsubok sa buhay niya. Alam kong magiging okay ka rin, maybe not now, but soon. You can get over him, okay?" pagpapalakas niya sa aking loob. Pinalis ko ang mga luha sa pisngi ko at tumango dahil sa sinabi niya. Niyakap niya ako nang mahigpit bago muling inalo.

Nanatili pa kami sa ganoong pwesto bago niya ako pinakawalan at iniwan upang maligo at magbihis. Niyaya niya akong kumain at maggala sa labas para naman daw makalanghap ako ng ibang hangin.

Nang makarating kami sa restaurant ay agad kaming sinalubong ng kaibigan naming si JV. Iginiya niya ako papunta sa bakanteng table kung saan siya nakapwesto kanina at si Anna naman ay pumunta sa counter upang um-order ng breakfast naming tatlo.

"Kamusta ka, JV?" tanong ko sa kanya ngunit sinamaan niya ako ng tingin.

"Ew! I'm Jenny, not JV! Like, duh?" mabilis na pag-angal niya sa bati ko sa kanya bago ako inirapan.

Tipid akong ngumiti dahil sa sinabi niya bago bumuntong-hininga at tumingin sa kawalan. Nagulat naman ako nang pitikin niya ang noo ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano, tutulala ka na naman, bakla? Umayos ka nga, Demetria! Stress mo si ako!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Shh! Hinaan mo nga ang boses mo! A-Ayos lang ako..."

"Nako, Demi! Nas-stress talaga ang beauty ko sa'yo! Alam kong hindi ka okay, bakla. 'Wag ako ang lokohin mo, ha!"

Napanguso ako dahil sa sinabi niya bago napabuntong-hinga na lang. "JV, I'm not okay, but I think that's fine. Alam ko namang magiging okay rin ako."

"Ang seryoso niyo naman masyado d'yan, mga bakla!" pagsingit ni Anna sa usapan namin habang may dalang tray na may lamang mga pagkain namin.

"Pero seryoso, bakla... I already warned you before tungkol sa boyfriend mo—"

Agad ko siyang pinutol. "Correction, EX na po," mapait na sabi ko.

Napasinghap muna siya bago muling magsalita. "Yeah, ex na nga pala. Tss! I already warned you before tungkol d'yan sa ex mo! Sabi ko sa'yo dati ay baka nasa loob lang ang kulo niya at baka sa harap mo lang santo 'yan, pero kapag nakatalikod ka ay gago pala! Pero anong sinabi mo sa akin?"

Napaiwas ako ng tingin dahil sa tanong niya. "Sabi mo sa 'kin, 'Bes naman, eh! Sinisiraan mo naman 'yong boyfriend ko! Sigurado akong seryoso siya sa 'kin at hinding-hindi niya ako iiwan dahil sabi niya ay sigurado na raw siyang kaming dalawa ang magkasama hanggang sa pagtanda!' Tama ba, Demetria Madison?" sarkastikong wika niya sa tonong panggagaya sa boses ko noong araw na sinabi ko sa kanya 'yon.

Hindi ko na naibalik ang tingin ko sa kanya at nanatiling nakatingin sa malayo. Unti-unti na namang bumabalik sa akin ang alaala ng mga masasakit na salitang binitiwan ni Drake noong araw na iyon.

"Seriously, I never thought na kayang sabihin at gawin ni Drake 'yon! Gosh! Kahit ako yata'y nauto talaga ng lalaking 'yon! Akala ko rin ay hindi niya kayang saktan at iwan ka, pero look at him now! Tsk! Sakit niya sa bangs!" sabi ni Anna na halatang naiinis din.

Nagulat ako nang maramdamang may kumawalang mga luha mula sa mga mata ko na agad ko namang pinalis bago ako tumingin sa kanila. Bakas sa mga mukha nila na natataranta at nag-aalala sila kaya agad akong ngumiti nang pilit. "No... Okay lang ako! Don't worry."

Huminga muna nang malalim si JV bago magsalita. "We all know the truth, bakla. Alam kong sariwa pa rin 'yang sakit sa puso mo, pero sana itatak mo sa brain cells mo na nandito lang kami para sa'yo, okay?"

Napatawa ako nang bahagya dahil sa sinabi niya. "Tayo na lang kaya, bakla? Baka sakaling iba ka sa ex ko," pabirong sabi ko sa kanya.

Tiningnan niya ako na tila ba may sinabi akong nakakasuka para sa kanya. "Ew! 'Di tayo talo, bakla! Naririnig mo ba ang sarili mo?! Mandiri ka nga!" maarteng sabi niya bago ako inirapan.

Nagtawanan kaming tatlo dahil sa sinabi niya bago nagkayayaang kumain na muna. Pagkatapos ay naglibot din kami sa mall malapit sa restaurant na kinainan namin kanina. Namili kami ng mga damit at kung anu-ano pa kaya kahit papaano ay nakalimot ako sa lahat ng mga problema.

"Mga beshy, punta lang muna ako sa restroom, ah? Mabilis lang ako, promise!" mabilis na pagpapaalam ko sa kanila.

Tumango lang sila sa akin kaya umalis na rin agad ako at dumiretso na sa restroom pero saktong pagliko ko sa hallway papunta roon ay tumambad sa daraanan ko ang taong 'di ko inaasahang makikita ko ngayong araw.

"D-Drake..." Nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin sa akin ngunit agad ding nawala sa kanya ang tingin ko nang may biglang yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran.

Bahagya akong napaatras mula sa kinatatayuan ko nang alisin ni Drake ang kanyang tingin sa akin at hinarap ang babaeng yumakap sa kanya. "Hon! Nagulat ba kita?" nakangiting tanong ng babae sa kanya.

Ngumiti siya nang matamis at bahagyang tumango kaya napabungisngis ang babae. "Let's go?" yaya ni Drake sa kanya bago humalik sa kanyang pisngi.

Ngayon ko lang yata naramdaman ang pamamasa ng pisngi ko. Kanina pa pala ako umiiyak... Maybe because this is too painful to watch that I almost forgot that I'm still standing here in front of them. I can feel the excruciating pain in my chest again just like what I have felt on the day he left me.

Pinalis ko agad ang mga luhang tuluy-tuloy na kumakawala mula sa mga mata ko. Tila nakapako na yata ako sa kinatatayuan ko, pati na rin ang mga mata ko sa dalawang taong nasa harapan ko ngayon. Ngunit nagulat ako nang bigla silang mawala sa aking paningin dahil natakpan sila ng isang lalaking biglang humarang sa harapan ko. Nakatingin siya nang diretso at seryoso sa akin.

Kita ko ang paglunok niya bago magsalita. "Huwag mo na kasing tignan kung alam mong masasaktan ka lang. Pero kung ayaw mo talagang alisin ang paningin mo sa taong nananakit sa'yo, hayaan mong ako na lang muna ang magtakip sa mga mata mo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top