Beginning
Malakas ang pag-ihip ng hangin habang nakapikit ko itong dinarama kasabay ng mabilis na pintig ng aking puso. Ramdam ko ang paghampas ng maliliit na alon sa aking mga paa habang nararamdaman kong ako'y unti-unti nang nangangaligkig dulot ng malakas na hangin.
Napamulat ang mga mata ko nang maramdaman ang isang mainit na tela sa aking balikat. Kasalukuyan siyang nakatingin sa malayo at tila may malalim na iniisip.
Unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa aking labi habang tinititigan ang maamo niyang mukha. Parehas na kaming nakatigil ngayon sa may dalampasigan at nakaharap sa dagat habang pinapanood ang unti-unting paglubog ng araw.
Pinagmasdan ko ang bawat detalye ng kanyang mukha habang nakangiti. Ang lalaking nasa tabi ko ngayon ay ang taong bumago sa buhay ko. Ang lalaking ito ang nagbigay ng kulay sa madilim na mundo ko. He's my Drake Morgan. My soulmate and the love of my life.
Hindi pa rin ako makapaniwala na sa akin na siya kahit isang taon na ang nakalipas simula noong araw na sinagot ko siya at naging opisyal ang relasyon naming dalawa.
We're like a perfect match. A perfect combination. A match made in heaven. Meant to be.
Parang nakatakda ang pagtatagpo naming dalawa. At parang ang lahat ng maliliit na detalye tungkol sa buhay namin ay itinakda ring magkaparehas ng tadhana. Parehas kami ng date ng birthday, which is September 23, same birth year, same age, birth place, initials ng name, he is Drake Morgan Smith and I'm Demetria Madison Stewart, at marami pang ibang pagkakatulad.
Parehas din kami ng mga paboritong pagkain, kulay, kanta, at marami pang iba. Magkasundong-magkasundo talaga kami sa lahat ng trip namin 'pag kaming dalawa ay magkasama. Minsan nga ay napapaisip din ako kung siya na kaya ang 'The One' sa buhay ko? Pakiramdam ko kasi ay itinadhana talaga kaming dalawa na magkakilala at magkasama hanggang sa dulo ng walang hanggan.
Everything about us makes me believe in destiny. Akala ko noon ay hindi iyon totoo. Akala ko dati ay imbento lang ang salitang iyon. Pero lahat pala talaga ay nagbabago 'pag nakilala mo ang taong magpapatunay sa'yo nito.
Kailanman ay hindi ko naisip na makakakilala ako ng isang lalaking matatawag kong "soulmate" ko. 'Yon bang tipong kulang na lang yata ay magkaparehas na kami ng buong pangalan at magulang para masabing halos iisa na lang kaming dalawa. Ang weird, pero totoo.
Ipinagdadasal ko araw-araw na sana siya na nga ang taong nakatakda para sa akin. I can't imagine myself letting him go, because the thought of losing him is so unbearable.
"Demi..."
Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin niya ako sa aking pangalan. Parang nakakapanibagong marinig sa kanya iyon. Matagal na rin kasi noong huli niya akong tinawag sa pangalan ko because he usually calls me 'Darling'.
"Yes, darling?" I smiled sweetly as I asked him.
I saw his jaw slightly clenched before he took a deep breath. "I'm sorry..." he softly said.
Natigilan agad ako sa dalawang salitang sinambit niya. Unti-unting napakunot ang aking noo habang nakatitig sa kanya nang diretso. "Sorry? Para saan?"
"I don't deserve you, Demetria... I-I'm not the one for you."
Tila tumigil ang mundo ko nang marinig ang mga katagang iyon. Unti-unting namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko but I managed to ask him even though I was almost lost for words. "W-What? Why are you saying that?"
Nanatili siyang tahimik habang nakaiwas ang kanyang tingin sa akin. Hinanap ko ang kanyang tingin kahit unti-unti nang nanlalabo ang aking paningin dahil sa nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko. "B-Bakit mo nasabi 'yon? Naririnig mo ba ang sarili mo, Drake? You are more than enough! You deserve me!"
Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. Wala akong nakikitang kahit anong emosyon sa kanyang mukha na tila ba ibang tao ang nasa harap ko ngayon. Parang hindi ito 'yong lalaking minahal ko ng isang taon...
"You don't deserve a jerk like me... And I don't deserve an angel like you," malamig na sabi niya.
I suddenly felt the excruciating pain from my heart. It feels like I've been stabbed by a dozen of knives straight through the heart. "Oo, siguro nga ay hindi kita deserve, Drake. Pero ikaw ang gusto ko! I-Isn't that enough?"
Nanatiling diretso ang kanyang tingin sa akin bago muling umimik. "Hindi na kita mahal, Demetria," malamig na sabi niya na naging dahilan upang tuluyang tumulo ang mga luha ko.
Totoo nga 'yong sinasabi ng iba kapag daw naranasan mong makipaghiwalay sa'yo ang taong mahal mo, parang tumigil nga ang takbo ng oras at pag-ikot ng mundo ko.
"D-Drake, prank lang 'to, 'di ba? You're just joking, right? Hindi 'yan totoo! Pinagt-trip-an mo lang ako kasi 1st anniversary natin ngayon, 'di ba?" pagkumbinsi ko sa kanya at sa sarili ko bago nagpeke ng isang tawa. Sinubukan kong abutin ang kamay niya pero agad niya itong tinanggal at inilayo sa akin.
"Let's break up," aniya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.
'Let's break up.' 3 words lang 'yon pero pakiramdam ko ay parang tuluyan nang gumuho ang mundo ko.
Tuluyan na akong napahagulgol sa harapan niya kahit na alam kong nagmumukha na akong desperada sa mga mata niya. Ang dami kong gustong itanong at ang dami ko ring gustong sabihin pero parang masyado na akong nanghihina para magsalita.
"Maybe we'll meet again when we're slightly older, and our minds are less hectic. And when that day comes, maybe I'll be right for you and you'll be right for me. But for now... let's break up."
Napabalik ang tingin ko sa kanya nang marinig ang kanyang sinabi. Sinubukan kong punasin ang mga luha ko kahit na walang tigil ang pagtulo nito.
Siya pa rin ba 'yong lalaking nasa harapan ko ngayon na nagpaniwala sa akin ng walang hanggan? Siya pa rin ba 'yong lalaking nagparamdam sa akin na ako ang pinakaespesyal na babae sa mundo?
"Ang tanga ko talaga... Ang tanga ko dahil masyado akong naniwala sa lahat ng mga ipinangako mo. Totoo palang hindi lahat ay permanente sa buhay natin, dahil kahit 'yong taong akala ko ay hinding-hindi ako kayang bitiwan ay iiwan pa rin ako sa huli," mapait na sabi ko.
Huminga muna ako nang malalim bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Kailangan kong pigilan ang sarili ko, dahil alam kong isang malambing na tingin niya lang sa akin ay magpapakatanga na naman ako, magiging marupok na naman ako.
"A-Akala ko ay ikaw na 'yong taong para sa akin. Akala ko ay nakatadhana na tayong dalawa. Pero akala ko lang pala lahat! I was so stupid for believing in destiny... And I was so stupid for believing that we're meant to be," mariing sabi ko.
Muling kumawala ang isang malakas na hikbi sa aking bibig kaya tinakpan ko na lamang ang ito habang nakalihis pa rin sa kamya ang tingin. Nang bahagyang makabawi ay agad ko siyang tinitigan nang diretso.
"I love you, Drake... I love you so much to the point that I can let you be happy while I let myself fade away. H-Happy 1st Anniversary, Darling! Thank you for the 365 days, 18 hours, and 26 minutes of being my soulmate, my love and my darling."
Ngumiti ako sa kanya sa huling pagkakataon at tinandaan ang bawat detalye ng kanyang maamong mukha bago dahan-dahang tumalikod. Kasabay ng aking pagtalikod sa kanya ay ang pag-agos muli ng panibagong mga luha habang bumabalik sa akin ang mga alaala naming dalawa.
"I hope you will still remember me, Demetria..." marahang aniya, ngunit nanatili pa rin akong nakatalikod sa kanya kahit sa loob-loob ko'y halos bumalik at yumakap na ako sa kanya nang mahigpit.
I just don't want to walk away from this man... It silently kills me.
"Someday, someone is going to thank you for letting me go," I finally said while trying to hide the pain and bitterness in my voice.
And with that I slowly walked away as the rain started to pour. Wanna know what's worst than walking away from him? It's the truth that he's not going to stop me anymore...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top