Kapitulo XXV - Last Chapter

Naging mapayapa ang pamumuhay ko rito sa isla sa mga sumunod na araw. Nakaalis na rin si Mommy kahapon upang bumalik sa Maynila at ang tanging naiwan kasama ko rito sa bahay ay si Aling Tony at Mang Danny.

"Manang... makikisuyo nga po ng violin ko," tawag ko kay Aling Tony bago ako lumabas sa bahay.

Agad akong sinunod ni Aling Tony at inabot sa akin ang kailangan ko. "Ito na, hija. Tutugtog ka ba ulit ngayon sa may dalampasigan?" tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya bago nagkibit-balikat. "Depende po. Gusto ko lang po sanang mabitbit ito papunta roon para kung sakaling maisipan kong tumugtog mamaya ay hindi na ako makakaabala sa inyo," nakangiting sabi ko sa kanya. "Teka... anong petsa na nga po pala?"

"August 3, 2023 na, hija..." sagot niya.

Marahan akong tumango at napangiti nang malungkot. It's been three days since Tuesday died.

Narinig ko ang mahinang tawa niya na agad naputol nang tumunog ang telepono rito sa bahay. Agad itong dinaluhan ni Aling Tony upang sagutin ang tawag.

"Ah! Opo, dito nga po nakatira... Bakit po? Ah, sige, ibibigay ko lang po sa kanya itong telepono para siya ang makausap niyo," aniya bago sinulyapan ako at sinenyasang lumapit.

Bahagya kong inayos ang aking suot na salamin bago lumapit sa teleponong inaabot sa akin ni Aling Tony. "Hello? Sino po sila?"

"Si West ito. Papunta ako ngayon diyan dahil may nakita akong box dito sa kuwarto ni Tuesday..." mahinahong sabi niya sa kabilang linya.

Tila may bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Napalunok muna ako bago sumagot. "S-Sige po, Kuya West... Mag-ingat po kayo."

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang nakatatandang kapatid ni Tuesday rito upang ibigay sa akin ang isang maliit na kahon. Nanatili lang siya saglit sa bahay upang magpahinga bago tumulak na ulit pabalik sa Maynila dahil may kailangan pa raw siyang asikasuhin.

Bumalik muna ako sa aking silid bitbit ang kahon na ibinigay sa akin ni Kuya West. Umupo ako sa kama paharap sa nakabukas na bintana kung saan kitang-kita ang ganda ng dalampasigan at bughaw na kalangitan.

Dahan-dahan kong kinalas ang kulay asul na laso at inangat ang takip ng kahon. I bit my trembling lips when I saw our childhood picture taken at the same spot where I usually play my violin every morning. Pinagmasdan ko ang batang Tuesday Allison na nakaakbay at nakatingin sa akin habang masayang nakangiti. Inilapit ko ito sa aking dibdib at niyakap habang humahagulgol.

Dear Athalia Serene,

Hindi ko rin alam kung bakit isinulat ko ang liham na ito pero dahil nasimulan ko na ay tatapusin ko na ito. Kung nababasa mo na itong liham na ito, siguro ay dumating na ang araw ko.

Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng ginawa at sinakripisyo mo para sa akin mula pa noon. Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan sa lahat. Hindi ko alam kung anong kabutihan ang ginawa ko noon upang bigyan ako ng isang mabuting kaibigang katulad mo. Masaya ako na ikaw ang nakasama ko mula pagkabata hanggang ngayon. All the days and moments I've spent with you shined and I know it will forever hold a special place in my heart.

Kung mabubuhay man ako at mabibigyan ng isa pang pagkakataon, hahanapin kita at ikaw pa rin ang pipiliin kong maging kaibigan. Ikaw pa rin ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Ikaw pa rin ang gusto kong makasama hanggang sa aking huling hininga.

I also want to apologize for being stubborn most of the time. Alam kong minsan ay nakukulitan ka na sa akin dahil sa katigasan ng ulo ko. Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin at sa mood swings ko kaya thank you... thank you for staying with me through my bad days and good ones.

Gusto ko ring humingi ng tawad sa'yo at sa mga salitang nasabi ko sa'yo noon. Nasabi ko lang 'yon dahil galit ako at naging makasarili ako noong araw na iyon but please do know that I never really wanted to end our friendship and cut you off. I was hurt but it still won't justify my behavior. I'm really sorry for pushing you away. Bawat araw ay pinagsisisihan kong ginawa ko iyon sa nag-iisang taong nagtagal at nakaintindi sa ugali ko.

And lastly, I want you to be happy, Athalia. Alam kong pinagkait ko sa'yo iyon ng ilang taon dahil sa pagiging makasarili ko. I don't want you to think of me anymore everytime you'd see him. Kahit ngayon lang, piliin mo naman ang sarili mo, Athalia. Tapos na ang mga araw na puro sa akin na lang umiikot ang buong mundo. Tapos na ang mga araw na puro ako na lang ang iniisip at inaalala mo. You deserve to be happy and to be loved. You deserve all the love this world could give. This time, choose your own happiness over me. I wish you all the best in this lifetime.

Please don't be sad when I'm gone. You know I'll always be here watching you from heaven (kung doon man ako mapupunta). Gusto ko sanang sabihin sa iyo 'to lahat sa personal pero mukhang hindi na ako makakaabot pa.

I love you today, tomorrow, and forever... and till they take my heart away. I hope you'll remember me, Athalia.

Love,
Tuesday Allison

I slowly opened my eyes as tears fell down my cheeks. As soon as the blurriness of my vision subsided, ang una kong naaninag ay ang puting ilaw at kisame ng silid. Bahagya kong kinibot ang namamanhid kong mga daliri at sinubukan itong igalaw.

"O-Oh my gosh! Gising na si Athalia!"

"Tuesday..." Halos hindi ko marinig ang sariling tinig. Sunud-sunod na kumawala ang mga luha ko nang maramdamang hindi ko rin maigalaw ang katawan ko. "Tuesday..."

Nakaramdam ako ng mainit na haplos sa kamay ko. Ibinagsak ko ang tingin sa lalaking nag-aalalang nakatingin sa akin. "Athalia, how are you feeling?" marahan niyang pinalis ang mga luha ko sa pisngi. "D-Do you remember anything?"

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko upang magsalita ngunit naramdaman ko ang labis na panunuyo nito. I swallowed hard and gasped for air.

"Ms. Stewart, can you hear us?" tanong ng isang doktor na pumasok sa aking silid. Tinapatan niya ng flashlight ang magkabilang mata ko.

Itinapat niya sa aking mukha ang isang itim na ballpen at iginalaw iyon. Sinundan ko ang galaw nito bago ibinalik ang tingin sa mga taong nag-aalalang nakatingin sa akin.

"If you can hear us, blink twice..." sabi ng doktor. Sinubukan kong ikurap ang aking mga mata at sinunod ang kanyang sinabi.

"D-Doc, kumusta na po ang anak ko? Gising na po ba talaga siya?"

"Yes, Mrs. Stewart. It's really a miracle to see her wake up after being in coma for two years. Congratulations!"

Narinig ko ang mahihinang hikbi sa paligid bago ko naramdaman ang paglapit sa akin ni Mommy. Hinagkan niya ang noo ko at hinawi ang mga takas na buhok sa aking mukha.

"Anak, do you remember what happened to you?" mahinahong tanong ni Mommy sa akin.

I slowly shook my head as a response. Mas lalong pumungay ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan akong nahihirapan.

"You've been in a coma for two years. Today is August 3, 2023. That same date two years ago, naaksidente ka at na-comatose."

Bahagyang kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. August 3, 2021? Iyon ang araw na pumunta kami ni Vermont sa isang national park at dumating si Tuesday. Anong nangyari? Paano ako naaksidente?

Ibinalik ko ang tingin kay Mommy nang humikbi siya. Dahan-dahan kong inilihis sa kanya ang tingin ko at nagtama ang tingin namin ni Vermont. Nakakakita na siya? Paano? Hindi ba totoo ang lahat? Panaginip ko lang ba ang lahat? Nasaan si Tuesday kung ganoon? Ibig sabihin ba ay maaaring buhay pa siya?

"Ang taxi na sinasakyan mo ay nasangkot sa isang aksidente noong araw na iyon. You obtained a lot of injuries and you've hit your head hardly. Sabi ng doktor ay maaaring hindi ka na gumising kahit kailan o kaya naman ay magising ka pa ngunit wala kang naaalala," paliwanag ni Mommy.

Tears formed in my eyes again. Muling bumalik sa aking alaala ang lahat ng nangyari noong araw na iyon. I was on my home after Tuesday told me she wanted me to be gone. Hindi ko tinawagan si Mang Danny at sumakay lang sa isang taxi pauwi. Noong araw ding iyon ay umulan nang malakas kaya naging madulas at malabo ang daan. Sa hindi inaasahang pangyayari ay may nakasalubong kaming isang malaking trak at ang huli kong naalala ay ang tunog ng sirena ng ambulansya.

Buong araw ay pinagpahinga lang ako upang bumalik ang aking lakas. Kinabukasan ay sinubukan akong pakainin ni Mommy at binisita rin ako ng mga kaibigan kong sila Lana at Angelo. Noong gabing iyon din ay pumunta si Ate Demi sa aking silid suot ang isang puting coat at stethoscope sa kanyang balikat. Noong naiwan kaming dalawa na lang ang naiwan sa silid ay hindi ko na napigilan ang pagtatanong tungkol sa panaginip ko.

She frowned. "For the most part, corneal donation comes from people who are dead. Bihira lang 'yong cornea donor na buhay pa. For example, if an eye is blind and it is removed, but is healthy in the front, the patient or donor's cornea might also be used. There are no instances of donation between people who are living in other circumstances as of now. Kaya imposible 'yang naiisip mo, Athalia..." sagot ni Ate Demi sa akin.

Noong gabing iyon ay nagpaiwan doon si Vermont upang makauwi at makapagpahinga muna si Mommy sa pagbabantay sa akin.

"Hindi ka pa ba uuwi?" halos pabulong na tanong ko sa kanya.

Bakas ang gulat sa kanyang mukha nang magsalita ako. Lumapit siya sa akin at umupo sa monoblock chair sa tabi ko. "No, I'll stay here with you..."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Palagi ka bang nandito?" kuryosong tanong ko.

"Yeah..." namamaos niyang sagot. "Palagi akong bumibisita rito upang bantayan ka."

Bumagsak ang tingin ko sa aking kamay nang maramdaman ang mainit na paghaplos sa aking puso. "K-Kailan mo nalaman na hindi ako si Tuesday?"

Bumalatay ang gulat sa kanyang mukha. He shifted his weight a bit before answering. "Two years ago, on the same day you got caught in an accident. Noong umalis ka ay kinumpronta ko si Tuesday at inamin niya sa akin ang lahat. Nang marinig namin ang tungkol sa nangyari sa iyo ay agad kaming pumunta rito ngunit huli na ang lahat..." he trailed off and watched how my expression changed.

My lips trembled and my heart pounded so hard. Unti-unti kong napagkonekta ang mga nangyari hanggang sa may napaghinuha ako. "W-What happened to Tuesday after that?"

Tumikhim siya at yumuko. Nakita ko ang bahagyang pag-igting ng kanyang panga at ang pagbigat ng kanyang paghinga. "Inatake siya sa puso nang malamang na-coma ka. Na-revive siya ngunit kalaunan ay lalo lang humina ang kanyang katawan. Bago siya malagutan ng hininga ay ibinilin ka niya sa akin at sa kanya rin nanggaling ang cornea ko..." namamaos niyang sinabi.

Tinutop ko ang aking bibig upang pigilan ang paglakas ng aking mga hikbi. Agad lumapit sa akin si Vermont at inalu ako. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Lalong nanikip ang aking dibdib nang maalala ang laman ng liham ni Tuesday sa aking panaginip.

I know it was all just part of my dream but maybe it was also His way to wake me up from my deep sleep and let me know that Tuesday is already in good hands. He wanted to let me know that Tuesday will always be here with me no matter what. And that she wanted me to be happy and free.

Kumalas si Vermont sa yakap at marahang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "I am in love with you, Athalia Serene Stewart. I am in love with your soul. I am in love with everything about you..." he whispered. "Tuesday wanted you to be happy. Pinagsisisihan niya ang lahat ng sinabi niya noong araw na iyon."

I slowly nodded and held his hands on my cheeks. "I know..." napapaos kong sinabi. Inangat ko ang tingin sa kanya bago ngumiti nang malungkot. Unti-unti ring sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi.

"I am in love with you, hindi bilang Tuesday Allison, kun'di bilang Athalia Serene ko," sabi niya. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pangingilid ng kanyang mga luha habang pinagmamasdan ako. "I never thought that this day would still come. I'm glad you woke up... and I'm glad you still remember me."

Nanikip ang aking dibdib dahil sa labis na saya. My heart really hurts so good. "I am in love with you, too. Ikaw lang ang minahal ko noon, at ikaw pa rin hanggang ngayon, Vermont Vann Torres..." umiiyak na sabi ko.

Today, I realized something. Love can make us irrational and weak, but it may also be our source of strength to hold on and continue living. Love may bring us sorrow, but if you look at its brighter side... there is also joy.

And she, Tuesday Allison Thompson, taught me the real meaning of love. Tuesday taught me how to love unconditionally. Love is not just about rainbows and butterflies... it's also about sorrow and sacrifices. Her love for me will be my source of strength to love and to hold on to the man I love from this day on. She will always be my greatest reminder of how love can truly set us free.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top