Kapitulo XXIII - Eyes
Pagkarating pa lang namin ni Ate Demi sa Maynila ay nakatanggap agad kami ng tawag mula kay Dr. Velasco regarding sa donor ng cornea.
"Athalia, hija... I need you to come to the hospital right now."
Napaahon ako sa aking kinauupuan dahil sa sinabi ng doktor ko. "P-Po? Bakit po?"
"The cornea will arrive in a few hours. I need you to prepare yourself. Nasa probinsya ka pa rin ba ngayon?"
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ate Demi sa aking kamay. Mabilis na kumabog ang aking dibdib dahil sa kaba at excitement. "Kakarating lang po namin sa Manila, Doc. Pupunta na po kami riyan ngayon," sabi ko bago ibaba ang tawag.
"Ate Demi, hindi pa rin ako makapaniwala! Maaari pa akong makakita!" naiiyak na sabi ko.
Marahang hinaplos ng pinsan ko ang aking buhok at niyakap ako nang mahigpit. "Binigyan ka ng panibagong pagkakataon ng Diyos dahil sa lahat ng kabutihang ginawa mo," aniya. I smiled through my tears as I slowly nodded.
Naniniwala ako na ang lahat ng nangyayari ay may dahilan. Naniniwala ako na habang may buhay ay may pag-asa. Naniniwala ako na lahat ng problemang ibinibigay ng Diyos ay may karampatang solusyon. I still believe that God give the most difficult problems to His toughest soldiers. Darating din ang panahon na magiging ayos din ang lahat. In God's time... And as the God's will.
Pagkarating namin sa ospital ay iginiya ako ng mga nurse sa isang hospital room. Tinawagan na rin kanina pa ni Ate Demi ang mga kaibigan ko pati na rin sila Mommy at Daddy. Kanina pa mabilis ang kabog ng aking puso dahil sa kaba at naramdaman ko ang panlalamig ng aking kamay.
Naramdaman ko ang mainit na haplos ng kamay ni Mommy sa akin kaya bahagya akong kumalma. "I'm very happy for you, anak... You've grown a lot and became stronger. You deserve to be happy and free from all worries."
Nangilid muli ang mga luha ko habang nakatingin lang sa kisame ng silid. Sinsero akong ngumiti bago marahang pinisil ang kamay ng aking ina. "Thank you for supporting all my decisions in life, Mommy and Daddy. God knows how thankful I am to have you as my parents..."
"We love you, anak..." Nahimigan ko ang sinseridad sa tinig ng aking ama.
"Ms. Stewart, are you ready?" rinig kong tanong ni Dr. Velasco.
"Matagal na po akong handa, Doc," biro ko na ikinatawa ng mga tao sa silid.
"See you soon, Athalia..." sabi ni Lana bago dahan-dahang pinakawalan ang aking kamay.
"Take a deep breathe for me and count to ten backwards, Ms. Stewart. We'll put you to sleep," wika ni Dr. Velasco habang nakahiga ako sa operating table.
Marahan akong tumango at sinunod ang kanyang sinabi. Ang kaunting liwanag na aking naaaninag ay unti-unting nagdilim hanggang sa tuluyan na akong hilahin ng antok.
"Athalia, halika rito! Maligo tayo sa dagat!"
"Tuesday, uminom ka muna ng gamot mo!" tawag sa kanya ni Kuya Theo bago bumaling sa akin at bumuntonghininga. "Lia, kausapin mo muna ang kapatid ko. Sa'yo lang nakikinig iyan."
Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango. I tilted my head a bit and saw their mother waiting for us inside their house. Nagkibit-balikat na lamang ako at tumakbo na patungo sa dalampasigan.
"Tuesday, ang init pa ng panahon... Mamaya na lang kaya tayo lumangoy kapag lubog na ang araw?" suhestiyon ko nang makalapit.
She pouted her lips. "Ayaw mo akong samahan?"
I sighed heavily and grabbed her hand. "Gusto ko rin lumangoy, pero ayokong mangitim. Ikaw ba, gusto mo?" Pinagtaasan ko siya ng isang kilay.
Napakurap-kurap siya bago tumingala at bahagyang napapikit dahil sa nakakasilaw na haring araw. Bumagsak ang balikat niya at sa huli ay pumayag na sa gusto ko. Palihim akong napangiti habang akay siya pabalik sa bahay nila. Ngayong araw ang uwi ni Kuya West galing ibang bansa kaya naman nagplano sila Kuya Theo at Tuesday para sa kanyang welcome back party.
Napalingon ako kay Tuesday nang isinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat habang naglalakad kaming dalawa. "Athalia, do you think I would be able to live a long life?" tanong niya gamit ang maliit na boses.
Bumagal ang aking paglalakad dahil sa kanyang tanong. "Of course, Tuesday! Naniniwala akong gagaling ka agad at magsasama pa tayo nang matagal..." I assured her.
Inangat niya ang kanyang ulo at tumingin sa akin. Her eyes sparkled with pure joy. "Talaga?"
I smiled and nodded. "I promise..." sabi ko bago inangat ang aking hinliliit at inilapit sa kanya. Saglit niya itong pinagmasdan bago inilapit din ang kanyang hinliliit at pinagsalikop ito.
Bahagyang kumunot ang noo ko nang marinig ang mahinang pag-uusap ng mga tao sa aking paligid. Distant voices echoed in my ears as I slowly opened my eyes. Bumungad sa akin ang kadiliman na siyang nagpaawang sa bibig ko. Bahagya kong iginalaw ang aking paningin upang makaaninag ng kaunting liwanag.
"Athalia? Gising ka na ba?" rinig kong tanong sa akin ni Mommy.
Bahagya kong iginalaw ang aking daliri. Naramdaman ko ang paghawak ni Mommy sa aking kamay. "A-Ano pong nangyari?"
"The cornea transplant surgery was a success, Ms. Stewart. Total cornea transplant recovery time can be up to a year or longer depending on the health of your eye and the rate of healing," sagot ni Dr. Velasco. Hindi ko napigilan ang pag-ahon mula sa pagkakahiga dahil sa labis na tuwang nararamdaman. Inalalayan naman ako ni Mommy sa pag-upo.
"Sa ngayon, huwag muna nating tanggalin ang eye bandage mo pero kinabukasan ay maaari mo nang subukan ang iyong paningin. Initially, your vision will be a bit blurry for the first few months while your eye gets used to its new cornea. As your vision improves, you gradually will be able to return to your normal daily activities," dagdag niya.
Narinig ko ang pag-iyak ni Lana at Mommy sa aking tabi. Nangilid din ang mga luha sa aking mata. Marahang pinisil ni Mommy ang kamay ko bago hinaplos ang aking pisngi.
"Doc, makakabalik din po ba ako sa pagta-trabaho?" walang pag-aalinlangang tanong ko.
"Of course! You should be able to return to work within a week or month after your surgery, depending on your job and how quickly your vision improves," sagot niya. "I'd prescribe you some steroid eye drops for several months to help your body accept the new corneal graft and some medications to help control infection, discomfort, and swelling. You should keep your eye protected at all times by wearing eyeglasses."
Marahan akong tumango habang nakikinig sa ilan pang paalala ni Dr. Velasco sa akin. Ilang beses kaming nagpasalamat sa kanya. Bago siya umalis ay hindi ko na napigilan ang pagtatanong. "Doc, n-nasaan po 'yong donor ng cornea ko? Maaari po ba namin siyang makausap?"
Ilang sandaling natahimik si Dr. Velasco dahil sa aking tanong. Tumikhim muna siya bago sumagot. "I'm afraid it might be too late now, Ms. Stewart..."
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman po?"
"Bago ka pumasok sa operating room kanina ay binawian na siya ng buhay..."
My lips trembled a bit. Hinawakan ni Mommy ang nanginginig kong mga kamay. "What happened to the donor? Nandito rin po ba siya sa ospital na ito?"
"Yes, she's still here right now, on the same floor. Nagluluksa pa ang kanyang pamilya sa pagkawala niya..." he answered. "The patient has a stage four hypertrophic cardiomyopathy since she was young. Halos dito na lumaki sa ospital ang batang iyon kaya malapit na siya sa aming mga puso. Nitong nakaraang buwan ay lalo lang lumala ang kanyang sakit ngunit bago siya pumayag sa kanyang huling surgery ay ipinalista niya ang kanyang cornea para sa iyo."
Sunod-sunod na pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata at abot-abot ang pagtahip ng aking puso dahil sa kaba at takot. I gasped for air before speaking. "Maaari niyo ho bang sabihin sa akin kung anong pangalan ng donor ko?"
I heard him sigh before answering. "She is Tuesday Allison Thompson. She died almost ten minutes before we started your transplant surgery."
Tinutop ko ang aking bibig upang pigilan ang paglakas ng aking hagulgol. Wala sa sarili kong pinilit ang sariling tumayo at marahas na tinanggal ang dextrose sa aking kamay. Narinig ko ang ilang ulit na pagtawag nila sa pangalan ko ngunit hindi ko sila nilingon pa. Kinalas ko ang eye bandage ko at iminulat ang aking mga mata. Kumapit ako sa barandilya sa aking tabi at kahit nanlalabo pa ang paningin ay pinilit kong magpatuloy sa paglalakad.
"Athalia?"
I squinted my eyes in an attempt to see the man in front of me more clearly. Napakapit ako sa kanyang dibdib dahil sa panlalambot ng aking mga tuhod. Agad niya akong nasalo at inalalayang tumayo. "Kuya West..." napapaos na sabi ko. "N-Nasaan si Tuesday?"
"Athalia, hija! A-Anong ginagawa mo rito? Dapat ay nagpapahinga ka muna!" rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.
"Mama, hinahanap niya si Tuesday..." sagot sa kanya ni Kuya West.
Agad niya akong dinaluhan at inalalayan papasok sa silid ni Tuesday. Napapikit ako dahil sa liwanag ng kanyang silid. Nang imulat ko ang aking mga mata ay agad bumagsak ang tingin ko sa katawang may takip na puting tela. My lips trembled and my knees wobbled. Napaluhod ako sa sahig dahil pakiramdam ko ay binawian ako ng lakas.
"Anak..." rinig kong tawag sa akin ni Mommy.
Sinubukan akong alalayan patayo ni Kuya West ngunit pilit akong kumawala sa kanyang hawak. Mas lalong nanlabo ang aking paningin dahil sa panibagong nagbabadyang mga luha. Ginapang ko ang distansya namin at pinilit tumayo habang kumukuha ng puwersa sa kanyang kama. Gamit ang nanginginig na kamay ay inangat ko ang telang nakataklob sa kanyang ulo. Hindi ko na napigilan ang paghagulgol nang makita ang mapayapang mukha ng aking kababata.
"Tuesday, nandito na ako... 'Di ba sabi mo ay hihintayin mo ako? Gising na..." Hinaplos ko ang kanyang malamig na pisngi at pinagmasdan ang maputla niyang mukha. "Why did you have to do this for me? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo noon?"
Ngumiti ako nang malungkot bago ipinikit nang marahan ang aking mga mata. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinayaan ang sariling mapaupo sa sahig. "Please don't leave me alone, Tuesday... I'm sorry if I came too late and I'm sorry if I made you wait for too long..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top