Kapitulo XX - Familiar
"Athalia, ano itong nabalitaan kong nangyari sa inyong dalawa ni Tuesday?" Napaawang ang aking bibig nang ito ang unang itanong sa akin ni Ate Demetria pagkagising ko.
"P-Po?"
Suminghap siya. Naramdaman ko ang paglubog ng kabilang bahagi ng aking malaking kama, senyales ng kanyang pag-upo. "Kailan pa kayo nagkaroon ng away?"
Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa sinabi niya. "Ano po bang sabi ni Tuesday sa iyo?" kalmadong tanong ko sa kanya.
"Tinawagan ko siya kanina," sabi niya. "Ang sabi niya ay nagkatampuhan daw kayo noong last year mo sa kolehiyo. After noon ay nawalan na raw kayo ng komunikasyon sa isa't isa dahil hindi mo na siya binisita sa ospital."
I pursed my lips tightly. Bakit parang kasalanan ko pa?
"She broke our friendship a year ago, Ate." Pilit kong itinago ang pait sa aking boses. "At saka... hindi lang naman ako ang pumutol sa komunikasyon naming dalawa. Maybe her pride couldn't take it, too. She didn't even bother calling or messaging me all these years."
Saglit siyang natahimik dahil sa sinabi ko. "Pero sino iyong boyfriend niya?" makuhulugang tanong niya sa akin.
Napangiti ako nang tipid. Sila na pala? Of course, Athalia, you fool! Syempre iniwan mo na sila kaya talagang magiging sila!
"He's Vermont..." napapaos na sagot ko.
Nagulat ako nang hawakan niya ang magkabilang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng aking hita. "V-Vermont? Siya ba 'yong..."
I slowly nodded and swallowed the lump in my throat. "The one who received my cornea..."
Nagulat ako nang biglang bumitiw si Ate Demi sa akin. "Anong koneksyon mo sa lalaking iyon? I mean... alam kong natagpuan mo na siya few years ago pero... ano talaga ang relasyon mo sa kanya?" halatang nalilitong tanong niya.
I cleared my throat. "He was Tuesday's first love. I pretended to be her to get close to Vermont. Nagpanggap lang akong Tuesday para maging tulay sa pagmamahalan nilang dalawa. It was all part of our plan."
She groaned. "Plan? Both of you planned this all along? Panloloko itong ginawa niyo, Athalia!"
I shut my eyes and sighed. "I knew that... pero ginawa ko pa rin dahil sa kagustuhan kong mapasaya si Tuesday. Hindi ko pa noon alam na si Vermont pala at ang lalaking sinira ko ang buhay noon ay iisa. I felt even more guilty than I already was before that's why I told Tuesday to abort the plan."
Tears slowly formed in my eyes as the painful memories resurfaced on my mind again. "Minahal mo ba?" malungkot na tanong sa akin ni Ate Demi.
I bit my lower lip and slowly nodded. Pinalis ko ang ilang luhang kumawala mula sa aking mata. "He wasn't mine at the first place kaya wala akong karapatang masaktan at magreklamo. Tuesday just claimed what was rightfully hers to begin with."
Hinaplos niya ang buhok ko at pinalis ang mga luha sa pisngi ko. "Kaya ba tinapos mo ang pagkakaibigan niyong dalawa ay dahil ayaw mo nang magpanggap bilang si Tuesday?" tanong niya sa akin matapos ang ilang sandaling pananahimik.
"Hmm... partly yes, Ate. Oo, gusto ko nang tumigil sa pagpapanggap at panloloko namin ngunit nahalata niyang may nararamdaman ako para kay Vermont. Nagalit siya sa akin dahil doon at sinabi niyang ayaw niya na akong makita at maging kaibigan."
She gasped. "So siya talaga ang tumapos sa pagkakaibigan niyo? Bakit iba ang ikinuwento niya sa akin?"
Nagkibit-balikat na lang ako at bumuntong-hininga. Kahit papaano ay naramdaman ko ang paggaan ng bigat na nararamdaman ko dahil sa paglalabas ko ng saloobin sa pinsan ko.
"May tanong lang ako, Athalia..." she trailed off. "Kanina pa ito bumabagabag sa akin."
"Ano po iyon?"
"You are the donor of Vermont Vann Torres, Athalia, right?"
Naramdaman ko kung saan patungo ang usapang ito kaya pinangunahan ko na siya. "Alam kong alam mong ipinangako ko na ito dati pa, Ate Demi. Utang ko ito sa kanya at nagbayad lang ako. Kung ano man ang naiisip mong dahilan kung bakit ko ibinigay sa kanya ang paningin ko ay nagkakamali ka," agap ko.
"And you really expect me to believe that, Athalia Serene? Mahal mo si Vermont! Hindi ako naniniwalang ang tanging rason mo lang para maging donor niya ay dahil sa binitiwan mong pangako noon!" sermon niya sa akin.
Nakagat ko na lamang ang labi ko at hindi na nakipagtalo pa. There's really no point of arguing with Ate Demetria. She really knows me too damn well kaya wala na talaga akong kawala kahit anong paliwanag ko. Minsan nga ay naiisip kong kung hindi siya naging doktor ay papasa rin siyang abogada!
"Silence means yes!" sarkastikong sabi niya.
Napabuntong-hininga muna ako bago magsalita. "Wala rin namang saysay kung ang sasabihin kong dahilan ng pagdo-donate ko ay dahil mahal ko siya, Ate. I mean, ano pa bang ibang magagawa ng pagmamahal ko, 'di ba? May mahal naman na siyang iba," mapait kong sinabi.
Narinig ko ang pagsinghap ni Ate Demetria dahil sa sinabi ko. "But technically speaking... you're the one whom he fell in love with, Athalia! Ikaw ang nakasama niya at ikaw ang gumawa ng paraan upang mahulog ang loob niya! Kung talagang mahal ka niya, makikilala ka niya kahit anong mangyari!" pagpapalakas niya sa loob ko. "Sigurado ka bang ayaw mong ipaglaban 'yang nararamdaman mo?"
"He wasn't mine to begin with, Ate Demi. Si Tuesday ang unang nakakilala at nagmahal sa kanya. Nagpanggap lamang ako bilang si Tuesday, so technically speaking, he fell in love with the real Tuesday." Nanliit ang boses ko dahil sa aking pagpapaliwanag.
"Pangalan mo lang ba ang minahal niya?" tanong niya na siyang nagpatahimik sa akin.
"Hindi ganoon ang pagmamahal, Athalia. Hindi iyon nababase sa pangalan, estado ng buhay, o pisikal na anyo lang," aniya bago marahang pinisil ang kamay ko.
Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng mga salitang binitiwan niya sa aking puso. Muling nangilid ang mga luha ko at bahagyang nanginig ang aking labi.
"Ikaw ang nakilala at nakasama ni Vermont sa personal. Minahal niya ang pagkatao mo at hindi lang ang pangalan mo. Ikaw si Athalia at hindi ikaw si Tuesday. Sa'yo nahulog si Vermont at hindi sa kaibigan mo— I mean, sa ex friend mo pala!"
"We're okay now, Ate Demi... Tuesday already apologized to me earlier," mahinahong sabi ko.
"What?! Gano'n gano'n na lang 'yon, Athalia? Isang sorry niya lang ay babalik ka na agad sa kanya, matapos ka niyang iwan na parang isang tutang inabandona ng amo sa gitna ng kawalan?" madramang tanong niya sa akin kaya napanguso ako.
"Ayokong sayangin ang twenty two years of friendship namin—"
"Pero hindi ba't sinayang niya na 'yon simula noong araw na tinapos niya basta-basta ang pagkakaibigan niyo?! Simula two years old pa lang kayo ay magkalaro na kayong dalawa, tapos gano'n lang kadali para sa kanya ang itapon lahat iyon para lang sa isang lalaki?!"
I chuckled a bit at her dramatic remarks. Ate Demetria doesn't just know me too well, she also understands me more than anyone else.
"Hayaan mo na, Ate Demi. Matagal na akong naka-move on sa nangyari—"
"Iyan ang hirap sa'yo, eh! Masyado kang mabait! Masyado kang mapagparaya! Sa sobrang bait mo, hindi mo na namamalayang inaabuso ka na pala ng ibang tao sa paligid mo! Ginagago ka na, nagpapakatanga ka pa!" diretsong sabi niya sa akin na siyang nagpalaglag sa panga ko.
"Pero, Ate, kaibigan ko siya—"
"Hindi porke't kaibigan mo ay papayag ka nang gamit-gamitin ka lang niya! Learn to stand up for yourself, Athalia! Hindi sa lahat ng oras ay mayroong sasampal sa'yo ng katotohanan katulad ko! Dapat aware ka kapag hindi na tama ang trato ng ibang tao sa'yo!" sermon niya pa sa akin.
Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Kung sana ay nasampal na ako ng masakit na katotohanan noon, e'di sana noong una pa lang ay natuto na akong tumanggi sa ibang tao nang hindi nagpapaliwanag. Sana noong una pa lang ay napigilan ko na itong nararamdaman ko. Sana noong una pa lang ay naiwasan ko na ito bago pa ako mahulog sa sarili kong patibong.
Sa gitna ng katahimikan sa pagitan naming dalawa ng aking pinsan ay narinig ko ang malakas na pagtunog ng aking cellphone mula sa malayo. Naramdaman ko ang pagtayo ni Ate Demetria at ang kanyang mga yabag palayo sa akin. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na siya sa tabi ko at ibinigay sa akin ang cellphone ko.
"Sino pong tumatawag?" tanong ko sa kanya.
"Unregistered number, eh," maikling sagot niya bago may pinindot sa aking cellphone.
Inilapit ko ito sa aking tainga at pinakinggan ang kabilang linya. Napakunot ang noo ko dahil sa mahabang katahimikan. Ibababa ko na sana ang tawag nang bigla kong marinig ang isang pamilyar na tinig.
"Hello..." Nanginig ang kamay kong nakahawak sa cellphone nang makilala ang malamig na boses ni Vermont mula sa kabilang linya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top