Kapitulo XIV - Time

Ayoko nang lokohin pa si Vermont pero anong magagawa ko kung ang kapalit naman no'n ay ang pagkakaibigan naming dalawa ni Tuesday? Damn, I sound like a martyr for friendship! But what can I do right? She's been my best friend for years! I can't afford to lose her! Not now that she has a heart condition!

"Tuesday, can I talk to you for a minute?" seryosong sabi ko.

Napataas ang isa niyang kilay bago ngumiti sa akin. "Sure!" Bumaling siya kay Vermont na nakatingin lang sa unahan. "Sandali lang, Vermont, ah? Mag-uusap lang kami saglit ng best friend ko. I'll be back," pagpapaalam niya.

Nagulat ako nang bigla niyang halikan sa pisngi si Vermont bago bumaling sa akin at ngumiti nang matamis. Nag-iwas agad ako ng tingin bago tumalikod at nauna nang maglakad papalayo. Ramdam kong nakasunod sa akin si Tuesday kaya hindi na ako humarap pa.

"So anong pag-uusapan natin, Lia?" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa tanong niya.

Hinarap ko siya at nakitang hindi pa rin mawala-wala ang saya sa ekspresyon ng kanyang mukha. Ngumiti ako sa kanya nang tipid bago agad nag-iwas ng tingin. "Anong ibig sabihin nitong ginagawa mo?" mahinahong tanong ko sa kanya.

She chuckled a bit. "What? I was allowed to go out of the hospital today noong sinabi kong dito lang naman ako sa park at kasama naman kita."

Napatingin ako sa malaking hospital building kung saan siya nakaconfine na matatanaw nga hindi kalayuan mula rito sa park. Napasinghap ako nang may mapagtanto sa set-up na ito.

"Tuesday, let's stop this bullshit already," mariing sabi ko sa kanya. Mabilis na napawi ang ngiti niya bago kumunot ang noo sa sinabi ko. "We can't just keep fooling him! Sobra na nga 'yong ginawa natin, dinagdagan mo pa talaga ng panibagon!"

"Why do you suddenly care so much about him?" nagdududang tanong niya sa akin.

Natigilan ako nang bahagya ngunit agad ding nakabawi. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Tuesday. I'm talking about us– fooling him! Akala ko ba ay napag-usapan na natin ito dati? Sabi mo ay ititigil na natin ito? Pero ano 'to? Ano na naman 'to?!"

"Gusto ko lang namang maranasan—"

"We can fool Vermont, but we cannot fool ourselves and the world, Tuesday! Hindi lahat ng tao ay bulag at makakaya nating lokohin nang ganito! Especially Kuya Melvin because he already knew me! Isang maling salita niya lang ay buking na ang panloloko nating ito!"

Napakurap-kurap siya sa sinabi ko. "You didn't answer my question earlier, Athalia. Why do you care so much about him?" malamig na tanong niya sa akin.

"This is not about me, Tuesday! Ilang beses ko bang—"

"Bakit nga?" Nagulat ako sa bahagyang pagtaas ng kanyang boses at sa pagiging seryoso niya ngayon.

Nang makabawi ay marahas akong bumunot ng hininga. "I-It's not like that! I care for you, that's why I'm worried—"

"Stop lying to me! I've been your best friend for twenty two fucking years, Athalia Serene. Sanggol pa lang tayo ay magkasama na tayong lumaki! Ginagawa mo ba akong tanga?"

Bayolenteng tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Sumabog ang aking buhok sa mukha dahil sa biglaang paglakas nang pag-ihip ng hangin. Sa pagkakataong ito, wala akong ibang narinig kun 'di ang bayolente ring pagtibok ng aking puso. I wish I could stop the time and rewind everything...

"T-Tuesday—"

"Minahal mo na ba?" simpleng tanong niya na nagpakirot lalo sa puso ko.

Napaatras ako dahil sa kanyang tanong. Pakiramdam ko ay nanlambot bigla ang tuhod ko dahil sa mga binibitiwan niyang salita.

"Sumagot ka, Athalia! Minahal mo na ba si Vermont?!" malakas na sabi niya sa akin na siyang nagpahikbi sa akin.

"Tuesday, I-I'm sorry! Hindi ko sinasadya!" I croaked.

I can't lose her! I can't lose our friendship! I don't want to lose her! I wish I could just turn back the time... e'di sana hindi na ako sumang-ayon noong una pa lang tungkol dito. E'di sana hindi namin kailangang magkaganito ng kaibigan ko. E'di sana hindi na lang ako nahulog sa taong mahal ng kaibigan ko!

"So mahal mo na nga?" Her voice trembled a bit. Dinig na dinig ko ang pait at galit sa kanyang boses na siyang nagpatindig sa mga balahibo ko.

"I-I'm sorry, Tuesday—"

"Akala ko ba napag-usapan na natin 'to, Athalia?! Pinlano lang natin 'to para maging kami ni Vermont! Pinlano lang natin 'to dahil mahal ko siya, pero anong nangyari? Anong ginawa mo? Minahal mo na rin?! Alam mo namang mahal ko siya noon pa man, Athalia! B-Bakit..." Natigilan siya sa pagsasalita at napahawak sa kanyang dibdib. Agad akong lumapit sa kanya upang alalayan siya ngunit itinulak niya lamang ako palayo. "Huwag mo akong hawakan! T-Traydor ka!"

"Tuesday, p-please calm down," humihikbing sabi ko sa kanya. Hinilamos ko ang aking palad sa mukha at pilit na pinatigil ang mga luhang walang tigil na lumalabas mula sa aking mga mata.

"Akala ko ba bestfriends tayo?" Nabasag ang kanyang boses dahil sa tanong na iyon. "You were like a sister to me, Athalia. I've been with you my whole life. We've been together through our ups and downs. I've been with you during your worst times and celebrated with you during your best. Paano mo nagawa sa akin ito?"

"Tuesday..." Napaupo ako dahil sa panghihina ng mga tuhod. Tinakpan ko ng palad ang aking bibig upang pigilan ang paglakas ng bawat hikbi ko.

"Bakit mo nagawa sa akin 'to, Athalia? Hindi ito kasama sa plano natin—"

Napatayo ako dahil sa sinabi niya. "'Yan ang problema sa'yo, Tuesday, eh! Puro ka 'plano', 'plano', 'plano', akala mo napakadali lang para sa akin nitong gusto mo! Ginawa ko lang lahat ng gusto mo para sa ikasasaya mo dahil mahal na mahal kita at mahalaga ka sa akin! Sana man lang naiisip mo rin 'yong nararamdaman ko. Hindi porke't ikaw ang may ganyang karamdaman sa ating dalawa ay sarili mo lang ang iintindihin mo—"

Natigilan ako sa pagsasalita nang dumapo sa aking pisngi ang kanyang palad. Hindi agad ako nakabawi at nanatiling nakapilig ang ulo sa kanan. Naramdaman ko ang panginginig ng aking mga labi habang dinadama pa rin ang sakit na dulot ng malakas na sampal niya.

"Ngayon sinusumbatan mo na sa akin lahat? Ako pa talaga ang may kasalanan? Ang simple lang naman ng plano natin, Athalia! Makikipagkaibigan ka kay Vermont, paglalapitin mo lang ang loob niyong dalawa, at kapag close na kayo ay hihintayin mong mahulog ang loob niya sa'yo para kapag dumating na 'yong oras na katulad nito, kaming dalawa na ang magsasama! Ang simple lang no'n, pero ginawa mo pang kumplikado!" nanggagalaiting sigaw niya sa akin.

Napailing ako nang sunud-sunod dahil sa sinabi niya. My heart aches so bad that I think I can literally feel the physical pain. "Tuesday, I-I'm so—"

"Sorry?! Anong magagawa ng 'sorry' mo, hmm? Matatanggal ba no'n 'yong fact na na-inlove ka sa taong mahal ng bestfriend mo? Matatanggal ba no'n 'yong fact na sinasamantala mo 'yong pagkakataong ibinigay ko sa'yo, para riyan sa lintik na nararamdaman mo? Sarili mo lang ang iniisip mo, Athalia! Hindi totoong may pakielam ka sa nararamdaman ko kasi kung meron talaga, e'di sana hindi mo ginawa sa akin 'to!"

"Tuesday, please... Calm down," humihikbing sabi ko habang pilit hinahawakan ang kamay niya.

"Traydor ka, Athalia!" nanginginig na sigaw niya. Napaatras siya ng ilang hakbang habang nakatitig sa akin na tila ba nandidiri.

"Tuesday, n-no... I didn't—"

"Starting today, we're going to abort the plan. Hindi na natin lolokohin pa si Vermont," malamig na aniya na siyang gumulat sa akin.

Inangat ko ang tingin sa kanya. Tiningnan ko siya gamit ang mga matang nagtatanong. "Dahil ako na mismo ang gagawa ng paraan para sa aming dalawa. I don't need your help anymore," mariing dagdag niya. Tumalikod na siya sa akin ngunit nanatili pa rin siya sa kanyang kinatatayuan.

"T-Tuesday..." I tried to call her once again.

"Now, go and tell Vermont that you have an emergency. Sabihin mo na aalis ka na at iiwan mo na siya sa akin," she demanded.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Nanginginig man ang mga tuhod at mabibigat man ang mga hakbang ay nagsimula akong maglakad ngunit nang malagpasan ko siya ay agad akong natigilan dahil sa huling sinabi niya.

"And get lost! I don't want you in my life anymore! Hindi ko kailangan ng kaibigang ahas. Huwag na huwag ka nang magpapakita pa kay Vermont, at.... lalong-lalo na sa akin." Bumagsak ang mga balikat ko at natutop ko muli ang aking bibig upang pigilan ang paghikbi nang malakas.

Kahit hinang-hina na ako ay pinilit ko pa ring magpatuloy sa paglalakad. Nang matanaw ang maamong mukha ni Vermont ay gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano, ngunit kapag naaalala ko ang huling sinabi ng kaibigan ko ay tila nadadagdagan ang bigat ng puso ko.

Tumikhim muna ako at pilit na pinalalim ang aking boses upang hindi siya magtaka. Napangiti ako nang mapait nang umangat bahagya ang tingin niya nang maramdaman ang presensya ko. Huling beses na lang din naman kitang lolokohin kaya bahala na...

"Vermont, si Athalia 'to. Mauuna na ako kasi may emergency lang. Maiiwan na muna kita..." At hindi na ako muling babalik pa. "...kay Tuesday. M-Mag-ingat kayo pag-uwi. Ikaw na ang bahala sa bestfriend ko, ah?" Alagaan mo 'yan, mahal na mahal ko 'yan higit pa sa sarili ko. I wish you all the best, Vermont Vann Torres.

Ngumiti siya nang tipid sa akin bago tumango. Gustong-gusto kong hilingin na sana ay sumagot siya kahit maikli lang dahil gusto kong marinig ang boses niya sa huling pagkakataon. Gustung-gusto ko siyang yakapin nang sobrang higpit at sabihing ako si Athalia, ang taong minahal niya at hindi si Tuesday. I want to caress his face and tell him how perfect he look in my eyes despite of his imperfections. Gustung-gusto ko sabihin kung gaano ko siya kamahal sa huling pagkakataon. But I didn't... I just kept it all inside.

Napangiti ako nang mapait at hindi na nilingon pa silang dalawa nang maglakad ako papalayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top