Kapitulo X - Escape

"Mom, stop calling me. Mamaya pa ako uuwi," pagod na sabi ko bago pinutol ang tawag. Patamad kong ipinatong ang isa kong kamay sa manibela ng sasakyan at ipinatong ang siko sa tabi ng bukas na bintana.

It was 9:00 in the evening and I was on my way to Tuesday's place. Mabilis ang patakbo ko dahil wala naman masyadong nadaan ngayon sa kalsada dahil dadaan pa sa mahabang bukirin bago makarating sa subdivision ng kaibigan. It was raining, but I didn't care. It was Friday night and I was having a great day, so far.

Sinabi ko na kay Mommy na mamaya pa ang uwi ko ngunit panay ang kulit niya sa akin sa tawag na umuwi na raw ako. Wala naman akong gagawin sa bahay at isa pa, halos ilang araw kaming hindi nagkita ni Tuesday kaya gusto ko munang tumambay roon at magkwento tungkol sa naging araw ko.

I turned up the music to hear one of my favorite go-to song. Sinulyapan ko ang traffic light nang makitang nawala na ang green light. Binilisan ko ang pagpapaandar upang hindi ako maabutan ng stop light. The light was turning yellow in the major intersection that I was about to turn but the car in front of me decided to go through the light and then suddenly changed their minds right at the middle of the intersection.

Napaahon ako sa kinauupuan at agad tinapakan ang preno ng sasakyan ngunit hindi ito tumigil agad. Napamura ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko dahil sa panibagong tawag galing kay Mommy ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil sa kasalukuyang nangyayari. Agad kong pinaikot sa kaliwa ang manibela upang iwasang mabangga sa sasakyang nasa unahan ngunit huli na ang lahat dahil humampas na ito sa isang malaking puno.

I screeched and slammed against the large tree beside it. The moment the car hit the hard tree, I already assumed I was dead. Nang imulat ko ang mata ay nakita ko ang dahan-dahang pagtumba ng punong nabangga ko sa akin. I thought I was dead but I kept waking up. Mas gusto ko pa yatang wala akong malay kaysa ganitong pagising-gising ako.

I could taste the coppery blood pooling in my mouth. I could feel it soaking my tongue. Nananakit ang buong katawan ko ngunit alam kong hindi ko ito maigalaw. Each crack in my bones felt like rocks burrowing deep into my skin.

Hirap na hirap akong lumanghap ng hangin at pakiramdam ko ay malalagutan na talaga ako ng hininga. I heard a buzzing noise filling my ears. I felt like I was there for hours, fading and waking and fading and waking. My agony and deep regret was the only thing keeping me alive. It was the only thing I could feel anymore.

"M-Mommy..." I whispered.

The moment I closed my eyes, I thought I was home in my bed because it was extremely dark. The last thing I heard was the sirens of the ambulance outside before I fell unconscious and half-alive.

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at hinabol ang aking paghinga. Pinalis ko ang namamasang pisngi at sinuklay ang aking buhok gamit ang kamay. Napahagulgol ako habang niyayakap at ibinabaon ang aking mukha sa aking tuhod. I know it was just a flashback but the pain I felt seems so realistic. I could almost taste the same blood I tasted years ago and my body feels weak and heavy.

Hindi na ako nakabalik pa sa pagtulog kaya naman nanghihina ang katawan ko nang sumapit na ang umaga. Napagdesisyunan ko ring hindi muna ako pupunta ngayon sa ospital upang bisitahin si Tuesday dahil alam kong wala akong mukhang maihaharap sa kanya. I don't even know if I could tell her about Vermont's confession. Alam kong mapapasaya ko siya sa balitang iyon pero... parang may mali.

Everything about it feels so wrong. Everything I feel for Vermont is wrong. But... how can something so wrong feels so damn right? Damn.

Matapos uminom ng tubig sa kusina ay bumalik na ako ako sa silid na ibinigay sa akin ni Ate Demetria. Muling bumuhos ang mga luha mula sa aking mga mata. Napasandal ako sa pinto ng kwarto at napaupo sa malamig na sahig. Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang unti-unting paglakas ng aking hikbi. Natatakot akong marinig ng mga kasambahay na umiiyak ako, baka sabihin nila ito sa pinsan ko.

I scanned the whole room and suddenly noticed its vast space for a small person like me. Nag-iisa lang ako sa silid pero mas lalo ko yatang naramdamang mag-isa lang ako dahil sa laki at lawak nito. I suddenly wonder if Ate Demetria thought the same way before...

Napahigpit ang hawak ko sa kulay puting rosas na ibinigay sa akin ni Vermont. Napabuntong-hininga ako. Malalanta at matutuyo rin ito balang araw. Sana lang ay katulad ito ng nararamdaman ko ngayon para kay Vermont... maglalaho at tuluyan ring makakalimutan sa paglipas ng panahon.

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Ate Demetria tungkol sa puting rosas. Gusto kong hilingin na sana hindi iyon totoo. Gusto kong hilingin na sana hindi ibinigay ni Vermont sa akin ito. Gusto kong hilingin na sana hindi ko na lamang narinig ang tungkol sa puting rosas. At gusto kong hilingin na sana maglaho na lang itong nararamdaman ko para sa kanya.

Sana hindi na lang kami nagkita at nagkakilala. Sana tumanggi na lang ako sa plano ni Tuesday noong una pa lang. Sana hindi na lang kami nagkakilala. Sana hindi ko hinayaang mahulog ang loob namin sa isa't-isa.

Sana hindi na lang kami pinagtagpo kung hindi rin naman kami ang itinadhana para sa isa't-isa...

Starting today, I'll just focus on my studies and the internship. Once I graduate, I'll find a good job, 'yong malayo sana rito. Yung tipong hinding-hindi na muling magtatagpo ang landas naming dalawa. Yung tipong hinding-hindi niya na ako magagawang mahanap pa... kahit magkaroon man siya ng donor ng mata.

Simula ngayon... lalayuan ko na siya. Kakalimutan ko na ang nararamdaman ko. Hindi ito para sa sarili ko, kun'di para sa nararamdaman ng kaibigan ko. Hurting her is the last thing I wanted to do. Seeing her cry because of me is the last thing I wanted to see.

"Athalia, ang tamlay mo yata ngayon?" Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang tinig ni Angelo.

Kinabukasan noong araw na magkaalitan kami ni Angelo ay lumapit sila sa akin kasama ang mga kaibigan niya upang humingi ng tawad. Tinanggap ko naman iyon agad dahil sino ba naman ako para magmatigas, hindi ba?

Diyos nga ay nagpapatawad, ako pa kaya na tao lang? Pinatawad niya nga ako sa pagiging pabaya ay iresponsable ko sa pagmamaneho noon, eh. Kung tutuusin ay puwede akong mamatay noon pero heto pa rin ako, bumabangon at patuloy na hinaharap ang hamon ng buhay. I just feel guilty about it, though. I feel like I don't deserve to continue living. Mas deserve ng nagmamay-ari ng kotseng iyon ang buhay na mayroon ako ngayon.

Simula noong nagkaayos kami ay naging magkaibigan na kami ni Angelo at mas napapadalas na rin ang kanilang paglapit sa akin sa school. Madalas ay nag-aalok pa sila sa akin na ihatid nila ako sa bahay o kaya naman ay nagyayaya silang lumabas o gumala. Nakapagtataka man ay ipinagkibit-balikat ko na lang itong lahat dahil alam kong pagkakaibigan lang naman ang mayroon sa amin at ng mga kaibigan niya.

"Medyo masama lang ang pakiramdam ko," sagot ko sa kanya bago ngumiti nang tipid. Nagkatinginan sila ng dalawa pa niyang kaibigan bago bumalatay ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.

"G-Gusto mo ikuha kita ng gamot sa may clinic? Saglit lang!" nagmamadaling sabi ni Mike, kaibigan ni Angelo.

Agad ko naman siyang hinawakan sa braso upang pigilan. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kanya at agad na pinamulahanan ng mukha. "Huwag na, Mike. Ayos lang talaga ako..."

Napaangat ang isang kilay ko nang tapikin palayo ni Marc ang braso ni Mike at pumagitna siya sa amin. Nag-aalala niya namang ipinatong ang likod ng kanyang palad sa aking noo. "Medyo mainit ka nga, Athalia! Halika't bubuhatin na kita papunta sa clinic, baka mas lumala pa 'yan," mabilis na sabi niya bago umaktong bubuhatin na ako ngunit agad akong umiling.

"Ano ba kayo! A-Ayos lang talaga ako. Hindi kasi maganda ang tulog ko kagabi," natatawang agap ko na siyang nagpaluwag ng paghinga nila. Ipinatong ko ang aking ulo sa dalawang braso ko bago ipinahinga ang mata.

"Umalis na kasi kayo 'dyan! Puro kayo porma kay Athalia! Ang lahat ng nagbabalak manligaw sa kanya ay kailangang dumaan muna sa akin! Kailangang magpalista at may registration fee!" rinig kong pagtataray ni Lana na mukhang kakapasok lang ng classroom namin.

Inangat ko ang aking ulo at nakita ang halos sabay-sabay na pagsinghap nila Angelo bago lumayo sa akin.

"Bakit ba naman kasi ang haba ng hair mo, Athalia? Hindi na nga tayo pumapasok sa school dahil sa internship pero humihilera pa rin ang mga nagkakagusto sa'yo!" panunuya ni Lana sa akin.

"Athalia, may naghahanap sa'yo sa labas ng room." Nabitin sa ere ang sasabihin ko kay Lana nang tawagin ako ng isa kong ka-blockmate.

"Sino raw?" kuryosong tanong ko.

Sumungaw muna siya sa labas ng room at tila may kinausap bago muling tumingin sa akin. "Si Vermont daw," aniya bago bumalik na sa kanyang upuan.

Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa magkahalong kaba at gulat kaya naman natatarantang naglabas ako ng mga libro at notebook sa aking desk. "L-Lana, pakisabi naman busy ako." Pinagtaasan niya ako ng isang kilay at nagdududang tinitigan ngunit hindi na siya nagreklamo pa at sinunod na lang ang sinabi ko.

Pagkabalik niya sa upuan ay nanatili siyang nakatitig sa akin at bakas sa mga mata ang pagtatanong. Ngumiti ako sa kanya upang ipakitang ayos lang ako. Hindi na lang siya nagtanong pa dahil mukhang naramdaman niyang may problema sa aming dalawa ni Vermont.

Mabilis na lumipas ang mga araw at nagpatuloy lang na ganoon ang naging eksena namin sa tuwing hinahanap ako ni Vermont. Naikwento ko na rin kay Lana ang nangyari at ang balak ko. Naging emosyonal pa siya nang maikwento ko sa kanya ang binabalak kong paglayo hanggang sa makagraduate ako.

Tuwing pumapasok ako sa school ay araw-araw akong ine-excuse ni Vermont sa klase. Araw-araw rin akong naghahand ng palusot upang makaiwas sa kanya. Minsan ay sumasabay ako sa paglabas ng marami kong kaklase kapag uwian upang hindi ako makita at malapitan ni Kuya Melvin dahil baka ituro niya ako kay Vermont. Araw-araw niya rin akong tinatawagan kaya madalas ay pinapatay ko ang aking cellphone. Kapag recess time ay hindi rin ako lumalabas mula sa room upang hindi kami magkasabay.

Somehow, it works. I just hope this routine will last until the end of this school year... unless, destiny will begin to interfere my peaceful life.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top