Kapitulo VI - Friends

"Ang angas mo, ah! Nagkakandarapa girlfriend ko sa'yo kahit bulag ka!" sarkastikong sabi ng lalaki bago tumawa. "Masaya ka bang naghiwalay na kami, ha? Para makuha mo na siya tutal 'yon naman talaga ang gusto mong mangyari, 'di ba?" Bakas ang galit sa boses niya at napag-alaman kong isa siya sa mga kaklase ko sa isang minir subject, si Angelo.

Nagulat ako nang biglang ngumisi si Vermont. "Wala akong pakielam sa relasyon niyo kaya pwede ba? Huwag mo nga akong sisihin kung nakipaghiwalay siya sa'yo dahil sa akin—"

Napaawang ang aking bibig nang marahas siyang itulak ng kaklase ko. "Ang lakas mo rin, eh 'no? Akala mo ikinagwapo mo 'yan? Bulag ka naman! Masyado kang paawa! Ginagamit mo pa 'yang pagpapaawa mo para lang lumapit lahat ng babae sa'yo!" mapanuyang sabi niya bago ambang susuntukin si Vermont ngunit agad kong sinalo ang kanyang kamao.

Napatili ang ilan sa mga babaeng nanonood dahil sa ginawa ko. Bakas ang gulat sa mga mata ni Angelo habang nakatingin sa akin. "A-Ath—" gulat na sambit niya na agad kong pinutol sa pamamagitan nang paghigpit ng hawak ko sa kamao niya, bago pa malaman ni Vermont ang tunay kong pangalan.

"Payag ka, 4th year college ka na pero nambubully ka pa rin?" sarkastikong sabi ko.

Marahas kong itinulak papalayo sa akin ang kamao niya. Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng kamay ko dahil sa sakit kaya ikinuyom ko ito upang maitago.

Taas-noo ko siyang tinitigan nang matalim. "Eh, ano ngayon kung bulag siya? Hindi pa rin tamang gumawa ka ng eskandalo rito sa school," mariing sabi ko. "You're so pathetic."

Ikinuyom muli ni Angelo ang kanyang kamao bago humalukipkip at mapanuyang nagpabalik-balik ng tingin sa amin ni Vermont. "Wow... kaya naman pala walang pakielam sa girlfriend ko! May girlfriend palang chix! Daig pa ako ng bulag, guys!" sarkastikong anunsuo niya sa mga tap bago humalakhak. Humalakhak din ang mga kasama niyang lalaki pati ang ilang mga manonood.

Ngumisi ako sa kanya nang nakakaloko. "Kaya ka iniwan ng girlfriend mo dahil ganyan 'yang ugali mo. Too bad... kahit bulag siya, kayang-kaya niya pa ring agawin sa'yo 'yang pinagmamalaki mong girlfriend mo kahit wala siyang ginagawa." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Ikaw ngang nakakakita ay iniiwan pa rin ng girlfriend niya." I smirked.

Namula ang kanyang mukha dahil sa galit. He gritted his teeth but remained silent. Akmang papatulan niya na ako ngunit iniwasan ko 'yon at hinawakan ang kanyang pala-pulsuhan bago ipinilipit patungo sa kanyang likod. Napahiyaw naman siya dahil sa sakit ng ginawa ko.

"Try harder, jerk. Itong bulag na iniinsulto mo, kayang-kayang kunin ang mga babaeng nakikita ng mga mata mo," mahinahong sabi ko sa kanya ngunit may diin. "Kung ako sa'yo, i-donate mo na lang 'yang mga mata mo. Mas deserve niya pang makakita kaysa sa'yo."

Buong lakas ko siyang itinulak palayo at kamuntikan pa siyang matumba ngunit nasalo siya ng kanyang mga kaibigan. Taas-noo akong nakipagtitigan sa kanya at bakas naman ang galit sa kanya bago niya ako tinalikuran at umalis doon.

Isa-isa kong sinamaan ng tingin ang mga nananatili roon kaya nagmamadali silang umalis. Nang kaming dalawa na lang ni Vermont ay humakbang ako papalapit sa kanya.

Tumitig ako nang matagal sa kanya at nalungkot nang makitang nanatili lang siyang nakatingin sa harapan at halatang nakikiramdam lang sa paligid. I slowly grabbed his hand and squeezed it gently. Naramdaman niya iyon kaya umawang ang kanyang bibig.

"Thank you..." he muttered which made my heart flutter. Kinuha niya ang nakasabit na sunglasses sa kanyang damit at dahan-dahang isinuot iyon.

Agad sumungaw ang isang ngiti sa aking labi nang marinig ang sinabi niya. Hinila ko ang kanyang kamay at naglakad paalis doon upang pumunta sa canteen.

Tumigil ako sa paglalakad nang makapasok kami sa canteen upang maghanap ng bakanteng lamesa. Dinala ko siya sa may bandang dulo malapit sa bintana at inalalayan siya sa pag-upo. Nakita ko ang assistant niya na papalabas ng canteen kaya nilapitan ko ito at itinuro ang kasama ko. Sinabi ko sa kanya na ako muna ang bahala sa kanya kaya pumayag naman siya at naupo malapit sa aming lamesa.

Pagkaupo sa upuan sa harapan niya ay ipinatong ko ang bitbit kong pagkain sa may lamesa bago humalumbaba at tumingin sa kanya.

"Binilhan kita ng pagkain, Vermont..." nakangiting sabi ko bago dahan-dahang ibinaba ang shades na suot niya.

Damn... I should've noticed sooner! Kaya pala hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ko noong una kaming nagtagpo ay dahil hindi niya talaga ako makita. Sayang ang ganda ng mga mata niya...

"You don't need to." Napaubo ako nang marinig ang malamig na tinig niya. Bakas ang pagkainsulto sa tono ng pananalita niya na siyang nagpakunot sa noo ko. Bakit naman siya nainsulto sa ginawa ko? Para sa kanya naman 'to, ah!

"Why not? Recess time ngayon at napapansin kong hindi ka kumakain dito sa canteen," naguguluhang sabi ko sa kanya.

His lips twitched a bit. "Bakit mo ako dinala dito sa canteen? I don't eat in crowded places." Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Why not? Is he distancing himself from other people just because of his disability?

"Don't worry, they won't bully you as long as I'm here. I'm going to protect you," mayabang na sabi ko sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo at nananatiling nakahalukipkip habang nakaharap sa akin. Napatikhim ako.

"Charot pala! May internship na nga pala kami starting next week kaya wala ako dito, hehe," bawi ko agad sa sinabi.

"Are you making fun of me, Miss?" Napatikhim ako dahil sa seryosong tono ng kanyang pananalita na bahagyang nagpatayo sa mga balahibo ko.

"No, I'm not! Bakit naman kita pagt-trip-an?"

"Ako ang lalaki sa ating dalawa pero ikaw pa ang pumrotekta sa akin kanina. You know I can handle them all by myself. Dapat ay hindi ka na nakielam doon. Baka ikaw pa ang balikan ng mga 'yon," he said.

I bit my lower lip to hide my smile. There's something about what he said which made my heart flutter. "You're so old school, Mr. Torres! Hindi ba pwedeng protektahan din ng isang babae ang isang lalaki? And besides, I don't give a damn kung balikan man nila ako. I can handle them all by myself, too," I said coolly.

Nagtaas siya ng isang kilay dahil sa sinabi ko. "You're way too confident for a girl. Tomboy ka ba?" Nalaglag ang panga ko dahil sa tanong niya. Is he judging me? I know that I also judged him before about his sexuality pero... damn!

"O-Of course not! Matapang lang, tomboy na agad? Naririnig mo ba ang sarili mo?" nagpipigil ng inis na sabi ko sa kanya.

I saw a ghost of a smile playing on his lips before answering. "Bulag lang ako, pero hindi ako bingi, Miss." Napakurap-kurap ako dahil sa sarkastikong sagot niya.

Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa umuusbong na inis. Nako, kung 'di lang talaga para 'to sa kaibigan ko, baka nabalian ko na ng buto itong lalaking 'to! Nakakainis!

"Can you please stop calling me 'Miss'? Nagmumukha akong tita! I'm still young!" iritadong sabi ko sa kanya. "And besides, I have a name!"

"Okay, Tuesday..." Halos mapasinghap ako sa gulat dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ng best friend ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. "So... bakit mo ako tinulungan kanina?"

I cleared my throat. "A-At bakit naman kita hindi tutulungan? Of course, I'd help you because I think you needed it! I'd do it for anyone who needs it, okay! It's not like you're someone special..." I bit my lower lip to stop myself from talking. Why did I suddenly sound so defensive?

"Hmm... talaga?" Halos ihagis ko sa mukha niya ang pagkaing nakapatong sa lamesa dahil sa panunuya niya. Anong akala niya... gusto ko siya? Over my dead, sexy, and gorgeous body!

"Kumain ka na lang! Malapit na matapos ang break time!" pag-iiba ko sa usapan.

He chuckled. "Akala ko ba tayo ang kakain? Bakit ako na lang bigla?" panunuya niya pa rin sa akin kaya napasinghap ako.

"Kakain lang, walang tayo!" sarkastikong sabi ko sa kanya dahil sa tuluyang pagkaubos ng aking pasensya.

Natigilan ako nang makita siyang tumawa. I didn't know that someone can laugh so manly and so sexy at the same time— teka nga! Ano ba 'tong naiisip ko?! What the hell, Athalia Serene?

"A-Ano, tatawa ka na lang ba d'yan?! Hindi ka matatapos kumain kung uunahin mo pa 'yan! Bahala kang ma-late!" singhal ko sa kanya kaya tumigil na siya sa pagtawa. Napaiwas ako ng tingin nang makita siyang ngumiti. Itinuon ko ang buong atensyon ko sa sariling pagkain at hindi na ininda ang pagkailang na nararamdaman.

"We can be friends..." Natigilan ako sa kalagitnaan ng pagsubo ng kutsara nang bigla siyang magsalita.

"H-Huh?" wala sa sariling tanong ko sa kanya ngunit hindi na siya umimik pa dahil inabala na niya ang sarili sa pagkain.

Hindi na kami nag-usap hanggang sa matapos kaming dalawang kumain. Inalalayan ko siya sa pag-akyat ng hagdan hanggang sa pagpunta sa susunod niyang klase. Nakasunod naman sa amin ang kanyang assistant. Kumabog ang dibdib ko dahil sa mga tingin ng ibang estudyante sa aming dalawa habang nadaan. Nagpaalam muna ako sa kanya bago ako umalis at pumunta sa sarili kong klase.

Sinalubong agad ako ng mga tanong ni Lana nang makarating ako sa classroom. Sinamaan ko ng tingin si Angelo nang makitang nakatingin siya sa akin. Agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin pati na rin ang mga kaibigan niya bago lumipat sa pwestong mas malayo sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top