Kapitulo III - Deal

Pagsapit ng uwian ay agad akong nagpaalam kay Lana at sa iba kong nakausap kanina na mauuna na akong umuwi dahil may dadaanan pa ako. Mabuti na lang at sila pala ang makakasama ko sa On-The-Job training na magsisimula na yata next week after naming ma-orient this week tungkol sa gagawin at mangyayari during internship.

Nang makarating sa ospital ay agad akong dumiretso papasok sa elevator. Pagkarating sa tamang floor ay nagmamadali akong naglakad patungo sa tamang room ngunit natigilan ako nang makitang nakaawang ang pinto nito.

I was about to enter the room when I heard an unfamiliar voice. "Tuesday, kumusta ang pakiramdam mo?" 

Nakita kong isang doktor sa ospital ang kausap niya nang bahagya akong sumilip sa loob ng silid. I leaned my body against the wall beside the door and quietly listened.

"M-Mabuti naman po, Doc. Ano pong naging resulta ng test?" Agad na kumunot ang aking noo dahil sa tanong ni Tuesday. Anong test naman kaya 'yon? At kailan isinagawa sa kanya?

Mahabang katahimikan ang namutawi sa buong silid kaya tumuwid ako nang pagkakatayo at nagpasyang papasok na. Natigilan ako nang marinig na tumikhim ang doktor bago magsalita. 

"The good news is that you have less than one percent possibility of experiencing a sudden death because of your heart condition. But the bad news is..." he trailed off. "You have a low probability of being discharged from the hospital to live a normal life, hija."

Rinig ko ang mahihinang hikbi ni Tuesday kaya nangilid ang aking mga luha. Napaatras ako ng ilang hakbang upang isandal muli ang katawan sa pader at tinutop ang aking bibig gamit ang kamay. 

"Y-You mean, maaari pong habambuhay na lang akong nakaratay rito sa ospital at hindi na makabalik pa sa pag-aaral? Pero ga-graduate na po ako ng college, Doc!" Pain was very evident in her voice. "Internship na lang po ang gagawin namin this school year! Kaunti na lang po ang subjects na ite-take ko at ga-graduate na ako..."

"I'm sorry to say this but... there are only a few cases of survivors of stage 4 hypertrophic cardiomyopathy. Maaari ka pang magamot or makapag-rehabilitate, but I think it will be impossible for you to fully recover from it because your body is growing weaker each day."

Bahagya kong itinagilid ang aking katawan nang marinig ang mga yabag ng doktor palabas ng silid ni Tuesday. Ilang beses muna akong bumuntong-hininga at pinalis ang mga luha bago magpasyang pumasok sa silid niya.

"Hi, Tuesday! Nandito na ako!" masiglang bati ko sa kanya nang makita siyang nakahiga ngunit nakatalikod sa may pinto. 

Pinigilan kong maging emosyonal dahil alam kong mas lalo lang bibigat ang kanyang pakiramdam kapag nakita niya akong malungkot. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pasimple niyang pagpapalis ng kanyang mga luha bago tuluyang humarap sa akin. Nagpanggap na lang akong abala sa paglalagay ng mga bitbit kong prutas sa may lamesa. 

"Hi, Demi! I missed you!" masiglang bati niya sa akin pabalik kaya nakaramdam ako ng bahagyang kirot sa aking puso dahil alam kong nagpapanggap lang din siya.

Bumaling ako sa kanya at ngumiti nang matamis. "Kumusta ka? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" tanong ko sa kanya ngunit nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"O-Oo naman... Ayos lang ako," nakangiting sabi niya habang nakatingin sa kanyang mga kamay.

"Kumain ka na ba? Kain ka ng mga prutas na dala ko, oh! Matatamis 'to, lalo na yung oranges!" pag-iiba ko sa usapan kaya naman napatingin siya roon sa dala ko.

"Sige, mamaya uubusin ko 'yan! Thanks, Demi!" masayang sabi niya bago yumakap sa akin.

Nang bumitiw siya sa yakap ay maingat akong umupo sa tabi niya. Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata habang nakatingin din siya sa akin. Siguro ay tinatantya niya kung sasabihin niya ba sa akin ang naging usapan nila ng kanyang doktor o hindi. 

Ngumiti ako sa kanya at iniba na lang ang usapan. "Nga pala, kakagaling ko lang sa school. First day namin," pagkukwento ko sa kanya. "After ng mga seminar at orientation, sasabak na kami sa field!"

"OMG! Kumusta?! Ang ganda ng university, 'di ba?" excited na sabi niya kaya natawa ako.

"Oo, at saka marami na rin akong naging kaibigan kasama 'yong isa mong kaibigan na si Lana," sabi ko sa kanya.

Tila nagningning naman ang kanyang mga mata dahil sa binanggit kong pangalan. "Hala, talaga?! Close friend ko si Lana! Nakwento niya ba ako sa iyo?"

"Yup! At saka naikuwento niya rin sa akin 'yong crush mo." I narrowed my eyes and observed her reaction.

Napatikhim ako nang maalala ang nangyari kanina. Kitang-kita ko ang galak sa mga mata ni Tuesday nang banggitin ko ang magic word para sa kanya.

"Hays, nakakainggit naman! Ang gwapo niya, 'di ba?! Ano? Anong balita?!"

"Hmm... Oo? Pero ubod ng suplado! Medyo mayabang pa!" naiinis na sabi ko habang nakahalukipkip. 

Agad niya akong hinampas bago tinakpan ang kanyang mukha at tumili nang pigil. "Oh my gosh, Athalia! Nakakainggit kayo ni Lana! Nasisilayan niyo 'yong future asawa ko!" kinikilig na sabi niya.

"Hindi ako boto sa kanya! Ang hangin niya masyado!" nakangiwing sabi ko sa kanya kaya inirapan niya ako. "It's a no for me!"

"Ganoon lang talaga 'yon! Iyon nga ang nagustuhan ko sa kanya, eh! Parang fictional character, 'di ba?!" aniya habang inaalog-alog ang magkabilang-balikat ko.

"Oo na! Oo na! Tss," iritadong sabi ko habang pilit na hinahawi ang kanyang kamay sa balikat ko.

Ganoon ba ka-gwapo sa mga mata niya 'yong supladong iyon? Ano bang meron sa mga suplado at bakit ang lakas ng appeal nila sa mga babae?

"Oh my gosh, I have a super bright and wonderful idea!" Pinagtaasan ko siya ng isang kilay dahil sa sinabi niya. Ano naman kayang naisip nitong babaeng 'to? Sana nama'y hindi ito puro kalokohan!

"Siguraduhin mong matino 'yan, ah..." I warned her.

"Magpanggap ka kayang 'ako'?"

Agad na napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

"Magpakilala ka sa kanya bilang Tuesday Allison Thompson! Para kapag nakalabas na ako ng ospital ay maging close na kaming dalawa!" She chuckled.

Nanatiling nakaawang aking bibig habang hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ko bang patulan itong naiisip dahil alam kong nasabi niya lang ito kasi medyo malabo na siyang makalabas pa ng ospital.

I shook my head out of disbelief. "Hindi ko gusto 'yang naisip mo, Tuesday, ah! Tigil-tigilan mo nga ako sa kahibangan mo roon sa lalaking iyon!" pagtanggi ko sa kanya bago tumayo.

Lumungkot naman bigla ang kanyang mukha bago nag-iwas ng tingin sa akin. "Kung pwede lang akong mamuhay nang normal katulad niyo... e'di sana hindi ko na kailangang humiling ng ganito sa iyo." 

Napasinghap agad ako dahil sa sinabi niya at tuluyang nilamon ng konsensya ang aking isipan.

"You have a low probability of being discharged from the hospital to live a normal life, hija."

Nasapo ko ang aking noo nang umalingawngaw sa aking isipan ang sinabi ng doktor sa kanya kanina. Pero hindi pa rin  tama ito, eh! Panloloko itong gusto niyang ipagawa sa akin! Pero kaibigan lang naman, 'di ba? Wala naman sigurong mawawala? Unless...

"Pero, Tuesday... Alam mo bang panloloko itong binabalak mong gawin natin? Ano na lang ang mararamdaman ni Vermont sa oras na malaman niya ang totoo, 'di ba?" I calmly said.

"R-Right. I'm sorry..." napapaos na aniya at nakita kong kinagat niya ang ibaba niyang labi habang nangingilid ang luha. "I'm just desperate, Athalia. Hindi rin kasi natin masasabi kung makakalabas pa ba ako nang buhay sa loob ng apat na sulok ng silid na ito kaya..."

Napapikit ako nang mariin at sa huli ay napabuntong-hininga na lang bago muling umupo sa tabi niya. Marahan kong hinigit ang kanyang ulo at isinandal ito sa aking dibdib. "Fine. We'll give it a try, okay?" pagsuko ko na siyang nagpaangat ng tingin niya sa akin.

Bakas ang magkahalong gulat at saya sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. "R-Really?"

Napanguso ako at marahang tumango. "But in one condition!" mabilis na agap ko kaya agad siyang natigilan.

"What is it?" excited na sabi niya.

"Kapag hindi 'to nag-work, titigil na tayo, okay?" Mabilis siyang tumango bilang pagsang-ayon sa akin habang nakangisi.

"Thank you, Lia! You really are the best!" masayang sabi niya bago ako niyakap nang mahigpit. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. I'm doing this for you, Tuesday...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top