End - Epilogue

My life has always been dark ever since I lost my vision. Alam kong aksidente lang ang nangyari noon pero hindi ko pa rin maiwasang magalit sa aking sarili dahil sa kapabayaan ko noon pati na rin sa taong nagmamaneho ng sasakyang nakabanggaan ko. Parehas kaming naging pabaya at ngayon ay pinagbabayaran ko ang naging kapabayaan naming dalawa.

Minsan naiisip ko, naghihirap din kaya siya katulad ko? Nakokonsensya din ba siya sa nangyaring aksidente noon? Nagdurusa rin ba siya katulad ko? I'd like to say it's no one's fault but I couldn't just erase the fact that we have our own faults.

Gusto kong manisi ng ibang tao pero hindi ko maiwasang maisip na kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari sa akin ito. Kung sana lang ay naging maingat ako noon at hindi tumakas sa bahay para lang makapunta sa inuman kasama ang mga tropa ko ay hindi sana ako magkakaganito ngayon. Karma really hit me so hard.

Simula noong araw na sabihin sa akin ng doktor na maaaring wala nang pag-asang makarecover nang kusa ang paningin ko, pakiramdam ko ay tuluyang gumuho ang mundo ko. Kahit sinabi ng doktor na maaari pa kaming umasa sa cornea donors ay pinanghinaan pa rin ako ng loob. Alam ko kung gaano kahirap makahanap ng donors dito sa bansa lalo na't hindi naman lahat ay willing magbigay ng kanilang mata. Pakiramdam ko ay wala nang saysay pa kung ipagpapatuloy ko ang buhay ko. Pero nagbago ang pananaw ko sa buhay nang makilala ko siya...

Umihip nang malakas ang hangin at agad napakunot ang noo ko nang may humampas na mahabang buhok sa aking mukha.

"Payag ka, 4th year college ka na pero nambubully ka pa rin?" sarkastikong sabi ng babae sa mga lalaking humarang sa akin dito sa mini forest. "Eh, ano ngayon kung bulag siya? Hindi pa rin tamang gumawa ka ng eskandalo rito sa school. You're so pathetic."

"Wow... kaya naman pala walang pakielam sa girlfriend ko! May girlfriend palang chix! Daig pa ako ng bulag, guys!" sarkastikong anunsyo ng isang lalaki sa mga tao bago humalakhak nang malakas. Humalakhak din ang mga kasama niyang lalaki pati na rin ang ilang mga manonood.

"Kaya ka iniwan ng girlfriend mo dahil ganyan 'yang ugali mo. Too bad... kahit bulag siya, kayang-kaya niya pa ring agawin sa'yo 'yang pinagmamalaki mong girlfriend mo kahit wala siyang ginagawa. Ikaw ngang nakakakita ay iniiwan pa rin ng girlfriend niya."

Nang tumahimik na ang paligid ay napabuntonghininga ako. Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ang paghawak ng babae sa kamay ko. Inawang ko ang aking bibig upang magsalita. "Thank you..." halos pabulong na sabi ko. Kinuha ko ang nakasabit na sunglasses sa aking polo shirt bago isinuot iyon.

Damn! That's the first time I was saved by a girl! I look like a fucking damsel in distress and she was my knight in shining armor!

Simula noong araw na iyon ay napalapit na ang loob ko sa kanya. She's the only friend I had in college. Hindi ko inakalang mayroon pa palang kakaibigan sa akin bukod sa personal nurse kong si Melvin. Simula noon ay naging excited na ako sa pagpasok sa school upang makasama si Tuesday.

Hinila niya ako papasok sa isang silid at iginiya patungo sa isang kumportableng upuan. Nang maramdaman ang paghampas ng maligamgam na hangin sa aking mukha ay napagtanto kong malapit ako ngayon sa bintana. Nanigas ako sa aking kinauupuan nang maamoy ko ang bango niya malapit sa akin nang siya'y bumulong sa tainga ko. "I want to show you something."

Napakunot agad ang noo ko sa sinabi niya. Narinig ko ang mga yabag niya papalayo at ang pagbukas ng isang cabinet.
Humalukipkip lamang ako habang hinihintay ang nais niya raw 'ipakita' sa akin.

Napaawang ang aking bibig nang marinig ang kalmadong tunog ng isang violin. Habang tumutugtog siya ay naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nakikita ko siyang tinutugtog ito sa harapan ko. Damang-dama ko ang lungkot... at pagmamahal sa buong performance niya. Hindi ko alam kung ano ang tinutugtog niya pero pakiramdam ko ay nakuha ko ang mensahe ng kanyang kanta. After all, that's how music works.

Nang matapos siya sa pagtugtog ay napalunok ako nang sunud-sunod. My lips slowly curved into a smile. "I've really seen something beautiful..." napapaos kong sabi.

"Really? What was it?" Bakas ang excitement sa kanyang tono ng pananalita kaya sumeryoso ako.

"You..."

Nang hindi siya magsalita ay tumayo na ako at dahan-dahang naglakad papalapit sa kanya. I gently pushed her head towards my chest and pulled her into a hug. "You did well, Tuesday," I softly whispered against her ears. "Thank you for showing me something beautiful."

Sa paglipas ng mga buwan, kataka-takang naging malayo ang loob sa akin ni Tuesday. Tuwing nakakasama ko siya ay daig pa niya ang isang estranghero. Hindi ganito ang Tuesday na nakakasama at nakakausap ko noon. Nagbago ba siya dahil sa pag-amin ko ng nararamdaman ko sa kanya?

Sa tuwing sinasabi niyang busy siya sa school kaya hindi kami nagkikita roon ay hindi ko maiwasang magduda. Kakasimula lang ng second semester pero busy na agad siya?

Days, weeks, and months have passed, mas malaki ang ipinagbago ng Tuesday ko. Hindi ko na siya makilala ngayon. Para siyang ibang tao sa tuwing kausap ko siya sa telepono. She was always a bit clingy and demanding. Ang Tuesday na nakilala ko noon ay independent at umiiwas sa tuwing pinupuri ko siya o sinasabing gusto ko siya.

Nakumpirma ko lang iyon noong pumunta kami sa isang date at sinabi sa akin ng babaeng kasama ko na kaibigan siya ni Tuesday. I thought the girl I was with was Tuesday pero may dumating na isa pang babae at sinabing siya ang tunay na Tuesday. I was extremely confused and the only one I know I could trust was Kuya Melvin. Kaya naman noong nag-usap sila ay pasimple kong tinawagan ang nurse ko at kinumpirma ang nangyayari. Sinabi niya sa akin na ang babaeng kasama ko kanina sa sasakyan ay ang Tuesday na nakilala at minahal ko noon.

I already knew from that moment that they were fooling me. Alam kong magkaiba ang Tuesday na kasama at minahal ko noon sa Tuesday na nakausap ko sa telepono at nagpakilala ngayon.

Nang umalis ang kaibigan ni Tuesday na si Athalia ay walang pag-aalinlangan ko siyang kinumpronta. "Hindi ikaw ang Tuesday na nakilala at nakasama ko sa loob ng isang taon... Kailan niyo pa ako sinimulang pagtulungan at lokohin?"

"H-Huh? What are you talking about—"

"You took advantage of my disability to fool me and make me believe that it was you whom I fell in love!" mariing sabi ko na siyang nagpatahimik sa kanya.

Narinig ko ang mahihina niyang hikbi. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, V—"

"Prove it to me then," malamig na sinabi ko.

"P-Paano?"

"Tugtugan mo ako ng isang kanta sa violin."

"P-Pero wala akong dalang violin ngayon—"

Napaahon ako mula sa pagkakaupo at nagtagis ang aking bagang. Unti-unti ko nang nakukumpirma na hindi nga siya ang babaeng minahal ko. "Anong kanta 'yong tinugtog mo para sa akin sa music room?" mariing tanong ko.

Natahimik siya dahil sa sinabi ko. Napaawang ang bibig ko nang marinig ang paglakas ng mga hikbi niya. Unti-unting lumakas ito at naging hagulgol. "I-I'm really sorry, Vermont... We didn't really mean to—"

"Ano lang iyong ginawa niyo kung ganoon? Trip niyo lang?" may bahid sarkasmong tanong ko.

"It was Athalia! Si Athalia ang babaeng nakilala at minahal mo! It was all my plan! Ginamit ko siya para makuha ka, V! Wala siyang kasalanan dito!" pag-amin niya sa akin.

My throat immediately ran dry and I was lost for words. So it was really her from the start? Ibig sabihin ay hindi ako nagkamali ng hinala...

"The Tuesday I've met before put colors to my dark world through her music. Hindi pala ikaw ang babaeng minahal ko... it was Athalia," napapaos na sabi ko.

"V-Vermont, I'm really sorry..."

Naputol ang aming pag-uusap nang tumunog ang isang cellphone dahil sa isang tawag. Narinig kong sinagot iyon ni Tuesday at ang kasunod kong narinig ay ang malakas na pag-iyak niya.

"W-What happened?" nag-aalalang tanong ko.

"Vermont, si Athalia..." umiiyak na sabi niya.

Agad kaming tumungo sa ospital kung saan isinugod si Athalia gamit ang sasakyan namin. Nang makarating kami sa emergency room ay dagsa ng mga tao kaya natagalan pa si Tuesday sa paghahanap kay Athalia.

"Athalia!" hagulgol ni Tuesday.

Napalinga-linga ako sa paligid at nagpaalalay kay Melvin upang tumungo at lumapit sa kinaroroonan ni Athalia. Naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib nang marinig ang tunog ng flat line at ang mabilis na pagdalo sa kanya ng maraming tao na sa tingin ko ay mga doktor at nurse. "Code blue!"

"Athalia, please huwag mo akong iwan!" nagmamakaawang sabi ni Tuesday.

Marahan kong hinanap at hinawakan ang kanyang braso upang aluin siya. Nagulat ako nang maramdamang bumigat ang katawan ni Tuesday sa aking mga bisig.

"M-Melvin, anong nangyari kay Tuesday?"

Sunod kong narinig ay ang tili ng ilang nakakita sa amin na sa tingin ko ay kamag-anak ni Athalia. Dinaluhan nila si Tuesday at inilipat sa isang bed. Sumunod ako sa kanila matapos ma-revive si Athalia at sinabing dadalhin sa operating room. Nang malapitan si Tuesday ay narinig ko ang pagkakagulo ng mga doktor.

"Raise the oxygen level, please!"

"Blood pressure is dropping!"

Nang bumalik sa normal ang kanyang paghinga at tibok ng puso ay kinausap ako ng doktor. "Sino ang kasama ng pasyente?"

"A-Ako po..." sagot ko.

"I'm Dra. Carvajal, a resident doctor. Maraming salamat sa pagdadala sa kanya agad sa ospital. Tumakas lang kasi itong si Tuesday sa ospital upang makalabas. Kung hindi naagapan ay maaaring hindi na siya makakaabot pa nang buhay rito..."

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Ano po bang nangyari sa kanya?"

"Nag-hyperventilate siya at kinulang ng supply ng oxygen na dumadaloy sa kanyang puso. She has a stage four hypertrophic cardiomyopathy and she shouldn't be allowed to do strenuous activities or feel a lot of emotions because it would definitely take a toll on her weak body," sagot ng doktor.

Sumama kami sa pagta-transfer kay Tuesday sa kanyang hospital room. Nang maiwan kami sa loob ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"V-Vermont..." halos pabulong na tawag niya sa akin. "S-Si Athalia? Anong nangyari kay Athalia?"

Marahan kong pinisil ang kanyang kamay. "Na-revive siya at dinala na sa operating room," mahinahong sagot ko.

Nagulat ako nang marinig ko ang mahinang hikbi niya. Nakaramdam ako ng kaunting pagkataranta nang maalala ang kondisyon ng puso niya.

"Pakiramdam ko ay hindi na ako magtatagal pa, Vermont..." napapaos na sabi niya.

Mabilis akong umiling at umupo sa monoblock chair sa tabi ng kama niya. "No, don't say that. Kailangan ka pa ni Athalia..."

"Ikaw na ang bahala sa kanya. Please take care of her for me and please give her the happiness she truly deserve. Ikaw ang tunay na makakapagpasaya sa kanya kaya sana ay alagaan mo siya..."

I sighed heavily and slowly nodded. "We can do that together. Let us both stay by her side. Kailangan niya tayo dahil pareho tayong mahalaga sa buhay niya," sabi ko.

"I'm willing to lend you my vision, V... Nauubos na ang oras ko at alam kong hindi na magtatagal pa ang buhay ko. Gusto kong makita ka ni Athalia sa oras na imulat niya ang kanyang mga mata. At gusto ko ring makita mo siya sa araw na iyon."

Habang lumilipas ang mga araw ay patuloy lang humihina ang katawan ni Tuesday. Nang tuluyan na siyang bumitiw ay sumalang na rin ako sa corneal transplant. Pagkalipas ng ilang buwan ay nasanay na ako sa bagong paningin at sinunod ko ang kagustuhan ni Tuesday para sa kanyang kaibigan.

Araw-araw kong hinihintay ang pagmulat ng mga mata ni Athalia. She suffered through multiple head injuries and her doctor said that there's only a little chance for her to wake up and recover. Nawawalan na rin ng pag-asa ang kanyang mga magulang ngunit ayaw pa rin naming sumuko. Tuwing gabi ay ako ang nagbabantay kay Athalia samantala sa umaga naman ay inaalagaan siya ng kanyang nanay.

"Vermont, ano na naman ba 'to?" I smiled at her question. Nakapiring ang kanyang mga mata kaya naman hindi niya nakikita kung ano hinanda kong surpresa. Nandito kami ngayon sa isang gazebo sa ibabaw ng burol at napapalibutan ng mga pulang rose petals at mga kandilang kumukorteng puso.

"You put colors to my dark world and showed me the most beautiful thing in this world. Now open your eyes, Athalia... you deserve to see the beauty of the world," nakangiting sabi ko sa kanya.

Hawak-hawak ko ang isang malaking box na may lamang helium balloons. Nang tanggalin niya na ang kanyang piring at imulat ang mga mata ay binuksan ko rin ang kahon kaya lumutang sa ere ang mga kulay pulang lobo na may nakasulat na 'Happy Valentines' Day'.

Lumapit ako sa kanya bago marahang hinagkan ang kanyang noo. Nakangiti siya habang umiiyak kaya pinalis ko ang mga luha niya.

Dahan-dahan kong inilabas ang isang maliit na box mula sa aking bulsa bago lumuhod sa harapan niya at inabot sa kanya ang hawak na puting rosas. Nanginginig ang mga kamay na tinanggap niya ito bago bumaba ang tingin sa box na hawak ko.

Ngumiti ako sa kanya nang matamis bago binuksan ang box na aking hawak. Natutop niya ang kanyang bibig nang makita ang nasa loob no'n. Isang kulay silver na engagement ring na may batong hugis-rosas na nakalagay sa gitna.

"Athalia Serene Stewart... will you stay with me for the rest of my life?" Nanginig ang aking boses dahil sa kaba ngunit mas nangingibabaw ang saya sa aking puso.

Dahan-dahan siyang tumango kaya halos mapatayo at mapasigaw dahil sa sobrang tuwa. Nanginginig pa ang aking mga kamay habang isinusuot sa kanya ang engagement ring na binili ko para sa kanya.

Tumayo ako at tinitigan ang kanyang magagandang mata. Ang mga matang minsa'y napasaakin at ngayon ay habambuhay nang titingin sa akin.

"Naniniwala ka ba sa sinasabi nilang kapag daw namatay ka ay maglalaho raw ang lahat ng alaala mo dito sa lupa?" kaswal na tanong sa akin ni Athalia.

Sinulyapan ko siya mula sa front seat. Naabutan ko siyang pinagmamasdan ang mga tanawin sa labas. Pauwi na kami ngayon after ng aking proposal at surprise para sa Valentines' Day. Bago kami tumungo roon kanina ay dinaanan muna namin ang puntod ni Tuesday. It's been a year since Athalia woke up from coma and more than two years since Tuesday died.

"Ewan ko. Siguro?" nalilitong sagot ko.

Her lips protruded cutely. "Kapag nangyari iyon... sa tingin mo ba ay maaalala kita kahit nasa langit na ako?"

Kumunot ang noo ko at bahagyang nalito sa tanong niya. "Siguro. Ako ba, maaalala mo?"

She smiled at me. "I don't know either. But I'll do my best to make you remember me..."

I smirked and kept my eyes on the road. "E'di ganoon din ang gagawin ko sa'yo..."

Naramdaman ko ang paninitig niya sa akin. "Weh? Alam mo ba kung paano gawin?"

Sinulyapan ko ulit siya. "Paano ba?"

Humalukipkip siya. "Luh, kaya nga kita tinatanong kasi hindi ko rin alam!"

Hindi ko na napigilan ang paghalakhak dahil sa sinabi niya. "I don't know. But I'll just hope you'd remember me, Athalia..."

Namilog ang mata ko nang pisilin niya ang tungki ng ilong ko habang nagmamaneho ako. "Paano naman kita malilimutan?! Baka nga bisitahin pa kita gabi-gabi dito!" biro niya.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Paano mo ako bibisitahin kung magkasama tayo roon?"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "Anong magkasama? Bakit mo naman ako sasamahan doon?! Baliw ka ba?"

Nanatili akong seryoso habang nakatingin sa unahan. "If that day comes, gusto ko sanang mauna dahil hindi ko yata kakayaning panoorin kang mawala..."

Nang mapansin ang pananahimik niya ay agad ko siyang sinulyapan. Nakita ko ang pangingilid ng mga luha niya kaya bahagya akong napahalakhak. "Ano ba 'yan! Ang morbid naman ng topic! Para naman tayong mamamatay agad neto!" aniya.

I leaned a bit to kiss her temples. Napapikit siya nang bigla kong idampi ang labi ko sa kanya. "I love you, Athalia Serene..."

She smiled sweetly at me. "I love you more, Vermont Vann..." marahang aniya.

Nang ibalik ko ang tingin sa unahan ay nagulat ako nang may makasalubong kaming malaking trak. Bago pa ako makaiwas ay mabilis itong sumalpok sa sasakyan namin. Niyakap ko agad si Athalia nang mahigpit at ang huli kong narinig ay ang sirena ng mga ambulansya.

Napaahon ako mula sa kama nang ma-revive ako. Ipinilig ko ang ulo ko sa kabila at nakitang wala pa ring malay si Athalia sa kabilang kama. Kahit bahagyang nanghihina ay pinilit kong bumangon at tumayo. Sinubukan pa akong pigilan ng mga nurse at doktor ngunit hindi ako nagpaawat.

"A-Athalia!"

"Charge to 300. Clear!"

Pilit kong inabot ang kanyang kamay ngunit inawat ako ng mga staff ng ospital. Bahagya ring nanlalabo ang paningin ko at nahihirapan na akong huminga.

"Charge to 300. Clear!"

Naramdaman ko ang panlalambot ng aking tuhod nang tumigil sila sa pagre-revive kay Athalia. Halos gapangin ko ang distansya naming dalawa at agad ko siyang niyakap.

"Time of Death... 4:52 PM," anunsyo ng doktor.

Halos malagutan ako ng hininga habang pinagmamasdan ang babaeng mahal ko na walang buhay. Hinawakan ko ang kanyang kamay at inilubog ang aking mukha roon. "Athalia, huwag mo akong iwan please..."

I felt the excruciating pain in my heart as I caressed her cold face. Her parted dry and pale lips made my heart hurt even more. Muli kong naalala ang mga sinabi niya sa akin kanina sa sasakyan kaya muli akong napahagulgol.

"I hope you'd still remember me up there, Athalia..." I croaked.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top