V
Your Feels Linger
Dear Moon Diary,
Hi, Moon Diary. Lately hindi ako mapakali. After that night, he hasn't really come up again. Hindi ko naman siya ma-text or tawag, hello ayokong maghabol 'no ang ganda-ganda ko patatakbuhin mo ako, no no no. Bulungan mo nga siya, sabihin mo "I miss you gagi" ganon. Basta, kaya mo na yan malaki ka na Moon Diary.
Love,
GoddessOFMoon
It's a Friday morning. As I left a message on the Moon Diary, humilata na ulit ako sa kama. Nakakatamad gumalaw pero kailangan dahil may morning classes ako ngayon. Kung hindi pa ako tinawagan ni Henry, baka bigla nalang akong napaidlip dito at hindi na pumasok.
[Huy, papasok ka pa ba, Sebseb? Kanina pa kita chinachat ng good morning, 'di mo sineseen. Akala ko naman patay ka na.] Si Henry nga talaga 'to. Normal na sa kanyang bwisitin ako mula umaga.
"Eto na po, Sir, yon po palang briefcase niyo sir, naiwan sa salas ng Sikand floor, naiwan rin po ni ma'am yung Channel niyang bag sir, paano po kaya
ito, sir?" Pang-aasar ko sa kanya.
[Pamigay mo na sa mga muchacha, yung laman, wag lang sa'yo. Puso ko yung sa'yo eh.] Parang tanga 'to. Mukha ba akong puno ng saging, kailangan ng puso. Hindi naman ako matigas sa mokong na to ah.
[Oy! Joke lang di mabiro. Umalis ka na, SebSeb! Ang bagal.] At pinatay na niya ang call. Gaya ng sinabi niya, umalis na nga ako. Ganon pa rin naman sa bahay, nakaalis na si Astro, si Mama at Papa nasa bahay pa.
Hanggang sa jeep, hindi ko lubos makalimutan yung kanina ko pang iniisip. Wala lang bas a kanya yung nangyari nung gabing yon? Well, sige isipin nalang natin na 'consequence' lang yon pero alam mo yon, ang gaan na namin sa isa't isa. Hindi ko lang maisaisip nab aka may nabuong friendship na doon.
"Neng, bayad mo? Malapit na tayo sa school oh." Hiyaw sa akin ni Manong ng mapansin ang suot ko at kung saan ako bababa. Napahiya ata ako doon dahil sa hiyaw ni kuya, pinagtinginan tuloy ako. "Eto na, Manong," pinasa ko yung bayad ko. "Eto naman parang others magbabayad naman po eh." Bulong ko pababa ng jeep.
"Dati ka bang mulat sa katotohanan?" Sabi ni Henry. Ngayon ko lang namalayan na magdamag akong tulala. Yang gwapings na Apollo nay an kasi eh, bwisit na yon. Nagsisimula na akong magalit. Sapakin ko si Henry eh.
"Wala, tara na, Ry." Sabi ko sa kanya at inempake ang mga nakakalat sa desk ko.
"Lagi mo nalang akong tinatawag na 'Ry' pag problemado ka. Sure ka na ba talaga?" paniniguro naman niya.
"Sorry," bumigay nan ga ako. "Marami lang akong nasa isip."
"Tulungan kita. Ano bay an?" sabi naman niya ng may ngiti sa labi. Paano ako makakapag-excuse dito.
"Ano kasi, what if, what if lang ha. What if may nakita may akong alaga sa tabi tas nakasama ko yon ng isang gabi pero after non hindi ko na nakita tas namimiss ko na yon. Anong gagawin ko?" Tanong ko sa kanya. Iniba ko lang ng konti yung storya para naman hindi niya mahalata.
"Edi puntahan mo, cute pala eh. Sama ako." Sagot niya ng malaman ang pambihira kong excuse.
"Wag!" Hiyaw ko. Napalingon naman siya, taking-taka kung bakit ayaw ko siyang isama.
"Hindi, Henry, kasi matatakot kasi sayo yung alaga, oo. At tsaka yung isa baka yakapin ka, sabihin 'omg ang tatay ko'. Mabalahibo pa naman yon." Sabay tapik ko sa braso niya.
"Siraulo. Bahala ka sa gusto mo, mag-ingat ka, kung kahawig ko yon baka magustuhan mo yon." Inismiran lang niya ako at lumingon sa gilid na animo'y na-proud sa sinabi.
By then, I had the urge to, go. Go, Go, Go! I checked my class today at wala naman ng afternoon classes kaya I was so motivated to end my morning classes hanggang sa class na panghapon. Nang marinig ko ang bell, ay kumaripas na ako ng pag-eempake ng mga gamit at nagpaalam na kay Henry. Siya ay nagtataka na rin sa kinikilos ko pero wala na siyang magagawa dahil umalis na ako.
Sumakay ako ng jeep papuntang Luxemburg. Nasa isang byahe lang naman ang school nila. Hindi gaanong kalayuan pero papasok kasi yung university kaya maglalakad nalang ako pagkababa.
Pagkababa ko sa tapat ay naglakad na ako papasok sa main gate. May mga dumadaang mga magagarbong kotse sa daan palabas ng school. Mamahalin man o pang-service na vans. Nang makarating sa main gate, sinalubong ako ng guard at tinanong kung bakit ako naririto. Natakot ako dahil hindi ko naman alam na kailangan pa pala ng rason para pumunta dito. Akala ko free for all. Kesa sabihin kong may 'landi duties' si Yaya Selene Belle Yu, "may bibisiitahin pong kaibigan." Ang nasabi ko.
Tiningnan ako ng guard at sinabing magpasundo nalang sa kaibigan ko para makapasok. Patay, malalaman ni Nami na pumunta ako dito sa Luxemburg. Wala na akong magagawa kundi tawagan nga siya. Buti nalang at wala na daw siyang ginagawa at nakatambay lang siya sa study hall. Naghintay ako sa labas at sinilip ang buong school. Ang ganda dito, may sarili silang mga convenience stores, school supplies stores, may mga nagliparan ring mga kainan, at may Starbucks pa sa area! Bakit hindi ganito ka-engrande yung tabi-tabi ng school namin.
Sa wakas nahagilap ko rin si Nayomi, naka-all white uniform at may hawak na drink palabas ng gate. Kinawayan ko siya sa labas kaya medyo nagdalos siya sa pagtakbo. Kinausap niya yung mga guard kaya binigyan nila ako ng special card na may nakalagay na 'guest'.
Ngayon, paano ko sasabihin sa kanya ang pagpunta ko dito. Kinakabahan ako, first time ko kasi siyang dayuhin dito. I mean, we hang-out a lot pero hindi ko siya binibigla sa university niya ng walang pasabi.
"So, what brings you here, Ma'am Yu. Here for me ba? So sweet mo naman." She pouted on me na para bang na-cutan siya sa ginawa ko. Hindi naman siya yung goal ko 'no feelers. "Siraulo." Hinila ko ang ilang buhok niya para matauhan.
"Napapunta lang ako kasi ano, kasi ang ganda pala dito 'no. Amoy mayaman. Hindi naman siya amoy putok." Sabi ko habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng paligid.
"Amoy putok? Who the fuck would say na amoy putok dito? Weird." She worded. "Anyways, dahil nandito ka nalang din. Why don't I tour you to the places where I hang-out, tara sa SB!" Hinila niya ako papunta sa coffee shop at nilibre niya ako ng drink. Hindi naman na ako tumanggi dahil ayaw niya ng tinatanggihan siya sa mga bagay-bagay, lalo na kapag si Cath yung ginagawan niya ng favor.
"Here." she said as she walked by the table where I sat while I was waiting for her. Umalis na rin kami dahil nga sa plano niyang lumibot. Wala naman na daw siyang class kaya libre na ang oras niya simula kanina.
We passed by different departments pero pinaka-naexcite ako ay sa pagdaan namin sa Culinary Department. Pagkatapos namin sa Main Hall, dumiretso na raw kami sa isa pang kainan, madadaanan ang Culinary Department. Paano ko kaya isesegway na pupuntahan ko si Apollo. Tangina naman kasi, grabe yang lalaki nay an.
Sa tapat ng building, bigla ko siyang pinigil habang may kinukuwento siya kaya bigla siyang nabigla. Anong excuse ko? Bilis! "Beh, di'ba chef boyfriend mo, si Damien nga ba? Tama ba? What if puntahan natin, gusto ko pa siyang makilala." Sus, yung kaibigan ng boyfriend mo talaga ang gusto kong makilala. Eme eme lang yon, Nami.
"Oh? Eh wala sila sa building, text niya sa'kin nasa court daw sila ngayon. Kasama kasi siya sa basketball team ng Luxemburg University. Nagpapractice ata sila, want mong pumunta??" Masayang hayag niya kaya sumama nalang din ako. Nakakahiya naman kasi na ginamit ko pa siya para lang tanawin yung Apollo nay un dito.
Naglalakad kami at paubos na ang iniinom pero walang tapunan sa gilid kaya hawak hawak pa rin namin yung cup. Ayos naman siya, pero ako, nalulumbay ako. Paano ba naman, yung lang naman pinunta ko dito jusko. "We're almost there, love." Kumanan lang kami sa isang malaking building. Hindi court ang unang bumungad samin kundi hagdaan pataas ng isang level mula sa court. Malaki yung court nila, parang mini version na rin ng arena.
Tumaas kami at nagtungo sa pwesto na maraming mga gamit para hintayin sana yung boyfriend niyang yung Damien ata.
Nakita ko siya dahil nakatayo lang siya sa gilid at nagmamasid sa mga nasa laro. Siguro practice game 'to. Humihiyaw pa si Nami sa mga naglalaro kahit nasa tabi lang boyfriend niya, siraulo din 'to eh mamaya magselos jowa niya. Medyo gets ko naman ang laro kaya nagugustuhan ko kung paano magsalitan ang mga team sa pagscore.
Maya-maya ay may tinawag na pumasok yung coach nila, parang natatandaan ko yung itsura niya. Alexander? Alexander ba pangalan non. Basta pinasok siya kasama si Damien kaya todo hiyaw na naman si Nami sa tabi ko. Ngunit sa gitna ng malakas na hiyaw niya ay mas narinig ko ang mga pintig ng dibdib ko nang may makita ako.
Nakasuot siya ng jersey, kita ang dalawang braso at pawis na pawis. Uminom lang siya sa tumbler at sumalang na rin sa court. Nang magsimula ay nakuha ng kabilang team ang bola pero na-agaw niya yun at pinasa kay Alexander. "Go guys!" sabi ni Nami, na walang kamuwang muwang na nakatulala na ako sa lalaking yun.
Nang mapasa kay Alexander ay umambang ishoshoot sa three points pero sumala kaya inabangan ni Damien ng lay-up kaya pumasok. Matapos non, papunta na sila sa side ng court kung saan naroon kami. Pilit na binoblock ng team nila ang kabilang team kaya mas umiinit ang laban. Nang nag-shoot ang isang player sa kabilang team at sumala, nakuha niya ang bola. Doon ay nagtama ang tingin namin.
Hindi ko mapagtanto pero parang tumigil ang mundo ko nung panahong yon. Parang mata lang namin ang nakita ng isa't isa, nakaramdam ng hindi mawaring pag-init sa pisngi. Kinindatan niya ako at sabay na itinakbo ang bola papunta sa kabila. Sa gulat ko, nagshoot pa yon. Doon na natapos ang laro nila at tinigil na ang laro.
"Galing ni Apollo no', star player yan ng team." Ngayon palang niya sinabi na kasama pala dito si Apollo. From what was a failed plan came to be successful. I met him... again. Ang saya ko na ulit pero naghahalo ang saya at kaba dahil nalaman niyang nandito ako. "Oo, ang galing nga." Habang tinatanaw ang pagbalik sa bangko ng mga manlalaro.
Uminom lang sandali si Damien at nagpunta sa gawi namin para kamustahin si Nami. "Hi, babe. How's class. I still have time naman." As he smiled and kissed Nayomi by her forehead. In front of my finished kape talaga? Ang babastos ha. "It was fine, babe. Nothing much happened naman eh, so I went to the library nalang." She replied.
"Hey, you're Selene, right?" He leaned onto me as he questioned my existence. "Nice to see you again. You just happened to be here right when Boss was worrying a while ago." Sabay ng mahinhin niyang tawa na tanging siya lang ang naka-gets. Sinong Boss? Magkakascholarship ba ko dito sa Luxemburg?
"Teka sinong B- " na cut-off yung sasabihin ko ng umimik ulit siya. "Have a nice tour, guys! Balik na ako don. Hey babe!" Paalis na siya ng kindatan niya si Nami.
"Kati! Ang kati oh! Kita mo tong braso ko ang kati! Ang kati-kati niyong dalawa jusko." Pagpaparamdam ko ng presensya ko sa kanya dahil namumula na siya sa gilid ko. Hinampas naman niya ang braso ko at umupo na muna dahil sa kilig na natamo.
Paalis na sana kami ng may humiyaw ng "Wait!" mula sa court kaya parehas kaming tumingin ni Nami. Sa pinagpapala-pala ka nga naman ay siya pa itong humiyaw samin, or baka kay Nami lang to. Hinintay naman namin siya dahil tumatakbo siya papalapit sa amin. Sumampa siya sa may railings para lang maabutan niya kami palabas sa court.
"Hi." He said facing in front of me. I don't know what to say, bakit ba ako ang kinakausap niya, hindi ba si Nayomi?
When he didn't hear a reply, it was mere silent again so I replied, "Hello."
"Ay," Nami barged in the conversation. Her looks were going on to mine then to him and back to mine. "Ano itong kaganapan na ito, vebs. Have I not known something or, ay, bagay nga." She spoke. "Girl, aalis na pala ako, may next class pa ng apala ako, oo. I'll get back to the both of you, or baka hindi na," sabi niya sabay siko at bulong kay Apollo. Humarap si Apollo sa kanya kaya siguro senyales yon ng kung ano? "Bye, guys!" at nakaalis na nga si Nami.
Naiwan kaming dalawa. Nakatayo at naiilang sa isa't isa habang sabay na umupo sa mga upuan dito sa gilid.
"Hi."
"Hello."
Para akong nilalamon ng katahimikan, ang daldal kong tao pero napapanganga nalang ako sa kanya. Anong sasabihin ko? Wala naman akong sasabihin. Bakit ba ko nagpunta dito? Takbuhan ko nalang kaya siya. Tama kilig and run, bagong trend siguro yon.
Tumayo ako makatapos ang ilang minutong nakatingin lang kami sa court habang nakaupo. Nang papaalis na ako ay hinawakan niya ang palapulsuhan ko kaya napatingin ako sa kanya. Ni siya ay 'di makapaniwala sa ginawa niya kaya bumitiw siya sa pagkakahawak. Tinago ko tuloy yung buong kamay ko sa bulsa ko, nakakahiya.
"Uhm, this is too awkward but can I maybe," hindi pa niya marecollect yung mga thoughts niya kaya para tuloy siyang nag-bubuffer. Kakatuwa!
Tumayo na siya sa kinauupuan niya at humarap muli sa'kin. "Can I offer you some coffee? Just by the field, a friend of mine opened a pop-up café, if you don't mind." He sincerely asked permission. Bwisit namang pagmamabait nay an, pa-fall! Panagunatan mo'to!
"Okay." I said as I replied with a huge smile. Huy, niyaya ka lang wag kang kire dyan.
We both packed some things na bawal maiwan sa court side at sabay na kami umalis. We were beside each other, not that close but not that far either, at ang tahimik niya talaga. Wala na ba akong parusa? Or baka tuloy-tuloy yon throughout my whole life? Hindi ko na namalayan na malalim na pala ang iniisip ko ng mabangga ako sa likuran niya, nauuna na pala siyang maglakad sa'kin.
"Was I too fast?" He asked while looking at me na kakabangga palang sa likod niya. "No, no. You're perfect." I spoke. Nakita ko ang maliit na smirk sa mukha niya kaya alam kong iba na ang naiisip niya.
"I mean, tama lang yung lakad mo, oo. Yun yon wala ng iba." Sabi ko at lumakad na ng mas mabilis sa kanya. He fastened his pace so he could catch up to me and here we are again, magkatabi. "Be beside me, ayokong mawala ka dito sa campus." He spoke. That made me blush, pero slight lang, ganda kong to bawal talaga maligaw.
As time flew by, we we're exactly what he said awhile ago. At a pop-up café. He checked to see if his friend was there pero no signs of interaction with him and someone at all. Baka naman wala siya today. As he searches his friend by the stall, many girls, Luxem students, check on him, basically feel ko type nila si Apollo. Who wouldn't? Ang tikas kasi niya, his face was made to perfection, eyes dazzling and had the 'perfect boyfie' type of style. Pero teka lang, hep hep kayo dyan mga dalagingding, the sun's taken, and it's by me, the one and only, Selene! Well hindi pa ngayon, but soon, I guarantee!!
"He's not here but we can still buy." He gave a sign to someone, maybe a waiter, to pick our orders. May list naman ng mga options nila sa table namin kaya naghanap nalang ako ng suwak sa panlasang pinoy. May Pan de coco kaya sila?
"I'll have one americano, ikaw love?" he said as he looked at me with endearing eyes. Putangina. Hindi mo ba alam na kilig na kilig na ako kanina pa, pwede bang itigil mo ang pagpaparupok mo?!
He laughed as I felt red all over my body, "I was just teasing, anong gusto mo?"
"Anything, everything, I mean hindi everything. Ikaw? Hindi ikaw, bahala ka umorder ng gusto mo." Napabuntong-hininga ako sa mga pangyayari. I was not expecting it. "Water nalang." As I hid behind the menu in front of him.
"I'll also take your best sellers, please." He said before the waiter leaves us. Binaba niya yung menu sa mukha ko, pero buti nalang hindi na ako namumula kaya good to go na ako.
"So Luxemberg University, how is your experience so far?" Nag initiate siya ng conversation. Was he talking to me?
"Mabanas, pinagpapawisan ako agad dito." Not because of the school, but the student. "Then I should add ventilations here then." He spoke.
Our drinks came with some clubhouse sandwiches. Sabi ko tubig lang sakin, pero may frappe na dumating and I was giving it to him pero para sakin daw yon so hindi na ako tumanggi.
"Makasabi ng magdadagdag ng ventilation, may-ari ka dito? Yabang ah." I spoke as I sip from the frappe. "Not at all, but my family is one of its biggest contributers so-" hindi pa man niya natatapos ang sinasabi niya ay nabuga ko na ng slight yung iniinom ko. Was he joking or not? So out of reach pala siya, kasakit mo naman.
"Was I sounding a bit too arrogant, sorry. I won't talk about it. This should be all about you." He sounded so concern pero wala namang nag-over board sa sinabi niya. "Anyways, how were the past days?" He sipped on his americano. Mag-aapologize sana ako kaso nagbago naman siya ng topic kaya kinwento ko yung bare part ng puro aral, pasok sa school ganon. Infairness, he was so attentive kahit parang normal lang naman kinekwento ko.
"Buti nalang talaga hindi natuloy yung quiz ng Prof namin, kung hindi wala bagsak kaming lahat." Sabay halakhak ko. Tumatawa naman siya kahit papaano, it was surprisingly pretty. Hindi ko na namalayan na matagal na pala ako dito at baka traffic na kaya mag-papaalam na ako sa kanya.
"Uhm, I better head home. Medyo pa-traffic na kase kaya hassle na sumakay pero kakayanin ko yon. Goodbye siguro." I packed some things and finished the drink but as I look onto him, parang hesitant siya sa kinukuha niya sa bag niya.
"Selene, I was not expecting you today, but here, take this." So yun pala yung tinatago niya kanina pa. He grabbed it out of his bag and there came a book pero it's facing at the back cover kaya di ko makita kung ano.
"Here." he said, as he handed me the book. Nakita ko yung title. "El Cuento del Sol y la Luna." I looked at him, clearly not getting why he has a gift for me, crush mo ba ako? Sabihin mo lang para maging labidabs na agad tayo! "The Tale of the Sun and Moon." He added.
"Actually, I was hoping to come by to Alvenor then drop this to you, but I see that you're more excited to see me again, so here. You liked astronomy, di'ba? Hope you like it." He smiled a little, buti nalang nakita ko yon." He spoke.
"Medyo mahangin ka sa part na yon, naglibot lang ako sa school no', wag kang feeling!" sabi ko. I opened the book and was surprised as another thing popped up. A ticket.
"Oh, may ticket ka dito nakasingit, sayang to mahal din to." I said as I give him the ticket back. Aba, alangan namang kuhanin ko yon eh book lang sabi niya di'ba? "That's for you. Coach gave us free VIP tickets to give. The other guys gave it to their girlfriends; Damien gave his to Nayomi. That's for you now." He explained. Hoy! So anong pinaparating mo, girlfriend mo ako?! Hindi yan pwede, I'm a strong independent girl kaya hmph! Sige, tayo na. HOY!
"Okay." Mahinhin ko nalang na sabi. Kinikilig na kasi ako, what do you expect me to do, be super grateful, hindi ako nagkakandarapa sa katulad niya no. Maganda lang talaga ako.
"You're battling with us?" I said and he nodded. "Thank you, sa VIP, mas maririnig ng Alvenorites yung cheer ko!" pang-aasar ko. He smirked out of disbelief. "Good luck, to your team, it needs it when Luxem has me." He said as the same time he flexed his biceps. Laki ah, laki ng pag-asa naming Manalo dahil bubungguin ng Alvenorite team ang Luxem, bleh!
"What if ihatid nalang kita ulit, as you said, traffic." He insisted. I declined his offer dahil mapeperwisyo na naman ako sa kanya, siya nan ga nagbayad nung kinain namin kanina tapos siya pa ba maghahatid sa'kin.
"Okay na ako, iiwan na kita sa sandamakmak na mga babaeng taga-luxem na naglalaway sa'yo." As I say my good-byes.
"Jealous?" He joked. "Selos ka dyan, eh sobrang ganda ko, taob mga taga Luxemburg!!"
I left him there, I left with a smile. I had a great time nonetheless. I didn't expect na this day would turn into a mini date, even though palibre lang yon and I'm just imagining things. I'm excited with the game. We should win home the bacon, while I, bring him home ehe.
:0)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top