IV

Maybe The Start

"Have a date with me."


I was taken aback to what he said. Tama ba tong narinig ko? O baka naman ginagago lang ako nito? I felt so confused but his eyes were too struck on mine that I felt more enticed than questionable. The way he said that was too simple but for a gal like me slowly having hopes, I felt butterflies in my stomach.

A minute or two has passed before I came back to my senses. "A-ah Ha? Anong date ha? Wala naman akong gusto sayo. Sino ka ba? Ha, nasan ba tayo, bakit tayo nandito, ha ano? B-bakit?" I tended to be clueless. Ayoko naming malaman niyang may petty crush ako sa kaniyan di'ba. Ang awkward naman siguro sa kanya at syempre sa akin!

"As if I also do. There's nothing in-between that date, not if it's going to be romantic for you. It's a consequence." sabi niya.

"Why a date? Seryoso ka ba? Saan ka nakakita ng nagpaparusa na magpapadate?" I spoke.

"If I told you to be my apprentice on cooking for your whole life rather than one date, would you, do it? Hindi di'ba. This won't hurt your ego, I promise." He replied. What a stubborn attitude! Akala ko pa naman buong green flag to, eme lang magpakapole dance pag ganyan.

"Fine, just don't do anything na masama sa'kin kundi ikakalat ko ang pagka un-gentleman mo sa social media. Babae ako for the mere part!" I pointed a finger at him pero kinuha lang niya yon at binaba. Aba feeling close ah.

"I'm not like that, don't worry. Come to our date, I've already scheduled it. See you." He said before he left me on there, speechless. Tangina, makikipagkita ako don? In a date? Is this sure? Panaginip ba ito?

I don't want to complicate things too early muna, itutulog ko nalang to. The party inside was slowly fading, some of them leaving while some are sleeping on the couches. I went upstairs even though my mind was still blank and went to bed. Hindi ko na alam kung anong mangyayari, bahala na.


I was so busy sa studies ko kaya hindi ko na masyadong naisip na it's Wednesday, 3 days after the party and that, moment. He hasn't really cleared anything besides what he said that night. The date? Where and when? Para lang niya akong niloko sa mga salita niya. What if they're all bluffs?

After morning classes namin, pumunta kami sa canteen para maglunch. May mga stalls kasi sa loob nang school na tipid and at the same time masarap. I bought some cordon bleu tapos rice and then ice tea. Hilig ko naman sa ice tea.

Pagka-upo ko palang, umupo na agad sa harap ko si Henry. Sinusundan pala ako nito. Hindi ko lang napansin siguro.

"May sakit ka? Bilhan kita gamot? Samahan kita sa clinic? Para kasing kanina ka pa tulala." Pag-aalala niya.

"Wala 'to Ry." Sabi ko. Tumimo siya dahil tinawag ko na naman siya sa palayaw niya kaya umayos na siya sa kinauupuan niya at kumain. Hindi na namin pinapansin ang isa't isa dahil nga nasa harap kami ng pagkain.

Patapos na kami ng tumunog yung phone ko. Hindi ko siya pinansin kasi baka text lang nina Mama. Nagtetext sila kapag may bibilhin para sa bahay eh. Pagkalapag ko ng tray ng pinagkainan namin sa counter, binuksan ko yon para i-check kung ano yung papabilhin.


From Unknown:

Saturday at about 8PM on Skylar. Wear what you want, you'll look decent with anything.


"OMG!"napatalon ako sa tuwa. Wait siya ba talaga 'to? Paano niya nalaman yung number ko? Si Nami ang pasimuno nito, alam ko na agad! Okay lang, text ko 'to lagi ng good morning hanggang good night, hulog to.

"Bakit, nanalo ka sa lotto?! Tingin!" hahablutin na ni Henry yung phone ko pero tinago ko yon sa kanya. Mabasa niya pa eh, swapang ako no'. "Damot kahit kalian, SebSeb!"

"Bawal, baka mainggit ka." Inismiran ko lang siya.

"Yan ba yung sa natabig na cake?" mukhang nagtatampo na dahil kumukunot na yung noo niya. Cute namang aso nito. "Sapakin ko yon eh."

"Wag. Wag yung perfect niyang mukha. please."

"Mababantot mga taga Luxemburg, wag kang magpapalinlang sa mga maaamong mukha hoy. Kita mo'ko super fresh." Paglalahad niya ng dalawang braso sa kawalan.

"Experienced? Eh, hindi ka pa nga nagkakajowa na taga-Luxemburg!" sabi ko sabay tawa. "Isusumbong kita kay Nami, mabantot pala ha." Tinapalan niya yung bibig ko bago pa man ako makapagsalita. At natahimik siya sa sinabi ko. Alam kong dapat akong kabahan dahil ito na pero umaapaw na yung kilig sa buong kalamnan ko, mamamatay na ata ako dahil mas madami na ang kilig kesa sa red blood cells na umiikot sa katawan ko.


Day have passed so easily because I was so excited. I mean there's nothing to be excited about but he's that photobomber I once dreamt of personally meeting, ang lifetime achievement ng moment! Ang ganda pa naman ng restaurant na Skylar, doon niya talaga ako ipupunta.

'Wear anything you like', Eh kung mag two-piece kaya ako, swimming sa restaurant. Pwede namang long gown para magcelebrate na rin kami ng 2nd Debut ko. Naghalungkat ako nang naghalungkat hanggang sa may makita akong proper attire. Floral laced mesh dress na white siya at pinartneran ko lang siya ng cream din na heels. I curled my hair nang slight para naman may mabagay sa suot ko. It's the least of the things I can do with this short hair.


By the time I had my whole look finished, I booked a service app para naman makaabot ako don agad. 7:00 na kasi nung naka-alis ako tapos traffic pa sa nadaanan namin kaya hassle na hassle na yung make-up ko. Medyo malayo pa kaya naghahanap ako sa google ng mga pwede naming pagkwentuhan para naman makarelate kami sa isa't isa diba.

"Paano ka umutot? Silent but deadly or Loud speaker-type?"

"Pag ba nag-inhale ka ng malalim, puputok baga mo?"

"Anong kulay ng underwear mo?" tinakpan ko na agad ang phone ko sa kahihiyan. Bakit naman ganon mga lumalabas, wala na bang iba. Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa restaurant kaya bumaba na ako at nagbayad. Wala naman siyang chinachat.

I have waited for about five to ten minutes na dito sa labas kaya tinext ko yung number na sinendan niya nung location.

To: Unknown

Hey, nasa loob ka ba? Nandito na ako sa labas ng restaurant. Baka hindi ako papasukin huhu

Medyo fast naman siya magreply.


From: Unknown

Resto? Go by the first street to your left, I'll meet you there.


Seryoso ba'to? Pinaglakad pa talaga niya ako sa postura ko ha. Ang ganda-ganda ng ayos ko tas sa gilid-gilid niya ako bubugbugin, ano to!

I still went to his direction; it was a long walk actually. Medyo nahihirapan ako sa heels na to, mas mataas kasi siya compared sa daily kong sinusuot. As I got to the ending point of the road, there he was slowly walking to me... too casually. I mean literal naka casual clothes lang siya. He was wearing a big white jacket and some baggy pants with a paper bag on his right hand. May cap pa siya pero his face was still visible.


"Uhm, hello good evening. Kitaan was Skylar di'ba? Sinisimulan mo na ba ang panggagago mo?" Naiinis na ako. Bakit ba wala siya agad don.

"We're meeting at Skylar di'ba. I was there the whole time, I thought you wouldn't come actually. Shall we?" He insisted na mag-lakad na kami sa dinaanan niya kanina pababa. Wala naman akong choice dahil gulong-gulo pa rin ako sa mga pangyayari. Hindi ko siya maka-usap sa ilang mga minuto ng paglalakad namin dahil ang awkward.

"So, you thought we're meeting at Skylar Diner?" He spoke.

"Well, hindi ba? Kita mo nga oh, I prepared a diner-worthy outfit, nagkulot pa ako tapos hindi pala tayo doon pupunta. Sabihin mo na, pinapanood mo siguro ako dong nakatanga no'? Hindi, ayos lang kung masaya yon sa'yo eh kung napapanatag ka sa pagtulog mo sa gabi, ayos lang. May pa 'wear something decent' ka pa tas sa tabing-kalsada lang pala ang punta natin." Pagrarant ko habang naglalakad kami. I had many thoughts kaya sinabi ko lahat, masama ba?

"We're here." As he disclosed my rants. Tangina.

"This is Skylar." He spoke again.

"Skylar Mart?" Tama ba 'tong nababasa ko o sadyang hindi ako makapaniwala. So naghihintayan kami sa magkaibang- 'skylar'.

"You get me now, let's go inside." He brushed that off and went inside. Syempre sumabay ako dahil ang tanga-tanga ko na.


Kailangan ko na 'tong sabihin. "So ang parusa mo sa'kin ay gawin akong muchacha sa paggogrocery? Wala ka bang yaya sa inyo?" Nasa Aisle 3 kami na puno ng mga cereals. Naghahanap siya ng mga chocolate cereals pero tinitingnan niya yung nasa likod.

"Do you have any siblings? What would they prefer here?" Tanong niya sa'kin. "Bakit ko sasabihin, mamaya parusahan mo din yon uhos, wag ako." Sagot ko naman. Baka may gawing masama sa utol ko, kakalimutan kong gusto ko'to.

"You're really into me giving you consequence huh? Can you just pick one on these?" Tiningnan niya ako at siningkitan ng tingin. Pinili ko yung hawak niyang cereal kasi staple din naman samin yon.

"Too much calories. Wag na'to." Binalik niya yung pinili ko at nag-hanap ng iba. Napahiya ako don ah.

I followed him where ever he went. Mula cereals, to drinks, to chips hanggang fruit stalls! By that, my feet are really feeling the moment. "Ginawa mo pa akong yaya sa ganda kong 'to ha, alagaan kita dyan eh." Bulong ko sa sarili ko pero bigla siyang lumingon. May kukunin lang pala, akala ko naman narinig niya.

"Why are you buying groceries this late ha?" Tanong ko sa kanya para naman may closure kami ganon.

"Why? Is there a specific time to shop?" Tinaasan na naman niya ako ng kilay. Ahitin ko kaya kilay mong gwapo ka.


At last, tapos na siya maggrocery at nasa cashier na kami. Ewan ko ba pero nag-ooverthink na ako sa sitwasyong 'to. Wala akong tiwala sa gwapong mokong na'to. Baka bigla akong iwan nito sa tapat ng cashier, andami pa naman niyang binili.

"Cr lang ak-" naputol ang sasabihin niya ng hawakan ko ang braso niya ng mahigpit. Para hindi maka-alis sa counter, oo. Nakatingin na siya sa'kin ngayon habang nagtataka kung bakit ko ginawa yon. Ni ako hindi ko rin alam ang ginagawa ko. Ang alam ko lang, mukhang aksidenteng dumamoves ako.

"Hindi kasi ano, next na tayo sa cashier oh. You know, waiting things, waiting game, waiting everywhere. I love waiting. do you love waiting?" Tinawanan ko nalang lahat ng sinasabi ko. Tangina pahiyang-pahiya na ako dito. Pero infairness, nakita ko ang maliit na ngiti na lumabas matapos kong sabihin yon.

Tapos na siya sa paggogrocery at papunta na kami sa kotse niya para ibaba yung mga nabili niya. Hindi ako makasunod sa kanya dahil nananakit na yung paa ko. Ang hapdi kaya. Sana pala sinanay ko yung paa ko sa heels na'to bago ko nirampa ngayon, nakakainis.

Naka-tayo lang ako sa gilid habang binababa niya yung mga gamit sa trunk kaya hindi ko na muna siya inalala, ang inalala ko ay ang paa ko. Kanina ko pa hinahagod yon para naman matanggal yung konting sakit.

"Here," a sudden man voice came up in front of me and paglingon ko, it was him na may hawak na isang pares ng sapatos. It was smaller than the one he currently uses kaya baka pinaglumaan niya lang to. "Change your shoes, ako na ang nahihirapan para sa'yo." After he gave that to me, he walked towards the trunk again, de-cluttering some more stuff. Nag- 'thank you' naman ako bago siya nakalayo.

After a while, sinara niya yung trunk ng kotse at naglakad na sa tapat ng driver's seat. Minamasdan ko lang siyang pumasok sa loob ng kotse niya habang naka-upo ako sa gilid ng halamanan.

Binaba niya ang window sa gilid niya at tiningnan ako. "Are you getting inside or you want to freeze to death, wala ka na bang paa para pumasok dito?" Ang abusado naman pala. Kauuupo ko palang eh. "Yes po, Bossing Labidabs!" Tumayo ako at sumaludo para naman makita niyang nag-boboss na siya ngayon!


Pumasok na ako sa kotse niya, ang bango. Amoy na amoy ko ang air freshener at pabango niya, lavender. "Mahilig ka ba sa lavender o sadyang amoy sabon ka?" Sabi ko matapos lumanghap ng ilang beses sa loob ng kotse niya. Hindi siya nagsalita hanggang sa ma-start niya yung kotse at umalis na sa parking area nung mart. Makalipas ang ilang minute, "I really like lavender, you should too." Sabi niya.

"Makulay na amoy ko, alagang pabango to' no!" inamoy ko pa yung suot ko. "Kaya pala naglahok-lahok." Bulong niya. Aba bastos to ah, nakakarami na'to.

Matapos non, nabalot na ng katahimikang muli ang loob at tanging paghinga nalang namin ang nagiging sanhi ng ingay sa pagitan naming dalawa. Gusto ko siyang kausapin pero baka naman ayaw niya akong kausapin, late nga niya akong kinausap kanina eh.

"So... Saan pala tayo? Sa palengke ba? Sa mall? O baka naman sa tianggian? Abusuhin mo na pagmumuchacha mo sa'kin para tapos na'to." Tinatanggap ko na ang kapalaran ko, wala naman akong choice.

"Museum. An Astronomical Museum actually." He said while his head is still on the road. I was silenced. Bakit kami pupunta sa museum? Would he lock me with the hindi pa evolved na homosapiens! Another overthinking session has happened again, ano ba!

"Relax." Hindi ko namalayan na nakatingin siya sa akin habang malalim ang mga iniisip ko. "I'm taking you there as a compensation, a treat also for helping me. Ayaw mong masayang yung suot mo di'ba?"

"But how did you know I like astronomy?" Baka pakana na naman to ni Nayomi. Tataasan ko na ang level of friendship namin 'pag nagkita kami nitong Apollo every day. "You like astronomy? Wow," he replied. "Let's enjoy it then." His eyes met mine again pero just a glimpse lang.

I want to talk to him but my mind was full on the things I want to see at the museum. Nakatingin lang ako sa bintana, nanonood sa mga gusaling dinadaanan namin. Natutuwa pa ako 'pag may lasing na nadadaanan.


Finally, he parked his car beside a tree outside. The place was large and it had two floors from the looks outside.

"Miss, if you want, you can explore the inside first. I'll follow later, I promise." He said as he looked at me. Kinakabahan ako pumasok, paano kung hindi ako papasukin. Paano kung pagkapasok ko, bawal na palang lumabas.

"Okay, basta tutuparin mo yan ha! Hindi pa ako sigurado sa'yo, tandaan mo yan." I pointed a finger at him. He grabbed his bag sa likod ng kotse at kinuha ang isang ticket. Pinakita niya pa yung isa para daw ma-assure na papasok siya. I stepped out of the car and walked to the entrance of the museum. I gave my ticket to the guard and the moment I knew, I was in.

Andaming portraits and paintings na bumungad sa'kin. I wanted to explore the first floor bago yung taas. There we're abstracts and forms that I couldn't understand yet I understood. When you see wonderful art, even if you wouldn't relate to it, it just has that feeling. I love it here na. After I roamed around the first floor, I went upstairs, and luckily, I saw a sign saying that there is an observatory here. I love to look at the sky so I'll go there last. Katulad ng mga paintings at portfolios sa baba, this place was filled with astronomical talents from different artists. The famous replication of the painting "The Starry Night" was even in here!

As I pass by, I saw a large sign saying "Observatory" kaya alam kong malapit na ako. Nilakad ko yung hallway hanggang makarating ako sa tapat ng room. Pagkapasok ko, halos hindi ako makahinga sa ganda ng place. May book shelfs, globes, illustrations ng planets, and at the center was a telescope. I roamed for a minute trying to read books kahit wala naman akong maintindihan. As I was about to go to the telescope, I heard a cough by the door. Tangina.


A white polo topped with a black suit and pants partnered with some black shoes comes a man by the door. Lumakas ang amoy ng lavender sa suot niya, nagpabango pa siya sa kotse ha. Shit, bakit ang gwapo! Jusko Lord, maaabot ko ba 'to?! Bigyan mo ako ng chance sa kanya Lord, magpapaka good-girl ako habangbuhay, medyo lang pala.

He walked towards me holding a bouquet of flowers and had an amazing aura with him. As he stands beside me, he handed down the bouquet, "Here."

"Kaya pala matagal sa kotse, naks na pormahan yan, kain-love! Charot!" sabi ko kahit na hindi naman charot charot ang lahat! Ang gwapo at ang bango-bango niya. Bakit ba hindi ako pinagre-touch nito, nakakahiya naman.

"Have you tested the telescope yet? I was kind of slow fixing this, that I hadn't joined you to a tour." He said as his glaze was on mine. Napatingin din ako sa kanya ng magsalita siya kaya nagtama ang mata namin. Nahiya ulit ako kaya tumingin na talaga ako sa telescope!

"Ang ganda ng nightsky." Bulong ko sa sarili habang tinatanaw ang sansinukob. Hindi ko alam ang ginagawa niya, nakatayo lang ba siya? Nahihiya na ako, ano ba Selene! Strong ka, walang magpapapahiya sa'yo!

"Why have you liked astronomy?" Tanong niya. Madali namang sagutin yon pero gusto ko muna syang pagtripan. "Why would I tell you? Have we known each other that well?" at inismiran ko siya. Oh loko, napagtripan ko, hindi ako magpapabebe for today's video.

"Miss, we've stumbled upon each other two times. Oh, pardon, you followed me two times already. Spilled cake and beer over my outfits and know you tell me we haven't known each other that well for a random question?" He replied. Ang haba ha, ganon ba magmaktol ang mga mayayaman? Bakit niya binaback-track yung mga pangyayari namin, feel ko may gusto 'to sa'kin.

"Feeling," Lumingon na ako sa kanya matapos ko silipin ang mga butuin at mga tala. "Well, the name given by my parents were Selene Belle Yu. Selene Belle means a beautiful moon so that started my interest about the sky. It was just a mere liking, hindi ko yon ginawang hobby or profession. I just admire the beauty of the sky, so large and full of stories to tell." I explained.

"Ikaw? You like astronomy? I mean why would you let us go here kung hindi mo nga alam na dito ko gusto pumunta?" I asked. If yes, edi meant to be.

"Not really. You might think that I enjoy this but not as much if I can't fully see the beauty of it. I'm see stories more on food and techniques. That's my liking." Oo nga pala, cook din pangarap niya. After that, we were both silently looking up at the sky. I loved this moment so much. Even more with the guy that I'm slowly getting to know.


"I'll fetch you to your house, just tell me when we'll leave." He permitted. Taray, yaya ako tapos driver siya. Perfect.

I agreed we end the day dahil gabi na rin. We both went back sa kotse niya and drove home. Likewise, we were silent pa rin but it was lovely to have a conversation with him after all. He was looking directly at the highway kaya ayoko muna sya gambalain. By the time, my house was near to where I directed him to go, we stopped by in the front of our gate.

"Well, dito na yung bahay ko. Wag mo akong papaabangan bukas ng umaga ha." I pointed at him again. He let out a little laugh kaya natawa din ako. "Don't worry, I wouldn't let those who'll kidnap you pass this night naman." He also joked. Aba, mukhang may balak pa rin ah. Sasapukin ko 'to.

"It was nice having you today." He said as he looked at my eyes.

"I haven't really formally introduced myself to you. I'm Selene Belle Yu." Nilabas ko yung kanang kamay ko para magpakilala sa kanya.

"Hi Miss Selene, I'm Apollo Max Heath." Nilabas din niya ang kamay niya at nakipagkamay sa'kin.

"It's okay if you call me Selene. I guess we have known each other naman na."

"Okay then, call me Apollo."

I untucked my seatbelt and left the shotgun seat. Binuksan pa niya yung bintana sa inuupuan ko kanina para magpaalam. I was just standing there outside while he and his car were driving far from me.

"You're quite the good guy naman. I like you more na." Bulong ko sa sarili ko. Pumasok na ako sa loob ng bahay, nakita ko si Mama sa salas. Tinanong niya ako kung saan daw ako nagpunta pero sabi ko bukas ko nalang ikekwento. Ang mahalaga, matutulog ako ng masarap ngayong gabi.


Apollo Max Heath, see you.



:0)

Thank you @Jinssstal  , again for the second time.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top