III
Party Glances
Should I go or should I not? I mean it's Nami's birthday so I'll definitely go. I want to cause I'm guilty of not remembering it. But then again, it's a weekday and Fridays come many people on the resto. Baka kailanganin ako nina Mama doon.
Tsaka may future teacher ba na nagpaparty?
I was busy thinking na hindi ko namalayang may kumakatok sa kwarto ko. Si Mama pala.
"Anak, labas na. May nakahain na sa baba, labas ka na dyan." Pagbukas niya ng pinto.
"Masarap?" Tanong ko pa na animo'y hindi pa natitikman lahat ng luto niya.
"Wala sa bokabyularyo ko ang pangit na lasa, anak. Pangit na anak siguro," inismiran pa niya ko at humalakhak. "Masaya kana? Nga pala, dadating na si Inday kaya wag mo ng alalahanin yung pagpunta mo sa resto mamaya ha. Baka mapagod ka pa magbiyahe biyahe kaya dumiretso ka nalang mamaya dito, magpahinga ka." sabi ni Mama.
Tumango nalang ako at bumaba para kumain. Gumayak na ako para makaalis at pumunta na naman sa school. Niyayaya pa rin ako ni Henry dahil wala daw siyang kasama kung hindi ako papayagan. Magtatampo raw siya at hindi na ako kakausapin. Lokong 'to talaga kahit kalian.
Tinapos ko lang ang ilang mga klase bago ako dumiretso pauwi. Nagsisigayakan na sila tapos ako hindi pa pinapayagan! Patay na'to.
Buti ay umuwi ng panandalian si Papa. Nagpaalam ako sa kaniya na birthday ni Nami kaya baka magpunta ako roon para maki-birthday. Pumayag naman siya kaya nagbihis na agad ako. Tinext ko nalang kay Mama na baka bukas na ako umuwi dahil doon nalang ako matutulog sa bahay nila.
Pumayag nalang siya dahil nakita niyang may nakahanda nakong mga damit. Chi-neck ko ang IG ko para makita ang pinaguusapan nila sa GC. Nagtext ako kay Nayomi na pupunta ako.
sandycheeka: Happy Birthday bb.
imcatherine: happy birthday!!
namibaby: thanks babes!
henryver: ay nagbi-birthday ka pa pala, kala ko matanda kana HAHAHAHHA
namibaby: are you gagoing me, in my birthday! No drinks for you then LOL
henryver: joke lang naman! Tirhan mo kami!
selenophile: happy birthday nami. Attend ako mamaya kaso byahe pa ako huhu bahala na
henryver: ako na SebSeb, puntahan kita mamaya.
biancnabuko: ako na, mamaya kung anong kabalbalan na naman gawin mo.
henryver: epal kahit kalian!
selenophile: go na kay @biancnabuko! Pakasasa ka dyan, Henry.
Henryver: Binibabes!! ^/o/^
biancnabuko: Okay basta walang mawawala mamaya ha. Mauna malasing, mababaog
namibaby: trots. Dito nalang kayo matulog sa bahay pero si @henryver 'di edeps sorry! Sa kabilang kwarto ka.
henryver: buti naman! Baka kung ano pa gawin niyo akin. Kakalimutan ko munang magteateacher ako. Baka leksyunan ko lang sila HAHAHHA.
Sinarado ko na ang phone ko at hinintay mag 4 PM. Nagligo na ako at nagbihis. Sinuot ko yung black dress and heels. Naglagay nalang ako ng konting make-up dahil mamumula lang din naman ako mamaya. By 5 PM, may bumusina na sa harap ng bahay kaya alam kong si Bianca na yon. Nagpaalam na ko kay Papa at binilinan si Astro na gawin ang mga homeworks niya at matulog ng maaga dahil may klase siya bukas. Sumunod naman siya at niyakap ako bago ako umalis.
"Mamshie, pasok na dali! Baka ma-late pa tayo. Don't wanna end up the sober one in a group full of lasinggeros. " sambit niya.
Pumasok na ako at bumeso. She wore a beige off shoulder shirt and a denim skirt paired with beige heels.
Si Bianca, si Henry, tsaka si Nami yung mga may kotse samin. Si Bianca at Nami, family car nila. Si Henry naman, bagong bigay ng tatay niya. Regalo daw sa kanya ng Papa niya after graduation. Halos kung saan namin gusting pumunta, pwede dahil may sasakyan na naman sila.
"Buti pumayag Papa mo about sa party." Sabi niya sakin.
"Hindi ko nga nasabi kay Papa na may inuman. Si Mama naman, napilit lang kasi um-oo si Papa. Ayun nakawala ang tigre sa bahay, charot." sagot ko.
"Luh, takas si ate ghurll. Bad yann!" habang niliko niya ang manibela pa kanan.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa bahay ni Nayomi dahil dun gaganapin yung party niya. Her parents are out of the country para sa isang business trip. Pinayagan naman nila na gamitin ang bahay to celebrate.
"SebSeb!" Kumaway si Henry sa may balcony sa taas. Mukhang naroon ata sila. Napasapo nalang ako. Hanggang dito talaga gagamitin niya yang palayaw na yan.
Pagkapasok na pagkapasok namin, malalanghap mo na yung alak. May nagsasayawan, inuman at andami kong nakikitang mga nagsisilabasan sa may pool area. Maraming mga taga-Luxemburg dito pero may mga nakikilala pa rin akong mga taga-Alvenor kaya kinakamusta ko nalang bago kami tumaas.
"Hey!" May narinig akong tumawag pero hindi ko na nalingon yun dahil tinatawag na kami sa taas.
"Mga nahuli, ang dami niyong hahabuling shots, nako!" sabi ni Nayomi.
"Luh, burot agad! Happy Birthday muna ano." at binigay ang regalo kong metal pendant sa kanya.
" Ako din may regalo." sabi ni Cath. May binigay siya pero nakabalot kaya di namin mapansin.
"Maya mo na yan buksan." sabi niya.
"Thank you, dapat hindi na kayo nag-abala. Well anyways, now that we're all here naman na. I'd like to tell all of you a special announcement. Oh my god wait let me drink muna." As she gets a shot of what they're drinking, tensions and curiousity builds up in our circle. "I may have gotten myself into a 'butterflies-in-stomach' situation." She said then giggled.
"Teka teka, sino yan ha, bakit hindi namin yan nababalitaan?" Sabi ni Bianca.
"May nanliligaw pala sa'yo. Astig." Sabi naman ni Henry. Hinampas ni Sandra ang braso niya kaya napasapo ito rito. Walang pagkakataong hindi sablay ang bira nitong si Henry eh.
"He's here right now. Maybe he's downstairs or something. Well anyways," Kwento ni Nami.
Halos lahat ng pangyayari niya sa bago niyang school ay nakwento na niya ata sa amin. Dahil puro alak lang sila ay naisipan naman nilang mag-laro para naman may maunang malasing.
"Ano G kayo? Hindi G, KJ for life!" Sabi ni Sandra.
"Anong game?" sabi ni Nayomi.
"2 Truths 1 Lie. Ano G? Kapag mali ang hinula mo dalawang shot nang tequila." sabi ni Sandra.
Pumayag kaming lahat. Naunang magbanggit si Bianca at umikot na hanggang kay Sandra. Lagi akong nagkakamali kaya lagi akong napapainom. Medyo nahihilo na nga ako pero mas malapit nang matodas tong si Catherine kahit hindi dapat uminom, umiinom eh. Turn na niya ngayon.
"Okay okay, my turn. Una, natae ako sa panty ko nung high school. Pangalawa, Lasing na ako. Pangatlo, nagkakagusto ako ngayon sa bestfriend ko. Oh, sagot kayo!" Pautal utal niyang sabi.
"Feel ko- uhm- yung pangatlo. Kanino ka magkakagusto kay Sandra o sakin, mare.." humalakhak naman si Bianca.
"Ako din feel ko. Kaming lahat feel namin pangatlo." at muntik nang matumba si Nami.
"Well," at uminom muna siya bago tapusin ang sasabihin niya.
"Mali kayong lahat, dahil pangalawa yung mali. Hindi pa ako LASINGGG!!" at bigla nalang siyang natumba sa inuupan niya at nahiga.
"Haynaku kang kupal ka tara na. Gusto kona matulog." sabi ni Bianca at dumiretso na sila papuntang kwarto.
Hindi pa naman ako masyadong lasing pero itong mga kasama ko jusko, kulang nalang mga magsuka-suka eh.
Umalis muna si Sandra at Nayomi para sumayaw sa baba at makihalubilo. Naiwan kami ni Henry dito sa balcony magkatabi at parehas zoned-out sa mga ganap sa loob.
"Tara don sa gilid. Tingnan natin yung langit." Sabi niya at nilahad ang kamay para alalayan akong tumayo. Sumama ako at nagpunta nga kami sa gilid.
"Sebseb, ang ganda ng buwan no, parang ikaw. Ang ganda mo." Sabi niya. Tiningnan ko siya ngunit nakatutok ang tingin niya sa kalangitan.
"Huwag mo akong ihalintulad sa buwan. Oo syempre, galing don pangalan ko pero hindi naman ako kasing ganda non para kuminang sa dilim." Sagot ko naman.
"Wag mo ngang maliitin sarili mo. Maganda ka kaya." sabi ni Henry.
"Alam mo lasing na lasing ka na. Kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig mo." habang tinatanggal na yung baso sa kamay niya.
"Pano mo nasabing lasing ako eh kaya ko pang sungkitin yung mga bituin para sayo," noon palang siya lumingon sa akin. "Oh, kita mo nakakuha ako." at nagfinger-heart siya.
"Gagi ka alam kong maganda ako pero matulog kana." at hinatid ko na siya papunta sa kwarto na para sa kanya. Marami pa siyang mga sinasabi pero hindi kona maintindihan dahil medyo may tumatama na sakin. Binaba ko na siya sa kama at babadyang umalis na.
"Babyeeee! Labyouuuu!" hiyaw niya bago ako umalis.
Parang tanga to. Kung ano-ano na sinasabi. Hinanap ko sina Sandra at Nayomi sa baba. Sa dami nang tao dun akala mo nilalakbay ko ang buhok na puro kuto eh.
Sa hagdan palang ay hinahanap ko na sila sa gitna ng sandamakmak na tao sa living room pero wala akong makita kaya nagbakasakali ako sa kusina. Medyo nahihilo na ako kaya kukuha sana ako ng tubig sa ref pero biglang may humawak ng pwet ko! Ang bastos non ah! Babadya ko na sana siyang sampalin ngunit pagkalingon ko palang ay nahawakan na niya ang palapulsuhan ko.
"Easy lang baby, eto naman. Gusto lang makipagkilala eh. What's your name, baby?" sabi nung lalaking lasing na.
"Pwede bang lumayo ka o isusupalpal ko sayo tong buong pitsel ng tubig." Lalapit na sana siya at aambahan ko na sana ang pitsel na hawak ko pero may sumingit sa gitna namin.
"Could've just threw that whole pitcher at his face already." malalim ang boses nung lalaki. Hindi ko na rin siya natingnan dahil galit nakong umalis.
Sa wakas, nahanap ko rin ang dalawa malapit sa pool area, sumasayaw na para bang walang bukas hawak-hawak ang tig-iisang bote ng alak. Lumapit naman ako sa kanila para makausap, kung matino pa sila.
"Selene!" tawag sakin. "Shot muna bhieee!" shu-mot lang ako nang maraming beses para mas lalong malimot.
"Aba ang ate mo lasinggera!" sabi naman ni Sandra.
"May nangbastos kasi sakin. Bwisit na yun."
"Gosh okay ka lang ba?" pag-aalala ni Nami. Kung pwede ko lang sabihin na oo, pero kasi birthday niya ngayon kaya hindi ko na muna siya paaalalahin
"Oo, Okay lang." pero deep inside hindi.
Medyo nalasing na ako kanina pero dahil kanina pa ako umiikot at may ganung pangyayari, nahimasmasan ako. Babalik na sana kami sa kinauupuan namin sa taas pero may lumapit na dalawang lalaki sa direksyon namin. May isang naka loose na polo na binagayan ng brown shorts at ang isa naman ay nakaplain white na t-shirt lamang at may black naman na trousers.
"Hey love, I was gone for a while and you're drunk now, wow. It's new to see!" sabi nung lalaki. Wala namang kahit na anong reaksyon yung kasama niya at nakatitig lang sa malayo.
"Love, sila nga pala yung mga kaibigan ko. Siya si Sandra yung Archi freshmen. Tapos siya naman si Selene." habang pinapakilala kami ay kinakamayan kami nitong lalaking to.
"So, your Selene, I've heard so much about you. Damien by the way." Sabi niya at binigay ang kanyang kamay para kamayan ko.
Huh? That's strange. Parang ngayon ko lang naman sila nakilala. Pero baka naman nakilala na nila ako, kami, dahil kay Nami. Baka napagkwentuhan na nila kami. But still, strange?
"What about it?" sabi ko.
"Your one of Nami's friend and your taking Education at Alvenor, right?" sabi niya bago lunukin yung buong Black Label.
Oh, nothing offensive or personal naman pala, okay lang yon. Atleast diba alam nila makakabangga nila pag sinaktan nila si Nami.
"And I have heard you're the girl who threw cake at someone on one café. Alexander by the way." pagpapakilala nung nakatalikod kanina na kumaway din sa akin. "Dude," rinig ko pang sabi ni Damien sa kanya.
Wait how? Nandon ba siya nung pangyayaring yon. Jusko nakakahiya naman! Nagbitaw nalang ako ng mahinang tawa bago nagtago sa likod ni Sandra, nahihiya na. "Tara lets drink. Drink, drink, drink!!! Drink your Beer!" hiyaw ni Nami.
Nagpaiwan pa sila sa kinauupuan namin kaya nagawa naming makipagkwentuhan sa isa't isa. Napag-usapan namin yung mga courses nila at nalaman kong sa Culinary Department sila. Gusto ko pa sana silang tanungin at makilala pero tinamaan na naman ako ng hilo kaya naisipan kong maglakad-lakad.
Gusto ko na sanang pumunta sa room namin nina Sandra para matulog na pero nabangga ako ng isang lalaki na medyo mataas kesa sakin. Natabig niya tuloy ang hawak kong drink at nabuhos sa white polo shirt at blue trousers niya. Hindi ko maaninag yung mukha niya. As he let out words that I don't understand, I kept a steady focus on him trying to remember that look.
"Wow, two days in a week of this bullshit, how can this be any worse."
"Wait, you're the..." we both met each other's eyes, stuck and cannot let go.
"It's you."
I try to take a steady picture of his face and as it gets clearer, my heart beats faster than a race could ever. Why is he here, right in front of me again?!
"Are you stalking me or some sort. First the café, then this mess. Would you always throw stuff at me everytime we would see each other?" sabi niya.
"I-I'm sorry, wait grabe ka naman makaakusa sa'kin. It wouldn't have happened kung hindi kita kaharap ng dalawang beses ah." Pagtatanggol ko naman sa sarili ko.
"And I was the wrong now? Pay for this." He calmly said.
Medyo naging sober na ako kaya maayos akong nakatayo at nagsalita.
"And for what, kaya mo naman yang ipalaba, bakit kailangan pang bayaran? Akin na, lalabhan ko, nakakahiya naman sa'yo." Kung hindi lang kita crush baka nabulyawan na kita.
"You think that was too easy?" tinaasan ako ng kilay. Grabe ganito pala ang hubog ng mukha niya harap-harapan. Ang gwapo at yung amoy ng lavender, nandun pa rin. Bakit ba ang mukhang perfect ng lalaking 'to.
Magagalit na sana ako pero dumating sina Nayomi at Damien.
"Oh, I see you met each other. This is Selene. Selene Belle Yu. Babes this is another friend of Damien. Another Chef!" introduce sa akin ni Nami.
"He's Apollo. Apollo Max Heath. The future owner of the Heath Empire, am I right?." sabi ni Alexander, yung kasama ni Damien kanina, na bigla nalang nagsalita habang nakaupo. He worded drunklike yet still sophisticated.
If that's the case, sige babayaran ko. Kahit isangla ko pa buong laman-loob ko mabayaran lang yang stain na yan, sige! Kahit siguro yayain niya akong mapangasawa pwede rin o girlfriend muna, di naman ako tatanggi eh!
Nasa harap ko pa rin siya, nakaupo sa mismong tapat ko. Habang patuloy ang pag-inom ng mga kasama ko, mas lalo akong naaaligaga sa mariin niyang mga tingin sa akin, parang may gustong sabihin. Tiningnan ko siya at nagtama ang tingin namin, parehas kaming nahiya at tumitig sa kawalan. Mga ilang segundo lang ay tumayo na siya at tumigil sa tabi ng kinauupuan ko.
"Meet me there by the side of the house." He said as he walked out and went to that direction. Nagdadalawang-isip pa ako dahil baka ipa-bugbog niya ako pero pumunta pa rin ako. Might as well release my inner 'Manny Pacquiao'-self diba.
As I reached the side of the house he was there staring at the other side, not really caring whether I come or not. Magsasalita na sana ako kaso humarap siya sa'kin at mariing lumapit.
"Kung sasaksakin mo ako, maghunos dili ka, marami pa akong pangarap sa buhay!" sabi ko habang unti-unting naglalakad palikod sa pader. Palapit pa rin siya ng palapit, magaan ang tingin sa mukha ko. Nang bigla kong maramdaman ang pader sa likod ko, ay tumigil na siya sa paglapit. Sinandal niya ang isang braso sa pader habang nakatingin pa rin sa akin.
"I'll tell you your consequence," as he said.
"Ano yon?" mautal ko ng masabi.
"Have a date with me." He softly said.
^0^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top