Chapter Twenty-Two

NAKAUPO si Walter sa swivel chair ng kanyang opisina sa The Org.

Tahimik ang buong mansyon dahil wala na roon ang mga kliyente at empleyado. May nakalapag na mga folder ng reports sa kanyang desk tungkol sa status ng The Org nitong Sabado at Linggo, wala nga lang siya sa mood na silipin ang mga iyon.

Nakabukas lang ang kanyang laptop at naka-display sa monitor ang pagtaas-baba ng mga stock prices. Pero muli, wala roon ang kanyang isip. Pinaglalaruan lang ni Walter ang sign pen ng kanyang mga daliri habang lumilipad pabalik sa mga nagdaan ang alaala niya.

"I saw photos of you and this woman," yuko ni Beta, nilalaro-laro na lang ng tinidor ang pagkain. "Are you really already married, Walter?"

Tanda niya ang bahid ng emosyon sa mga mata ng dalaga. Nababasa niya ang tila pagkadismaya. There was awkwardness in them too. They were moist with... most probably, fear. The disapproval was evident too. She was still the prettiest, in spite of those look in her eyes making him feel so bad.

Then he remembered being married to Joanne.

Joanne exuded the same fierceness as Beta. Their only difference was... she was never innocent. Sa edad na dalawampu't dalawa, nasa sitwasyon si Walter na inosente pa rin siya sa maraming bagay pero kailangan magpanggap na may maturity na siya para maunawaan ang mga bagay-bagay.

At the age of 22, people would expect a person to be able to stand on their own, to display this maturity and to already have their lives figured out. Lalo na at sa edad na iyon ay mag-isa na lang si Walter sa buhay, mas marami ang mage-expect na matured na ang outlook niya sa mga bagay-bagay, na may independent na siyang ugali at pag-iisip.

But it turned out different for him.

At the age of 22, he was still exploring. Marami sigurong mga ka-edad niya noon ang may mga magaganda nang trabaho, o 'di kaya ay graduate na sa napiling mga kurso, o naga-abroad, o sikat na sa larangan nila, o may mga magaganda at gwapong karelasyon.

Samantalang siya, sa edad na iyon ay nangangapa pa rin. Hindi pa rin alam kung ano ang direksyon na tatahakin. Ginamit niya ang pera ng ama para hanapin ang sarili. Inakala niya na matatagpuan ni Walter ang sarili sa mga kaibigan, sa uri ng mga tao na kasa-kasama niya. Birds of the same feather flock together they say. Gusto niya ng maginhawang buhay, ng buhay-mayaman. Hindi niya kasi ginusto ang dinanas noon nila ng kanyang nanay. Kaya sumama siya sa ganoong klase ng mga tao.

They would go to clubs at their whim. They would drink a lot, sky is the limit. Uuwi silang masaya, lasing at nagtatawanan. O 'di kaya ay magiging na nakahubad at may katabing babae, pagod mula sa pakikipagniig kung kani-kanino.

In Joanne, Walter found direction.

Joanne was close to his age, but seemed to have everything figured out. She was too smart for his own good. But he loved that. He loved that about her.

Her suggestions always mattered to him. Alam nito kung ano ang gusto sa buhay kaya madali ang naging takbo ng relasyon nila. Simple lang naman siyang lalaki. Kung gusto ni Joanne ng magandang bahay, fine, bibili siya. Gusto nito ng magagandang damit? Gusto nito ng alahas? Ibibigay niya.

Tanda pa niya ang huling araw ng babae sa trabaho nito.

Nakasuot noon si Walter ng suit. Hinintay niya si Joanne sa isang pribadong silid sa club na iyon. Humakbang papasok ang dalaga na nakasuot ng lacy na bra at panty. Her skin glistened with water or moist. Marahil na kakaligo lang nito at tapos na sa lalaking nauna sa kanya.

Tumaas ang sulok ng labi ng dalaga. Mapanganib ang titig ng mga mata, ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, gustong-gusto iyon ni Walter. Matagal na siyang nag-iisa sa buhay kaya naman wala na siyang pakialam sa anumang panganib na makakadaupang-palad.

He sat comfortably and spread his legs wide. Joanne straddled him. Alam na alam na talaga nito ang gagawin tuwing magkikita sila. Alam na nito ang gusto niyang posisyon. At kahit na paulit-ulit na lang na iyon ang ginagawa nila, para bang hindi na niya iyon pagsasawaan pa.

Nilapat nito ang mga kamay sa kanyang balikat. Tumingala si Walter para salubungin ang titig ng babae. He shoved a hand inside his pocket and pulled out a silver ring with one stud of diamond. Bakas ang gulat sa mga mata ng babae. Umawang ang mga labi nito.

"Marry me, Joanne," he murmured, staring at her adoringly. "I'll make you warm every night. I have a house and everything a woman can ever want."

Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "You don't know what gamble you are playing, Walter. You see... I am a woman who knows what she wants."

"And do you want me?"

"Yes," titig nito bago napayuko ng kaunti. There was a pause. At tinapunan siya nito ng pailalim na titig. "But I want a lot of things."

"A lot of men too?"

Natigilan ito, tila nagpipigil ng tawa.

"Only you."

"Then you'll get everything you want," he smiled.

Tinanggal na niya ang kamay ng babae sa kanyang balikat para isuot sa daliri nito ang singsing. Then they kissed torridly.

And a year later, that fire immediately fizzled.

"An ass-wiper?" dismayadong wika ni Joanne.

Kakauwi lang noon ni Walter sa tinitirahan nilang apartment. Ang apartment na iyon din ang tinirahan nila noon ng kanyang nanay. Medyo magulo ang salas dahil sa nakakalat na mga damit ni Joanne. May balak kasi sila na ibenta ang ibang mga damit para magkaroon ng pangtustos sa mga kakailanganin nila.

"It's called a nursing, Jo," he humbly answered.

"Nursing? You're not even a high school graduate! The hell, Walter!" tayo ng babae at padabong na binagsak ang tinitiklop na damit.

"Look, it's better than me not having a job!" lahat niya ng mga braso.

"You'll wipe that old man's ass for how much? Five dollars? Ten dollars?"

Hindi na iyon sinagot pa ng lalaki. Mababa lang kasi ang pinangako na sweldo niya sa pag-aalaga sa matandang may-sakit na dalawang kalye ang layo sa tinitirahan nila. Baka lalo lang siya i-discourage ni Joanne na tumuloy.

"Can't Clint find you a better job?" pamewang nito.

Tumakas na anuman ang tingkad ng kulay sa mga mata ng babae. Her hair was tied up in a messy bun. Yet her body was as sexy as it had always been. Mahigpit na nakayakap sa katawan ng babae ang t-shirt nito at short-shorts. The frustration was arousing him to the point of wanting to bed her so badly. He was staring at his wife hotly.

Baka-sakali na sa mawala ang lahat ng frustrations niya kapag nagniig sila. It may be temporary, but Walter really needed to feel good or else he would go crazy.

Hinablot niya si Joanne, halos bumalibag ito sa kanyang dibdib bago niya siniil ang babae ng halik. Galit na tinulak siya nito palayo.

"Get a hold of yourself, will you?! I have no time for that!" tumalikod na ito at tinuloy ang pamimili sa mga damit na ibebenta. "Can I talk to Clint? He must know a better job other than that!"

"It's the best he can offer," titig niya sa babae na nagkukumahog sa ginagawa nito. "And I don't want to take so much of his time. Let's just be grateful that he's—"

"Oh, right! That's the best he can offer. He's a Filipino OFW, right? No wonder ass-wiping is the only job he can refer you to!"

He gritted. "Don't speak like that about Clint, about Filipinos or OFWs. My mother is one too, remember that, Joanne, so shut your mouth."

Galit na tinalikuran na lang niya ito. Nagtitimping kinuyom ang mga kamao. Ayaw na ayaw niyang pagbuntunan ng galit ang asawa kaya naman bago pa siya tuluyang sumabog at pinasya niyang magkulong na lang sa kwarto.

Pero sa pagitan ng mga hakbang, natigilan siya sa pagkabasag ng boses nito.

"You... Y-You said you will give me everything..."

Lalong bumigat ang damdamin na nasa kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay napakababa na niya ngayon. Pakiramdam ni Walter na tae na lang siya na walang silbi. Pero hindi niya hinayaang lamunin siya ng isiping iyon.

Tumuloy na siya sa kwarto at pininid ang pinto. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top