Chapter Twenty-Nine

HINDI pa sumisikat ang araw ay nakagayak na si Walter. He toned down from his usual suits to a casual button-down shirt and jeans. Pagkabihis ay dumeretso siya sa kusina. Huminto siya saglit at nag-isip kung ano ang kakaining almusal. He checked the ref and saw plenty. Pero mas nakuha ang atensyon niya ng tray ng mga itlog.

Naisipan niya na maghanda ng eggs benedicts. Tapos naalala na naman niya na in-order iyon sa restaurant ng The Org ni Beta.

Eggs really make girls feel good, biro pa niya noong ginawan ang dalaga ng egg salad.

He painfully smiled. Nakuyom niya ang kamao at nanatiling nakatulala roon bago nagpasya na uminom na lang ng tubig bago lisanin ang bahay.

The sun slowly rose on the sky in the middle of his trip. Shredded clouds scattered across the beautiful shade of yellow and pale blue. Malayo-layo ang clinic ni Jared— ang psychologist na kapatid ni Clint— kaya naman inabot na siya ng traffic. Maingat na siningit ni Walter ang kotse sa pagitan ng ilang mga sasakyan.

Napagawi tuloy ang tingin niya sa bakanteng upuan sa kanyang tabi.

He saw Beta lifting her legs. Pinatong nito ang mga paa sa dashboard at nilingon siya para ngitian. Binalik ng dalaga ang paningin sa unahan at biglang tumawa. Walter wanted to laugh with her too. Pero alam niya na imahinasyon lang ang lahat.

Huminga siya ng malalim at pinausad na ang kotse.

BETA put on her white-rimmed shades. Pagkatapos ay sinipat niya muli ang repleksyon sa salamin. She wore a white pencil skirt paired with a white low-necklined blouse. Mapula ang mga labi niya. One look and anyone would feel her intimidating professional power.

Pero sa loob-loob niya, parang ibang tao ang nakikita niya sa salamin. Pakiramdam niya ay kaharap niya ang sarili, kung sino si Elizabeta Corinto noon. Buong pagpipigil na dinapot niya ang puting shoulder bag na may may chain strap na gold-coated. Nagmamadaling umalis na siya sa condominium building para pumasok sa Corinstones.

She had the whole Sunday to cry her heart out for Walter. At tulad ng repleksyon sa salamin, hindi na yata makilala ni Beta ang sarili dahil patuloy na pumipintig sa hapdi ang puso niya. Kakaiba. Kakaiba ang sakit na dulot ni Walter.

She had cried for him to the point that she could not cry anymore. Natutulala na lang siya. Hindi makapaniwala. Naguguluhan. Nasasaktan.

Kung bakit pinamimigay siya nito kay Clint, wala siyang ideya. Ayaw pa iyon iproseso ng kanyang utak.

Hindi pa niya kayang tanggapin.

But her mind knew what to do. Men had rejected her so many times she already knew what to do. Cry one day then bounce back.

Gusto niyang magkulong lang sa kwarto. Gusto niyang magmukmok. Gusto niyang namnamin ang sakit. Pero hindi iyon makakatulong sa kanya. She needed to be busy. She should go to work.

Nang marating ang Corinstones, wala siyang inimik na kahit sino. Deretso ang kanyang naging lakad patungo sa elevator. Kabado na nadama ng mga empleyado ang lamig ng kanyang pagkatao kaya tila umiiwas na lagi ng tingin kapag nakaka-engkwentro siya.

Mahirap sa parte nila, pero ayaw naman ni Beta na magkulong sa sariling opisina. Lalo lang niyang maiisip si Walter. Ganoon ang epekto tuwing nag-iisa siya.

Pinuntahan ni Beta ang manufacturing area ng Corinstones. Limampung empleyado ang may kanya-kanyang mga partisyon sa silid na kumpleto sa gamit. Sinipat niya ang mga ito isa-isa hanggang sa malapitan niya ang isa sa mga ito na siyang gumagawa ng alahas na siya mismo ang nagdisenyo.

It was a necklace with a pendant of a red rose encased in a gold frame.

Logo iyon ng The Org at plano niya sana iyon na ibigay kay Walter.

She watched the maker put some finishing touches on the chain.

"Pwede ko bang hawakan?" mahina niyang tanong.

"Sige po, Ma'am," magalang nitong ngiti.

Nakalatag na ang pendant sa kanyang palad. Her lips quivered at the sight of it.

"I'll keep this," wala sa loob niyang wika. "This one is not for mass production."

"Sige po, Ma'am," tango ng lalaki at tumayo na ito para puntahan ang designing department.

Nanlulumong bumalik siya sa sariling opisina at nilapag sa ilalim ng flatscreen monitor ang kwintas. Nasapo ni Beta ang sariling noo.

DAHIL sa traffic, medyo nagbago ang isip ni Walter.

Pinost-pone niya ang morning appointment kay Doc Jared. Ayaw niya kasi sa ideya na baka sa ganitong oras ng umaga ay may makakita at makakilala sa kanya na pumupunta sa isang psychologist. Mamayang gabi na lang siya makikipagkita kay Doc Jared.

Walter drove to a mall. He wandered around a bookstore. He saw Beta again, reading an erotic book and blushing at the words there.

Kaya umalis siya.

Bumisita na lang siya sa puntod ng ina.

I want to ask you a lot of questions, titig niya sa puntod.

Tahimik ang musoleo. There was nothing else to hear but the chirping birds and soft rustle of tree leaves.

But I know, yuko niya, that you can't give me the answers now.

He breathed in deeply. "Sana inalala kita noon, Mom. Sana inisip kita. Sana hindi ko binalewala lahat ng nase-sense ko sa iyo noong buhay ka pa."

Puno ng pagsisisi na napayuko siyang muli. His eyes rimmed with tears.

"Sana kinulit kita. Sana pinilit ko na aminin mo sa akin na may depression ka na pinagdadaanan," mapait niyang ngiti. His sight was slowly getting clouded by tears. "Sana tinanong kita kung ano ang tumatakbo sa isip mo tuwing... tuwing inaatake ka ng depression. Sana tinanong ko kung paano ka nakakangiti, kung paano ka nakaka-akto na parang walang dinadala... kahit sa loob-loob mo hirap na hirap ka na."

Naghihirap na rin kasi ang kalooban niya.

Masyado nang mabigat sa dibdib.

Pakiramdam ni Walter ay nahihirapan na rin siyang huminga. He was trying to catch his breath as he sniffed and tried his best to control his tears.

"All I cared about is the future. All I cared about is myself! Kung paano ko maiaahon ang sarili ko... k-kung paano ko papatunayan kay Dad na nagkamali siya sa apg-iwan sa akin. I was seventeen and selfish and I notice things strange about you but I just keep on ignoring it!

Siguro... S-Siguro kung ginawa ko lahat ng iyon... kung inalagaan kita, kinausap, kinulit... a-alam ko na siguro ang gagawin ko ngayon."

He finally let his tears fall.

"Dahil nahihirapan na ako... Nahihirapan na... a-ako."

Nanghihinang tinukod ni Walter ang mga kamay sa ibabaw ng nitso ni Jacqueline kasunod ng kanyang paghagulgol.

KINAGABIHAN ay nagmaneho na si Walter papunta sa clinic ni Doc Jared. It was located on the fifth floor of a commercial building.

Nang marating ang pinto ng opisina, lumingon-lingon siya sa paligid bago pumasok. Magalang na ngumiti sa kanya ang babaeng nasa isang mesa na bumungad kay Walter. May nakita siyang isa pang pinto. Iyon ang mismong silid na ginagamit ni Doc Jared para kausapin ang mga pasyente nito.

"May appointment ako kay Doc Jared. I'm Walter."

Tumango lang ang babae at tumayo na. Ginabayan siya nito patungo sa pinto at kumatok bago sumilip sa loob.

"Doc, nandito na siya."

"Thank you," narinig niyang wika ng nasa loob.

The woman moved to the side to give way for him. Gumapang na ang kaba sa buong katawan ni Walter nang humakbang papasok.

It was not a typical psychologist office.

Mas mukha itong normal na silid lamang. May mahabang glass coffee table na dark-tinted. Napapaikutan ito ng mga solohan at mahabang sofa chairs. Wala siyang nakikita na mga file cabinets o desk na may computer. Wala rin iyong mga kama o lounging chair na katulad nung mga makikita sa ibang psychologist offices o clinics.

"Have a seat," alok sa kanya ni Doc Jared.

Nakasuot lang ito ng simpleng shirt at pantalon. In his forties, Jared still looked amicable and charming. Nasa lahi na yata iyon nila Clint. Nakaramdam na naman tuloy siya ng kaunting inggit.

Umupo siya sa pahabang sofa, sa sulok nito malapit sa solohang sofa na inokupa ng doktor. Sinuyod niya ulit ng tingin ang paligid bago komportableng sumandal. Sumandal na rin si Doc Jared sa kinauupuan nito. He looked as serious as he is.

"It's been a long time," ngiti nito. "I am glad my brother has finally convinced you to visit me."

"Do you really think you can heal me?" nanunukat niyang titig dito. "Sorry. Hindi lang ako mahilig sa mahaba at boring na usapan na hindi ko alam kung saan papatungo."

"Me too," titig lang nito, bahagyang ngumiti sa kanya. "I am glad we have something in common."

"Then go ahead. Talk to me. Heal me," panlalaking de-kwatro niya sabay sampay ng mga braso sa ibabaw ng backrest ng sofa.

"I am not here to talk or to heal you," malumanay nitong wika. "Nandito ako para pakinggan ka."

Kumunot ang kanyang noo.

"Gusto ko lang malaman ang eksaktong nangyari."

Sumipa ang kaba sa kanyang dibdib.

"So I will do the talking?"

"Yes. Dahil tulad mo, ayoko magsalita ng pagkahaba-haba."

Tinitigan niya ito ng mabuti. Ano'ng klase ng approach ba ang ginagamit ngayon sa kanya ng Jared na ito? Nangre-reverse psychology ba ito?

Nagpanlalaking de-kwatro na ang lalaki.

"Clint said, you don't want to be healed. So I am not healing you. Tatanungin na lang kita kung ano ang nangyari."

He sounded reasonable. Pero may pakiramdam si Walter na parang sinasarkasmo siya ni Jared. Marahil gusto lang nito na paniwalain siya na hindi siya nito pagagalingin para ma-off guard siya.

"Come on," mahina nitong tawa. "Just talk, I will listen. I won't judge you, Walter. Wala kang maririnig na kahit ano sa akin. You can even do anything you want, at wala akong ire-reaksyon. Panonoorin lang kita. Makikinig lang ako. Hindi kita pipigilan. Hindi ka makakarinig ng kahit ano sa akin."

Don't react.

Don't let them hear you.

Just watch...

Just watch...

I'll just watch you...

Hindi kita pipigilan...

Hindi ka makakarinig ng kahit ano sa akin...

WALA na ang mga empleyado nang umalis si Beta mula sa kanyang opisina. Natagalan lang siya roon dahil ginagawa na niya ang mga trabaho na pwede namang gawin na lang bukas. Hindi na niya napansin ang takbo ng oras sa sobrang pagko-concentrate.

Pagkalabas ng gusali ay dumeretso siya ng lakad sa dulo ng front parking kung saan naiwang mag-isa na lang ang kanyang sasakyan.

Siyang busina ng papalapit na kotse. Paglingon niya, bumaba ang bintana nito at nakita niyang sumilip si Clint. Pasupladang inignora niya ang lalaki at hinagilap ang car keys sa shoulder bag.

Napapalag siya nang makita ang paglapit ng lalaki.

"Huwag kang lumapit!" atras niya.

"Look, Beta," seryosong saad nito, "we have to talk."

"Ano'ng talk?" marahas niyang saad. "Ano ako sa inyo, laruan? Test subject?"

Kumunot ang noo ng lalaki.

"Pagkatapos ni Walter, ikaw naman?" she seethed.

Clint just remained speechless.

"Or was it you? May gusto ka sa akin?" matapang niyang patuloy. "Kaya gusto mo ako lumayo kay Walter? Kaya pati si Walter nakumbinsi mo na hindi worthy at iwan ako?!"

"I don't like you," mariin nitong saad pero hindi iyon sapat para pakalmahin siya. Kung hindi lang ito lalaki at mas malaki ang katawan sinugod na niya ito ng sabunot at kinalmot sa mukha. "Let's make that clear. Wala akong gusto sa iyo. At hinding-hindi kita aagawin kay Walter."

"But he left me..." garalgal ng kanyang boses. Mabanggit lang ang pangalan ni Walter ay para bang sasabog na sa sobrang hapdi ang puso niya. "Gusto niya na mapunta ako sa iyo!"

"This is insane, Beta, but there is something about Walter that I never told you."

"He had wife," aniya. "That's your first confession. Now what?"

"Let's talk somewhere private. This is a very delicate—" akmang hihilain na siya nito.

"No!" tabig niya sa kamay nito. "Right here, Clint. Right now. Sabihin mo ang lahat sa akin."

"I don't want other people to hear!"

"Wala namang—" huminto siya nang matanaw ang nag-aalalang security guard ng Corinstones na nakatanaw sa kanila. Malamang ay alerto na ito at nababagabag sa sigawan nila ni Clint.

She returned her eyes on him.

"Sa kotse ko," aniya. "Hindi tayo aalis. Let's get inside my car."

At pinanood na lang nito at pagbukas niya sa pinto at pagpasok sa kotse. She left the door on her side open and opened the other for Clint to ride in.    

***

AN

Inabot na ako ng writing curfew -_- <3

Thank you so much sa pagbasa at patuloy na pagsuporta sa mga stories ko, mga dear! <3

Huwag mabitin, dahil bukas mababasa na natin ang last chapters ng Relinquish! <3

Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top