CHAPTER 7
" Ang Muling Pagbukas nang Aydendril at ang Balbal Part II "
Hi, Mahal salamat sa pag aantay, ito na po ang karugtung nang Chapter 6. Wag kalimutang bomoto at Supportahan ang aking mga likhang Kwento.
ANG NAKARAAN :
Nakilala na nina Dennis at Marife ang reyna nang aydendril, Habang sina Denise at Zandro naman ay kasalukuyan na nasa ospital na punong-puno nang kakaibang Nilalang. at Nakilala nila ang isang misteryosong Doctor na tumulong sakanila.
" Wag kayong gagawa nang ingay upang di mawalan nang bisa ang aking ginawang pananggalang, sa sandaling makalagpas na sila saatin sumabay kayong dalawa saakin at ihahatid ko kayo sa labas nang Morgue." Sabi ng Doctor.
ANG KARUGTUNG :
Sa Aydendril...
" Miele, alam ko kung anong pakay nyo dito? " Sabi nang reyna.
" Opo mahal na reyna, sila ang isa sa mga sugo nang liwanag na nagkatawang tao muli upang gapiin ang Anak ng inyong mortal na kaaway. " Sabi ni Lola Miele.
" Akin na ang Compass!" Sabi ng reyna. at iniabot naman ito ni Dennis sa reyna. Inihipan lang ito nang reyna at naging abo ito.
" Anong nangyari mahal na reyna? bakit naging abo?" Tanong ni Lolo alponso.
" Prinsepe alponso at Reyna Miele nang mga Lambana.
" Hindi tunay na Compass ang ibinigay nang aking pamangkin na si Kathleya sainyo. bagkus isang huwad ito. sa katunayan, di nyo na kailangan ang Compass na iyon. " Sabi ng reyna.
" Ngunit mahal na reyna, mawalang galang na. papano namin mahahanap ang kasamahan pa namin?" Tanong ni Marife.
" Mag tiwala kayo sa Tadhana. nararamdaman kung malapit na kayong mabuo." Sagot ng reyna.
" Mahal na reyna, may tanong ang aking apo sainyo.." Sabi ni Lola Miele.
" Ano yung iho?" Tanong ng reyna.
" nais ko lang po malaman, kung isa ba kayo sa tumalo sa Tatay ni Alpeydos?" Tanong naman ni Dennis.
"Bakit mo naman iyon naitanong?" Tanong naman ng reyna.
" Nais ko lamang po malaman, dala lang po nag kuryusidad!" Sagot ni Dennis.
"Kung ganun, Sa librong hawak mo mababasa ang nangyari sa nakaraan." Sabi ng reyna.
" Anong Libro? wala naman akong librong hawak" sabi ni Dennis nang biglang may lumitaw na libro sa kanyang mga kamay.
Samantala sa Ospital...
" nandito na tayo sa labas nang Ospital. Umalis na kayo dito wag na kayong babalik. " Banta nang doctor sa kanilang dalawa.
" Doc, hindi kami aalis dito kung di mo sasabihin kung bakit may mga halimaw sa ospital nato. at pano mo nagawang imbisibol kaming dalawa?" Tanong ni Denise.
" Oo nga halimaw ka din ba katulad nila?" Tanong naman ni Zandro.
" Hindi ko na kailangan pang sagutin yan. Basta iniligtas ko na kayo. ayaw kung matulad kayong dalawa sa babaeng nurse na nakabangga sayo." Sabi nang doctor sabay turo kay dennis.
" Nasaan na ba sya. anong ginawa nyo?" Medyo malakas na sabi ni Denise.
" Total madami kang tanong, sumama kayo sakin. Di tayo pwdeng mag usap dito." Sabi nang doctor at Umalis silang Tatlo sa ospital gamit ang Sasakyan nang Doctor. Hanggang sa nakarating sila sa tapat isang Refreshment Bar.
" Teka doc may extrang damit kaba dyan.? ang liit kasi nang damit na sout ko." Reklamo ni Zandro.
" Oo meron, sandali.. " Sabi nang doctor sabay kuha sa bag na may lamang damit pang lalaki.
" Salamat doc, teka bakit pala tayo nag punta eh, di kaba nababahala doc na may makarinig nang pauusap natin?" sabi ni Zandro.
" Walang anuman, mas mabuti na dito dahil ligtas kayo. Tska mag bihis ka nalang sa Cr nang Refreshment bar." Sabi nang doctor kay Zandro.
Balik sa Aydendril..
" Reyna Jessel, binibisita mo parin ba si Raven at si Alpia sa mundo namin?" Tanong ni Lola Miele.
" Oo, Kaso mukhang abala parin sila sa kanilang mga buhay. Tsaka sabay-sabay kaming bumisita sa puntod ni Jenna noong isang araw. " Sagot ng reyna.
" Kung ganun.. di parin nag babago ang itsura nina Raven at Alpia? di ba sila natablan nang hangin sa mundo nang mga tao?" Tanong ulit ni Lola Miele.
" Alam naman nating isa silang dalaket. ang hangin sa mundo nila at sa tao ay halos magkapreho. yun lang sa mundo na aking kinalakihan. ang mga nakatira doon ay tumatanda. katulad nating engkanto hindi tayo tumatanda. Kaya nga kahit ako ay namangha sa nangyari saakin. Ang itsura ko noong kinalaban namin si Sitan. ay di nagbago. ganito parin ang aking anyo." Sabi ng reyna.
" Oo naalala ko noon mahal na reyna noong tinulungan mo kami ni itay sa mga maiitim na nilalang. " Sabi ni Lola Miele.
" Batang bata kapa nun helena. alam kung magiging matalino ka pag laki mo. " Sabi ng reyna.
" Oo nga sya nga pala mahal na reyna, maraming salamat sa pag bukas muli nang inyong kaharian." pasasalamat ni Miele.
" Helena o Miele pala. laging bukas ang kaharian ng aydendril sa mga nanga-ngailangan. Tsaka tawagin mo ang iyong mga apo. dahil may mahalaga akong sasabihin sakanila tungkol sa mga Sandata nang mga dating sugo." Sabi ni Reyna Jessel.
" Ngayon din mahal na reyna. sandali lang.. " sagot naman ni Lola Miele. At agad naman nyang sinundo sina Dennis at Marife sa Silid Aklatan kung saan binabasa ni Dennis ang nakaraan kung papano tinalo nang mga tagalipon si Sitan dati.
" Apo, Dennis at Fe sumama muna kayo saakin may mahalag sasabihin ang reyna." Sabi ni Lola Miele habang nasa pintuan sya nang Silid Aklatan. Agad namang tumayo sina Dennis at Marife upang puntahan ang kanilang lola.
" May mahalagang sasabihin ang reyna sainyo. sumama muna kayo sandali." Sabi ni Lola Miele.
Balik naman kina Denise at Zandro.
" Salamat pala dito doc sa damit. wag po kayong mag alala, lalabhan ko po ito tsaka ibabalik ko na din sainyo." Sabi ni Zandro sa Doctor.
" Umupo na kayo, dahil nakapag order nako nang pagkain. " Sabi nang doctor.
" Salamat doc, sya nga pala ako po pala si Denise. at sya naman si.." Di na natapos ang sasabihin ni Denise nang biglang binanggit ng doctor ang pangalan ni Zandro.
" Zandro yung model sa isang Sikat na Clothing Brand.. " Sabi ng Doctor.
" Sikat kana pala Zan. Kitams kilala ka ni doc." Sabi ni Denise sabay Kurot sa Pisngi ng lalaki.
" Sya nga pala ako si Doctor, Lawrence Ignacio. Mas kilala ako sa tawag na Doc Lawrence or lawrence nalang itawag nyo sakin." Pakilala nang Doctor sakanila.
" Doc lawrence, tungkol sa nakita namin kanina. anong klaseng nilalang ba sila." Tanong ni Zandro.
" Yun ang mga kapatid kong balbal. sguro alam nyo naman kung ano ang balbal diba?" Paliwanag ni Lawrence.
" Balbal? yun ba yung tawag sa sinasakyan namin sa probinsya namin."Sabi Denise.
" HabalHabal yun.. yun ba tinutukoy mo?" Sambit ni Zandro.
" ay oo nga pala. sorry." Tawang sabi ni Denise.
"Waley joke mo Denise.. " Kunot noong sabi ni Zandro sa dalaga.
Bal-Bal- is an undead monster that steals corpses whether it is in a funeral or grave and feeds on them. It has a strong sense of smell for dead human bodies. It also has claws and teeth sharp enough to rip the clothing of the dead. Since it eats nothing but corpses, it has a foul breath. Once this monster has spotted and eaten the corpse, it will leave the trunk of a banana tree in the coffin creating an illusion of the stolen body to trick people.
" At hindi ako katulad nila. may lahi nga akong Bal-bal ngunit naging tao nako simula nung nakilala ko si Cindy, Asawa ko. tinanggap nya ako kahit ganito ako. " Paliwanag ni Lawrence.
" Ibig sabihin para po kayong bampira na nasa movie. yung mga vampire na nilalabanan ang pagiging uhaw sa dugo alang-alang sa minamahal nya. kakakilig yung Twilight diba." Sabi ni Denise sabay hampas kay Zandro nang napakalakas.
" Aray ano ba.. ang sakit.!" Reklamo ni Zandro.
" Ito naman parang bakla, oa oa. mahina lang naman yun." Sabi ni Denise.
" Teka mag asawa, o mag syota ba kayong dalawa?"Tanong ni lawrence.
" ha kami no way?" Sabay nilang sabi kay lawrence.
" Okay I see. " natatawang sabi ni Lawrence.
" teka doc lawrence Bakit di mo pinipigilan ang mga kapatid mo. at sa ospital pa talaga kayo nambibiktima." Sabi ni Zandro.
" Zan. bunga-nga mo.." Saway ni Denise.
" Okay lang, ayaw na kasi naming ilangtad ang aming mga sarili sa tao. kaya palihim nalang silang kumakain nang bangkay sa morgue. Ang inakala nilang bangkay nang mahal nilang kamag-anak ang binuburol nila yun pala, pinalitan na nang mga kapatid ko nang katawan nang putol na puno nang saging. Pero, nais ko na sanang pigilan sila dahil labag na sa batas nang kalikasan ang kanilang ginagawa." Sabi ni Lawrence at ikinuwento nya sa dalawa ang boung pangyayari.
Samantala sa Aydendril naman, ibinalita na ng reyna kina Dennis at Marife ang kanyang mahalagang balitang sasabihin.
" Dahil kayong dalawa lang ang naririto, sasabihin ko kung nasaan ang mga dating Sandata, na iniwan nyo sa aking malapit na kaibigan na si Jenna. " Paunang paliwanag ng reyna ngunit sumabat naman si Dennis.
" Sa pagkakaalam ko po, iniwan ni Babaylang Jenna sa kanyang Pamangkin na si Kathleya, at kelangan naming mahanap ang iba pa naming kasama bago nya ibigay ang mga sandata. " Sabi ni Dennis.
" Yun ang sinabi ko sakanya. dahil ang mga sandata ninyo ay nasa ibat-ibang mundo na sumisimbolo sa elemento nang Lupa, hangin, apoy at Tubig. Kelangan muna kayong mabuong apat upang bigyan kayo nang pahintulot na makapasok sa lagusan nang mga mundo kung nasaan ang inyong mga sandata. " Salaysay nang reyna sakanila.
" Kung ganun mahal na reyna, papano namin mahahanap ang mga kasamahan namin kung wala na kaming compass?" tanong ni Marife.
" Inuulit ko, magtiwala kayo sainyong mga kutob. sa ngayon kelangan nyo na munang bumalik sa inyong mundo. " Sabi ng reyna at hinawakan nya ang mga ulo nang dalawang bata at biglang naglaho ito sa harapan ng reyna.
" Anong ginawa mo mahal na reyna.." Sabi ni Lolo alponso.
" Alponso hayaan na natin ang Tadhana ang gumawa nang paraan para sa kanila. Dumito na muna kayong dalawa ni Miele upang sasandaling mag balik ang mga apo nyo kasama ang mga kasamahan nila. ay kayong dalawa ang mag bibigay nang pagsubok sakanila. dahil narito ang sandata na para kay Marife. " Paliwanag nang reyna at walang nagawa sina Lola miele at Lolo alponso kundi sumunod sa Plano nang Reyna.
Samantala Balik naman tayo kina Denise at Zandro. Matapos ipaliwanag ni Doc lawrence ang tungkol sa kanilang lahi.
" I know, I dont know you personally guys. Denise and Zandro. but Kelangan ko nang Advice nyo. ayaw ko na kasing maulit pa ang nangyari sa nurse kanina. Di na makatao o kahit sa dati naming batas ay di na pinapayagan ng inang kalikasan ang ganoong bagay." Sabi ni Doc lawrence.
" Kung saakin lang Doc, kaya mo ba silang Patayin?" Sabi ni Denise.
" Patay agad? di ba pwdeng pakiusapan muna na itigil.. napaka Bayolente mo!" Sabi ni Zandro.
" Hindi, tama naman si Denise. Handa akong patayin sila kahit labag sa loob ko, kung yan nalang ang paraan. pero pwde kung subukang pakiusapan muli sina ama na itigil na ang pagkuha sa mga bangkay. " Sabi ni Lawrence.
" Kung ganun doc. Handa kaming tumulong sayo. " Sabi ni Denise. at biglang nag ring ang cellphone ni Doc lawrence.
" Hello? Oo, papunta nako dyan. Just give me 15 mins." Sabi nang Doctor sa kausap nya sa Telepono.
" Bakit daw doc? anyare?" Tanong ni Denise.
" May Schedule pala akong uoperahan ngayon. I forgot. as much as i love to talk with you guys, but I can't. babalik nako nang Ospital. mag-uusap nalang tayong tatlo soon okay?" Sabi ni Lawrence sa dalawa.
" its okay doc. See you soon. and give us a call as well regarding sa plano natin okay ?" sabi ni Zandro.
" Yes, I will sge guys paalam na muna." Sagot ni Lawrence at nagmamadali na itong pumasok nang kotse nya at pinaharurut.
" So since tayo nalang dalawa. uwi na tayo? " sabi ni Zandro.
" naman may pasok pako sa work. Feel ko half day nalang ako ngayon." Sabi ni Denise.
at sabay silang dalawa lumabas nang pintuan ng Refreshment Bar.
Habang papalakad sila papuntang sakayan nang Bus may nabangga sina Denise at Zandro sa Daan na isang babae at isang lalaki.
" Sorry!" Sabi ni Zandro.
" Okay lang pare" Sabi ng lalaking nakabangga nila. at sakto naman umilaw ang mga palad nila kitang kita ang mga simbolo ng kani-kanilang Elemento.
" Dennis, Sila ang...." di natapos ang sasabihin ni Marife dahil biglang sumigaw sa gulat si Denise.
" Ano to? bakit may Tatoo ako oh parang tatoo na naka LED. kayun rin. ano to?" nababalisang sabi ni Denise. sabay iwinasiwas nya ang kanyang kamay.
" Sandali! Sandali! kalma lang kayo.. " Sabi ni Marife. Habang pinag titinginan na silang apat sa kalsada.
" Denise Calm down.. " Sabi ni Zandro.
" papano ako hihinahon kung yung kamay nating apat ay nagliliwanag! Nagliliwanag? Tama so ibig sabihin.." Sabi ni Denise.
" Miss wag kang mag aalala di naman ito nakikita nang ibang tao. tayung apat lang. " sabi ni Marife at sina Zandro at Dennis naman ay pina-alis ang mga nakikiusyuso.
" Ate wala nang palabas. umuwi na kayo.." Sabi ni Dennis sa mga nakiusyuso.
" Sandali, ako nga pala si Marife, papano ko ba ito ipapaliwanag sayo to. sandali antayin muna natin pinsan ko. " Pakilala ni Marife kay Denise.
" Okay, ako nga pala si Denise. " Pakilala din ni Denise kay Marife.
" Mas mabuti pa sumama muna kayong dalawa saamin, at ipapaliwanag namin kung anong totoong nangyari.." Sabi ni Dennis.
Samantala sa Ospital...
" Papa muli kung sasabihin sainyo na itigil nyo na ang pagnanakaw nang mga bangkay. Labag na sa batas nang kalikasan ang inyung ginagawa." Sabi ni Lawrence sa kanyang ama.
" Lawrence alam mo naman, dito tayo nabubuhay sa pagkain nang katawan nang tao? at alam mo yan.." Sabi ng kapatid na babae ni Lawrence.
"hindi ko nakakalimutan yan ate, pero hindi na makatarungan ang inyung pinaggagawa. niloloko natin ang mga tao." Sambit ni Lawrence.
" Wala kang alam lawrence, ang mga tao ang dahilan kung bakit nawalan tayo nang bahay sa
kagubatan." Sabi nang ama ni Lawrence.
" Ama kung patuloy parin kayo sainyong gagawing pagnakaw nang bangkay hindi ako
magdadalawang isip na isuplong kayo sa pulis. " Banta ni Lawrence.
" hahaha nagpapatawa kaba lawrence? isumbong mo para malaman nang boung sangkatauhan na isa ka saamin. " Sabi nang ama ni Lawrence. At Yumuko lang si Lawrence dahil ayaw nyang malaman nang ibang tao ang tungkol sa kanyang totoong katauhan. lalong lalo na sa taong mahal nya..
Alright there you have it guys, salamat sa pagbabasa. sana ay naenjoy kayo. abangan muli ang karugtung nang kwento. wag kalimutang bomoto at mag comment. -Author Out
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top