CHAPTER 20

" THE BOOK OF DARKNESS "

Sa PAGPAPATULOY...

Tinipon nina Mia, Alpia at Raven ang mga reinkarnasyon ng mga dating sugo upang subukan ang mga kakayahan ng mga ito. Ngunit....

"Bigo tayo Mahal na reyna, ni Isa din sa kanila walang taglay na kapangyarihan ng katulad ni Katalina." Sambit ni Mia.

"Oo nga pero good job guys. Thanks for trying." Sabi ni Alpia.

"Papano Yan?" Tanong ni Raven.

Bigla namang dumating si Kathleya.

"Sandali ako na nga!" Sabi ni Kathleya sabay hawak sa Ulo ng matanda.

Nang mahawakan niya ang Ulo ng matanda. Ay agad syang naglakbay sa nakaraan. Noong nasa katawan pa ni Alice si Sitan.

Samantala sa kasalukuyan...

"Lagot Tayo nito! Tyak manghihina nanaman si Miss Kathleya nyan." Sabi ni Dennis.

"Sandali may magagawa ako para Hindi sya tuluyang manghina. " Sabi ni Lance na agad namang hinawakan ang balikat ni Kathleya. Mula doon ay lumabas ang kanyang napakaliwanag na pakpak at tinakpan sina Alice at Kathleya.

Bigla namang lumakas ang hangin sa paligid.

"Chaka bat biglang lumakas ang hangin?" Sabi ni Denise.

"May ibinubulong ang hangin saakin." Sabi ni Dennis.

"Maging ang halaman sa paligid sa paligid tila may nagbabadyang panganib. " Dagdag na Sabi ni Marife.

"Nalalagay na naman ang mundo sa panganib." Sabi ni Alpia. Habang sina Raven at Mia Naman ay nagkatinginan lang.

Balik sa Nakaraan kung saang nag lakbay si Kathleya.

"Siguradong borlogs ako ng tatlong araw nito. Kaloka!" Sambit ni Kathleya ng biglang dumating si Lance.

"Lance? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Kathleya.

"Narito po ako miss Kathleya para tulungan ka." Sabi ni Lance  at sa pagkakataong iyon ito ang panahon na humiling si Jenna sa libro nya upang wakasan si Sitan.

Ngunit, naging matalino din si Sitan. Ginamit din nya ang librong itim upang kontrahin ang kahilingan ng babaylan.

"Sasandaling isilang ang aking mga anak, sila ang magpapalaya saakin sa impyerno at babalikan ko kayong lahat!" Sigaw ni Alice na sa oras na iyon ay nasa katawan pa nya si Sitan. Habang sumisigaw biglang lumabas ang maitim na usok sa kanyang bibig at agad itong naglaho ang katawan Naman ni Alice nanghina at nawalan ng malay.

"Sandali lance, may napansin ka?" Sabi ni Kathleya.

"Ano po yun?" Tanong ng binata.

Agad namang itinuro nya at tatlong kababaihan na nagtatago sa lukud ng mga puno at nakataas ang mga kamay nito na nakaturo kay Jenna.

"Hindi ko sila kilala Miss Kathleya." Sabi ni Lance.

"Kilala ko sila, sila si Binibining Alpia, Reyna Jessel ng Ayden at Reyna Sierra ng Oceana. Sa pagkakaintindi ko sila ang nag sealed sa pintuan ng impyerno." Sabi ni Kathleya.

Pagkatapos ng ganoong eksena, biglang lumipat sila sa panibagong eksena kung saan ipinanganak ni Alice ang dalawang batang lalaki. At habang sa ospital ito may kausap ang babae. Isang babaeng nakabelo ng puti hawak ang isang bata habang ang isang bata Naman ay nasa baby cage.
Narinig nya ang usapang ng dalawa.

"Wag nyong pababayaan ang aking anak please.." Sabi ni Alice habang umiiyak.

"Magtiwala ka saakin Alice" sagot ng babae. Lalapitan  na Sana ni Kathleya ang babae ng biglang naglaho si Lance.

"Lance? Nasaan ka?" Tanong nya.

Tiningnan nya muli ang babaeng may hawak sa anak ni Alice at hinawakan ang noo nito at biglang nawalan ng malay ang babae.

Pagkatapos ng eksenang yun ay biglang sumakit ang kanyang Ulo hanggang sa magbalik na siya sa kasalukuyan.

Agad niyang napansin na nawalan ng malay si Lance.

"Kaloka bat sya nanghihina?"Sabi ni Kathleya.

"Tinulungan ka Niya Kathleya. Pero maari mubang ibahagi saamin ang mga nangyari sa nakaraan ni Alice. " Sabi ni Alpia.

Agad ikinuwento ni Kathleya ang lahat at nag kwento din si Alice sakanila.

Samantala, hawak na ni Amii ang libro ng kadiliman at masaya syang binabasa ang bawat pahina nito.

"Mukhang tapos na ang misyon ko dito! Hindi nako magtatagal sa mabahong lugar na ito. " Sabi nya at ikinumpas nya ang kanyang mga kamay agad syang naglaho at ang libro ng kadiliman ay napunta sa mga kamay ni Alpeydous.

"Tamawo?" Tawag nya sakanyang alagad na tamawo.

"Mukhang alam ko na kung papano makakatakas si Ama sa kanyang kulungan. Ang dugo ng apat na pinuno mula sa magkaibang mundo!" Ngiting sabi ni Alpeydous.

"Sino Mahal na Hari?" Tanong ng alagad nyang tamawo.

"Uunahin nating ang babaylang si Jenna. Tiyak na matutuwa ang aking kapatid dito. Kapag napatay nya si Jenna ay tiyak na ang kalayaan ni ama. "sagot ni Alpeydous sabay tawa ng malakas.

"Anong plano mo Mahal na Hari. ?" Tanong ulit ng tamawo.

"Si Hex na ang bahala kay Jenna ako Naman sa tatlong pinuno ng mga mundo. " Ngiting sabi ni Alpeydous.

Balik kina Marife at Dennis.

"Ate fe papano kung matalo Tayo? Hindi pa natin nahahanap ang itim na libro." Sabi ni Dennis.

"Let's try our best Dennis. Gagalaw Tayo as team not as individual. Kaya natin to. " Sabi ni Marife.

"Bukas mag tutugo Tayo sa Ayden.." Sabi ni Alpia. 

Itutuloy.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top