CHAPTER 19

" ANG LIBRO NG KADILIMAN "



Sorry very late upload, Dahil nga kasi. na wala ako ng connection. Kaloka! pati ba naman connection na walan pa. Anyways. Ito na po mga mahal ang karugtung.. Enjoy enjoy!

ANG NAKARAAN :Nakuha na nila ang Kalahati ng Kapangyarihan ni Lance na nasa pangangalaga ng isang Nephilim. At ibinunyag din nito ang iba pang tagapangalaga.

ANG KARUGTUNG :

Sa isang Beach Resort..

" This Beach Resort is Exclusive for Us, So gawin nyo kung anong gusto nyo. " Sabi ni Cloud Kina Dennis, Marife, Denise, Lance at Zandro. Habang nakaupo naman sa Tabi nya si Alpia.

" Oo, Nga kelangan din nating magpahinga kahit papano. " Dagdag namang sabi ni Alpia sabay kuha ng Sun Block.

" Ang Ganda naman po dito Miss Alpia, Ang mahal Mahal siguro dito ano?" Sabi ni Lance.

" Wag na nyo pag usapan ang gastos, Dahil Priceless ang ginawa nyo. Isa pa I have to go na. Papunta na daw sina Raven At Mia dito." Sabi ni Alpia nang mahawakan nya ang Door Knob ay bigla syang napahinto.

" May p-problema po Mom?" Tanong ni Cloud sa kanyang ina-inahan.

" I forgot, Walang gagamit ng Magic. Walang mag teteleport Spell. " Paalala ni Alpia.

" Ba-bakit po miss A?" Tanong ni Marife.

" Gawin nating Normal ang oras na ito. No Magic muna! Let's Enjoy!" Sabi ni Alpia at agad isinira ang pintuan ng Kwarto.

" Narinig nyo si Mommy? So wala munang gagamit ng Magic. Pero, Matutulog na muna ako. So please gisingin nyo nlang ako if may something okay?" Sabi ni Cloud at Pumasok ito sa Kwarto.

" Sa-sandali Sir Cloud Kwarto namin yan ni Ate Fe." Sabi ni Dennis.

" Ay nako doon nalang kayo ni Lance sa Kwarto ko. Heto ang Susi!" Sabi ni Cloud at agad nyang itinapon ang susi ng kwarto. Pagkatapon ng Susi ay agad itong hinubad ang sout na T-shirt. Tumambad sakanila ang Maskuladong Katawan ng binata.

" Jusko, Bat ang sarap nya!" Sabi ni Denise. At Ngumiti lang si Cloud nang marinig nya ito." Teka Teka! Ang init ng Panahon ngayon! Diba Lance?" Sabi ni Zandro kay Lance.

" Ah Eh, Oo nga!" Gulat na sagot ni Lance.

" Mga Bakulaw, ang Lakas kaya ng Aircon. Anong kaartehan nanaman to?" Saway ni Denise.

" Hindi Mainit talaga Darling!" Pang-aasar ni Zandro sa Dalaga. At agad hinubad nina Zandro at Lance ang kanilang sout na T-shirt. sabay arteng naiinitan sila. Kala mo mga Model sa isang Clothing Brand.

" Itigil nyo na nga yang Kalaswaan nyo na yan. Mabuti pa, pupunta na kami ni Marife at Tokayo sa Baba para maka Ligo na!" Sabi ni Denise sabay kuha ng kanyang maliit na bag.

" Bakit Darling naiinitan kana ba sa Six pack Abs ko?" Sabi ni Zandro sabay Flex ng kanyang Braso.

" Tigilan moko Zandro, tinuruan mo pa si Lance maging manyakis. Lance! Wag munang uulitin yan. Magagalit si Tokayo. !" Saway ulit ni Denise sa Dalawa. Habang sina Dennis at Marife naman ay tawang tawa sa mga nangyari. Nang Biglang lumapit si Lance kay Dennis.

" Den, Baba na tayo nagugutom na kasi ako. " Anyaya ni Lance sa Binata at inabot nito ang kanyang kamay.

" Mag bihis ka muna, wag ganyan!" Sagot ni Dennis habang namumula at di maka tingin kay ng deretchu sa binata.Ngumiti lang si Lance at dali dali itong pumasok sa kwarto nila ni Zandro." Hala baka nagtampo yun sayo." Sabi ni Marife.

" Nako mga ate at kuya di kasi ako sanay. " Sagot ni Dennis. At ilang sandali pa ay Lumabas na si Lance at may sout na itong Sando.

" How about this one Den? Okay na ba?" Sabi ni Lance.

" Yes, You look Cool!" Sagot ni Dennis sabay ngiti sa Binata.

" Tara na, Gutom na kasi ako!" Sabi ni Lance, at Tumabi ito kay Dennis sabay Akbay. Kinikilig naman sina, Denise at Marife sakanilang Dalawa. Di naman nagpatalo si Zandro. Pumasok ito sa loob ng Kwarto At pagkalabas nito ay nagsout din ito ng Muscle Shirt.

" Darling, Mahal, My Love, Bebe, Sweetheart, Babe ko! Denise, Kain na din tayo, nagugutom nako!" Anyaya ni Zandro sa Dalaga.

" Baliw ka talaga! Sige susunod na kami ni Marife, Mauna na kayo Boys. " Sabi ni Denise at itinulak nilang Dalawa ni Marife sina, Dennis, Lance at Zandro. Nang Makalabas na ang Tatlo. " Marife, May nanaramdaman akong Kakaiba kanina pa!" Sabi ni Denise.

" Huh? Papano? Baka Gutom ka lang!" Sabi ni Marife.

" Hindi! Simula nung maka daan tayo sa Katabing Resort Parang Ang Creepy kasi!

Hindi Creepy, Parang may something dun! " Naguguluhang sabi ni Denise.

" Di kita maintindihan Denise, Anong Resort ba?" Tanong ni Marife

" Yung..

Yung.. " Pautal-utal na sabi ni Denise,Pilit nyang inaalala ang Pangalan ng Resort na kanina nilang na daanan.

" Villa Margarita Beach Resort ba?" Sabi ni Marife.

" Oo, tama yun nga! Ang galing mo Marife. What if mag imbestiga tayo sa resort na yun?" Sabi ni Denise.

" Anong Imbestiga nanamang pinagsasabi mo Denise, Hindi pwde! Baka hanapin tayo ni Miss Alpia. Diba sabi nya wala munang gagamit ng Magic? "Saway ni Marife sa Dalaga.

" Pero, Marife! " Sabi ni Denise.

" Denise! Hindi, Bukas na lang tayo mag-iimbestiga. Sasamahan pa kita, Promise!" Sabi ni Marife at Inaya nya ang kaibigan na kumain.

Samantala sa Pool Area Kung Saan, nagpapahinga sina Mia, Alpia At Raven.

" Namiss ko ang ganitong Moment mahal na reyna!" Sabi ni Mia habang nakatitig sa Malaking Swimming pool.

" Maari mo namang iwanan sandali ang kaharian natin Sandali. " Sabi ni Alpia habang nagpapahid ng Sunblock sa Katawan.

" Teka bat ka tahimik dyan Raven?" Tanong ni Mia.

" Wala may iniisip lang ako!" Sagot naman ni Raven.

" Sino nanaman iniisip mo? Si Tyler ba? " Sabi ni Mia.

" Ay Manghuhula kana pala ngayon Mia?" Sabi ng Binata at nagsout ng Shades.

" If I Know, Nung ikinasal sina Jake at Tyler. Umiyak ka! " Sabi ni Alpia.

" Mahal na reyna, wag na po nating ibalik yun. Masaya naman ako nung ikinasal sila ni Jake. Atleast Alam ko na nasa Mabuting tao sya napunta. Isa pa, Engkanto ako, Siya Tao. Kaya Malabo Yun mahal na reyna. " Salaysay ng binata.

" Sabagay, pero di naman yung hadlang, sa mga nagmamahalan. Pero, Alam ko namang Mahal na mahal ni Jake si Tyler. Grabe ang panliligaw nun para mabalik lang si Tyler sa kanya." Sabi ni Mia.

" Ay nako Pinagtulungan nyo nanaman ako.. " Sambit ni Raven.

" Hindi Ah, I know, Mahal mo pa din Si Tyler. If I'm not Mistaken my Picture kapa ni Tyler dyan sa Wallet mo. " Ngiting sabi ni Alpia.

" Di naman sya Mahirap Mahalin!" Sagot naman ni Raven nang bigla syang matulak ng isang babae papunta sa Swimming Pool.

" Naku! Pasensya na po Sir! Di ko sinasadya. Ano ba ito nakakaloka! " Natatarantang Sabi ng Babae.

" Its okay Ija, Maliligo din naman sya." Tawang Sabi ni Alpia.

" Maam sorry po talaga, Nadulas kasi ako! Sir Di ko po sinasadya.!" Sigaw ng Babae kay Raven at ngumiti lang si Raven sa Babae.

" Okay lang yun, Mag iingat ka sasusunod!" Sambit ni Raven habang inienjoy nalang ang kanyang pag Swimming.

" Sya nga po pala ako si Janine, isa po ako sa Staff ng Resort na ito. Sya nga po pala! Ikaw po ba si Miss Alpia?" Turo ni Janine kay Mia.

" Hindi ako, yang katabi mo yan si Alpia. Ang babaeng di natutulog!" Biro ni Mia.

" Ako- Ako si Alpia Bakit pala ija?" Tanong ni Alpia.

" Ah Maam, Pinapatawag ho kasi kayo ng Asawa ni Mr. Ching. Gusto nya daw kayo makausap!" Sabi ni Janine.

" Alpia kilala mo ba ang asawa ni Mr. Ching?" Tanong ni Mia.

" Hindi,pero baka may kinalaman ito sa proposal ko sa companya nila. " Sagot ni Alpia. At nag salita pa ulit ito.

" Call me if bumaba na ang mga bata sa kwarto. Ija? Janine, Saan ba ang Office ni Mrs. CHing?" Sabi ni Alpia at sinamahan naman sya ng Dalaga.

" Raven, Pupuntahan ko lang si Cloud. Tulog nanaman yun Jusko! Batang to." Paalam ni Mia at umalis na ito sa Pool area.

Habang naglalakad sila papunta sa opisina ni Mrs. Ching ay may nakasalubong sina janine at alpia na isang matanda.

" Nay? antayan nyo nalang po ako dito! Ihahatid ko lang po si Miss---" Di natapos ang sasabihin ni Janine ng biglang sumabat ang matanda.

" Miss Alpia? "

" Ma? Kilala mo sya?" Gulat na sabi ni Janine sa matanda.

" Manang bakit ho?" magalang na sabi sa Matanda.

" Ah, Miss Alpia. Sya nga po pala ang nanay-nanayan ko! Si Nanay Alice. Sya nag alaga sakin simula nung namatay ang mga parents ko." Pakilala ni Janine kay Alpia.

" Miss Alpia.. Totoo nga! Di kayo tumatanda. Ang galing naman!" Sabi ni Alice.

" Po? papano nyo po ako nakilala? di ko po kayo maintindihan.." Naguguluhang sabi ni Alpia.

" Miss Alpia, ako ho ito. Si Alice! Yung tinulungan ninyo ni Miss Jenna? " Sagot ng Matanda.

" A-alice? Ikaw na ba yan? Mabuti naman at Ligtas ka!" Sabi ni alpia at niyakap nya ang matanda.

FLASHBACK :

Sa mga nakabasa nung Book 1 and 2 Sa Book 1 unang sinaniban ni Sitan ay si Marco. sa Book 2 naman ay si Alice na isang prosti Girl. Para malaman nyo ang main root. Basahin nyo po yung Book 1 and 2. Nag promote nako!

BACK >>>>>

" Opo, Kayo ho di parin nag bago ang inyong itsura.! Kamusta na po kayo? May asawa na ho ba kayo? tsaka nasaan ang magkapatid na Adonis?" Unang tanong ni Alice kay Alpia.

" Alice, Marami tayong pag-uusapan ngunit may kakausapin lang ako. Antayin moko dito okay? Sandali lang ako.!" Paalam ni Alpia.

" Ma, antayin nyo po kami dito.." Paalam naman ni Janine kay alice.

Samantala sa Villa Margarita Beach Resort..

" Mahal na Hari! may naghahanap po sainyo." Sigaw ni Tamawo.

" Sino?" tanong ni Alpeydous.

" Hi, Alpeydous? Kamusta ka? " Sabi ng Babaeng kulay ginto ang buhok.

" Sino ka?" Tanong ni Alpeydous habang nakataas ang Kanyang Kilay.

" Wala akong Pangalan, Pero maari mo akong tawaging AMII." Sagot ng Babae.

( Amy or Amii is a Goetic demon described in the Lesser Key of Solomon, the Dictionnaire Infernal, in Thomas Rudd's version, the Pseudomonarchia Daemonum, and in the Munich Manual of Demonic Magic as a President, appearing initially as a flame before turning to a human form.SOURCE : Wikipedia )

" Anong ginagawa mo dito? " Tanong ni Alpeydous.

" Ipinadala ako ng iyong ama, upang tulungan ka sa misyon. " Sagot ni Amii sakanya.

" Ano naman ang maitutulong ng isang Demonyo? Di mo ba alam, na kapag nalaman ng mga kalaban na isa kang Demonyo maari ka nilang mapatay!" Sabi ni Alpeydous at tumawa lang ang babae sa kanyang mga sinabi.

" Wag mo kaming maliitin Bata! Di mo alam kung anong kaya naming Gawin!" Sagot ni Amii at nagliyab ang kanyang kinatatayuan.

" Kung ganun, Magpakitang Gilas ka!" Sabi ni Alpeydous. at ngumiti lang ang si Amii.

Balik naman kina Alice at Alpia.

" Tila ganun padin ang inyong mga itsura, Ang prinsepe Raven. ang Reyna Mia ganun pa din. Nakakatuwa naman. Teka nasaan ba sina Tyler? nasa loob ba sila nang silid na ito?" Tanong ni Alice.

" Alice, ikinalulungkot kung sabihin saiyo na. Patay na sila! Di sila katulad namin. At Nung iniligtas ka namin ay nasa Dese otcho ka palang noon. Kung di ako nag kakamali." Sambit ni Mia." Oo nga, mahigit 22 years na silang Patay Alice. " Dagdag na sabi ni Raven. At biglang nalungkot ang matanda nang nalaman nya ang mga ibinalita nina Alpia sakanya.

" Ngunit, Natutuwa kaming makita ka ulit namin Alice. Sya nga pala? ito ba ang iyong anak?" Tanong ni Alpia sabay turo sa dalagang Kasama nya.

" Sya nga po pala. Ito si Janine ang anak-anakan ko. at anak sila yung sinabi ko sayo na tumulong sakin." Pakilala naman ni Alice.

" Maraming salamat po sainyong tulong sa aking Nanay. " Sabi ni Janine at Yumuko ito sakanila. " Nako Janine wag mo nang gawin yan. Mabuti na rin at nakita ka namin Alice, may itatanong lang sana kami." Sabi ni Alpia.

" Ano yun Miss Alpia?" Sambit ni Alice.

" Alice,minsan mo nang nahawakan ang libro nang Kadiliman.May naalala kapa bang mga nakasulat doon? " Tanong ni Alpia.

" Ang libro ng kadiliman? Ba-bakit po Miss Alpia?" Nanginginig na Tanong ni Alice." May iniwang sumpa si Sitan upang labanan ang huling kahilingan ni Jenna." Sagot ni Alpia."Po? papano nangyari yun?" Sabi ni Alice.

" Hindi pa namin matukoy ngunit may kinalaman ito sa Anak ni sitan na si Alpeydous. Marahil may sumpa syang iniwan sayo upang mabali ang mabuting sumpa ni Jenna." Sabi ni Alpia.

" Miss Alpia, wala ho akong maalala? Dahil nung umalis na sa katawan ko si Sitan, Nawalan nako ng Malay. " Sabi ni Alice.

" Kung nandito lang sana si Katalina, may kakayahan syang silipin ang Nakaraan, kung ano ang nangyari." Sabi ni Raven.

"What if si Cloud? o si Kathleya? baka namana nila ang kakayahan ni Katalina." Sabi ni Mia.

"Kina Cloud at Kathleya naman, malabo dahil Ni isa sa mga katangian at kakayahan ni Katalina ay wala silang nakuha. Si Kathleya may kakayahan syang makita ang mga mangyayari sa hinaharap ngunit Masyadong delikado sa bata. Dahil nung sinubukan namin na Silipin ang nakaraan bigla syang nawalan ng malay at halos isang buwan syang Tulog dahil doon. " Salaysay ni Alpia.

" What if ang mga Sugo? Tukuyin natin kung sino sa kanila ang nagtataglay ng ganung katangian." Sabi ni Raven.

" Kung ganun, Ipatawag mo sila ngayon mismo. nais ko silang makausap." Sabi ni Alpia." Masusunod mahal na reyna!" Sagot ni Raven at agad syang nagpalit anyo bilang isang uwak. Lumipad agad ito palabas nang Bintana.

" Miss Alpia, kelangan ko na pong bumalik sa aking trabaho. Iiwan ko nalang muna si Nanay dito." Paalam ni Janine.

" Sge Janine, Mag-iingat ka. Pag nakita mo yung mga kasama ko paki sabi na rin na mag tungo dito. " Sabi ni Alpia.

" Opo Maam. Mauna na ho ako!" Sabi ni Janine. at Lumabas na ito ng Silid.

Samantala sina Dennis, Lance at Zandro naman ay inaantay padin kina Marife at Denise. " Nasaan na ba sila? mga babae talaga" Reklamo ni Zandro.

" Antayin nalang natin ng konti Kuya Zee, baka pababa na yun sila!" Sabi ni Dennis.

" Baka gutom kana Den. Kain ka na muna kahit konti lang!" Sabi ni Lance kay Dennis. At ilang sandali pa ay dumating na sina Denise at Marife.

" Sorry kung natagalan kami. Let's eat na!" Sabi ni Denise at agad itong kumuha ng pagkain sa lamesa.

" Sandali amazona san kayo galing? bat ang tagal nyo?" Tanong ni Zandro kay Denise. " Wala may tiningnan lang kami, hinahanap daw tayo ni Miss Alpia. Kaya bilisan na natin dito." Sabi ni Denise. kayong dalawa?" Tanong ni Dennis.

" Mahabang kwento bunso, mabuti pa bilisan na nating kumain. " Sabi ni Marife.

Ilang sandali pa ay may uwak ang dumapo sa bakanteng upuan. At nag palit anyo ito bilang tao." Si-sir Raven?" Gulat na sabi ni Lance.

" Mabuti nalang at nahanap ko kayo. Sinundan ko kayong dalawa Denise at Marife. Anong nangyari? Tila nakakita kayo ng Multo?" Tanong ni Raven.

" Kasi, Yung Malaking puno doon sa gilid ng Kubo may babaeng nakaputi. at ang chaka nang Mukha nya.." Sigaw na sabi Marife.

" Relax lang ate, Multo lang yun! " Sambit ni Dennis.

" Nakakasindak ang kanyang itsura! Jusko, sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganoong nilalang.!" Sabi ni Denise.

" tsaka na natin yan pag usapan yan dahil may importante kayong gagawin sa dati naming kaibigan." Sabi ni Raven.

" Sino po?" Tanong ni Dennis.

" Sumama kayo saakin pagkatapos nyong Kumain.." Sagot ni Raven.

Samantala Sinumulan na ni Amii ang kanyang paghahasik ng Lagim.

" Hello World! Malapit na kayong masakop ng mga Diablo! " Ngiting Sabi ni Amii habang naglalakad ito sa Kalsada. Nang biglang may Dalawang Lalaking lasing ang lumapit sa kanya." Hi Miss, mukhang naliligaw ka yata?" Tanong ng isang Lasing.

" Uy ang ganda mo naman miss? Bakit ka pala nandito?" Tanong ng isa pang lasing. at agad naman sumagot si Amii sa kanila.

" Para gawin kayong alagad?" nang marinig iyon ng tatlong lasing ay nagsitawanan lang ito." Eh, Lasing din yata to si Miss beautiful. Kung ano ano ang sinasabi." Tawang sabi ng isa pang lasing.

" Teka boys, Naniniwala ba kayo sa mga demonyo?" Tanong ni Amii sakanila. at nag si tawanan ulit ang tatlong lasing ng marinig nila yun.

" Miss ano ba tinira mo? lakas nang tama mo brad! Kung ano ano na sinasabi mo. " Sabi ng lasing.

" Oo nga, dun na nga tayo sa pwesto natin pare. Adik yata tong babaeng to." Sabi ng isa pang lasing. Ngumiti lang si Amii sa kanila sabay sabing.

" Boys wag nyo muna akong talikuran please. " At hinawakan nya ito sa leeg ang lalaki at unti-unting kumulubot ang balat nito, hanggang sa naging Bangkay na ito. Dahil sa nangyari, ang dalawang lalaking natira ay akmang aalis na sana nang biglang may kung anong pwersa ang pumigil sakanilang makaalis.

" At saan naman kayo pupunta?" Sambit ni Amii sa dalawa.

" Anong uri kaba nang tao? anong ginawa mo?" Tanong ng isang lalaki.

" Naku! sinabi ko na sainyo kanina. na naniniwala ba kayo sa Demonyo. Ginawa nyo, Tinalikuran nyo ko. Ngayon, Uulitin ko. Naniniwala ba kayo sa Demonyo?" Tanong ulit ni Amii sa dalawang natira. Dahil sa takot ay tumakbo ng ubod ng bilis ang dalawang natira ngunit di pa aman sila nakakalayo ay biglang umiikot ang kanilang ulo papuntang Likuran nila.

Aaahhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Sigaw ng Dalawang lalaki.

" Yan kasi, di pa sumagot. Oo at hindi lang naman ang sagot na kelangan ko. Pero infairness. Parang nagugustuhan ko na dito. " Ngiting sabi ni Amii. 

Salamuch mga mahal sa pag antay and sorry po sa super late na pag upload.. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top