CHAPTER 16
" ANG DIWATA NG HANGIN "
BATIAN PORTION :
Hi kay, Mavin233, Shiesheridan799 and JohnVincentTan3 for adding my stories on thier List salamuch po ng Marami. Enjoy Enjoy! And Kina JerpiexAkarina, Ebrahim23 na very solid at wagas sa pag boto walang mintis mga mahal from Chapter 01 till the last Chapter.
Also sa mga new followers ko Hello sainyo..
AlexiaArevalo7, ZashieCashie23, NicktoraynoOtom, Jrk_Le_Gozes, IversonMendina, Maimai111295, ReynaldoGorgonioReso, JohnPascua308, And MarklenAbella. Welcome Welcome sana magustuhan nyo ang mga gawa kung Storya. Di ko na papatagalin pa Simulan na natin.
ANG NAKARAAN :
Dahil sa tulong ni Pyra ay naipaliwanag ng mabuti sa sakanila kung bakit kelangan nilang hanapin ang mga diwatang inihabilinan ni Jenna sa kanilang Kapangyarihan.
Kelangan nyong hanapin ang mga Ang mga Mortal na may Dugong Diwata. Dahil nasakanila ang kalahati nang inyong mga kapangyarihan. " Sabi ni Pyra.
" Ngunit papano namin sila mahahanap?" Tanong ni Marife.
" Gamitin nyo ang mga Simbolo na tinataglay nang mga elementong nasainyo." Sagot ni Pyra sa kanila.
Kahit medyo malabo kung papano nila mahahanap ang mga diwatang mortal na sinasabi nya.
ANG KARUGTUNG :
"May Video Message si Cloud.. " Sambit ni Marife sakanyang mga kasamahan.
" Magtungo na kayo sa sala.. " Dagdag naman ni Lance.
Nang makarating sila sa Sala, Ay biglang nagbukas ang malaking Television." Ano to ANTM? Tyra Mail? May pa video message si Kuyah!" Sabi ni Dennis habang halatang inaantok pa.
"Umupo ka na nga, di ako makafucos" Reklamo ni Marife.
" Ang sungit!" Sabi ni Dennis sabay kurot kay Marife sa braso.
" Dito ka nalang umupo Dennis. " Sabi ni Lance.
" Mabuti pa si Lance may malasakit sakin, kayo wala! Wala!" Pag iinarte ni Dennis.
" Tumigil ka nga Dennis, Ang ingay mo naman!" Saway ni Denise.
" Ate akala ko ba magkakampi tayo? akala ko ba Twins tayo. " Pagdadrama nanaman ni Dennis. Habang si Lance naman ay tumayo sabay Hila kay Dennis upang paupuin sana. Nang aksidente silang matumba pareho, nakapatong si Lance sa ibabaw ni Dennis habang si Dennis naman ay titig na titig sa mga mata ni Lance.
" Ehem! " Sabi ni Marife.
" Eheeeemmm! " Dagdag pa ni Zandro na natatawa.
" Sorry Dennis, Di ko sinasadya. " Paghingi nang paumanhin ni Lance sakanya.
" Okay lang, ang ganda pala nang mga mata mo? Este, pwde kanang tumayo kasi medyo di ako makahinga. " Namumulang sabi ni Dennis.
" Guys, Ipeplay ko na... " Sabi ni Marife sabay pindut nang Play button sa Screen.
" Good morning guys, Medyo super busy ako kaya di na ako nakabisita dyan. At si Mommy Alpia naman bumalik sa Dalaket kasama sina Tito raven at Tita Mia. So laban kayo dyan. Anyways, may new assignment kayo.. Kung saan sa isang lugar may kakaibang nangyari. at ito ang nakalap ng Team ko na Impormasyon." Paliwanag ni Cloud at lumabas ang mga letra sa Screen, Agad naman nilang binasa.
Samantala sa Baryo Marikit..
" Mag-iingat kayo Dahil Kalat na sa boung bayan ang tungkol sa Aswang." Sabi ni Aling Cythia habang nagwawalis nang bakuran kausap nya naman si Aling Freda.
" Ngunit Mare, Sino kaya ang Aswang? " Tanong ni Aling Freda.
" Marami ang nag sasabi na ang bagong salta dito sa bayan natin. "Sagot ni Aling Cythia sabay himas sa nanakit nyang likud.
" Sino yung babaeng Maputi? Ano bang pangalan non? Aira?" Sambit ni Aling Freda.
" Tama, at sabi pa ni Kumpareng Tasyo. Nakita nyang lumabas ang babaeng yan sa Kubo nya ng Dis-oras ng gabi." Sabi ni Aling Cythia.
" Ay nako, basta maiingat talaga tayo. " Sambit ni Aling Freda at Dumaan naman si Suling.
" Ay nko, Pinagchichismisan nyo nanaman si Aira. Nako Aling Freda at Cythia masama po yun. Mabuti pa bumili nalang kayo nang Binibenta kung Ulam. Mainit-init pa po ito." Sabi nang Dalaga.
" Hindi naman yun Chismis Suling, Nagsasabi lang kami nang aming mga Komento sa Dayo." Sagot ni Freda.
" Aling Freda! Kung asawang man si Aira dapat sana may isa saatin dito sa Baryo Marikit ang nakakita nang pang aaswang nya. " Sabi ni Suling.
" Ano ba ulam natin ngayon Suling?" Tanong ni Aling Cythia.
" May dinuguan po ako, Tsaka Pork Steak. Naubos na kasi dun sa kabilang Baryo. Ilan ba kukunin mo Aling Freda?" Tanong ng Dalaga sa Matanda.
" Bigyan moko nang Dalawang Supot Suling.. Di na ko mag luluto nang Tanghalian napagod ako sa pagsasaka kahapon." Sagot ni Freda.
" Sakin din Tatlong Supot ng Pork steak. At tsaka yung lista ko? Pagpasensyahan muna ah?" Sabi nang matanda kay Suling.
" Ayus lang po yun.. Palagi naman po akong dumadaan dito. " Sagot ng dalaga habang inaayus nya ang kanyang mga panindang Ulam.
" Teka Suling, Di mo ba bibisitahin ang mga magulang mo sa Puntod nila? " Tanong ni Aling Freda.
" Mamaya nalang po. pagkatapos kung maglako ng paninda ko. " Sagot ng Dalaga at sa kanyang likuran ay Dumating naman ang Anak ni Aling Freda na si Dave.
" Ikaw pala yan Suling bat parang Haggard kana ngayon?" Biro nang Lalaki sa kanya." Nako Dave, aawayin mo nanaman ako? " Sabi nang Dalaga.
" Hindi ah. Teka binisita mo na ba sa Puntod sina Mama at Papa mo? " Tanong ng Binata sakanya.
" Mamaya nalang hapon.." Sagot ni Suling sabay yuko sa binata at nagtanong.
" Dave may balita naba kayo sa pagkamatay nila itang at inang? May nahanap nabang suspek ang mga pulis?"
" Wala pading matibay na ibendensya Laban kay Aira. kelangan pa naming maghanap ng mga Ibendensya. Baka may naalala kana bago sila mamatay o sinabi nila Aling Juliet? " Tanong ulit ni Dave.
" Patawad ngunit, Wala pa din akong natatandaan. " Lumuluhang sagot ng Dalaga. At nilapitan naman sya ni Aling Cythia upang patahanin ang dalaga.
" Tahan na iha, Hayaan mo tutulungan ka namin para mahuli ang totoong salarin." Sabi ni Aling Cythia at Niyakap nya si Suling. Ngunit nung Yakapin nya si Suling ay may napansin syang Kakaibang Peklat sa may Batok nito.
"Teka saan mo ba nakuha ang peklat na to?" Tanong matanda.
" Ah eh, Ito po ba?" Di agad nakasagot si Suling.
" Saan mo nakuha ang peklat na yan?" Tanong ni Dave. At biglang Umiyak si Suling.
" H-hindi ko alam? Pagkagising ko nung araw namatay sila Inang. May sugat nako sa Batok ko. " Sagot ng Dalaga.
" Sguro, Gawa ito nang Asawang na umatake kina Inang.. Di ko alam. Pasensya na!" Sagot ng Dalaga at Agad nyang pinulot ang kanyang Basket.
" Hayaan mo Dave, oras na mag balik ang mga alala ko. Maituturo ko na kung sinong Salarin.." Sambit ni Suling sabay takbo.
" Kawawa naman ang batang yun.. " Sabi ni Aling Freda.
" Kakaiba ang peklat na yun, parang tinaga ?" Sabi ni Aling Cythia.
" Tinaga? anong ibig mong sabihin Aling Cythia?" Tanong ni Dave.
" Dati akong Nurse noong bata-bata pako. Kaya alamo ko kung anong gamit o saan galing ang Sugat at Peklat natin. Ang sakanya parang Gamit ang Itak. pero? Hindi kaya sinasaktan sya ni Mario?" Sabi ni Aling Cythia.
" Impossible Aling Cythia. Ni minsan di ko narinig si Mang Mario o si Aling Juliet na tinaasan nang boses si Suling. " Sabi ni Dave.
" Ay nako kelan kapa naging Police Cythia? Ang anak na ang bahala ko dyan." Sabi ni Aling Freda. Samantala Balik tayo sa mga SUGO.
" Where her na!!" Sabi ni Denise.
" Infairness Liblib talaga ang Lugar nato.." Sabi rin ni Marife.
" Ate, Walang signal yung Phone ko.." Sabi ni Lance.
" Hayaan muna..Itago mo muna yan Magtatanong tanong muna tayo kung nasa Baryo Marikit naba talaga tayo. Ilang beses na kaya tayong nawala dahil sa Tourguide natin." Sabi ni Marife." Marife? Pasensya na Hindi ako si Google Map. tska ang panget kaya nang Handwriting di ko maintindihan. parang Doktor ang nagsulat nang resita." Reklamo ni Denise.
"Ate Denise, Ikaw po ang nag sulat nyan. Natatandaan nyo po ba?" Sambit ni Dennis." Ay oo nga pala.." Sambit ni Denise.
" Teka Tulog pa din ba si Zee?" Tanong ni Marife.
" Gisingin mo nga Dun Dennis. Suntukin mo para magising.. Ay nako napakabatugan." Sabi ni Denise nang bigla syang Yakapin ni Zandro.
" Sinong Batugan?"
" bitiwan mo nga ako Zee.. ang init init nang panahon. para kang si Barney, Mahilig mangyakap!" Reklamo ni Denise. Tyempo namang Dumaan si Suling.
" Ah miss, Magandang araw.. Pwde bang matanong?" Sabi ni Marife.
" Magandang Araw din. " Sagot ni Suling.
" Ito na ba yung Baryo Marikit? " Tanong muli ni Marife.
" Oo, Ito na nga.." tipid na sagot ni Suling.
" By the way beautiful sis, Ako nga pala si Denise. And you are?" Pakilala nang dalaga kay suling sabay abot sa kanyang Kamay. at di naman ito nabigo dahil nakipagkamay naman ito sakanya.
" Su-suling.. a-ang Pangalan ko. "
" Suling sila pala mga kasama ko, Sina Zee, Lance, Dennis kasounds alike ng name ko. at Yung Team leader namin si Marife. Taga DOH kami actually, gusto lang namin magsurvey dito dahil nasa list kasi yung bayan nyo sa may mataas na kaso ng Dengue. " Paliwanag ni Denise.
" Ah ganun ba, Maligayang pagdating sa Aming Lugar. Maiwan ko na muna kayo. " Sagot ni Suling sakanila.
" Sge mag iingat ka miss." Sabi ni Zandro sabay ngiti sa dalaga. At nang makaalis na si Suling.
" May mali sa babaeng yun.." Sabi ni Denise.
" Nagseselos kananaman? Ikaw lang kaya yung Love ko.." Sabi ni Zandro.
" Tigilan moko Zandro. Hindi ako nagseselos wala akong pakisayo." Sabi ni Denise.
" Walang paki ? kahit Nakita mo nung isang gabi ang Mala-adonis kung katawan? tsaka Yung malaking--" Di natapos ang sasabihin ni Zandro ng bigla syang Kurutin ni Denise.
" Wala akong nakita..Teka teka bat ba ako pumapatol sa mga kalokohan mo. " Sambit ni Denise." Bakit Denise anong napansin mo?" Tanong ni Marife.
" Nung mahawakan ko ang kanyang Kamay kanina, May nakita akong Pangitain!" Sagot ni Denise.
" Ano ang nakita mo ate?" Tanong ni Dennis.
" Di pa malinaw, ngunit mag imbestiga tayo sa mga nangyaring patayan dito." sagot ni Denise. " Yan naman talaga ang Misyon natin dito." Sabi naman ni Marife.
Habang papauwi si Suling sa kanilang tahanan, ay Nakasalubong naman nya si Aira. " Aira ang Kriminal!" Tawag nya kay Aira.
" Hahaha! Ako pa talaga ang tinatawag mong Kriminal? Pano ko kung sabihin ko na sa mga pulis kung ano ang totoong nangyari. Nung Gabing! Mamatay ang mga Kinikilala mong Magulang. " Sagot ni Aira.
" Sige sabihin mo, Dahil wala silang makikitang Ibendensya laban sakin. Inosente ako! At ikaw ang makukulong at masusunog sa Sulo nang taong bayan." Sabi ni Suling.
Balik sa mga SUGO..
Hindi mapakali si Denise sa kanyang nakitang Imahe nung mahawakan nya si Suling.
" Sandali kelangan kung Sundan ang babaeng Yun. Pakiramdam ko sya ang daan upang mahanap din natin ang Mortal na may dugong Diwata." Sabi ni Denise at agad syang naglaho." Sandali Lang Denise! " Sambit ni Marife ngunit huli na dahil naglaho na si Denise sa kanyang Harapan.
" Susundan ko sya Ate. " Sabi ni Lance.
" Wag lance, Dito ka nalang ako na ang susunod sa kanya. Antayin mo nalang sina Kuya Zee mo dito. Ako na magpapaliwanag sa kanya." Sagot ni Marife at agad din syang Naglaho.
Balik Ulit sa Bangayan nina Aira at Suling.
" Wag mo akong susubukan Aira. Dahil Kaya kong Baliktarin ang lahat at Mas magpasalamat kapa sakin. Dahil hindi kita dinidiin sa mga police. " Sabi ni Suling.
" Suling! Gawin mo pero di magtatagal malalaman ng buong taga baryo, Kung sino ang Kriminal." Sagot ni Aira.
" Tama nga ang aking nakita. Ikaw ang pumapatay!" Sambit ni Denise sa likuran nang Dalawa. Habang sila naman ay Gulat na Gulat.
" Sino kaba? " Tanong ni Aira.
" Ikaw ay isang ADA.?" Sambit muli ni Denise at biglang namang sumulpot si Marife sa pagkakataong ito.
" Sinong ADA ang tinutukoy mo Denise?" Tanong ni Marife.
ADA - Other terms ng Fairy O diwata.
"Sino ba talaga kayo? bakit may kakayahan kayong sumulpot ng pabigla-bigla.." Tanong ni Suling.
" Denise ba kasi ang nangyayari?" Nagugulahang tanong ni Marife.
" Wag dito babae... " Sambit ni Aira at Hinawakan nya sa balikat sina Denise at Marife. Sabay silang Tatlo nag laho. Samantala na iwan naman si Suling sa Daan.
" Ada? Diwata.. Ang saya. Kaya pala mainit ang dugo ko sayo babae ka. " Sabi ni Suling sa kanyang Sarili at nagpalit sya nang anyo bilang isang malaki at kulay itim na aso.
At sina Lance, Dennis at Zandro naman ay naiwan sa Van.
" Saan ba kasi sila..?" Tanong ni Zandro.
" May pinuntahan lang kuya, sinundan lang ni Ate Fe si Ate Denise." Sagot naman ni Lance.
" Teka lance may Itatanong ako sayo.." bulong ni Zandro sakanya sabay titig kay Dennis.
" A-ano po yun kuya?" Sagot nito.
" Gusto mo ba si Dennis? o mas dapat kung itanong.. May gusto kaba kay Dennis?" Tanong ni Zandro.
Di agad nakasagot si Lance dahil nagulat ito sa tanong ni Zandro.
" Po? pano nyo naman po yun nasabi?" Tanong ni lance.
" You know what Lance, I have a brother. He's actually Gay. And since maliit pa sya ako na ang nag-aalalaga sa kanya. And nakikita ko ang kapatid ko sainyong dalawa ni Dennis. But Its okay if di mo aaminin sakin na Your Gay. But malakas talaga kutob ko." Salaysay ni Zandro.
" Kuya, may masama po ba sa pagiging Gay?" Tanong ni Lance.
" Hindi, Wala namang masama. Isa pa, I DO BELIVE GINAWA TAYO NI LORD NG EQUAL." Sagot ni ZANDRO.
" Opo, Elementary ko lang po na diskubre na Ganun ako. Pero nagkakagusto din naman ako sa Babae. " paliwanag ni Lance.
" Okay lang yun, Ang maganda pa nyan ay Ligawan mo si Dennis. Halata naman kasing may gusto din sya sayo." Sabi ni Zandro.
" Nako kuya, never pako nangligaw sa Lalaki. " Sabi ni Lance. Ngumiti lang si Zandro at tinapik nya sa Balikat si Lance.
" Kaya mo yan. Iparamdam mo lang na mahal na mahal mo sya" Sabi ni Zandro.
" Eh kayo po ni Ate Denise? sinagot naba nya kayo?" Tanong ni Lance.
" Ay oo nga pala ang Malditang Yun bat di pa sila nakakabalik." Pag-aalalang sabi ni Zandro.
Balik kina Denise at Marife. Nakarating Sila sa Kubo ni Aira.
"Papano mo nalaman na Isa akong Diwata? Di kita naalala o wala akong sinuman ang pinagsabihan ng aking tunay na pagkatao." Sabi ni Aira. At nagpaliwanag naman si Marife kay Aira kung ano ang kanilang pakay sa Baryo at Kung sino talaga sila.
" Kung Ganun? Kayo ay reincarnasyon ng mga dating sugo? "
" Oo mahal na Ada. Kami nga. " Sagot ni Denise.
" Ngunit papano mo nalaman na si Suling ang pumapatay dito baryong ito?" Tanong muli ni Aira.
" Nung mahawakan ko ang kamay ni Suling kanina.May nakita akong Visions." Sabi ni Denise.
" Sya nga ang pumatay sa mag asawa. Walang utang na loob.." Galit na sabi ni Aira.
FLASHBACK.......
Sa bahay nina Mr&Mrs Cruz.
" Ang bilis lumaki ni Serena.. " Sabi ni Juliet sa kanyang asawang si Mario.
" Totoo Mahal. kahit di man sya galing saatin Mamahalin natin ang batang yan na parang atin. " Sabi ni Mario.
Pagkalipas nang Ilang Taon..
Lumaking maganda at mabait ang dalagang si Serena o Kilala sa tawag na Suling.
Ngunit isang Gabi..
" Ma? nandito kaba?" Sigaw ni Suling habang hinahanap nya ang kanyang nanay-nanayang si Juliet.
" Ma? " Tawag nya muli ngunit wala syang narinig na tugon.
" Nak? " Tawag ni Mario sakanya.
" Papa? nasaan si Mama? " Tanong ni Suling.
" Nasa kusina si Mama mo. Sige na mag bihis kana para makakain na tayo nang Haponan." Sabi ni mario
Ilang Sandali pa ay nakahanda na ang hapunan.
Habang nasa Lamesa sila, ay seryusong kinausap ng Mag asawa si Suling..
" Nak, Alam kung di mo magugustuhan ang sasabihin namin sayo.." Panimula ni Mang Mario.
" Bakit po tay?"
" Ako na magsasabi Mario.." Sabi ni Juliet
" Anak, Hindi ka talaga nang galing saamin.. "Sabi ni Juliet
" Alam ko.. Dahil ang totoo kung ina ay inyong pinatay! Si Isadora." Sabi ni Suling.
" Papano mo nalaman? sinabi mo ba mario?" Tanong ni Juliet sakanyang asawa.
" Hindi, Dahil nandun ako nung sinugin nyo ang bahay ng totoo kung mga magulang. " Galit na sabi ni Suling.
" Pero papano mo nalaman yun? eh sanggol ka palang nung nakuha kanamin sa mansyon ni Isadora.?" Tanong ni Mario.
" Katulad ni Mama, may kakayahan kaming mag palit anyo. At kitang-kita nang dalawang mga mata ko kung papano nyo pinatay ang mama. " Sabi ni Suling. At ginagaya nya ang anyo ng dalawang Matanda.
"Serena, Hindi mo alam ang katotohanan.. Kung bakit namin nagawa yun kay Madam Isadora." Sabi ni Juliet.
" Pero pinatay nyo parin si Mama.!" Galit na sabi ni Suling at nanlilisik ang kanyang mga mata at mula sa anyong tao ay unti-unti syang nagbago nang anyo.
" Hayaan mo kaming magpaliwanag nang nanay mo anak.!" Sambit ni Mario.
" Wa-la na kayong dapat ipaliwanag! Ipaghihiganti ko si Mama. !" At naging isang mabangis na nilalang si Suling. Una nyang inatake si Juliet.
" Wag anak! Maawa ka sakin. Minahal ka namin nang Tatay mo." Natatakot na sabi ni Juliet. Hindi nakinig si Suling sakanyang Nanay-nanayan. Agad nyang sinakmal sa leeg at Tumalsik sakanyang pisngi ang masaganang dugo ni Juliet. Habang Abala syang Tanggalan ng Hininga si Juliet, Kumuha naman nang itak si Mario.
" Bitiwan mo ang asawa ko!" sigaw ni Mario at agad nyang ginamit ang itak na kanyang kinuha sabay taga sa batok ni Suling. Ngunit nang mataga nya ito ay sya naman ang sinaktan ng Halimaw. Sinakmal sya sa leeg at ang kanyang Dugo naman ang ininom.
" Waaaaagggg!!!!!!" Huling Sigaw ni Mario na umalingawngaw sa boung Bahay.
Habang ginagawa yun ni Suling, ay kitang kita nang dalawang mata ni Aira ang boung pangyayari. Ngunit kahit nagtatago sya sa likud nang sofa ay nakita padin sya ni Suling. " Sino ka?" Tanong ni Suling habang punong-puno ng dugo ang kanyang Bibig. " Sarili mong Pamilya pinatay mo?" Sabi ni Aira.
" Wag kang makialam dito Estranghera.. Sino ka at ano ang ginagawa mo dito sa bahay namin?" Tanong muli ni Suling.
" Wala kanang pakialam don." Sambit ni Aira, Aalis na sana si Aira nang bigla syang hampasin ng Base sa likuran nya. At dahil don ay nawalan sya nang Malay.
Kinaumagahan ng Magising si Aira ay punong-puno sya nang Dugo sa kanyang Damit pati na rin sa mukha. At sakanyang kanang Kamay naman ay hawak nya ang itak na ginamit ni Mang Mario pang taga kay Suling.
"Aaaahhhhhhh!!!!!!" Sigaw ni Aira habang nakita nyang nakahandusay ang mag-asawang Cruz sa kanyang Tabi naliligo sa sariling Dugo. Habang sa kanang bahagi nya ay kitang-kita nya si Suling na naliligo din sa sariling Dugo.
Agad syang bumangon upang Tingnan ang kalagayan ng mag asawa, ngunit di na pumipitik ang mga pulso nito.
"Hindi Maari! Gumising kayo Mang Maryo..Aling Juliet!!" Naiiyak na sabi ni Aira. At ilang sandali pa ay dumating na ang mga Police.
" Tulungan nyo po ako mamang police, si Mang Mario at Aling Juliet.." Umiiyak na sabi nya. Ngunit laking Gulat nya ng bigla syang posasan.
" Ano to? bakit ako ang hinuhuli nyo? Dapat ang babaeng yan ang hulihon nyo.." Sigaw ni Aira.
" Humihinga pa si Miss Cruz Chief. " Sabi ng isang police na tumingin kay Suling.
" "You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be provided for you. " Sabi ni Dave sakanya.
BACK TO PRESENT...
Sa Kubo ni Aira.
" Nakulong din ako ng 2 buwan ngunit dahil di malakas ang ibendensya sakin. Pinalaya din ako. At ang naganap na patayan sa Baryong ito ay kagagawan ng anak ni Isadora." Salaysay ni Aira.
" Sino naman si Isadora ?" Tanong ni Denise.
" Si Isadora ay ang leader ng isang grupo ng mga Aswang, at sina Mang Maryo at Aling Juliet ay ang kilalang tagatugis ng mga Aswang." Sabi ni Aira.
" Ikaw naman miss Aira anong kinalaman mo kina Mr and Mrs Cruz?" Tanong ni Marife.
"Ako ang Pinuno ng samahan. Una palang tutol ako sa plano nilang pag kupkup sa sanggol ni Isadora, Ngunit di sila nakinig sakin. Pero, Huli na para sisihin ko sila dahil patay na sila. at nauubos na din kaming mga Hunters. " Sabi ni Aira.
Samantala sa Bahay naman nina Aling Freda..
" Nak? wala pa din bang update sa kaso ng mag asawa? Wala pa din ba kayong nahahanap na clues? Isa pa nung isang araw may namatay nanaman. Sumusobra na ang Aswang na yun!" Sabi ni Aling Freda habang nagtatadtad nang mga gulay.
" Nay wala padin. Pero ang nakakapagtaka sa Tatlong Finger prints na remhistro doon sa Itak na hawak ni Aira. ay kay mang maryo ang lumabas na gumamit ng lakas." Salaysay ni Dave sa ina.
" So, Ibig sabihin si Maryo ang Pumatay sakanyang mag ina?" Sambit ni Aling freda.
" Hindi rin nay, kasi yung mga sugat sa leeg at pagkawakwak at pagkain sa lamang loob ng mag asawa ay di gamit ang itak. kundi parang gumamit ang salarin ng mas matalim na kagamitan. " Sagot ni Dave
" So asawang nga?" Sambit ni Aling Freda.
" Oo ma asawang nga ang umaatake sa mga tao dito sa bayan natin. Malakas Kutob ko na nasa kanilang dalawa ni Aira at Suling ang pumapatay!" Sabi ni Dave.
" At may nakita ako mama, kaninang tanghali. may bagong dayo nanaman. Lima sila. " Sabi ni Dave.
" Nako anak, baka may mangyari nanaman sa mga dayo na yun.." Pag-aalalang sabi ni Aling Freda.
" Kaya nga ma, Bukas ay papaalisin ko sila dito sa bayan.!" Sabi ni Dave.
" Ano naman sasabihin mo sakanila? nung isang buwan lang may mga dayo din dito nag punta. pinaalis mo pero di nakinig sayo. Bagkus tinawanan kapa sa mga sinasabi mo. " Sabi ni Aling Freda. At tumahimik nalang si Dave, nagaalangan ding bigyan ng babala sina Marife.
Balik kina Aira sa Kubo nya..
" Kung ganun, kayo pala ang sinasabi ni Jenna.. Kukunin nyo na ba ito?" Sabi ni Aira at ipinakita nya sa dalawa ang isang mahiwagang lalagyan na may Marka ng Elemento ng Hangin.
" Hindi po kami ang nagmamay-ari ng elementong iyan. Yung kasama po namin. " Sabi ni Marife. At biglang Umilaw ang mga marka nina Marife at Denise sa kanilang mga palad.
" Kayo pala ang may hawak ng elemento ng Lupa At apoy.. " Sambit ni Aira.
" Opo at susunduin na muna namin ang mga kasama pa namin. " sabi ni Denise.
" Sige mag iingat kayo sa labas. Dahil di ordinaryong aswang si Suling may kakayahan syang magpalit palit nang anyo. Heto kunin nyo. " Sabi ni Aira sabay abot kina Denise at Marife ang isang Kwentas.
" Ano po ito?" Tanong ni Denise.
" Yan ang kwentas ng samahan, sandaling mag iinit ang pendant nyan ibig sabihin nasa paligid nyo ang asawang. Kaya hanggat maari, Gamitin nyo ang inyong kapangyarihang maglaho. " Paliwanag ni Aira sa dalawa.
" Ngunit Miss Aira hindi namin masyadong nagagamit pa ang ganung tricks-- " sagot ni Marife.
" Di nyo pa talaga magagawa ng permenante ang ganoong uri ng salamangka dahil katulad ng kasama nyo hindi pa buo ang inyong mga kapangyarihan." Sabi ni Aira.
At Inihatid na nya palabas ng kubo ang dalawa. Samantala sina Lance, zandro at Dennis naman ay nakakaramdam na sila nang Antok.
" Dennis, etext mo nga si Marife.. baka may signal na!" Sabi ni ZANDRO.
"Kuya Zee.. Wala pa din po. " Sabi ni Dennis.
" Kuya, iidlip lang ako sandali." Sabi ni Lance sakanya.
" Wag na muna Lance, baka dumating na sila.. " Sabi ni zandro.
" Jusko san ba kasi sila nagpunta. " Naiinis na sabi ni Lance.
" Baka may nangyari na sakanila kuya.." Sabi ni Dennis.
" Malalakas mga ate mo. di yun mapapano.. " Sabi ni Zandro nang biglang may kumatok sa labas ng Pintuan ng Van. Agad namang pinag buksan ni zandro.
" Magandang Gabi mga Sir at Maam.. Ako po pala si Spo4 Fernandez. gusto ko lang pong ipaalam sainyo na restricted po ang bayan na ito dahil sa patayan. Kung maari lang po umalis na kayo sa bayan namin." Sabi ni Dave.
" Ah sir, magandang gabi din. pero di pa kasi bumabalik ang mga kasama namin. " Sabi ni Lance. at nang tingnan ni Dave ang loob ng van ay ang tatlong lalaki lang ang naiwan.
" Diba may dalawa kayong babaeng kasama kanina? nasan sila?" Tanong ni Dave.
" Yun nga po sir, Di pa po bumabalik!" Sabi ni Dennis. Pagkasabi ni Dennis dun sa police ay kinabahan na si Dave.
" Kung ganun, Hahanapin natin sila. marunong ba kayong gumamit ng baril?" Tanong ni Dave sa Tatlo.
" Ah sir, hindi po. pero nag aalala na po talaga kami sa dalawa. " Sabi ni Zandro." Kung ganun, Samahan nyo ko.tutulungan ko kayong hanapin sila. " Sabi ni Dave sabay bigay sa tatlo ng Flashlight.
Habang sina Denise at Marife naman habang naglalakad sa madilim na daan at tanging liwanag ng FLASHLIGHT ng cellphone nila ang naging ilaw nila.
" Denise, naramdaman mo ba yun?" Sabi ni Marife.
" Oo, Kanina pa nga umiinit ang kwentas na binigay ni Aira. Simula nung makalabas na tayo sa bakuran ng dalaga uminit na ang kwentas." Sabi ni Denise.
" Kung ganun sinusundan tayo nag bruhang yun.." Dagdag na sabi ni Marife at may napapansin silang may biglang dumadaan na anino sa kanilang likuran.
" Denise, maghanda ka. mukha mapapalaban tayo.." Sabi ni Marife. Ngunit may biglang Humampas sa kanilang batok at isa isa silang natumba at nawalan ng malay.
" Hindi ko kayo papatayin, papatulugin ko kayo! And Another frame up goes to Aira. Ang pulpul na diwata. At parating na sya.." Sabi ni Suling. bago sya umalis nilag yan nya ng dugo ang mga damit nina Denise at Marife.
" Di ko naman kayo kalaban so papatulugin ko lang kayo.." Dagdag na sabi ni Suling at nagpalit anyo sya bilang isang malaki at maitim na aso. Habang si Aira naman ay tumatakbong nagtungo kina Denise at Marife.
" Denise? Marife? Mahabaging Bathala.. Anong nangyari sainyo? " Sabi ni Aira habang gulat na gulat sakanyang nakita.
" Gumising kayo.. " Sigaw ni Aira.
Habang si Dave naman ay, nakatanggap ng balita galing sa kanyang Woki Toki.
" Sir, May natagpuang patay dito sa gubat dalawang babae. "
" Lagot baka sina Ate Denise yun.." Sabi ni Lance.
" Wag naman sana.." Sabi ni Zandro.
" Mabuti pa sumakay na kayo sa Jeep ko.. Pupuntahan natin ang site nayun. Dali!" Sabi ni Dave at agad pinaharurot ang kanyang sasakyan.
Balik kay Aira sa Kagubatan. Susubukan na sana nyang paglingin ang dalawa ng biglang dumating ang taong bayan kasama si Suling.
" Mga kababayan, nahuli natin ang totoong asawang at walang iba kundi si Aira yun! " Sigaw ni Suling.
" Jusko Aira, ikaw ba may gawa nyan?" Sambit ni Aling Freda.
" Aling freda, hindi po.. nakita ko po silang dalawa na nakahandusay dito. " Paliwanag ni Aira. " Nagpapalusot kapa Aira. Siguro ikaw din ang pumatay kina Inang at Itang!" Galit na sabi ni Suling.
" Wala akong kasalanan.. Hindi ako ang pumatay sa kanila Kundi ikaw. Sya ang totoong Halimaw!" Sabi ni Aira habang umiiyak.
" Mga kasama ang dapat sa mga asawang ay Sunugin..!!" Sigaw ni Suling at sumang-ayon naman ang iba pang taga baryo sa mungkahi ni Suling ngunit si Aling Freda at Cythia naman ay di makapaniwala sakanilang nasaksihan. Ilang sandali din ay dumating si Dave, kasama sina Zandro, Lance at Dennis.
" Ate fe!!" Sigaw ni Dennis habang umiiyak. Si Zandro naman at Lance ay agad pinuntahan si Denise.
" Sinong maykakagagawan nito??" Sigaw ni Zandro.
" Walang iba kundi ang babaeng yan.." Turo ni Suling kay Aira.
" Ikaw ba?" Tanong ni Dennis.
" Ka-kayo ba ang kasama ni Denise at Marife?" Tanong ni Aira.
" Kuya, paruhasan muna!" Sabi ni Dennis habang umiiyak na akap si Marife.
Biglang kumulong ng napakalas at bumuhos ang napakalas na ulan.
" Magbabayad ka!" Sigaw ni Zandro.
" Ibig sabihin ikaw ang may hawak ng elemento ng Tubig." Sabi ni Aira. At ang taong bayan naman ay unti-unting lumapit kay aira.
" WAG KAYONG LALAPIT.. PLEASE! HINDI AKO ANG MAY SALA!" Sabi ni Aira habang umiiyak." Magbabayad ka!" Sabi ni zandro at mas lumakas pa ang ulan na may kasamang kulog at Kidlat na.
" Sandali kuya Zee. wag!" Sabi lance. Nang biglang Lumakas ang Hangin sa Paligid sa kinatatayuan mismo ni Aira.
" Wag kayong lalapit!" umiiyak na sabi ni Aira at sa isang kumpa ng kanyang kamay ay Tumilapon ang mga taong bayan sa ibat ibang direksyon.
" Siya ang diwata!" Sabi ni Denise nang magbalik ang kanyang malay.
" Ate? buhay ka?" Gulat na sabi ni Lance.
" Hindi kami patay no? teka bat ang lakas ng ulan kaloka!" Sabi ni Marife.
" Ate Fe Buhay ka rin. " Masayang sabi ni Dennis. At pinahinto naman ni Zandro.
" Masaya akong buhay ka Denise." Sabi ni Zandro sabay yakap sa dalaga.
" Sandali Zee, di ako makahinga. Tska sino ba ang lokong humampas sa Likud namin ni Fe?" Reklamo ni Denise sabay tayo. Nagulat naman ang buong taga baryo sa nangyari dahil nag si tayuan sina Dennis at marife ang inakala nilang Patay ay Buhay pala.
" Mga Kasama, Marahil nahawaan na ng pagka-asawang ang dalawang yan!" Sigaw ni Suling.
" Tumigil ka panget! gagamitin mo pa kami para iframe up si Aira. Tang*na mo!" Sigaw ni Marife.
" Anong sinasabi mo? " Gulat na sabi ni Suling.
" Mga madlang people! Hindi si miss Aira ang pumatay sa mga magulang ni Suling kundi sya mismo.." Sabi ni Denise.
" Ako? papatayin ko ang sarili kong mga magulang! Nababaliw kana o baka isa ka rin sa kauri ng asawang na yan!" Galit na sabi ni Suling.
" Hindi mo tunay na magulang sina Mr&Mrs Cruz.. Nakuha na namin ang adoption papers na itinago ng mag asawa sa bahay nila. " Sabi ni Spo4 Fernandez sabay pakita sa mga taga baryo." Hindi! Hindi totoo yan. anak nila ako!" Sabi ni Suling na halatang natatakot.
" Boys hulihin nyo si Serena..!" utos ni Spo4 Fernandez sa kanyang mga tauhan.
" Wag nyo akong hahawakan! Magsisi kayo!" Sabi ni Suling at ipinakita nya sa lahat ang kanyang Anyong Aswang. Nagulat ang mga tao sa kanilang nakita. Di nila inakala na ang dalagang bibo at Matulungin isa palang Halimaw.
" Oo ako ang pumapatay! Bwahahahha!" Sabi ni Suling.
"Suling? anak? bakit mo ginagawa to?" Tanong ni Aling Cythia. At Sumigaw si Suling ng napakalakas. Halos mabingi ang mga tao na nasa paligid.
"Uubusin ko kayong lahat!" galit na sabi ni Suling.
" Suling hindi kita papayagan dyan sa Gusto mong mangyari! Dadaan ka muna saking Bangkay bago mo saktan ang mga tao dito sa Baryo Marikit!" Sabi ni Aira at biglang Lumakas ang Hangin.
" Isang diwata ang pinuno ng mga Hunters. Ang galing! " Sabi ni Suling.
" Kasama mo kami Miss Aira." Sabi ni Denise.
TO BE CONTINUED...
Hi mga mahal, bibitin ko muna kayo for the min time, Abangan nyo karugtug. -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top