CHAPTER 13

" Case # 01 ; Sumpa ni Father Kristoff "







BATIAN PORTION :

Pabati muna kay Ebrahim23, Ty sa pag vote sa lahat nang chapters. and yes medyo na busy lang po ako sa work then basta daming nangyari, and Hi din kina, witchofthe13thdawn, ZYDuCe, hwoll00, troybaldejera, piepiebaby, ManaoisChristian, ZhangJung, AND Rnhel122. thanks for following guys. sa mga di ko na mentioned i know who you are..

@LinseyFlower_Hi Author, I'm a great fan of yours. eventhough medyo late ka mag update. lol, anyways namimiss ko na sila Jenna, Katalina, Theo and Tyler. tsaka sina Charlie and Ian. May chance pabang masali sila dito sa new season na itey? Fav, ko po kasi si Jenna at Kat. tsaka Im so happy nung nalaman kung bumalik sina Alpia, raven at Mia. Keep it up po. sana ma shout out nyo po ako.

@Lieliewen_ Buti naman ginawan nyo po nang new season, honestly di ako na siyahan sa ending nung last season.lol Im being truth lang naman po. And sana di po kayo mag sawa sa kakaupdate. Lablab ka po namin author. Aja!@CarlosMiguel_ Yehey may Exposure na din ang mga anak nina Kat and Theo, I can't imagine kung gaano kaganda si Kathleya at Cloud. Good Job author, please more exposure for Kathleya and Cloud please.

@Rheta898_ na mimiss ko na ang mga diwata, sana may chance pa na makabalik sila sa story mo author. Favorite ko doon si Magayon at Makiling. tsaka na mimiss ko na ang pagiging Bakla ni Gassia. hahaha.



Salamuch po sainyong mga Pm. Very honered and flattered sa mga Good feedbacks nyo. para sainyo gagalingan ko pa. and for negative comments Thank you po. in that way may matutunan ako at para mas maimprove ko pa ang aking pagsusulat. Di ko na papatagalin, Enjoy reading mga mahal.

-----------------------------------------------------------------------------------

" Magandang umaga! Tinanghali ka ata nang gising?" Bungad na bati ni Marife kay Dennis.

" Ate Fe? bakit anong meron? " Sabi ni Dennis sabay kusot sa kanyang mga mata.

" Hey! Hey! Youngsters We got a new Mission. " Bati ni Cloud at may hawak syang isang newspaper. at inilapag nya ito sa Mesa.

" Anong Mission sir Cloud?" Tanong ni Lance na halatang inaantok pa.

" Basahin mo team leader Marife. " Sabi ni Cloud.

" A-ako po? " Gulat na sabi ni Marife.

" Yes, from now on. I Will be fucosed on recuing the superhumans but you guys. kayo! ang magsosolve sa mga supernatural na mga pangyayari. and Marife starting now ikaw ang magiging leader nila. " Salaysay ni Cloud.

" P-pero sir Cloud?" sambit ni Marife.

"Nako marife, si Mommy Alpia and Kuya Raven nag desisyon dyan. and please don't say NO? " Sabi ni Cloud.

" Oo nga Sis. Congrats.!" Bati ni Denise sakanya. Magsasalita na sana si Marife ngunit biglang nag laho si Cloud sabay sabing.

" As I said Fe, Don't say No!" Sabay laho.

" Nako nag teleport na sya! nakakaloka!" Sabi ni Dennis. at isa-isa silang nagtinginan kay Dennis nang bigkasin nya ang mga katagang yun.

"Bakit? may nasabi ba akong masama?" Sabi ni Dennis habang gulat nang makita nyang nakatitig silang apat sa kanya.

" Wala babasahin ko na nga ang nakasulat..." Sabi ni Marife at inumpisahan na nyang basahin ang nakalaad sa Tabloid.

Apat na istudyante nang Grade 10 students nang St. Mercy Catholic School sa Hiyas City, Isa isang namatay dahil umano sa bangungot. Nakapanayam namin ang Class Adviser nang mga istudyante at ito ang kanyang sinabi.

" After ko mag discuss nang Topic namin, binigyan ko sila nang 30 mins Nap para ma recharge silang lahat. yan kasi ang ginagawa ko pag nakikita kung very stress na ang mga studyante ko." Sabi ng class adviser nang mga bata.

Nang matapos basahin ni Marife sakanila ay agad nakaramdam nang Kilabot at Hilakbot si Denise.

" Bangungut ba talaga ang dahilan? " Sabi ni Denise,

" Yun ang sabi nila dito sa tabloid.." Sabi ni Marife.

" Maaring Batibat ang may kagagawan nyan, sabi nang lola ko, Umaatake ang batibat kapag ang isang tao ay natutulog." Dagdag na sabi ni Lance.

" Baka nga.. " Sabi ni Dennis.

" Pwes, di natin yan malalaman kung ano talaga ang totoong nangyari hanggat di pa natin napupuntahan ang lugar nang nasa Tabloid. Mabuti pa Puntahan natin.." Sabi ni Marife.

" Let's Go Mystery Inc. !! " Sigaw ni Zandro.

" Ano yun Scoobydoo lang?" sabi ni Denise. At kinindatan lang sya ni Zandro.

" Alam nyo, Bagay kayo.. " Tukso ni Marife sa dalawa.

" Jusko Maryusep Sis, Di ko type ang lalaking to no? " Sabi ni Denise habang huhigop nang kape.

" Talaga lang ha? The last time I check. Iba ang sinabi mo kay Marife kagabi nong nalasing ka. " Sabi ni Zandro.

" Teka ano ba kasi sinabi ko? " Sabi ni Denise kay Marife. Sasagot na sana si Marife kaso biglang sumingit si Zandro.

" Sabi mo kagabi napopogian ka sakin, tsaka natatakam ka sa muscles ko!" Tukso ni Zandro sabay hubad sa kanyang T-shirt. At Tumambad sa harapan ni Denise ang mala Adonis na katawan ni Zandro at sinasayawan nya pa ito Ala-Macho Dancer.

" Sya tama na yan.. Mag prepare na kayo at pupuntahan natin ang First Mission natin nang tayong Lima lang. so dapat-----" Di natapos ang sasabihin ni Marife nang Biglang dumating si Alpia.

" Mahal na reyna kayo pala.." Sabi Lance.

" Dapat kayong magtulungang tatlo.. At sya nga pala, Hindi pa ganap ang mga kapangyarihan ng inyong mga Sandata. May natuklasan ako." Sabi ni Alpia.

" Ano po yun?" Tanong ni Marife.

" Binalita saakin ni Kathleya na sa huling sulat na iniwan ni Jenna sakanya. Ang mga sandata ninyo sa ngayon ay wala pang Kapangyarihan. " Sabi ni Alpia.

" Susubukan ko..!" Sabi ni Denise. At hinimas nya ang kanyang sout na bracelet ngunit kagaya nang sabi ni Alpia wala man lang nangyari.

" FAKE ata ito miss Alpia!" Sabi ni Denise. At isa isa nilang sinubukan ang kanilang mga sandata at katulad nang nangyari kay Denise wala din anumang kapangyarihan ang lumabas." Ano po ang gagawin namin..?" tanong ni Zandro.

" Kelangan nyong makuha ang mga kapangyarihan nang inyong mga sandata sa mga natitirang Diwata. !" Sabi ni Alpia.

" You mean, mahal na reyna like Diwatang magayon? and Makiling?" Sabi ni Dennis.

" Oo, At nagpahiwatig si Magayon saakin." Sabi ng Babae sa kanilang Likuran.

" Miss Kathleya.." Sabi ni Marife at Yumuko ito sakanya.

" Fe wag mokong yukuan hindi ako diyos. Isa pa magkaedad lang tayo. " Ngiting sabi ni kathleya.

" Anak mabuti naman at nandito ka, ikaw na mag salaysay sakanila." Sambit ni Alpia.

"Ito na nga kasi mga guys, namana ko sa aking ina ang kakayahang magkaroon nang mga pangitain. At kagabi, nakita ko sa aking Pangitain ang mga Kasoutan ni Magayon at alam kung si Diwatang magayon yun. Di ko malimutan ang minsang nag alaga saakin. " Sabi ni Kathleya.

" Kung ganun Miss Alpia at Kathleya, papano namin sya makikita o saan namin sila pwdeng puntahan?" Tanong ni Zandro.

" Diba po matagal nang sarado ang lagusan nang Bundok Yayaisa? ang tanging lagusan patungong Kanlaon? " Sabi ni Dennis.

" Tama! Magtiwala kayo sainyong mga kakayahan. magtatagumpay kayo." Sabi ni Alpia.

" At ang mga diwata ay kaisa ng Kalikasan." Dagdag na sabi Kathleya.

" Sya nga pala nakalimutan ko may mission pala kayo sa Hiyas City, Magiingat kayo."Dagdag na sabi ni Kathleya.

" Mag-iingat kayo, bilang reyna nang Dalaket binabasbasan ko kayo na sa sandaling manganib kayo ay ililigtas kayo nang aking Engkantasyon. " Sabi ni Alpia at isa isa nyang hinimas ang kanilang Noo.

" Salamat po sainyo." Sabi ni Marife.

Samantala sa St. Mercy Catholic School..

Patuloy pa ding iniimbistigahan ng mga pulis ang paaralan dahil sa nangyari.At pansamantalang inihinto ang klase nang isang section nang Grade 10.

" Maam, ano po ang masasabi nyo tungkol sa nangyari?" Tanong ng Reporter sa isang nanay.

" Hindi naman kasalanan nang Skwelahan kung bakit namatay ang mga anak namin. Iniksamin na ang mga bakay ng apat na studyante, di naman sila nalason, or nilason, ni isang pasa wala ding nakita ang nag Autopsy. and still very Mysterious kung bakit nangyari sa mga studyante. " Sagot nang Principal sa Reporter.

" But Maam, mag pa-follow up din po kayo nang imbestagasyon right? for the peace of mind sa mga parents dyan na nanonood.." Tanong ulit nang Reporter.

" Yes of course, we will have a separate imbestigation. means, Our Police mens will do thier investigation and our team co-teacher and fellow parents will do a investagation as well." Sagot nang Principal.

" Thank you maam, That was Miss Alma Gonzales Principal of St. Mercy Catholic School. This is been Santana Lopez for Great New 18. " Sabi nang babaeng reporter.

" Teka Santana, diba dyan pumapasok ang Kapatid mo? " Sabi nang Cameran man.

" Oo Alex at nasa loob sya ngayon. Ay teka sandali pwde bang mauna kana sa Van? Pupuntahan ko lang ang kapatid ko sa loob, naiwan nya kasi yung Baon nya. " Sabi ni Santana.

" Oo sige na, pero bilisan mo dahil pupunta pa tayo sa next set. " Sabi ni Alex sa kaibigan. " Oo, Mabilis lang ako.. " Sagot ni Santana at nagmamadali itong pumasok sa Gate nang Skwelahan.

Habang ang kapatid naman ni Santana na si Linsey.

" Lin!!! " Tawag ni Santana sa kapatid.

" Ate, buti dumating ka.. Naiwan ko kasi yung baon ko sa bahay. " Sabi ni Linsey sa ate nya.

" Wag kang mag alala, dinala ko na. at mabuti ako yung nag cover sa nangyari sa mga school mates mo. Teka ano ba kasi nangyari dun?" Tanong ni Santana sa kapatid.

" Di po ako sure, pero sabi nang mga nakasama nung apat na studyante sa Grade 10. Isinumpa daw sila ni Father Kristoff " Sagot ni linsey.

" Sumpa? totoo ba yun in our techno-age?" Kunot noong sabi ni Santana.

" Yun sabi nila ate, mabuti pa ate total nandito kanaman. Tanungin mo si Miss Socorro. Yung Librarian namin sya kasi yung nasabi sa mga studyante dito na kagagawan daw yun nang Supernatural entity. " Sabi ni Linsey.

" Mabuti pa nga, Itetext ko muna si Alex para di yun mag alala sakin. " Sabi ni Santana pagkatapos nyang itext si Alex ay nagtungo na ito sa Library.

" Ate Hanggang dito nalnag po ako, may klase na po ako. Dumeretcho kalang po sa hall na yan dyan na yung library namin. " Sabi ni Linsey.

" Sge mag iingat ka, kita tayo sa bahay mamaya!" Sambit ni Santana at Tinahak na nya ang patungog Library. At ilang Minuto pay nakarating na sya sa Library.

Hinawakan nya agad ang Door Knob nang biglang nag bukas ang pintuan." Anak nang!! " Nagulat na sabi ni Santana.

" Anong anak ng?' sabi nang matandang Librarian sakanya. Nalaman nya agad ito dahil sa name tag na nakasukbit sa damit.

" Maam Soccoro magandang Umaga po ako nga po pala si Santana nang Great News 18. kukunan ko lang sana po kayo nang statement tungkol sa nangyari. hindi po ako police. I just want to add some stories, I mean some statement on certain people who worked here. Katulad nyo po Maam. " Kinakabahang sabi ni Santana.

" Di ko alam kung maniniwala kaba sasabihin, at baka huhusgahan moko katulad nang mga imbestigador na nagpunta dito nung isang araw. " Sabi nang matanda.

" NO maam, patas po kami! I will assure you na hindi po kita huhusgahan" sabi ni Santana at kinuha nya ang kanyang Cellphone at inihanda nya ito para irecord ang pag uusap nila ng matanda.

" Halika dito, pumasok ka sa loob. tska soutin mo muna ito. " Sabay abot nang matanda sakanya nang isang Rosaryo. Hindi nalang nagtanong ang dalaga at Isinuot nya ito.Pinaupo sya nang matanda sa isang maliit na upuan.

"Ngayon anong gusto mong malaman?" Simula ng Matanda sakanya.

" Tungkol po sa nangyari sa apat na studyante may nalalaman ka po ba doon? " Tanong ni Santana. bago sumagot ang matanda sakanyang tanong ay huminga muna ito nang malalim. " Sinabihan ko na sila, na hindi gagambalain si Father Kristoff. ngunit dahil sa kanilang kakulitan nag Gumamit pa sila nang Ouija board. Dahil Curiosity nila!" Salaysay ni Soccoro sa Dalaga.

FLASHBACK...

"Sinaway ni Socorro ang mga bata sa paglalaro nag Ouija Board.

" Ano yan? Itigil nyo yan Hindi maganda yang pinagagawa nyo! " Bulyaw ni Soccorro sa apat na styudante.

" Maam, Chill ka lang po. Susubukan lang po namin if totoo po talaga yung sabi sabi sa school. " Sabi nang babaeng studyante.

" Nako, isusumbong ko kayo sa Principal ang kukulit nyo." Sabi ni Soccorro at lumabas na ito nang silid aklatan at nagmamadaling matungo sa Silid nang Punong Guro. Habang ang mga bata naman ay sinimulan na nila ang pagtawag sa Kaluluwa ni Father Kristoff.

" Hey guys, I Think we should stop this. Kinikilabutan ako sa ginagawa nyo. Pano kung may magambala tayong ibang entities. " Sabi nang lalaking studyante.

" Carlos, umiiral nanaman kabaklaan mo! " Tukso ng isa pang lalaking studyante.

" I know that you were gay Carlos, and Alam ko na din na gusto mo si Leo. Right Miggy? " Sabi nang babaeng studyante na si Alysa.

" Halika dito Carlos, nabasa ko sa Diary mo na pinapapantasyahan moko. Well anyways, lets start ! " sabi ni Leo sabay hila kay Carlos at napilitang napaupo sa tabi nito.

" Okay ilagay nyo ang mga hintuturo nyo sa ibabaw nang pwet nang baso. "Utos ni Miggy at pagkalagay nilang apat sa kanilang hintuturo ay sinimulan na nila ang pagtawag sa kaluluwa ni father Kristoff.

" Spirit of the glass, Tinatawagan namin si Father Kristoff kung saan sinasabing nagpakamatay sa Library. Kung naririnig mo kami magparamdam ka.!" Sabi ni Alisa. At Biglang umuhip ang hangin na napakalakas. ang nasiliparan ang mga papel dahil dito.

" Guys, Lets stop this hindi na maganda ang pakiramdam ko. " Sabi ni Carlos.

" Tumahimik ka! " Sabi ni Leo at kinuha nya ang isang kamay ni Carlos, sabay pinasok nya ang kamay nito sa kanyang sout na Polo.

" Dyan hawakan mo ang katawan ko, alam kung naglalaway ka dito. " sabi ni Leo, ngunit agad namang inalis ni Carlos ang kanyang kamay.

" I Quit! Oo, aaminin kung gusto kita. Humahanga ako sayo. Ngunit kung ganito ka pala na walang modo at Bastos. ay wag nalang! " Sabi ni Carlos at tumayo ito sakanyang kina uupuan aalas na sana syang nang biglang sumigaw si Alysa.

" Alysa okay ka lang ba?" Tanong ni Leo at Miggy sa Dalaga habang si Carlos naman ay mabilis itong kinuha ang rosaryo na dala dala nya na nasakanyang bulsa.

" Alysa! " Sabi ni Carlos sabay lagay nang Rosaryo sa noo nang Dalaga.

nang mailagay nya ito sa noo nang Dalaga. ay tila napapaso ito dahil mas nagwala ito.

" Magdasal tayo..basta hawakan nyo lang si Alisa." Utos ni Carlos sa dalawa nyang lalaking kaklase.

" Hindi ko na kaya napakalakas nya. " Sabi ni Miggy. At ilang sandali pa ay tumilapon sina Miggy at Leo sa ibat ibang bahagi nang Library.

" Dyos ko, Alisa wag kang magpapakontrol sa kanya. Lumaban ka!" Sabi ni Carlos. At ngumiti lang si Alisa na tila nakakaloko sabay tawa nang napakalakas.

" Tila natatakot yata kayo? diba tinawag nyo ako?" Sabi ni Alysa na naposes na ni Father Kristoff.

" Alysa labanan mo sya.. " At itinutok ni Carlos ang Rosaryo kay Alysa at tila di na nasasaktan ang Dalaga dito. bagkus hinalikan pa nya ito. Kasabay nang kanyang sa rosaryo ay biglang nagpalit ang anyo ni Alisa at naging Pari.   tiningnan ni carlos ang kanyang dalawang kaklase na wala paring malay. Ang ginawa ni Carlos ay nagdasal muli.

" Hail Mary, full of grace! The lord is with you ! "

" Bata di ako natatablan nang mga Dasal mo! " Sabi ni Father Kristoff at tumawa ito nang napakalakas habang inikot-ikutan nya si Carlos. Ilang sandali pa ay nagbukas ang pintuan nang Library.

" Ano ba kasing ginagawa ng mga batang to! " Sigaw ni Principal Alma.

" Wag ka muna manermon, tulungan na muna natin ang mga bata!" Sabi ni Soccorro at dali dali nilang pinuntahan ang dalawang studyante na nawalan nang malay. kasunod naman ay hinarap nila si Father Kristoff.

Nag usal nang Latin na lenguahe si Principal Alma upang makausap si Father Kristoff.

" Soccorro, Ilabas muna ang mga bata!" Sabi ni Principal Alma. Ngunit bago paman maka labas ang mga bata. ay nag iwan nang isang Sumpa si Father Kristoff sa apat na studyante.

" Masusunod, ngunit papano kayo? " Pag-aalalang sabi ni Soccorro sa Punong Guro.

" Pipigilan ko sya Hanggat makakaya pa nang mga dasal ko. Kaya Sige na Iligtas muna ang mga bata!" Sigaw nang Punong Guro. At yun nga ang ginawa ni Soccorro, agad nyang inilabas ang mga studyante sa Library.

" Bumalik kayo sa inyong mga Classroom, Pero Kapag baba kayo sa Hagdan na yan...! Kelangan kayong Bumaba sa hagdan nang Patalikud. Dahil ang Lahat nang mga taong nakakita kay Father Kristoff ay namamatay. Ipapaliwanag ko sainyo Mamaya. kelangan ko munang Balikan si Principal Alma nyo. " Paalala ni Soccorro sa mga studyante sabay turo sa Hagdanan pababa nang Library.

" Maam, natatakot po ako! ayuko pang mamatay!" Sabi ni Miggy. Habang si Leo naman ay iniinda padin ang sakit nang kanyang Ulo dahil sa pagkatama nya sa mga upuan. Samantala si Alysa naman ay medyo nahihilo pa.

" Ano bang nangyayari? " Sabi ni Alysa.

" Umalis na muna kayo dito, at wag nyong kakalimutan ang sinabi ko. Magpapaliwanag ako sainyo mamaya. Alis na! " Sabi ni Soccorro at nagmamadali itong pumasok sa loob ng Library.

BACK TO PRESENT...

" At yun nga ang nagyari, Kahapon. Bigla nalang silang namatay apat sa Classrooms nila. " Sabi ni Soccorro. At kahit kinikilabotan si Santana sa ikinuwento ni Soccorro sakanya ay tinapos nya parin ang Interview.

" So maam? ibig sabihin di sila magkaklase ?" Tanong muli ni Santana.

" Oo, mag schoolmates lang sila. at tska ija, Alam kung nakikita mo ang mga ibang kaluluwa dito sa loob nang Kwarto. " Sabi ni Soccorro.

" Papano nyo po nalaman na may Third Eye ako?" Tanong ni Santana at Ngumiti lang si Soccorro.

" Anyways maam, salamat po sa inyong panahon. Aalis na po ako.. " Paalam ni Santana sa Matanda. Ngunit bigla syang hinawakan sa kanyang Braso.

" Mag iingat ka! " Sabi ng matanda.

" B-bakit po?" Gulat na sabi ni Santana.

" Sa kakayahan mong yan, Yan ang magiging dahilan ng inyong kasawian." Babala ni Soccorro sakanya.

" Aalis na ho ako..salamat po!" Sabi ni Santana at nagmamadali itong lumabas nang Library. Samantala sina Dennis, Marife, Lance, Denise at Zandro ay dumating na sa lugar kung saan nangyari ang misteryusong namatay ang apat na studyante.

" Dapat ba talaga tayo magpunta dito? eh kung ang mga police na ang bahala sa imbestigasyon. baka foul play ang nangyari." Sabi ni Zandro.

" Wala naman sigurong manyayari kung titingnan lang natin dito. isa pa Kelangan din nating mahanap ang mga diwata na pinag iwanan ni Jenna. " Sabi ni Denise.

" Oo nga may point si Denise, Eh kung may foul play talaga or kagagawan lang sya nang isang accidente. and we find out na walang kinalaman ang mga supernatural entities. Babalik agad tayo sa headquaters. " Sabi ni Marife.

" Teka ate fe, diba ito yung kalaban nating Paaralan nung nakaraang Palarong pambansa. ?" Sabi ni Dennis.

" Ay oo nga no? " Sagot ni Marife.

" So anong gagawin natin dito? " tanong ulit ni zandro.

" Syempre, papasok tayo sa school na yan. bilang Seniors !" Sabi ni Marife.

" Papano? Enrollment paba ? eh nasa half month na yata ate fe.." Sabi ni Dennis.

" Si Denise na ang bahala dyan." Sabi ni Marife.

" Hindi ako hacker just to clarify. pero may alam lang ako sa mga computers." Sabi ni Denise. At ilang oras pa ay enrolled na silang Lima.

"Ayan tapos na.." Sabi ni Denise.

" Bakit nasayo yang laptop ni sir Cloud? " Tanong ni Zandro.

" Kasi nga Ganun kami oh!" sabi ni Denise sabay senyas na Close sila.

" Mabuti kumain na muna tayo, dahil nagugutom nako.." Sabi ni Lance.

" Ako rin.." Sabi ni Dennis.

" Okay, sge na pumasok na kayo sa Van at maghahanap tayo nang makakainan dito." Sabi ni Marife nang bubuksan na sana nya ang pintuan nang van. aksidente nyang matamaan sa ulo si Santana at nahulog pa ang sout nyang ID.

"Aray ko! ano ba di ka nag iingat!" Sabi ni Santana.

" Naku! pasensya na miss di kasi kita napansin. " sabay kuha nang ID ni santana at iniabot nya ito sa dalaga.

" Sorry talaga Sissy, Marife nga pala!" Pakilala ni Marife.

" S-Santana ng Great new18. Okay lang yun Sis. " Sagot ni Santana.

" Ah miss Satana, pwde po bang magtanong? ako nga po pala si Dennis. sila naman mga kasama ko. sina Zee, Denise at Lance. " Pakilala ni Dennis sa kasama.

" Hi sainyo! " Bati ni Santana.

" Ate saan po ba ang malapit na kainan na may masarap na pagkain?" tanong ni Dennis." Ay kainan ba. nako mabuti pa sundan nyo nalang kami nang kasama ko kakain na din kami ngayon. Im sure mabubusog kayo dun. " sabi ni Santana sabay turo sa maliit na van nang kanilang Tv network.

" Malayo ba sya dito?" Tanong ni Lance.

" Hindi malapit lang. basta sundan nyo nalang kami okay?" Ngiting sabi ni Santana at nagmamadali na itong nagtungo sa kanilang sasakyan.

Abangan ulit ang Karugtung mga mahal, and I'm so sorry sa di ko naimentioned sguro sa next chapter na po. medyo mahaba na kasi. Enjoy reading guys and Don't forget to Vote. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top