CHAPTER 09
" Ang pagtatagpo nang mga Sugo "
Maraming Salamat pag aantay mga mahal, Super busy ako a few weeks ago. Sorry nang bongels. Well anyways medyo hinabaan ko naman ang Kabanatang ito. So enjoy Don't forget to Vote.
ANG NAKARAAN :
Nagkakilala na sina Dennis, Marife, Denise at Zandro. Ikinuwento lahat nina Marife at Denise kina Zandro at Denise ang lahat. Habang si Lance naman ay kakarating lang nang maynila kasama ang kuya ernesto nya.
ANG KARUGTUNG :
"Nandito na tayo kina Roxie Lance, sandali at mag dodoor bell ako.." Sabi ni Kuya ernesto kay Lance.
Nang tumunog ang door bell sa ikalawang pagkakataon. dun pa nag bukas ang malaking gate para sakanila.
" Sino ho sila?" tanong nang isang matandang babae na may hawak na walis tambo. " Manang narito na po yung kaibigan ni Miss Roxie Del pilar. Si lance " Sagot ni kuya Enersto sa matanda.
" Ay sandali. tatawagin ko lang sya.." Sabi ng matanda at nagmamadali itong pumasok sa Loob nang malaking bahay.
" Ah kuya, ang yaman na pala nila Roxie ano?"Sabi ni Lance.
" Oo nga, pero ganun pa din naman sila minsan nga sinusundo pa ako nang driver nila pag birthday nang tatay nya." Kwento ni kuya ernesto kay lance at pagkalipas nang ilang minuto ay lumabas na ang matanda kasama ang amo nyang babae.
" Oh my gee, ikaw na ba yan Lance? Manang bakit nyo pinag-antay sila kuya ernesto sa labas. Pumasok na ho kayo kuya." Anyaya ni Roxie kay kuya ernesto.
" Hindi na ija, dederetso nako sa Ospital dahil dun ko nalang daw kikitain si Papa mo. " Sabi ni Kuya Ernesto.
" Okay po, teka kuya ernesto yung biko nasaan na?" Tanong ni Roxie.
" Ay oo nga pala nasakin yung pinapadala ni lola na biko. " Sabi ni Lance sabay abot kay Roxie. " my god namiss ko talaga to.. halika pasok kana dito. magiingat po kayo kuya ernesto." Sabi nang dalaga.
Samantala sina Dennis, Marife, Zandro at Denise naman ay masaya at medyo kabado sa kanilang nalaman.
" So pano ba yan? kung tayo nga yung Reincarnation nila so galingan nalang natin." Sabi ni Zandro sabay tapik sa Balikat ni Dennis.
" Oo nga, pero di ko kapa alam kung papano papalabasin ang Powers ko. " Sabi ni Denise." Hayaan nyo bukas na bukas pupuntahan natin si Kathleya. upang malaman natin kung papano natin magagamit ang ating mga kapangyarihan. " Sabi ni Dennis.
" Cool but medyo late na din sguro umuwi na muna tayo at doon nalang tayo sa Bus terminal magkikita kita.." Sabi ni Zandro.
" No need na pare, kasi magteteleport tayo doon. pero sa ngayon magpahinga na muna tayo. " Sabi ni Dennis.
" Talaga? ang galing.. pwde mo ba akong eteleport deretchu sa bahay. " Sabi ni Denise sabay tawa nang malakas.
" hindi joke lang, sge na kasi aabutan nako nang Curfew ko. " Sabi ni Denise.
Habang sa Aydendril..
" Mahal na reyna, hindi po ako naniniwala na patay na sina Jenna, Katalina,Tyler, Jake at Theo. " Sambit ni Lola Miele.
" Miele, Hindi sila immortal.. Oo may dugong Diwata nga ang magkapatid na Adonis. ngunit simula nung humiling si Jenna sa Libro, Sinali sa hilig ni Jenna ang pagiging Mortal nila. " Sagot ng reyna.
" Nakakalungkot naman.. " Sambit ni Lola Miele.
" Hayaan mo, nararamdaman kung malapit nang mabuo ang mga Sugo.." Sabi ng Reyna.
" Kung ganun mahal na reyna anong maari nating maitulong sa kanila?" Tanong ni Lola Miele.
" Magiging gabay tayo, katulad nang ginawa nang mga diwata saamin noon. " Sagot nang reyna.
" Tungkol sa mga diwata mahal na reyna, bakit di ko nararamdaman ang mga presensya nila di katulad noon?" tanong ni lola miele.
" Dahil isa din ito sa kanilang pangako kay bathala noon pagkatapos nang Labanan kay Sitan. " Salaysay ng reyna.
Kinabukasan, nag kita kita silang apat sa isang Terminal nang Bus.
" Akala ko ba mag teteleport lang tayo papunta doon.? " Bulong ni Denise kay Marife.
" Mamaya, I'm sure masaya to.." Sagot ni Marife at nag apir lang ang dalawa.
" So ready naba kayo?" Sabi ni Dennis.
" Teka Den? sanay kana bang gumamit sa laho laho effect na yan?" Tanong ni Marife.
" Susubukan ko ate fe, pero doon muna tayo sa may puno wag dito. " Sabi ni Dennis.
" Teka Denise bat ang dami mong Gamit na dala? " Tanong ni Zandro.
" Nako wag ka ngang epal.." Sagot ni Denise at inisnob lang si Zandro.
" Uy beshy, LQ ba kayo? " Tanong ni Marife.
" Kami LQ? Hindi no?" Sabay sabi nilang Dalawa.
Habang si Lance naman ay maagang nagising, dahil na rin sguro sa di sya sanay sa kanyang tinutulugan.
" Malambot naman yung Kama ko. May aircon pa nga pero bakit di ako makatulog nang maayos? Marahil namamahay lang ako.. ?" Sabi ni Lance sa kanyang Sarili.
" teka anong oras na ba?" Nang tingnan nya ang kanyang orasan ay eksakto alas 3 na nang Madaling araw. nang lingunin nya ang kaliwang bahagi nang kanyang kama ay may nakita syang isang babaeng naka puti at mahaba ang buhok.
" Nako, pasensya na ate kung nanakot ka sakin di na po ako takot. dahil sa probinsya namin ibat-ibang elemento na ang nakikita ko. " Sabi ni Lance sa white lady na nasa loob nang kanyang Kwarto. At unti-unti itong Humarap sakanya At Duguan ang mukha.
" Ate di ko kayo matutulungang tumawid. pasensya na.." Sabi ni Lance at bumangon na sa kama nya at lumabas nang kwarto. Pagkabukas nya nang pintuan ay marami syang nakitang Ligaw na kaluluwa. bata, at matanda humihingi ito nang tulong sa kanya. Ngunit di nya lang ito pinansin bagkus ay dumeretchu nalang sya sa may Kusina upang magluto nang agahan. Ilang sandali pa ay nagising na din kasambahay nina Roxie na si Manang Lisa.
" iho anong ginagawa mo? " Tanong manang Lisa.
" Di po kasi ako makatulog. tska para makabawi na din sa kabaitan ni Miss Roxie.." Di pa natapos ang sasabihin ni Lance ay sumabat na si Manang lisa.
" Nako iho, Bisita ka dito tsaka isa pa.. kabilin-bilinan nina sir at maam. na alagaan ka namin dito. sge na bumalik kana sa kwarto mo, magpahinga kana muna. " Sabi ni Manang Lisa." Pero aling lisa.. gusto ko pong tumulong sainyo.." Sabi ni Lance.
" Sge na nga, sabagay tulog panaman yung ibang kasambahay ko.. Tulungan mo nalang ako dito." Sabi ni Manang lisa. agad namang nagkapalagayan nang loob sina Manang lisa at Lance. Dahil namimiss ni manang lisa ang anak nya sa probinsya.
" Manang Lisa, pwde nyo po akong maging anak. or iadopt nyo po ako hahhaa." Biro ni lance sa matanda."Nako loko-loko ka talaga bata ka.." Sambit ni manang lisa.
Ilang sandali pa ay Bumaba na ang mag asawa galing sa kanilang kwarto kasama si Roxie." Wow manang ang bango naman.. masisira nanaman ang diet ko nito. " Masayang sabi nang among babae ni manang lisa.
" Nako maam umupo na po kayo dito. " Sabi ni Manang Lisa.
" Nako manang mapaparami nanaman kain ko dito.. " Sabi nang amo nyang Lalaki." Umupo na din kayo sir, at miss Roxie." Sabi ni manang Lisa.
" Nako manang ginalingan nyo nanaman ang pagluluto. " Sambit ni Roxie sabay upo sa kanyang upuan kung saan sya palaging pumupwesto.
" Nako maam hindi po ako nag luto sa mga yan si lance po.." Sabi ni Manang Lisa.
" ay sya nga pala manang umupo na ho kayo dito. sumabay na kayo saamin.. " anyaya nang babaeng amo.
" Nako maam, sabay nalang kami ni Lance." sagot ni manang lisa.
" Nako mama, sge na sabayan nyo kami.. Di naman po kayo iba saamin. mas masaya kaya pag marami ang kumakain. tsaka na saan na ba si Lance?" Tanong nang among lalaki ni manang Lisa.
" Sandali hahanapin ko lang po.. " sabi ni manang lisa at agad nyang hinanap si Lance sa boung bahay. at nakita nya ito sa labas nag didilig nang mga halaman.
" Nako bata ka anong ginagawa mo? hinahanap ka nila sir at maam. Halika kana.." Saway ni Manang lisa at mabilisan nilang tinungo ang Lamesa.
" Mabuti naman at nandito kana iho, Umupo ka katabi ni Roxie at ikaw manang dito kana sa upuan ni mommy. Total magkasing edad naman kayo ni mommy." Sambit nang lalaking amo ni Manang lisa.
" Si sir talaga.. " Natatawang sabi ni Manang Lisa.
" Sge na kumain na tayo masama pag pinag aantay ang pagkain. " Sabi nang babaeng amo.
" teka Lance bakit ikaw nag luto? tsaka di ka Katulong dito ha? bisita ka okay?" Sabi ni Roxie.
" Nako pasensya na po kayo di lang po kasi ako sanay nang walang ginagawa." Sabi ni Lance.
" Naiintindihan namin, pero hayaan mo naman kami na makabawi man lang sa ginawa mong Pagligtas saamin noon. " Sabi nang babaeng amo ni Manang lisa.
" Oo nga kakababata, kung di dahil sayo malamang patay na kami.. Kaya kahit ganito man lang makabawi kami sayo." Dagdag na sabi ni Roxie.
Balik kina Dennis, Marife, Zandro at Denise..
" Nandito na tayo.." Sabi ni Dennis sabay turo sa maliit na kubo. Di nila alam na nasa likuran lang pala nila si Kathleya.
" Anong ginagawa nyo dito Guys?" Sabi ni Kathleya na ginaya ang boses ni Rufa mae. At yun naman ang dahilan nang kanilang pagkagulat.
" Jusko, bat pabigla-bigla kang sumusulpot dyan?" Gulat na sabi ni Marife.
" Pasensya naman kasi, Teka anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Kathleya.
" nandito kami..." Di natapos ang sasabihin ni Dennis nang biglang magsalita si Kathleya.
" Pumasok na muna kayo sa bahay. " Sabi ni Kathleya at sumunod naman silang apat.
At nang makapasok na sila ay katulad noong unang pagpasok nina Marife at Dennis ay namangha din sina Zandro at Denise nang makita nila ang loob nang Kubo.
" Kung titingnan mo sa labas ay parang isang normal na kubo lang pero pag pasok kasing laki nang isang mansyon? papano mo ito nagawa sis? papaturo ako kasi gagawin ko to sa kwarto ko.." Sabi ni Denise habang naka tingala sa magandang desinyo nang bahay." That's what we called, A little bit of magic" sagot ni Kathleya.
" Mahal na babaylan, kasama napo namin ni ate fe silang dalawa ang nagtataglay ng elemento nang tubig at apoy." Pagkasabi ni Dennis ng mga salitang yun ay biglang nagliwanag ang kanilang mga palad at lumabas sa kanilang mga palad ang simbolo." Anong nangyayari? " gulat na tanong ni Zandro.
" Yan ang mga simbolo nang apat na elemento na ibinigay nang Goddess na si Gaia. " Paliwanag ni kathleya sakanila, samantala si Lance naman ay nagulat sakanyang natunghayan.
" anong nangyayari sa kamay mo lance? " Tanong ni Roxie sa kanya nang biglang umilaw ang kanyang kamay at lumabas ang simbolo sa kanyang palad.
" hindi ko alam. " Sagot ni Lance at ang kanyang kwentas ay nag ilaw nang napakaliwanag. " Malamang yan ang sinasabi ni lola sayo. " Sabi ni Roxie.
" Malapit ko na silang makita nararamdaman ko ang bawat elemento. " Sabi ni Lance at biglang lumakas ang hangin sa paligid.
" Nararamdaman kung malapit lang sila... " Sabi ni Lance.
Balik kina Dennis, Marife, Zandro at Denise.
" naikwento mo na ba sakanila na Apat kayong sasabak sa pagsasanay?" Tanong ni Kathleya." Opo.." Sagot ni Dennis.
" Wag nyo na akong E'po kasi mag kasing edad lang tayo Kakaloka. Well anyways, Hindi ako mag sasanay sainyo. Kundi ang mga isa sa mga natitirang tumalo noon sa ama ni Alpeydous." Sabi ni Kathleya.
" Talaga? sina Mia, Alpia, At Raven ba ito? " Hula ni Dennis.
" Pano mo sila nakilala? Ni minsan di ko iyon naikwento sayo.?" tanong ni Kathleya.
" Nabasa ko sa Aklatan nang Aydendril. " Sagot ni Dennis.
" Kung ganun Doon magaganap ang inyong pagsasanay! Naririnig mo ba ako babe?" Tawag ni Kathleya sa lalaking nakatalikod at namangha sa kanyang nakita.
" Si-sino kayo? At nasaan ako?" Agarang tanong ng Lalaki sakanilang anim.
" Siya ang pang anim na Myembro sainyong Grupo. Maligayang pagdating Nephilim.. " Sabi ni Kathleya sabay ngiti. Kahit nagulat man si Lance sa mga nangyari ay napangiti nalang ito at kumaway.
Samantala sa Hokaido, Japan Kung saan nakatira si Alpia.
Binago na ni Alpia ang kanyang pangalan upang di mahalata nang mga taga doon.
" ohayo gozaimasu binibining Aica." Bati nang isang lalaki kay Alpia habang nasa loob sya nang kanyang Opisina. Nang lingunin nya ito..
" Re-rayven? ikaw na ba yan?" Naiiyak na tanong ni Aica (Alpia.)
" Yes mom. pero di na raven name ko, nag change nako. Just like yours. Zhang Wei na ang pangalan ko ngayon. Kamusta kana mom?" Tanong Ulit ni Zhang Wei (Raven)
" Aayus naman, Akala ko nakalimutan muna ako.. Nung last nag kita tayo nung inilibing na si Jenna. nakakalungkot man ang mga nangyari sa kanila. Well kumain kana ba? baka jetlog kapa sa byahe." Sabi ni Aica (Alpia.) kay Zhang Wei(Raven).
" Nako mom, ayus lang ako gumamit lang naman ako nang konting Magic. Sya nga pala narecieve mo ba yung Message ni Pamangkin ?" Sabi ni Zhang Wei.
" A-anong message?" Naguguluhang sabi ni Aica.
" Nako nag message sakin si Kathleya, nahanap na niya ang mga reincarnated people."Sabi ni Zhang Wei.
" So alam naba ito ni Jessel?" Tanong ni Aica.
" Yes mom, naikwento na din ni Kathleya sakin yan. Babalik tayo sa Aydendril upang mag bigay nang pagsasanay sa bagong bayani. " Sabi ni Zhang Wei.
" Opps? Training ba ang narinig ko?" Sabi nang Pamilyar na boses sa dalawa." Ate Mia?" Tanong ni Zhang Wei.
" Yes wala nang iba, tska nakakaloka Mahal na reyna Alpia. ang hirap mag hanap nang Di namumulaklak na puno dito sa Japan. Palaging Banned ako sa Cherryblossom di ako makadaan. Well anyways. May nahanap naman ako. so Ano na? Balik ulit sa Adventure?" Sabi ni Mia.
" May Short cut akong alam... Sumunod kayo.." Sabi ni Aica.
" Pero papano tung business mo?" Tanong ni Mia.
" Iiwan ko ulit sa kadugo ni Gloria." Sagot ni Aica at nagsalita sya sa isang maliit na mic sa kanyang Table.
" Mae, ima watashi no ofisu ni susumu yō ni aira ni ii nasai.(Mae, Can you please tell Aira to proceed on my Office now.) " Sabi ni Aica. at may boses namang sumagot.
" Hai, okusan "
" Nagka-anak kasi si gloria dito.at alam nya kung sino talaga ako.. katulad nang nanay nya napakabait na bata. " Paliwanag ni Aica.
" Kung Ganun, Tayo na.. " Sabi ni Zhang Wei.
" Hastag Excited Much..." Dagdag na sabi ni mia.
" bakit alam mo ang mga ganyang salita Mia. nakiki milenyal kana din?" sabi ni Aica. At tumawa lang silang tatlo.
Abangan muli ang Karugtung nang Kwento mga mahal salamat sa pag basa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top