CHAPTER 08

ANG NEPHILIM (Lance Park P.O.V. )

Hi mga mahal pasensya na ulet kung medyo super tagal kung mag update as I promise po every friday ako mag uupdate or every end of the week. but due to my busy sched. medyo super late talaga but anyways. I will do my very best na mag update every end of the week para po sainyo. 

ANG NAKARAAN :

Nagkakita-kita na sina Dennis, Marife, Denise at Zandro. Kahit medyo nagulo ang mga pangyayari. ay naging maayos naman. Habang si Doc Lawrence naman ay patuloy padin nyang sinabihan ang kanyang mga kalahi tungkol sa pangu-nguha nang bangkay sa morgue.
At ngayon Kilalanin naman natin ang Ika Limang tauhan nang ating Kwento na si Lance. 

ANG KARUGTUNG :

Sa isang madilim na Eskinita tumatakbo ang isang babae at isang batang lalaki.

" Lance anak, tumakbo kanaaaahh!!!" Sigaw nang kanyang ina.

" Mamaaaa!!! Mamaa!!!" Sigaw naman ni Lance sakanyang mama habang walang takot itong hinarap ang tatlong naka hood nang itim. 

" Dadaan muna kayo sa bangkay ko. bago nyo makuha ang aking anak! " Matapang na banta nang kanyang ina sa mga humahabol sakanila. 

" Mama halika na please.." umiiyak na sabi ni Lance sa kanyang mama.

" Hindi ako papayag na makuha nyo ang anak ko." May kinuha sa Bulsa ang kanyang mama.
" Anong gagawin mo Angela? " Sabi nang isang nakahood. 

" Ang kwentas nang Langit bakit nasayo yan?" Tanong nang isa pa. 

" Umatras kayo kung ayaw nyong sumabog tayong apat dito." Banta nang kanyang ina. 

" Angela. Hindi mo kayang gawin yan sa kauri mo. alam mong masama yang gagawin mo. " sabi nang isang nakahood na Boses babae.

" Wala akong pakialam! Alam nang dyos kung gaano ako kasaya dito sa mundong ito. ngunit bakit nyo kinuha saakin ang mahal ko. Hindi na ako babalik doon. nangako ka sakin Apollonia. na di mo kami ipagkakalulong ni Miguel. Ngunit bakit? " Umiiyak na sabi ng mama ni Lance. at hinubad naman nang babaeng nag-ngangalang Apolonia ang kanyang hood.

" Angela Di ka namin sasaktan sumama kana!" Sabi ni Apolonia.

" Mama! " lalapit sana si Lance sa kanyang mama ngunit biglang pinigilan si Lance nang isang malakas na enerhiya na gawa nang kanyang mama.

" Wag kang lalapit.. tumakbo ka bilis." Sabi nang kanyang mama. at binulungan ng dasal ang kwentas. Pagkatapos nun ay Paatras nang paatras ang tatlo.

" Angela, wag mong gagawin yan. please.." Sabi ni Apolonia. at biglang inihagis ng mama ni Lance ang kwentas mula sa itaas isang malakas na pagsabog ang nangyari. Hindi na nakita ni Lance ang buong nangyari dahil na walan sya nang malay nung nangyari yun.

"Waaaaaggggggg!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ni Lance.

" Iho gising, nanaginip ka nanaman nang masama. " Sabi nang matandang babae na ginigising si Lance.

"Lola, bakit ba kasi ako iniwan ni mama? ano ba kasi ang pagsabog na yun. namatay na ba sila?" Tanong ni Lance.

" Nako wag munang isipin yun, ang importante buhay ka at kung nasaan man mama mo ngayon alam kung masaya sya dahil pinalaki ka nyang mabuting tao. heto tubig uminom ka muna." Sabi ng matanda.

" Salamat Lola Julia. " sabay kuha sa isang basong tubig na inabot sakanya ng kanyang lola.

" Alam mo kasi Ijo, ganyan talaga ang buhay nang isang Nephilim. " Sabi nang kanyang Lola.
" Lola ano po ba ang nephilim ?" Tanong ni Lance. 

" Tanungin natin si Kathleya..." Sabi ni lola Julia. 

" S-sino si Kathelya Lola?" Tanong ni Lance.
.

.

.

.

.

.

* Kathrivia *

" Welcome mga Kathrivia, my name is Kathleya at welcome sa aking segment na tatawagin nating...
KATHRIVIA!!!!
Alam nyo ba, ang Nephilim, sinasabi nilang na may mga anghel ang bumaba dito sa lupa at nanirihan nang parang isang normal na tao din. May mga chismis din. dahil nga sa matagal silang namalagi dito sa mundo natin. yung iba nagkaroon na nang jowa at pamilya. So ibig sabihin. Matatawag kang Nephilim kung ang isa sa mga magulang mo ay anghel. Wether yung tatay yung anghel at nanay yung mortal na tao. at yung anak nila ay matatawag na Nephilim. And sad to say wala akong ibang nakalap na chismis tungkol dyan. KATHLEYA ADONIS out!" 

" Ay nako kung Nephilim kaman o hindi. pero alam kung proud na proud mama mo at papa mo ngayon. Mabuti pa matulog ka muna alas 3 palang nang umaga. " Sabi nang lola nya.

" Sge Lola. pero, Buksan nyo nalang po yung pintuan at Ilaw baka kasi bangungutin nanaman ako. " Sabi ni Lance.

" Hay jusko kay laki muna natatakot ka padin. hala sge, iiwan ko nalang na naka bukas yung Ilaw at itong pintuan basta matulog kana ulit." Sabi nang lola nya at umalis na ito sa kwarto nya. 

Kinaumagahan, nagmamadaling pumasok sa loob nang bahay si Lola Julia. 

" Lola bakit kayo tumatakbo baka tataas nanaman altapresyon nyo. " Sabi ni Lance habang inihahanda nya ang kanilang pang agahan ni lola julia.

" Nako Ijo, may nabalitaan ako sa bayan. ewan ko kung maniniwala ka ba don. " Hinihingal na sabi ni Lola Julia.
" Ano ba kasi yun lola? heto umupo kana nga muna. ano ba kasi ang nangyari,?" nagaalalang sabi ni lance.

" Ah apo, pahingeng tubig medyo sumisikip yung dibdib ko." sabi ni Lola Julia.

ilang sandali pa ay may tumawag naman kay lola julia mula sa labas nang bahay nila.

" Eh kasi nga, sabi sa balita yung isang eskwelahan sa syudad sinalakay daw nang alien? at pakiware ko di alien yun. kundi anong klaseng nilalang. nakita ko kasi sa Tv ni martha. tapos yung kakaibang Ipo-ipo na malapit na mall. at bigla nitong paglaho. Alam kung magulo ang kwento ko. Pero alam ko na may kinalaman ito sa sinasabi nang nanay mo saakin noon na. darating ang araw na ikaw ang magiging gabay sa mga bagong sugo. " Sabi ni Lola julia. nang may pumasok.

" Anong sugo lola?" tanong nang babae. 

"Eh ikaw pala Apriel Rose, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Lance sa kanyang kaibigan. 

" Pasensya na kanina pa kasi akong tumatawag sa cellphone mo lance at kanina wala namang sumasagot nung tinawag ko kayo ni lola sa labas nang bahay nyo. since bukas naman ang pintuan ay pumasok nako. Sya nga pala may halamang gamot na ipinabibigay si Lola sainyo po lola Julia." Paliwanang nang dalaga at inilapag nya sa sahig ang isang bayong nang mga halamang gamot.

"Salamat ija, paki kamusta mo nalang ako kay Senyang. mamayang hapon bibisita ako sainyo. " Sabi ni Lola julia.

"Walang anuman po yun lola. pero hindi sa nangi-ngi alam ko maari ko po bang malaman kung bakit nyo pinag uusapan ang tungkol sa mga Sugo?" Tanong ni Apriel Rose.
" Wala yun ija." Sabi ni lola Julia.

" Hindi ikinuwenta lang ni Lola julia sakin ang tungkol sa mga sugo. dahil paborito ko kasi yung kwento. " Palusot ni Lance.

" Lance, pano kung dadating ang araw na mangyayari yung sinasabi nang mama mo sayo? babalik ang mga sugo ?" Tanong ni Apriel Rose.

" Edi susundin ko kung ano ang nakatakda sakin. " Sagot ni Lance. 

" And sa palagay ko lance, parang ngayon na yun mangyayari. nag Friendlybook ako at kalat na sa social media ang mga nangayari sa ibat ibang bahagi nang pilipinas. ang pagsalakay nang mga kakaibang nilalang sa isang skwelahan. at ang ipo-ipo sa labas nang mall? sa pag kaaalala ko yun ang mga signus na sinabi saamin ng nanay mo. lance. " Sabi ni apriel rose.

" Yun nga pinag uusapan namin iha, tungkol sa dalawang signus. " Sambit naman ni lola julia.
" kung ganun matutulungan ko kayo dyan lola. papuntang maynila si Kuya ernesto bukas maari kang sumabay Lance. " Sabi ni Apriel Rose.

 

" at sya nga pala, ipinabibigay din ito ni lola para sayo lance." Dagdag na sabi ni Apriel rose sabay binuksan nya ang kanyang maliit na Kalupi. at mula doon inilabas nya ang isang Pamilyar na bagay.

" Pano mo nakuha yan? diba ibinigay ko yan sayo lola?" gulat na sabi ni Lance. 

" ah apo. ibinigay ko sa lola ni apriel yang kwentas nang nanay mo. naalala mo? nung inihagis nang nanay mo yan. pagkatapos nung pagsabog yan nalang ang natira sa lugar na pinangyarihan nang pagsabog. pinaayos ko kay Senyang yang kwentas nang nanay mo. at oras na para ikaw naman ang mangangalaga sa kwentas na yan. " Paliwanang ni lola Julia at sinuot nya ito kay lance. 

" Ikaw ay isang nephilim, alamin mo kung anong misyon mo.. alam kung kaya mo yan apo." Dagdag na sabi ni Lola Julia.

" Pero lola, kakayanin ko bang tulungan sila eh ni minsan di ko sila nakita o kilala. " Sabi ni Lance. 

" Wag kang mag aalala, gamiton mo ang natural mong kapangyarihan. " Sagot ni Lola Julia at biglang nag liwanag ang kwentas na sout ni lance at sa di malaman na kadahilanan bigla syang nakakita nang mga mukha at lugar sa kanyang isipan kahit magulo. ang sinasabi nang mga imahe ay alam na nyang sila na ang hinahanap nyang mga Sugo.

" Anong nakikita mo lance?" tanong ni Apriel Rose. 

" Mga simbolo, mga mukha nang apat na tao. mukhang sila yata ang mga sugo. Dahil sa simbolo na nasa kanilang mga palad. " Sabi ni Lance kahit naguguluhan sa bago nyang natuklasang kapangyarihan.

" Bukas lance, sumama ka kay kuya ernesto. at wag kang mag-aalala kinausap ko na sa friendsbook yung kababata nating si Roxie. na pansamantala kang patirahin sa kanila. Naalala mo ba, na tutulungan ka namin na matupad ang iyong misyon. Basta mag -iingat dun sa manila. at wag kang maalala, ako nang bahala kay Lola Julia dito. aaraw-arawin ko syang bibisitahin dito. para di sya malungkot ayus lang po ba sainyo yun lola?" Sabi ni Apriel sabay kindat kay Lola Julia.

" Oo naman iha, isama mo na din si myla dito para may ka kwentuhan ako. " Sabi ni lola julia.

" Oo naman lola, syempre tropa kaya tayong apat ni lola Senyang. " Sagot ni Apriel at sabay sabay silang nagyakap na tatlo.

" Bumalik ka samin nang kompleto pa ang kamay at paa mo okay?" biro ni Apriel at ngumiti lang si Lance bilang tugon nito.   



Salamat sainyong pagbasa till next time... salamat sa mga bomoto. ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top