CHAPTER 06
" Ang muling pagbukas nang Aydendril at Ang BalBal PART I "
Marami pong salamat sainyung pag antay mga mahal, and sorry ngayon lang ako nakapag update. Kasi medyo Busy lang sa work. Di ako makasingit sa Sched ko. But anyhow, Sguro every weekend or Friday nako mag aapdeyt sa Story ko. madami na akong narereceive na Pm galing sainyo kung when ako mag aapdeyt sorry po. and This time hahabaan ko na yung story each chapter para sulit naman ang pag aantay nyo. Well anyways di ko na papatagalin. Ito na ang karugtung . Wag kalimutang bomoto by simply press the star button and Comment kayo para sa next chapter ma shout-out ko kayo. salamat mga mahal sa pag antay and pagtangkilik.
ANG NAKARAAN :
Nakilala na nina Denise at Zandro ang isat-isa, Ngunit sino naman ang mahiwagang boses ang tumulong kay Denise upang mahintuin ang malaking delubyo na gawa ni Zandro.
Before we star, dont forget to Hit the star button to vote and para lagi kayong updated sa mga new stories ko. Just simply follow me on my account. para ma mentioned ko naman kayo sa next Chapter, specially yung mga avid readers ko. di bumitiw hanggang sa huli. Maraming salamat po. Well di ko na papatagalin pa. Let's start and enjoy mga mahal.
ANG KARUGTUNG :
"Maligayang pagdating sa Aydendril Inang Reyna.." Bati nang isang babae na nakaputi kay Lola Miele.
" Maraming Salamat, nandyan ba ang reyna?" Tanong ni Lola miele, habang kasama naman nya ang kanyang apo na si Dennis. Habang sa gawing kanan naman ay si Lolo alponso kasama si Marife.
" Opo mahal na reyna, nasa silid tanggapan ang reyna. kung gusto nyo, pupuntahan ko sya ngayon din. tyak na matutuwa yun pagnalaman nya ang inyung pagdating." sabi ng babae.
" Wag na Lumen, kami nalang nang kapatid ko ang papasok. sya nga pala kasama ko ang aming mga apo." Pakilala ni Lola Miele.
" Sge po dito ang daan.." Sagot ni Lumen sabay turo sa isang daanan papasok nang kastilyo.
" Lola maitanong ko lang po? Matalik ba kayong magkaibigan nang reyna nang aydendril?" Tanong ni Marife.
" Mahabang kwento iha, pero palagay ko alam nya na nandito ako. " Sabi ni Lola Miele at Tinahak nila ang isang maliit na daan papasok sa palasyo.
Samantala, Nagmamadaling Nagtungo si Denise sa Kwarto ni Zandro upang Tingnan kung gising naba sya.
" Hello, Yes sir may dinaanan lang po ako sa ospital yung Lalaki na naikwento ni Anya. Opo sorry sir. " Sabi ni Denise sa telepono habang kausap nya ang kanyang Boss. Pagkatapos nang kanilang pag uusap agad nagmamadaling pumunta si Denise sa kwarto ni Zandro. Walang ilang minuto ay nakarating sya doon.
" Wait kakatok ba ako? O papasok bigla?" Natigilan si Denise nang makaramdam nang kakaiba sa kanyang paligid. Hahawakan na sana nya ang Door Knob. nang biglang magsalita si Zandro mula sa kanyang likuran.
" Anong ginagawa mo dito? "
" Hesus ko maryusep nandyan ka pala? teka bat wala kang pang itaas na ang lamig nang aircon sa ospital pumasok ka sa loob nang room mo." Sabay hila ni Denise sa binata habang si Zandro naman ay bumabalikwas sa pagkakatulak ni Denise.
" Teka may damit pala ako nang kuya ko dito, dinalhan kita alam kung wala kang dalang damit na pampalit. " Sabay bukas sa dala nyang bag at inabot nya ito sa binata ang iilang damit na panlalaki. kinuha naman ito ni zandro.
"Salamat " Sagot ni Zandro.
" Teka, yan yung pantalon na sout mo last time. di pa yan nalalabhan bat mo sinout? May shorts din pala ako dito. Sandali nandito lang yun. " At hinalukay ulit ni Denise ang kanyang bag.
" Ito isout mo. tsaka, pag nakalabas kana isauli mo nalang sakin yan. okay ? " Sabi ni Denise sabay tingin kay Zandro nang mapansin nyang nakatitig si zandro sa kanya.
" Ba-bakit? " Tanong ni Denise.
" Papano ako magbibihis kung nandyan ka? lumabas ka!" Supladong sabi ni Zandro sakanya habang nakasimangot.
" Ay sorry, hehe pasensya. " at agad naman nyang binuksan ang pintu at nagmamadaling
lumabas.
Habang nagbibihis si Zandro.
" Parang Pamilyar saakin ang babaeng yun? saan ko nga ba sya nakita?" Tanong ni Zandro sa kanyang sarili. Ilang minuto pa ay kumatok si Denise upang tingnan kung tapos na ba syang magbihis.
" hindi pa! Umalis kana!!" Sigaw ni Zandro.
" Hala bat ang sungit nang lalaking yun. Sabagay ganun talaga yung mga Pogi, Mga masusungit " Sabi ni Denise sa kanyang sarili at papalabas na sana sya nang biglang may makasalubong syang isang nurse. parang balisa ito. hanggang sa nabunggo sya nito.
" Pasensya na miss di kita napansin" sabi nang nurse sakanya. At mas lumakas pa kanyang nararamdaman na may hindi tama.
" It's okay ayus ka lang ba? bat parang may tinatakbuhan ka?" Tanong ni Denise sa babaeng nurse." Hindi ka maniniwala may halimaw sa Ospital nato. Kitang kita nang dalawang mata ko. Kinain ang---" Di na natapos ang sasabihin nang babaeng nurse nang mas tumindi ang takot nito at pagkabalisa nang makita nya ang isang doctor.
" Sya! Sya ang kumain sa mga bangkay. " Takot na sabi nang babaeng nurse sabay turo sa doctor.
" Salamat iha, ginugulo kaba nya? " Tanong ng Doctor.
" Hi-hindi naman po Doc. " Sagot ni Denise habang nakatitig sya sa Doctor. habang ang babaeng nurse ay nahimatay dahil sa sobrang takot.
" Pasensya na, isa kasi ito sa mga mental patients ko. Nakatakas sa ward nya, tinulak pa nga ako. but anyway are sure iha na okay ka lang?" Tanong ulit nang doctor kay Denise.
" Yes doc, okay lang ako. Sge doc babalikan ko lang yung pasyente ko. " Sagot ni Denise at nagmamadali itong bumalik sa kwarto ni Zandro.
" Ahaaahhhhhhhhhh!!! Bat pabigla bigla ka nalang pumapasok. ??" sabay takip ni Zandro sa kanyang pang ibabang bahagi nang kanyang katawan.
" naku! sorry! Sorry! di ko sinasadya.Bat ba kasi di kapa nag bibihis? Hubot-hubad kapa." Sabi ni Denise sabay takip ng kanyang kamay sa mga mata nya.
" Eh kasi naman, di naman kasi nag kasya yung damit. inuna ko yung isang shorts na ibingay mo. di rin kasya. susuotin ko na sana itong pangalawa eh bigla kang pumasok. " Sabi ni Zandro.
" Dont worry wala akong nakita, Jusko! sa tanang Buhay ko ngayon lang ako nakakita nang hubad na katawan nang lalaki. Lord sorry di ko sinasadya." Sabi ni Denise habang nakatakip pa din ang kamay sa kanyang mga mata.
" Sandali akala ko ba wala kang nakita? bat panay sorry mo kay lord.." Biro ni Zandro kay Denise.
" Wala nga sinabi ko bang nakita ko yung ano mo? diba wala kasi, agad kung pinikit ang aking mga mata. Tapos kana bang magbihis?" Tanong ni Denise kay Zandro.
" Oo. tapos na!" Sagot ni Zandro.
" Hay salamat. Mabuti naman at nagkasya ang--" dinatapos ang sasabihin ni Denise nang makita nyang sobrang liit pala nang short na nadala nya animoy nakasout nang Boxer Shorts si Zandro.
" Teka Bat ang liit nang shorts nato? sa kuya mo ba talaga to? " Tanong ni Zandro.Habang si
Denise naman ay tawang tawa.
" Bat ka tumatawa?" kunot noong sabi ni Zandro.
" Wala, sya nga pala. may nakaSalubong akong nurse kanina. sobrang hysterical nya. " Kwento ni Denise.
" Bakit anong bang nangyari?" tanong ulit ni Zandro. At ikinuwento naman ni Denise ang nangyari sa labas.
Samantala sa Aydendril naman..
" Nasan si Reyna Jessel?" Tanong ni Lola Miele.
"Narito ako. Kamusta ka ?" Sabi ng Reyna.
" Ikaw pala mahal na reyna, maraming salamat dahil pinahintulutan mo kaming makapasok sa inyong kaharian. " Sabi ni Lola miele sa reyna.
" Ito na ba ang iyong Apo? " Tanong nang reyna kay Lola Miele sabay tingin kay Dennis.
"Oo mahal na reyna. sya nga at kasama ko din ang apo ni Alponso. si Marife" Pakilala ni Lola
Miele kay Marife.
" Kung ganun, doon tayo sa silid ko mag usap. " Sabi nang reyna at tinawag nya ang isang Dama upang alalayan sina lola miele papunta sa Silid na sinasabi nang reyna.
" Dama? pakialalayan ang ating mga bisita papunta sa aking silid. maghanda na rin kayo nang makakain. At tanging Pang tao lamang. Sya nga' pala Miele at Alponso? kaning Engkanto ba ang gusto nyo o kaning tao?" Tanong ni ng reyna kina Lola Miele.
" Kung anong kakainin nang mga apo namin yun nalang. " Sagot ni Lolo alponso.
" Kung ganun. sumunod na kayo saakin. " Sabi ni Reyna Jessel habang patungo sila sa kanyang sinasabing Silid.
Samantala sina Zandro at Denise naman...
" Ang tanda muna Denise kung naniniwala kapa sa mga Mythical Creatures. Denise. walang asawang or multo. gawa lang yan nang malikut na isipan nang mga tao. " Sabi ni Zandro kay Dennis.
" Talaga, pano mo maipapaliwanag ang ginawa mong Bagyo sa syudad?" Sabi ni Denise. di maka imik si Zandro dahil kahit sya wala syang maipaliwanag sa nangyari.
" Malakas ang kutob ko na totoo ang sinasabi nang nurse na yun. at Hindi sya pasyente sa Mental. Wala akong paki alam kung di kasasama. basta mag iimbestiga ako." Sabi ni Denise sabay Pihit nang door knob ngunit pinigilan naman sya ni Zandro.
" Kebabae mong tao ang tapang tapang mo. sandali. uuwi muna ako. mag bibihis ako nang totoong damit. kasi para akong Macho dancer dito sa soot ko. ang liliit kasi. " Sabi ni Zandro.
" Bahala ka. pupuntahan ko ang nurse na yun. masama talaga ang kutob ko.Tulungan mo man ako o hindi. wala akong paki.. " Sabi ni Denise.
"Okay! Okay fine. Tutulungan na natin yung sinasabi mong nurse. pero papano wala tayong armas? " Sabi ni Zandro.
" Ay nko, mas maganda nga ito kasi. susubukan natin kung lalabas ba ang mga powers natin. " Sabi ni Denise sabay hawak sa kamay ni Zandro at hinila ito palabas nang Kwarto.
" Sandali. kaya ko namang maglakad. Alam mo duda ako sayo?" Sabi ni Zandro.
" Babae kaba talaga o retokada?" Sabi ni Zandro.
" Loko! babae po ako, trip mo ba ang subukan pa ako. Babae po ako.. ang hugis koy coke babae po ako, mali ka dyan sa inaakala mobabae po ako, hindi ako clonelalong di likha ng iyong ilusyonbabae po ako. " Pakanta-kanta ni Denise habang papunta sila sa morgue na nasa ibabang bahagi nang ospital.
"Sandali, sssh may paparating" sabi ni Zandro sabay hila kay Denise sa may nagkukumpulang Balikbayan Box. Nakita nilang may isang nurse na lalaki ang punong puno nang dugo sa mukha at dinidilaan pa ang mga dugo sa kamay nito. animoy isang mabangis na hayop na kakatapos lang kinain ang kanyang biktima.
" Jusko! "Sisigaw na sana si Denise ngunit agad namang tinakpan ni Zandro ang kanyang bibig. at suminyas nang tahimik. Habang ang Duguang nurse ay papalapit sa kanilang pinagtataguan. nang biglang may lumabas na Daga mula sa balikbayan box.
" Akala ko may tao. daga lang pala.! " sabi nang nurse at Umalis na ito.
" Sasusunod, wag kang basta bastang sisigaw. naniniwala nako sa sinasabi mo. pero buhay pa kaya yung sinasabi mong nurse?" Sabi ni Zandro. sasagut na sana si Denise nang biglang may nagsalita sa kanilang likuran.
" B-bakit kayo nag punta dito,. Umalis na kayo." Gulat na gulat ang dalawa nang makita nila ang doctor na kumuha sa babaeng nurse na humingi ng tulong kay Denise. Agad pinulot ni Zandro ang fire extinguisher At hahampasin na sana nya yung doctor ngunit biglang may kung anong Pwersa ang pumigil kay Zandro sa mga kamay nya.
" Anong ginagawa mo sakanya. Itigil mo yan." Sabi ni Denise.
" Bakit ba kasi kayo nag tungo dito. Habang maaga pa umalis na kayo. Baka makita kayo ni ama. Kumakain ang mga kapatid ko ngayon." Sabi nang doctor.
" Kapatid ibig sabihin marami kayo?" Sabi ni Denise." Wait di ko kayo sasaktan. " Sabi nang doctor nang bigla syang marinig na paparating sakanilang kinalalagyan.
" Nandito na ang isa sa mga kapatid ko. Sandali wag kayong gagalaw." Sabi nang doctor at umusal sya nang isang kakaibang lenguahe.
" Wag kayong gagawa nang ingay kundi mawawalan nang bisa ang aking ginawang panangalang sainyo. " Sabi ng Doctor. at yun naman ang ginawa nang dalawa habang kitang kita nila na may apat na lalaking nurse ang dumaan na parang may kinakaing karne. Kahit nasusuka man si Denise at Zandro pinigilan nila ito, upang di sila makita at maging hapunan nang mga kakaibang nilalang.
Alright there you have it mga mahal abangan ang karugtung nito. Salamat ulit sa pagtangkilik mga mahal. Until next time Ulit. Mwah!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top