SIMULA


Maxine Pov.

"Doc Nikee!!" Napabangon ako kaagad nang bigla nalamang sumisigaw si Nurse Cath sa labas nang opisina ko, kulang ako sa tulog at pakiramdam ko idlip lang ang naramdaman ko kanina matapos ang 6 oras na operation. 

"What?" Inis na tanong ko sa kaniya nang buksan ko siya nang pinto. I always lock my office, dahil ayaw kong kung sino sino nalamang ang pumapasok don. 

"Pinapatawag ka ni Director!" Napasubunot ako sa buhok ko at sinamaan siya nang tingin, napansin kong natakot ko yata siya kaya nginitian ko siya agad. 

"O-k kalang ba, Doc?" 

"I'm fine..you can go to your work now..and please make sure to check all my patients at the ward..dadaanan ko yun mamaya after my business with the director." nang makaalis na siya ay napasandal na ako kaagad sa pader. 

"I really hate this life," inis na sabi ko sa sarili at parang walang lakas na naglakad papunta sa opisina nang Director. 

When I'm standing outside the door, ay inayos ko na ang sarili ko. I check my robe if nayukot ito at buti nalang ay hindi. Talagang tatalakan ako nang Director kapag nagkataon. 

"Director?" Tawag ko sa kaniya nang makapasok na ako. She immediately stood up at Lumapit sa Akin. 

Bakit ba napapalibutan ako nang mga siraulong tao? "Nikee!!" She shouted and hugged me tight. 

"Ano ba Tony!!" 

"I'm missing you, best friend!!" Sigaw niya at pinagdikit pa ang mga pisngi naming dalawa. Halos mandiri ako nang makawala ako sa pagkakayakap niya. 

"Ouch! I'm hurt, best friend." 

"Magpatingin ka sa doctor kung ganon!" 

"But you're a doctor, so you can check me." Halos pantaasan ako nang balahibo sa katawan dahil sa pagtingin niya. Kung hindi ko lang alam na may asawa na to baka nasapak ko na siya. 

"Bakit mo pala ako pinatawag?" Pagiiba ko, bigla naman siyang ngumiti sa akin, and she handed me an envelope.

"There's a place that I want you to come over..kailangan nila nang Doctor doon ngayon kaya ililipat kita sa kanila."

"What? You know that I can't!" Napahilot ako sa sintido ko dahil sa inis. Hindi ako pwedeng malayo ngayon..my son needs me at sobrang bata pa niya para iwan ko siya. 

"For your reason..I already settled everything..I already found you there a house, and for my inaanak naman ay may roong malapit na school doon, he can still manage, alam ko namang matalinong bata yun..manang mana sa ina."

"Wag mo kong bolahin tangina mo."

"Ito naman..kailangan lang talaga nila nang magaling na Doctor, I don't want that hospital to be close..you see that hospital... that's where my mom died, kaya please...for me." napabuntong hininga nalamang ako at napilitang tumango. 

"Fine! When should I go?" 

"Hehe... tomorrow," tinapon ko ang unan sa upuan at nasapol naman siya sa mukha. 

"Gaga ka talaga!" 

"Peace?" Tumayo nalamang ako at sinamaan siya nang tingin. "I will clean my office at wag mo kong tawagan dis oras nang gabi for emergencies, dahil mag eempake ako nang gamit nang anak ko. Maliwanag?" 

Mabilis naman siyang tumago..tsk..nang makalabas na ako sa opisina niya ay halos tumatabi sa dinadaanan ang mga nakakasulubong ko. Parang gusto ko yatang kumatay nang kuneho at ipakin sa isang yon. 

Nah, my son would not like me to kill someone. Sobrang bait nang anak ko na halos pumatay nang lamok ay hindi magawa. 

Nang makarating ako sa office ko ay sinumulan ko nang ayusin mga kailangan kong dalhin, halos maubusan na ako nang carton na paglalagyan ko sa dami nang papeles na kailangan kong ayusin. 

Kaya ayaw ko talagang magpalipat nang hospital, eh? 

"Finally!" Sigaw ko at pabagsak na nahiga sa couch ko. Ginawa ko pang pamaypay ang kamay ko dahil sa init kahit may aircon naman sa office ko. 

Napatingin ako sa phone ko and tried to scroll on my social media. Minsan lang akong mapadaan sa mga soc med ko dahil ayaw ko sa mga chismis. 

Nang wala naman akong mapala, I decided to go home. Pina deliver ko nalang sa mga stuff nang hospital ang mga gamit ko..sila naman ang nag initiate na tulugan ako. 

Nang makarating ako sa bahay halos, sobrang tahimik. "Baby Mommy is home!" Sigaw ko nang makapasok ako sa pinto. 

Nakarinig naman ako nang yabag pababa. I open my arms at sinalubong ang yakap nang anak ko. 

"Hmm..na miss kita anak," bulong ko sa kaniya. 

"Mommy, we just met earlier in the morning." Napatawa nalamang ako dahil totoo naman ang sinabi niya. 

Kumalas ako sa yakap at hinarap siya, Alam kong papayag naman siya sa pag alis namin, pero I felt sorry for my son. Ayaw niya kasing makihalubilo sa iba kapag alam niyang bagong kakilala niya lamang ito. 

"Baby, do you want to travel?" I ask him. I see how confused my son is.

"Why asking a sudden mommy?" 

"Because mommy will be transferred somewhere for work, baby..so isasama ka ni Mommy..is that okay with you?malumanay kong tanong. 

Napansin kong natahimik siya at parang nagiisip. "It's okay, mommy, as long as you're not sad."

"Thank you, baby. Mommy's love you always."

"Let's eat, Mommy!" Pagiiba niya sa usapan. "Okay..ok..slow down," kasi naman hinila ako kaagad nang batang to sa kusina. 

"So what's my baby want to eat?" 

"Hmm... nuggets!" Napailing nalang ako dahil subrang paborito niya ang nuggets. Kahit yata pakainin mo siya nang isang buwan nito, hindi siya magsasawa. 

"Got it, boss!" Nagsalute pa ako sa kaniya, kaya natawa nalang kami. Tahimik lang akong nagluluto nang nuggets niya, dinamihan ko na dahil baka paglutuin ako ulit kapag na bitin siya. 

I also cook our rice at nagprito nalang din ako sa isang pan nang fried egg. Simple meal lang ang kaya kong lutuin mabuti nalamamg ay hindi ma reklamo palagi ang anak ko. 

Nang matapos na akong magprito nilipat ko na yun sa pinggan. Naghintay pa ako nang ilang minuto bago maluto nang tuluyan ang kanin. 

When everything is ready, ay hinain ko na yun lahat sa mesa. "Here's the nuggets!" Sigaw ko at nilapit sa kaniya ang paborito niya. 

"Thank you, Mommy!" I just kiss him on the cheek.

"So how's your school?" Tanong ko sa kaniya nang magsimula na kaming kumaing dalawa. 

"Hmm.. it's fine; my classmates are also friendly to me, but I don't like talking to them." Ito pa ang problema ko sa kaniya dahil hindi siya palasalita sa ibang tao. 

"But is it nice to talk to them?"

"I find them boring, Mommy," napatango nalang ako dahil hindi ko talaga to mapipilit na makipag usap sa ibang tao. 

After we eat our dinner, ay dinala ko na siya sa kwarto niya para mag empake. His turning 5 this year at parang ayaw ko na siyang lumaki pa. 

Nakakatakot kasi...alam mo yun yung pakiramdam nang isang ina habang palaki na palaki ang anak niya, pakiramdam namin hindi na nila kami kailangan..ganon ang pakiramdam ko. 

"May nakalimutan ka pa ba?" I ask him. Nang matapos kong ilagay sa isang malaking maleta ang damit niya. 

"Hmmm..my books!" Sigaw niya at dinala sa akin ang napakadami niyang libro. 

Napakamot nalamang ako sa ulo ko, "Hindi ba pwedeng iwan nalang natin yan dito? Mommy will buy you a new one." 

"No." Wala na akong nagawa at kumuha nang isang maliit na maleta na alam kong mag kakasya doon ang mga libro niya at ilan pang gamit. 

When everything is ready, siya namang pag-ilaw nang phone ko, I check it at sinend na pala nang siraulo ang plane ticket namin nang anak ko. 

"Sleep early, okay? No more books, maaga tayong aalis bukas," paalala ko sa kaniya. 

"Yes, mommy!" I kiss him one last time on his cheek at iniwan na siya sa kwarto niya. I also turn off the light in his room. 

Nang makababa ako ay siya namang paghagip nang paningin ko sa dalawang box nang mga papeles na kailangan kong dalhin. 

"Tangina talaga" reklamo ko at inisa isa na itong iakyat sa taas. Halos mabali ko na yata ang buto ko sa likuran ko.

"Mukhang mahaba habang gabi pa ang gagawin ko." 

"Mommy!!" 

"Don't run, baby!" Sigaw ko at hinawakan siya sa kamay niya..kaka check in lang nang mga bagahe namin at papunta na kami sa gate 2 para sa boarding pass. 

Pumila lang kami at nang makapasok na kami sa gate 2 ay siya namang pag dala sa amin sa eroplanong sasakyan namin. 

Mabuti nalamang ay hindi private plane ang binigay sa akin nang bruhang yun, kundi tatadyakan ko yun, ayaw ko kasing gumastos pa siya para sa akin, ang dami ko nang utang sa kaniya.

When we got inside the plane, hinanap ko na kaagad ang upuan namin nang anak ko. Binuhat ko na siya dahil baka mawala pa to sa tabi ko. 

"Mommy, can we exchange seats?" Nasa bintana kasi ako at nasa gitna siya nakaupo. 

"Okay baby," mabilis naman kaming nagpalit, and I smiled, dahil kitang kita ko ang pagka excite sa mukha nang anak ko habang nakatingin sa mga ulap. 

Mabuti nalamang ay walang nakakuha nang isa pang seat sa tabi ko, kaya solo namin nang anak ko ang upuan. 

Halos umabot nang ilang oras ang byahe namin at nakatulog na nga ang anak ko. We heard an announcement: Na nandito na kami sa pilipinas. Hmm, after so many years, ngayon lang ako ulit nakabalik sa bansang to, I really don't want to be here ang daming masalimuot na alaalang naranasan ko dito. 

"Mommy, I'm still sleepy," maktol nang anak ko habang buhat buhat ko siya. 

"Uuwi na tayo agad, okay?" 

Hindi ko narinig ang sagot niya dahil alam kong nakapikit na naman siya, kumuha ako nang baggage cart para doon ilagay ang mga bagahe namin. Nang makuha ko na lahat nang maleta namin ay nag book na ako kaagad mang Grab. 

Mabuti nalamamg ay nang makalabas kami sa arrival area ay nandoon na ang Grab Driver. 

"Tulungan ko na po kayo," tumango nalamang ako kay manong na ipasok ang mga bagahe sa sasakyan. Muntik pang hindi kumasya buti nagawan nang paraan ni manong. 

"Can you get us to this place, manong?" Turo ko sa bahay na pag-stayan namin nang anak ko. 

"Okay po ma'am." Ilang minuto din ang byahe namin mula sa airport hanggang sa makarating kami sa condominium na pag-stayan namin. 

"Bayad po manong" binigyan ko nang isang libo dahil alam ko namang nahirapan siya sa bagahe namin. 

"Salamat po ma'am!" Pasasalamat niya at umalis na. Tinulungan kami nang ilang staff nang condominium sa mga bagahe namin. 

I check in to our room at sobrang ganda nang binili nang bruhang yun. Mukhang pasok na to sa pagiging penthouse. Gaga talaga.

"Baby, we're already here," pero mukhang nakatulog na talaga siya, dinala ko nalang siya sa isang kwarto at nilagay sa kama. Hinayaan ko na muna siyang matulog doon dahil mag aayos pa ako nang mga gamit namin.

Inuna kong ayusin ang mga gamit niya habang tulog pa siya at sinunod ang mga gamit ko.

Kailangan ko pa palang mag grocery para sa mga pagkain namin.

Hayst malaking adjustment na naman to...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top