CHAPTER 7
Maxine Pov
"Did you hear the news?" Kumunot ang noo ko nang makapasok ako sa office ni Dra. Dina at nandito din si Dra. Cali.
Umiinom silang dalawa nang kape habang naguusap.
I silently listened to the both of them; hindi ko naman kasi alam kung anong pinaguusapan nila.
"Oo narinig ko kanina nang mapadaan ako sa ward, bumisita daw yung anak nang president nang hospital."
"Gwapo daw eh, kaso nag aaral pa."
"Gaga, gagraduate panaman...okay pa yun," napailing nalang ako sa pinagsasabi nila.
Nag timpla nalang din ako nang kape ko at sumimsim agad. "Wala kayong gagawin?" Pag aagaw ko sa attention nilang dalawa.
Sabay naman silang napailing sa akin.
"Mamaya pa ulit ang round ko," sagot ni Dra. Cali
"Night shift ako mamaya," nagtaka ako sa sinagot ni Dra. Dina, kung mamayang gabi pa ang shift niya, bakit nandito siya ngayon?
"Bakit ka nandito ngayon?" Pagtanong ko.
"Mabuti na yung maaga, baka hindi pako nakabihis kanina bigla nalang mag ka emergency at ipatawag ako kaagad."
"Sabagay..."
"Mabalik tayo sa anak nang president, gwapo ba talaga?"
"Oo nga sabi..mukhang baby face pa naman."
Hindi nalamang ako nag paalam sa kanilang dalawa at iniwan na sila doon. Nagtitingin lang ako sa phone ko nang bigla nalamang akong may bangga.
"Aray!" Tinignan ko kung sinong taong paharang harang ang nasa harapan ko, but to my surprise, parang gusto ko nalang tumalikod at bumalik sa office ni Dina.
"You?" Pag turo niya sa akin, mukhang pati siya ay nagulat din.
"H-indi ako yun" pag dedeny ko at nilagpasan na siya.
"I didn't say anything, Doc," napatigil ako, hinarap ko siya, at napansin ko ang pag ngisi niya sa akin.
Napatampal nalang ako sa noo ko dahil sa katangahan ko. "Small world," he said to me.
"Kung ano mang nasa isipan mo ngayon, nakikiusap ako ibaon mo na yan sa limot," mabilis siyang umiling sa akin. Parang ang sarap niyang lagyan nang dextrose.
"I didn't expect you to be a doctor, anong department ka?" Napatingin siya sa pangalan ko. Mabilis Kong tinakpan yun, I don't want him to know me.
"Maxine Alison, Dra. Maxine Alison Fermin." Huli na, he really saw my name.
"Let's make a deal, mister, or who ever --"
"Nathan, call me Nathan," pag putol niya sa sinasabi ko. I let out a heavy sigh and continued what I was saying.
"Ok, Nathan, let's make a deal; you will forget what you saw that night, and I will give you three wishes para manahimik ka." Kahit ayaw ko mang gawin to, Pagkatao ko ang nakasalalay ngayon.
"Hmm deal"
"So what's your three wishes?" Pagmamadali kong tanong.
"Hmm...my first wish.. let's eat at the cafeteria at sasamahan mo kong kumain." halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi na ako nakapag reklamo pa nang bigla niya na akong hilahin, halos pinagtitinginan kami nang ibang tao.
Nang makapasok kami sa cafeteria, nakuha kaagad namin ang attention nang ibang nurse at doctor na kumakain. I saw nurse Tina and Maya at kumaway nalamang ako nang bahagya.
"Anong gusto mo?" Biglang tanong niya.
"Kahit ano nalang"
"Walang ganon sa menu nila," sinamaan ko siya nang tingin, but he just smiled at me.
"Galit kaagad"
"Umayos ka..yung kapareha nalang sa order mo yung sa akin."
"Okay Doc," hinintay ko lang siyang matapos, kukunin ko na sana ang isang tray nang bigla niya nalang kinuha yun.
"Ako na magdadala nong isa"
"Nope..ako na hindi mo ba nakikita ang muscle ko?" Napatingin ako sa braso niya.
"Wala akong nakikita"
"Nakatago kasi nahihiya sayo," napailing nalang ako sa kakulitan niya. Nang makaupo kami sa bakanteng upuan ay nagsimula na ka agad akong kumain.
I saw that he was not eating his food at nakatingin lang sa gawi ko. "Is there something wrong with my face? You keep on staring at it."
"Wala..nakakabusog ka kasing tignan"mukha ba akong pagkain?
"I'm not a food."
"Hmmm..hindi nga...Maganda kalang"napatigil ako sa pag nguya sa sinabi niya, kahit mahina lang yun narinig ko pa din.
I look at him at kumakain na siya. Natapos na ako and wait for him to finish.
I saw that he was not eating the green peas. Naalala ko sa kaniya, so seb hindi din yun kumakain nang green peas, sabi niya ang panget daw nang lasa.
"Wag kang magsayang nang pagkain"
"I don't want to...but I don't like green peas." Napabuga nalang ako nang isang buntong hininga at kinuha yun sa plato niya.
Ako nalang mismo ang kumain non. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko, but I just let him.
When we already finish eating, napag pasyahan ko nang bumalik sa office ko.
"I gotta go. Just let me know your next wish."
"Okay, Doc!" Napalakas ang sabi niya, kaya natampal ko nalang ang noo ko. Sinipa ko ang upuan niya at umalis na.
Habang pabalik sa office ko, naka received ako nang message galing sa director office.
He wants to talk to me..kahit ayaw ko man wala na akong nagawa pa. Lumiko ako nang daan at pumasok sa elevator.
Nang makarating ako sa 3rd floor lumabas na ako kaagad. Nakasalubong ko si Dr. Clarito
"Pinatawag ka din?" Tanong ko
"Yes..mabuti nalang nasa 3rd floor na ako kanina pa," sabay nalamang kaming pumunta sa office ng Director.
Kumatok ako nang tatlong beses, at pumasok.
"Sit" utos sa amin ni Dr. Marquee. Tabi kaming naupo sa pahabang upuan ni Dr. Clarito at kaharap namin si Dr. Marquee.
"I think you already heard the news this morning."
"About the son of the president?" Kahit nagtataka man ay nagtanong pa din ako. Dr. Marquee just nodded his head.
"The president wants to teach his son about the hospital; you see, kaisa isang anak niyang lalaki lang ito, but his son doesn't want to pursue medicine."
"And what is the reason why you call us?" Sayang kasi ang oras ko, mas pinapatagal niya pa sa pagkukwento niya.
"I want you to help me, na mapabago ang isip nang anak niya, to take this field."
"And you think we have that kind of power?" Parang tanga lang..yung pamilya niya nga hindi mapabago ang isip nang anak nila, kami pa kayang hindi namin kilala yun.
"I know what you mean, Dra. Nikee, but just give it a try..wala namang mawawala eh."
Napahilot ako sa noo ko. "We will do it, Doc," halos mapanganga ako sa sinagot ni Dr. Clarito. Is he out of his mind?
"Great!!" Bigla namang may kumatok sa pinto at pumasok ang isang taong hindi ko inaasahan.
"Hi Dra!" Unang bati niya sa akin.
"What are you doing here?" Taka kong tanong sa kaniya.
"Magkakilala na kayo, Dra. Nikee?"
"No/Yes" sinamaan ko nang tingin ang tanga.
"Prfft. Magkakilala nga sila, Dr. Marquee
"Mukha nga..o well dahil magkakilala na kayo, let me formally introduce you to this young man here. His Nathan Dawson Adair..the son of the president."
Parang gusto ko nalamang magpalamon sa inuupuan ko ngayon. He extended his hand to me at wala na akong nagawa pa at nakipag kamay nalang din.
"It's nice to see you again, Dra. Alison," gusto ko siyang pagsabihan na wag akong tawagin sa pangalan na yan, but I don't know myself at hinayaan siya.
Naguusap lang silang tatlo habang ako ay hindi nakikisali sa kanila. Ngayon pabalik na kami sa looby nang hospital dahil gusto niya daw mag libot libot.
Ako lang kasama niya ngayon dahil kailangan si Dr. Clarito sa emergency office, kaya wala na akong choice.
"So.. mostly call you Dra. Nikee..why Nikee?" Biglang tanong niya.
"It's my nickname, and I prefer to call anyone by that name."
"But I think Dra. Alison will be better."
"S-uit your self, Nathan," napansin ko nang bigla siyang natigilan at nakatingin sa akin.
"What?"
"It's the first time you call me by my name."
"And so?" Wala namang bago sa pangalan niya.
"It's just... ang ganda lang pakinggan nang pangalan ko habang sinasabi mo yun."
"Nasisiraan kana ba nang bait?" Para kasi siyang abnormal na hindi ko maintindihan.
"I think I am," napailing nalang ako at nauna nang maglakad sa kaniya. Nilibot ko lang siya sa buong hospital at mukhang may gana naman siyang makinig sa lahat nang sinasabi ko.
I didn't expect that it was the son of the president, hindi, kasi bagay sa kaniya, akala ko bisita lang siya nang ibang pasyente dito.
"Here, it's my treat," pag abot niya sa akin nang isang can nang coke.
"Salamat" binuksan ko yun at ininom kaagad.
Nakakapagod din pala ang maglakad lakad sa buong hospital, sa laki ba naman nito.
"Thanks for accompanying me this day."
"It's nothing. I'm just doing my job."
"But.. thanks again. Dahil kahit busy ka."
"Mabuti alam mong busy ako," narinig ko ang pagtawa niya sa sinabi ko. Mukha ba akong clown sa paningin niya? Tatadyakan ko na to. Napansin kong napatingin siya sa phone niya nang bigla nalamang itong umilaw.
"I think I have to go. Kita nalang tayo bukas Dra. Alison?"
"Yeah," walang gana kong sagot. Nagpaalam na siya at umalis na. Nang magisa nalamang ako ay tinapon ko na sa trash bin, and walang laman na lata nang coke at tumayo na.
I decided to go back to my office and finish my studies.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top