CHAPTER 2


Maxine Pov

It's almost been a week since the incident with Nicole. Maayos namn siya ngayon, kaya hindi na ako bumalik pa don.

I'm currently driving to the hospital; I already went there yesterday to transfer. I already talked to the director, and they welcomed me with open arms.

I think they already did some background checks for my credentials, kaya hindi na sila nagtanong pa nang kung ano ano.

We did some welcoming party, kagabi kaya halos sumakit ang ulo ko dahil sa hungover. Napagsabihan pa tuloy ako ni Seb. Ang batang yun talaga.

My son's name is Sebastian Kyle Fermins, but he doesn't want a lot of people to call him by his full name. Ewan ko talaga sa batang yun bakit ang laki nang galit sa mga tao.

I just grab some coffee sa cafe malapit sa hospital bago ako pumasok. Nakasalubong ko pa ang ibang nurses na akalain mo hindi na yatang nagawang matulog buong gabi.

"Good morning, Doc," bati sa akin.

"Morning," masayang bati ko bago pumasok sa office ko, I change my coat at tinignan ang ibang case na bago.

Nag libot na din ako sa ward at pinuntahan ang isang pasyente ko na kailangan kong operahan mamaya.

Habang nakatutok sa computer ko ay siya namang pagkatok nang kung sino sa pinto. I look at it at nakita ko si Dr. Clarito, his Dr. Ethan Clarito, a surgeon like me.

Pinabuksan ko naman siya nang pinto at lumabas ako.

"Why, Doc?" I ask him.

"Breakfast?" he asks. Mabilis naman akong humindi dahil marami pa akong gagawin, and I already have my breakfast at home.

"I already had Doc."

"Ah, ganon ba, but can I ask you for coffee later? If you're free."

Tinignan ko siya nang masinsinan. "Are you asking me on a date, doc?" I ask. Kasi hindi naman kami close, and I'm new here, kaya isa lang naman ang gusto niyang ipahiwatig sa akin.

"Pwede ba?"

"I'm sorry.. I'm not into that doc. Pasensya na...but if you want, I can set you up for some of my friends." Mukhang nahiya siya dahil sa sinabi ko.

"N-o, of course..ahmm, sorry for asking..may gagawin pa pala ako..bye." Hindi pa man ako nakakapagsalita nang mabilis siyang tumakbo palayo sa akin.

Natawa nalang ako dahil mukhang hindi niya inaasahan na irereject ko siya kaagad. I'm just doing the right thing for me.

"Gara nang pag kaka reject ah..gwapo naman yun Doc" nginitian ko nalang si Nurse Tina may hawak pa siyang kape mukhang kakagaling niya lang sa cafeteria.

"Gwapo naman si Dr. Clarito, but..I don't want to have a relationship right now..and I've already had a child." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

"May anak kana?"

"Yes, he's turning 5 this year."

"Ang bata mo pa"

"Hindi na no. 24 na ako."

"See ang bata mo pa..but your already a doctor now and a mom."

"I just did an early education, kaya ganon," yun lang ang sinabi ko sa kaniya at nagpaalam nang papasok na ako sa loob nang office ko dahil may gagawin pa ako.

"Bye, Doc!" Nang makaupo na ako ulit sa upuan ko at tinignan ko ang phone ko. I miss Seb. Parang gusto ko nang umuwi.

I have a surgery at 3 p.m., and it's already 2:30 p.m., ilang minuto nalang. I close my computer and change my clothes. I already checked the patient kanina at pinaalalahanan siya bago ang operation.

"Operation?" Tanong sa akin ni Doc Cali, nang madaanan ko siya sa hallway. Kakagaling niya lang sa loob nang operating room at mukhang kakatapos niya lang din mag opera.

"Yeah.."

"Good luck, Doc," hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na sa loob. I did my daily routine.

"Doc," I nodded my head to Dr. Santos. Siya ang kasama ko ngayon sa loob. She's the anesthesiologist.

Tinignan ko ang pasyente at mukhang nakatulog na siya dahil sa anesthesia.

After 6 hours of operation, nakahinga na ako nang maluwag. Halos nangalay ang balikat at kamay ko. I did the suture for the wound at nang ok na lahat ay lumabas na ako sa operating room.

Sinalubong naman ako nang pamilya nang pasyente, and I tell them about the current condition of the patient.

"The operation is successful, and ililipat na po siya sa magiging room niya."

"S-alamat...salamat doc" napangiti nalamang ako at nagpaalam na sa kanilang kailangan ko pang magpalit.

"Kamusta?" Napamukmok nalamang ako sa mesa, habang nandito ako ngayon sa lodging area.

"Ay deadma.."

"I'm tired," yun lamang ang sinabi ko kay Dr. Dina. Wala yata siyang operation, kaya nandito siya ngayon.

"Anyare diyan?" I know it's Dr. Cali, but I really don't have energy now.

"Pagod.. ilang oras ba naman yung ginawa niyang operation kanina."

"Dinig ko nga..sabi ni Dr. Santos parang hindi nga daw nahirapan yan."

"Ano pa bang maaasahan natin..eh siya lang yata ang napakabatang surgeon na kayang gawin ang operation na yun," makapag usap silang dalawa parang wala ako sa tabi nila ah. Hello, I can still hear the both of you.

"May dinner mamaya..nag aaya si Dr. Clarito mukhang broken." Napaangat ako nang tingin at napansin kong sa akin silang dalawa nakatingin.

"What?" I ask.

"Sino kayang nag reject don?"

"Ewan ko.. gwapo naman yun eh" sinamaan ko nalang silang dalawa nang tingin dahil alam ko namang pinaparinggan nila ako.

Halos yun na nga ang naririnig kong chismis kanina sa hallway. Natapos lang ang duty namin at mabuti nalang dahil walang emergencies na nangyari.

Nandito kami ngayon sa isang bar at akala ko dinner? Sumasakit ang ulo ko sa mga kasama ko.

Parang ngayon lang sila nakalabas at ako nalang mismo ang natira dito sa upuan namin.

I can't find them; subrang crowded na nang place at may nakikita pa akong gumagawa nang kababalaghan sa tabi.

I think I need to go out now..kailangan ko na din kasing umuwi at baka hinahanap na ako ni Seb. It's almost 8 p.m.; nagpa deliver na din ako nang dinner niya kanina sa condo, kaya alam kong nakakain na siya, but I still want to make sure na maayos siya bago matulog.

Halos ipagsiksikan ko na ang sarili ko sa crowd para makalabas. When I can finally see the door, ay bigla nalamang may tumulak sa akin.

"Shit!" mura ko, buti nalamang ay may sumalo sa akin.

"You okay?" Nanlamig ang balikat ko sa lalim nang boses niya. Parang may kung anong kiliti sa tyan ko..mabilis akong lumayo sa taong yun at sinilip ang mukha niya.

Hindi ko maaninag nabg tuluyan ang mukha niya dahil sa dilim. "Miss?" Nabalik lang ako sa ulirat nang tawagin niya ako ulit.

"Ahmm..salamat" yun lang ang sinabi ko at lumabas na sa bar.

I just texted my friends. I just booked a Grab at nagpahatid na sa condo ko.

Nang makarating ako ay halos wala na akong narinig na ingay. Sinilip ko si Seb at nakita kong mahimbing ang tulog niya.

Pumasok ako sa loob at inayos ang naka lihis niyang kumot, I kiss his cheek.

"Good night, baby," bulong ko. Naisipan ko namang iligpit ang mga nakakalat niyang laruan at ibang mga books.

May napansin akong isang papel na nakaipit sa libro niya. It's his score for their quiz. I smiled, dahil perfect score, yun. I get sticky notes at Nagsulat Doon.

Alam ko, kasing hindi ko na naman siya maabutang gumising bukas nang umaga dahil maaga na naman ang pasok ko.

Mabuti nalamang ay malapit lang ang school niya sa condo namin at kaya niya nang umuwing magisa, but still sinasabihan ko pa din ang guard at ibang staff nang condo na bantayan siya.

Tinignan ko pa siya ulit bago ko naisipan na lumabas sa kwarto niya. Pumasok naman ako sa kwarto ko at nagpalit nang damit.

Hindi ko na kayang maligo pa..parang lantang gulay na ako sa pagod.

I hope tomorrow will be a good day.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top