CHAPTER 7
Knowing Him
Nicole Pov.
One week already past, at natapos na ang suspension ko. Ngayon I'm doing a community service dito sa school. Halos kanina pa akong madaling araw dito hindi ko pa din maubos ubos ang pagwawalis ng mga dahon.
Tirik na tirik na din ang araw at nakakaramdam na ako ng gutom. Tanginang buhay to! Sobrang malas ko naman ata. Simula talaga nang makaharap ko ang limang Nakahara na yun hindi na naging tahimik ang buhay ko.
I should avoided them from the start! Hinubad ko ang cleaning gloves sa kamay ko at tinapon yun sa tabi. Pabagsak akong umupo sa damuhan dahil sa pagod. Wala na akong pake kung na sa gitna ako araw naka upo ngayon. Basta ang alam ko pagod na pagod na ako.
"Here" napaangat ako ng tingin sa taong bigla nalamang nag abot sa akin ng malamig na tubig. Hindi naman ako maarte para hindi ito tanggapin.
Kinuha ko yun nang walang pasasalamat sa kaniya at ininom kaagad. Halos makalahati ko na ang tubig dahil sa uhaw ko.
"No thank you?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa tanong niya.
"I don't do that"
"I can see it" umupo siya sa harapan ko kaya agaw tingin ko ang hikaw sa kaliwang tenga niya.
"Your earnings where did you get that?" I curiously ask. Gusto ko ding bumili niyan. Ang ganda kasi tignan.
Napahawak naman siya sa tenga niya bago magsalita "it's a gift...from someone" naitagilid ko ang ulo ko.
"San niya naman nabili yan. I find it cool kaya gusto kong bumuli" napansin ko ang panakang pag angat ng gilid ng labi niya. He's smiling.
"Your name?" I ask. Kasi kanina ko pa siya kausap hindi ko lang naman alam ang pangalan niya.
"Gray" napatango ako. Matino naman pala siyang kausap eh. Akala ko kagaya siya ng mga taong yun.
"You should rest. Kanina kapa nagwawalis diyan"
"Then tell to those people to stop this freaking punishment" narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. Gwapo naman pala siya kapag nakangiti. Bakit palagi siyang seryoso kapag nakikita ko siya.
"You should smile always" napatigil siya dahil sa sinabi ko. Umayos naman siya ng upo at umiwas ng tingin.
"Ilang taon na kayo sa school nato?" I ask. Pagiiba ko lamang sa usapan. Napansin kong Hindi naman siya masamang kausap.
"3 years.." sagot niya.
"Then your my senior?"
"Kinda like that..but were classmates" napaisip naman ako dahil sa sinabi niya. Classmate? Hindi ko napansin.
Hindi ko din naman sila nakita nong unang pasok ko. So paano niya nalaman na classmate kami.
"If your thinking about that...The six of us, we stop for a year kaya bumalik kami nang isang taon"
"But how do you know where classmates?" Yun kasi ang kanina ko pang iniisip.
"Kenji told us"
"Who's that?" Napatawa naman siya dahil ang dami kong alam. " He's your homeroom teacher...hindi mo ba alam?" Naalala ko naman yung Prof. Sa hydraulics. Siya ba yun?
"He's your Prof. In Hydraulics" dagdag niya kaya napatango ako. Kenji pala pangalan non. Hindi bagay sa kaniya. Mukha siyang engot.
Narinig naman namin ang pag bell. "I think it's already lunch time.. you wanna come?" Pagaayaya niya sa akin. Tumayo naman siya at ganon din ako. Pinagpag ko pa ang pants ko dahil maraming damo ang sumabit don.
"No thanks..ayaw kong mapasok ulit sa gulo"
"Hahaha you really something...then mauuna na ako. Bye" paalam niya at kinawayan ko nalang siya.
Sa tingin ko kailangan ko na ding kumain. Kanina pa pala nagrereklamo ang tyan ko.
Gray Pov.
After i bid my goodbye to that girl bumalik sa pagiging seryoso ang mukha ko. She's something. May kakaiba sa kaniya. Nakarating ako sa cafeteria at nakita ko naman ang mga kasama ko.
"Dude! Dito!" Tawag sa akin ni Brian. Kumaway pa siya na parang walang nakakapansin sa kaniya.
Lumapit nalang ako kung nasan sila at umupo sa bakanteng upuan. I grab some foods from the plates of him na ikinasimangot niya.
"Naman eh! Akin yan!" Sigaw niya ngunit nilihis ko ang kamay ko kaya di niya maabot ang pagkain niya.
"Bumili ka nalang ulit" utos ko sa kaniya.
"Ayaw! Ang haba ng pila don!" At tinuro niya pa ang counter. Oras kasi ng lunch time kaya madaming estudyante ang kumakain.
"Then..magpagutom ka" napasimangot naman siya na ikinatawa ng iba sa amin. Halos hindi na magkamayaw sa kakatawa si Kiel at Warren. Itong dalawang to. Napailing nalang ako sa kanila.
Naawa naman si Nathan kaya nilagay niya nalang ang isang burger sa plato ni Brian.
"Tumahimik kana bata, kainin mo na yan. Ang ingay mo"
"Wahhhhh thank you Nathan! Kaya lab kita eh" at niyakap pa ito na ikinatawa pa lalo nang dalawa. Hindi na kasi maipinta ang mukha ni Nathan dahil sa ginawa ni Brian.
"Lumayo ka nga saking bata ka!" At tinulak pa ito. Hinayaan ko nalang sila sa kaingayan nila at kumain nalang.
"San ka galing?" Napatingin ako kay Nigel dahil sa tanong niya.
"Naglilibot lang"
"Habang nakikipag kwentuhan sa bagong estudyante?" Napatigil ako sa pagsubo dahil sa sinabi niya. Nakita niya pala kami
"So?" I ask. Wala namang masama don."what did you two talk about?"
"She just ask my name. That's all" mukhang hindi naman siya naniniwala sa sinabi ko. Hindi na din siya nagtanong pa at pinagpatuloy na ang pagkain.
Napansin ko ang biglang pagtahimik nang paligid. Tumingin ako sa labasan at halos kumunot ang noo ko dahil nagkasabay pumasok yung bagong estudyante at ang SSC.
"Grabeng tensyon naman yan. Nawalan ako nang gana bigla" reklamo ni Kiel sa tabi ko.
"Tumahimik kanalang kasi. Mukhang rambol na naman" dugtong pa na warren.
Walang may nagsasalita sa kanilang lahat nang basagin ito ni Karl.
"Kamusta ang pagwawalis?"
"Good, na exercise nga ako eh"napailing nalang ako dahil ang galing talagang ibalik ng babaeng to ang mga banat niya.
"Dapat yata dinagdagan pa natin ang parusa sa kaniya Kuya" dugtong na saad ni Karl.
"Dapat nga.. wala kasing silbi ang punishment niyo" kaya diyan siya napapahamak. Sa katarayan niya.
"Stop it Karl. Lets go hayaan niyo na siya" pagpapagitna ni Blake at nauna nang pumasok. Sumunod naman sa kaniya ang mga kapatid niya at pumunta sa counter.
Napatingin ako sa naiwang babae na nakatayo sa pintuan ng cafeteria. Ang talim ng tingin niya sa lima na parang ano mang oras ay gusto na nitong patayin sila.
Mabilis naman itong naglakad paalis. Hindi na siya kakain?
"Brian..bumili ka ulit ng dalawang burger, samahan mo na din ng isang malamig na coke"
"Huh?" Sinamaan ko naman ng tingin ito.
"Bibili ka ba o hindi?" Mukhang natakot yata siya kaya tumayo na ito.
"I-to na bibili na!... Tanginang buhay to"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top