CHAPTER 6


Suspended

Nicole Pov.

"I think you already know what happened to you because of your action yesterday"

"Hindi ko alam" pambabara ko kay Blake. walang kwenta naman ang sinabi niya.

"Sinasagad mo talaga ang pasensya ko" dugtong pa niya. Ngumisi naman ako dahil don.

"Ide isagad pa natin" naramdaman ko nalang na may tumapon sa akin ng ballpen buti nalang nakailag ako. Halos dinig ko ang pag katarak ng ballpen sa pader. Ang lakas nang pagkakabato niya.

"Listen, woman..muntik mo nang mapatay si Aisha kahapon. Kung hindi pa namin siya naabutan baka wala na siyang buhay" so sila pala ang tumulong sa kaniya. Grabe talaga ang magkakauri nararamdaman nila kapag nasa panganib ang mga kasamahan nila.

"I don't care" walang pake kong saad sa kaniya. Narinig ko naman ang pagsinghapan ng mga kasama namin sa loob ng kwartong to.

"Your one week suspended plus community service. Wala kanang magagawa pa at gawin nalang yun" napabuntong hininga ako at tumayo.

"Wala na ba?" Tanong ko kasi baka meron pa silang idadagdag.

"Wala na. You can leave"

"Okay" bago ako lumabas sa pinto. Lumingon ako sa kanila. Napatingin ako kay Lance at Aisha.

"May chemistry kayong dalawa. Parehong hayop" after I said that iniwan ko nalang silang nakatanga don.

I guess hindi na ako papasok. Suspended naman ako. Better do something while being suspended.

I dialed the number of SP habang pababa ako sa hagdan ng building. Wala na din naman akong nakikitang estudyante. Class hour na din naman.

"Why did you call?" Bungad na tanong nang babaeng to.

"Prepare everything tonight, let's hunt some rat" after I said that binaba ko na ang tawag.

I need her skills to secure the area. Siya lang naman ang kilala kong magaling na hacker sa mundo. Kahit matanda na yun magaling pa din yun.

Nagpara na ako ng taxi at umuwi. Gusto ko na munang magpahinga.

In the evening, it's almost 10pm. SP already send me everything. Tinignan ko ang documents na hawak ko.

"Clarkson" basa ko sa folder. I think he will say Hi to satan for me tonight.

Bumaba na ako at napatingin sa bagong dating kong kotse. Tamang tama ang dating niya kanina. Pumasok na ako sa loob at na miss kong hawakan ang manibela nito. I start the engine at umalis na.

After an hour of driving nakarating din ako sa lugar kong nasan ngayon si Mr. Clarkson. He's one of the business tycoon here in the Philippines, but unfortunately his business is not legal.

One of our client wants him dead and sino ba naman kami para tumanggi sa utos kung alam naming masasama naman ang papatayin.

Nag park ako sa malayo, kung saan hindi ako matatanaw ng mga gwardya sa labas ng bahay niya. Maraming bantay at alam kong mahihirapan akong makapuslit sa loob.

I open my phone and check the surveillance camera. SP already hack everything kaya nakikita ko na lahat. There's a total of 25 guards ang naka palibot sa bahay ngayon.

I think, I need to go to plan B.

"The gate crush plan" bulong ko sa sarili at parang reynang naglakad sa gitna ng kalsada. Wala naman kasing dumadaang sasakyan dito kaya malaya kong nagagawa ito.

Napansin ako ng isang gwardya at mabilis akong hinarangan. Tinutukan pa ako ng isa ng baril kaya tinaas ko ang kamay ko. Buti nalang nakasuot ako ng salamin at iniba ko ang make up ko. I put on a heavy make up para hindi nila ako makilala. Even my hair iniba ko din ang ayos at kulay.

"Miss bawal ka dito, private area ito"

"Oh! Im sorry sir hindi ko po napansin. Naligaw po kasi ako" napansin kong nagkatinginan silang lahat.

"Ganon ba miss, pwede kanaman naming papasukin basta gawin mo lang ang gusto namin"tapos tinignan niya ako mula paa hanggang ulo. Manyak!

"Madali lang naman to miss, papasayahin mo lang kami" at lumapit sa akin tumutok ng baril. Halos ilapit niya na ang mukha niya sa akin nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Aray!!!" Mabilis kong binali ang kamay niya at ngayon naka tutok na sa akin ang mga barili nila ulit.

"Bitawan mo ang kasama namin miss, hindi na kami nakilipag biruan sa iyo!" Sigaw sa akin nang manyak na lalaki.

"Do you think nakikipag biruan din ako?" At mas pinihit ko pa lalo ang kamay ng kasama niya. Halos mangiyak ngiyak na ito sa sakit. I think semento nalang ang katapat ng kamay niya.

Walang pagalinlangan niyang pinutok ang barili niya, but sorry to say this to him, hindi niya ako napatamaan. Mabilis kong itinayo ang kasama niya at ginawa itong pangharang. Natamaan ito sa dibdib na alam kong ikinamatay niya.

Napansin ko ang galit sa mukha ng iba kaya mas lalo nila akong pinaulanan ng bala. Tangina! Nagsisimula na sila ng ingay.

Binunot ko ang baril ko at sinabayan silang patamaan. Walang mintis kong pinagbabaril silang lahat at halos 5 minuto ang nasayang sakin dahil sa kanila.

Nang maubos na silang lahat tinapunan ko nang bomba ang gate. Hindi naman kasi bubukas yan at iwewelcome ako ng open arms ni Mr. Clarkson.

Nang masira ang gate pumasok na ako sa loob. I reload my Gun at pinagpuputukan ang ibang bantay. Hanggang sa makapasok na ako sa loob ng mansion.

Napansin kong wala na akong bala kaya wala na akong nagawa kundi bunutin ang dagger ko.

They should welcome me, matitikman nila ang lason ng patalim ko. Tinapon ko ang dagger ko sa isang bantay na malapit sa akin sabay takbo at bunot dito. Tumalon ako sa mesa at sinipa ang isa.

Halos kunti nalang ang natirira sa kanila. Nang isa nalamang ang natira halos hindi na ito makatayo. Nilapitan ko ito at tinarak ang punyal ko sa hita niya.

"Ahhhhhhh!! M-aawa ka! Ma-y pamilya pa ako" napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Then you should not evolved in here"

"M-aawa ka" naitagilid ko ang ulo ko dahil nakaawa siyang tignan but on the second thought masama pa din siya.

Binunot ko ang punyal ko sa hita niya at sinaksak siya sa dibdib na sanhi nang ikinamatay niya.

"Now the leading man in this night story.." bulong ko at tinahak ang daan sa taas ng bahay.

Hinahanap ko siya sa lahat ng kwarto at ang natira nalamang ay opisina niya. Dahan dahan akong naglakad at tunog nang takong nang sapatos ko ang naririnig.

Walang pag alinlangan kong sinipa ang pinto at nakita kong nakaupo si Mr. Clarkson sa upuan niya habang umiinom ng wine.

"Kanina pa kita hinihintay.. natagalan ka yata sa baba?"

"Ang iingay kasi ng mga bantay mo. Kaya pinauna ko na sila sa empyerno" biglang nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. Ngumisi naman ako sa kaniya dahil don.

"Mali ka mang pinuntirya babae" after he said that tinutukan niya ako ng barili.

"Go. Pull that trigger, bago ko pa matapon sayo ang hawak kong patalim" paguutos ko sa kaniya. Sinong tinakot niya?

"Sinong nag utos sayo?" Tanong niya sa akin. "No one" sagot ko. It's confidential.

"Hahahaha sa tingin mo maniniwala ako?.. Si De Luna ba?" Naitagilid ko ang ulo ko dahil sa sinabi niya.

"Who's that?" Anong pinagsasabi nito.

"Alam ko na sino nag utos sayo!...hahahahah"napabuntong hininga ako dahil inaaksaya niya lamang ang oras ko. Akala ko mahihirapan ako sa kaniya.

Mabilis kong tinapon sa kaniya ang dagger ko kaya natahimik siya.

"Damn it!" Mura nito ng mapansin ang punyal ko nakatarak sa kang braso niya.

Mabilis akong pumunta sa harapan niya na ikinagulat nito. "Sabi ko naman sayo, dapat ipinutok mo na yung baril bago pa tumarak sayo ang punyal ko" at walang pagaalinlangang binunot ang dagger ko.

Bakas sa mukha niya ang takot at pagkabigla. "Scared now?"i ask him.

"Si-no ka ba talaga!?" Napatakip ako ng ilong dahil ang baho ng hininga niya. Amoy hayop. "Ang baho ng hininga mo! Dapat itikom mo nalang yan!"

"Ahhhhhhhhh" sigaw niya ng bigla kong putulin ang dila niya.

"Ma---b-wh"

"Ano? Hindi kita maintindihan?" Pang aasar ko.

Akmang susuntukin niya ako ng mabilis kong naputol ang kamay niya. Halos maligo na siya sa sariling dugo dahil sa nangyari. Sobrang talim panaman ang hawak kong patalim. Napailing nalang ako.

Napatingin ako sa damit ko dahil namansahan na ito ng dugo.

"I think you should say Hi to satan now" bigla siyang napailing at gumapang palayo sa akin. Wala naman siyang nagawa nang hablutin ko ang buhok niya at walang awang pinugutan siya ng ulo.

Nang wala na siyang buhay tinapon ko ang ulo niya sa tabi at pinunasan ang dagger ko bago ibalik sa bulsa ko.

"Should I burn this place?" I ask to my self. I think it would be better.

Bumaba ako at pumunta sa kitchen bago buksan lahat ng gasol na nandon. Nang matapos na ako sa ginagawa ko lumabas na ako sa mansion at bumalik sa sasakyan ko.

Hindi nagtagal nakarinig na ako ng sunod sunod na pagsabog. Halos ang kaninang madilim na daan naging maliwanag na dahil sa apoy.

"They should thank me, hindi lang kaluluwa nila ang nasusunog pati ang katawan nila" sabi ko at pinaandar na ang sasakyan ko pauwi sa bahay.

Kailangan ko nang maligo ang lagkit ko na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top