CHAPTER 40


Home

Nicole Pov.

Pinasadahan ko nang tingin ang buong bahay, kung gaano ka gulo ko itong iniwan ganon pa din nang datnan ko, wala na akong nagawa pa at sinimulan nang maglinis. 

sobrang daming basag na bobog at nagkalat na mga gamit, I think after two hours na tapos na din ako sa paglilinis, then I found my self at the kitchen, tumingin ako sa Ref at wala man lang pagkain.

"bibili nalang ako" I get my wallet and phone at lumabas nang bahay, I lock the gate at baka manakawan pa ako. Pumasok ako sa kotse ko at pumunta sa pinakamalapit na convienient store. Alam na kung saan ako napadpad, syempre sa 7/11. Ito lang naman ang alam kung bukas pa ngayon.

Kumuha lang ako nang kung ano anong gusto kong kainin at nagbayad. Parang natakam ako sa chicken wings kaya habang pauwi sa bahay nag oorder ako sa phone ko. Iba't ibang flavor ang kinuha ko pero halos nakadalawa ako nag order nang buttered chicken. 

habang pauwi na ako napansin ko ang isang taong naka tanaw sa labas nang bahay, huminto ako di kalayuan at nakatanaw lang sa kaniya, why is he here? for what? wala naman sa akin kung pumunta sila dito, but they should not expect na mababalik ang pakikitungo ko sa kanila. 

nang makarating na ako sa tapat nang bahay, kita ko ang pagsunod nang tingin niya sa sasakyan ko, pumasok ako sa garahe at bumaba. Bumungad sa akin ang gulat sa mukha niya habang nakatingin sa akin. mukha ba akong alien?

"what are you doing here?" I ask him, habang bitbit ko ang pinamili ko. 

"y-ou're here?"

"Mukha ba akong multo?" pambabara ko sa kaniya, napatingin ako sa likuran niya nang dumating na ang order ko, tamang tama lang pala ang dating ko sa bahay. Nilagpasan ko siya at lumapit sa driver.

"Ms. Nicole po?" napatango nalamang ako at binigay ang bayad, inabot niya sa akin ang tatlong box nang chicken wings. Nang makaalis na ang delivery man ay nandito pa din siya. Hindi ba siya aalis?

"N-icole-"

"Stop" putol ko sa ano mang sasabihin ni Kenneth. Sa dami dami kasi nang tao bakit siya pa ang nandito?

akmang papasok na ako sa bahay nang bigla niyang hawakan ang braso ko. " tulungan na kita" 

"no need-'

"I insist" wala na akong nagawa pa nang unin niya ang supot na bitbit ko at ang tatlong box nang chicken wings, hindi man lang nagpaalam sa akin at kusa siyang pumasok sa bahay ko. Now I wonder paano niya nalaman ang password nang pinto ko?

alam ko kasing ni lock ko yun kanina. Pinasawalang bahala ko nalamang yun at sumunod na sa loob, nadatnan ko siyang inaayos ang pinamili ko sa kitchen counter. Siya  pa mismo ang naglagay nang mga beer sa loob ng Ref. 

"ako na diyan" I interrupted him when he wants to put the chicken wings to the table. ayaw kong kainin ang wings kapag nasa plato, mas masarap kapag nasa box pa din ito. 

kumuha ako nang dalawang can beer at dinala ito sa sala. I open the TV at nagsimula nang kumain habang naka salampak ako sa sahig. I don't mind if his staring at me. Alam ko din naman na hindi siya aalis kahit anong taboy ko sa kaniya, kaya hinayaan ko nalang siya din naman ang mapapagod, ganon naman sila eh madaling mapagod.

"Where did you go?" dinig kong tanong niya nang makaupo siya sa sofa na nasa tabi ko. Hindi ko siya pinansin at kumuha nalang nang isa pang chicken wings. Pakiramdam ko nag mumukbang ako ngayon.

"Nicole?" manigas ka diyan, kumuha ako nang isang beer at ininom yun, napatingin ako sa kaniya at sumalubong sa akin ang nakakaawang tingin nia. Inabot ko sa kaniya ang isang can beer at mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin, he opned it and drink it. 

"Are you okay?" napatigil ako sa biglang tanong niya, okay ba ako? hindi ko alam.

"what do you think?" 

"I'm sorry" 

"Palagi nalang, wala bang ibang lalabas diyan sa bibig mo kundi halos sorry nalang?" natahimik siya sa sinabi ko, kasi totoo naman eh, simula nang malaman niyang kapatid niya ako ay lahat sorry nalang ang sinabi niya.

"San ka nagpunta, noong mawala ka hinanap kita" 

"You don't need to know" may pait na sagot ko.

"Your mad, I can feel it..I-m sorry again" I let out a heavy sigh at hinarap siya ulit. 

"Pwede ba.. for once stop asking" medyo may bahid nang inis na sabi ko, kasi wala din namang kwenta kapag nagsalita pa siya, sarado na ang isipan ko pagdating sa kanila. 

"They missed you" 

"How's kristine?" I ask. wala na kasi akong nabalitaan pa simula nang mailigtas namin siya.

"what do you mean?" napaiwas ako ng tingin nang tanongin niya yun, damn, I forgot hindi pala nila alam na alam kong na kidnapped ito.

"I mean, is she fine?" 

"She's fine, but when your gone ang daming nangyari, she got kidnapped and thank god because she's safe now" mapait akong ngumiti dahil ramdam ko ang kaginahawaan sa boses niya, she's truly their angel.

"medyo na trauma lang siya sa nangyari, ganon din sila Mom at Dad kaya homeschooled muna siya ngayon" 

"hmm" kumuha ako nang isa pang manok at kinain yun, kahit ramdam ko ang sakit sa dibdib ko hindi ko yun pinakita sa kaniya. I just shifted my attention to what I'm eating. 

"Ikaw kamusta ka?" 

"I told you Im okay" 

"you're lying"

"What else do you want to hear?" 

"gusto kong ikwento mo sa akin kung saan ka nagpunta, if may kasama ka ba? kung malungkot ka ba?"

" I went to my friend's house, and yes may kasama ako, and no hindi ako malungkot" sunod sunod kong sagot sa mga katanungan niya. 

"That's good" after he said that nabalot kami nang katahimikan, until I finished what I'm eating. sobang sarap nang chicken wings, I think mag oorder ulit ako sa store na yun.

"Hindi ka pa ba aalis?" I ask him kasi baka hinahanap na siya. Umiling siya sa akin, nagkibit balikat nalamang ako at hinayaan siya, naghugas ako nang kamay at nilinis ang kinain ko. 

"D-o you remember what I told you? before you left?" I just nod my head to him. Tandang tana ko yun, paano ko naman makakalimutan yun kung yun ang unang kita ko sa kaniyang umiiyak. 

"I'm still planning to do it, and I won't take no for answer, kahit ayaw mo magpapakuya pa din ako sayo" bahagya akong nagulat sa sinabi niya, naramdaman ko nalamang na lumapit siya sa pwesto ko at halos mahugot ko ang hininga ko nang bigyan niya ako nang halik sa noo. He also tap my head at bahagyang ginulo ang buhok ko. 

I just looked at him, and he's smiling habang may bahid nang lungkot sa mga mata niya. " Akyat kana sa taas, alam kong pagod kana, ako nang bahala dito sa baba, babantayan kita..hmmm babantayan ka ni Kuya"

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa loob nang kwarto ko.  Naramdaman ko ang panginginig nang kamay ko at napatingin ako sa  reflection ko sa salamin, I'm crying. 

I bite my lips para pigilan ang hikbi ko. Alam kong nasa baba pa din siya at maririnig niya kapag gumawa ako nang ingay. 

Nagising akong namamaga ang mata ko, nakatulog pala ako kagabi dahil sa kakaiyak ko. I just washed my face, medyo hindi naman halata ang pamamaga nang mata ko but I can still some eye bags on it. 

Nag ayos lang ako nang sarili at bumaba, naamoy ko ang mabangong pagkain mula sa kusina, nang makarating ako doon bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Kenneth. 

Ganon pa din ang suot niya, hindi talaga siya umuwi. "Gising kana pala, You should eat, hindi magandang walang laman sa umaga ang tiyan mo" pinaghain niya pa ako nang makaupo ako upuan.

Siya na mismo ang naglagay nang ulam at kanin sa plato ko. "Eat, pasensya kana hindi kasi ako magaling magluto yan lang kaya ko, simple breakfast for you" I just nodded at hindi na siya pinansin pa. Masamang magsayang nang pagkain kaya kumain na ako.

Napansin kong hinhintay niya ang reaction ko, " sabayan mo ko" yun lang ang sinabi ko. okay naman ang luto niya at hindi naman panget ang lasa. 

Umupo na din siya at nagsimula nang kumain. Ngayon ko lang napansin, meron siyang pasa sa mukha niya, hindi ko napansin kagabi dahil hindi ko pinagtutuunan nang pansin ang buong mukha niya. 

"What happened to your face?" bahagya siyang natigilan at yumuko. "I got to a fight bago ako pumunta dito kagabi"

"Be careful next time" 

"I will" napailing nalamang ako, ano ba tong ginagawa ko? bakit hinahayaan ko lang siyang mapalapit sa akin? tsk, may sira na naman ang ulo ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top