CHAPTER 4
Them
Nicole Pov.
Uminom ako ng orange Juice habang nanonood ng Live Action. Another bullying na namang nagaganap.
Wala namang may gustong umawat mukhang takot lang nilang pumagitna.
"Sinabi ko ba sayong bilhan mo ako ng ganito!"
"A-isha I-m sorry papalita-"
"Ang tanga mo talaga!!"
"A-ray Ai-sha n-asasaktan ako!" Bigla nalang kasing hinila ng Aisha ang buhok ng nerd na kinakawawa niya ngayon. Nerd nga naman..kailan ba uusad ang lipunang to. Kaya nagiging basura eh dahil sa mga batang to.
Bigla niya nalang tinulak yung nerd at nabangga ito sa isa sa mga table dito sa cafeteria. Rinig na rinig naming lahat kung paano nasira ang mesa at may nakita kaming dugong tumulo sa noo nong nerd.
"Grabe na talaga to"
"Dapat talaga na kick out na tong babaeng to--"
"Shhhh baka marinig ka"
Dinig kong bulungan nang katabi kong table. Napabuntong hininga ako. Nang maubos ko na ang iniinom ko nawalan na ako nang ganang kainin ang isang piraso ng burger. Tumayo ako at napansin kong napatingin sa akin ang kabilang table. Naglalakad ako habang papalapit sa nagkakagulo.
Unti unti kong binuksan ang burger at walang angal kong itinampal sa mukha nong Aisha.
Halos rinig ko ang pagsinghapan ng lahat dahil sa nangyari. Hindi yata nila inaasahan na gagawin ko yun. Napuno na kasi ako, the nerd are already injured at mukhang may gana pa siyang saktan pa ito.
"Lagot na!"
"Alis na tayo dito"
"Anong ginagawa niya! Patay na talaga"
"YOU!! WHAT THE HELL DID YOU DO!!ARGGGGHH MY FACE!" paghihistirikal niya at halos hindi na siya magkamayaw sa pag alis ng burger sa mukha niya. Halos kinalat ko kasi sa mukha niya ang mayonnaise at ketchup ng burger. Yung mga gulay nagsibagsakan sa damit niya.
Napangisi naman ako ng palihim dahil mas naging mukha siyang tao ngayon sa paningin ko.
"Me? I didn't do anything, ginawa lang kitang tao, mukha ka kasing hayop kanina sa paningin ko"
"Baliw na talaga ang babaeng yan"
"Sino ba yan! Galit na si Aisha"
Napaatas ang kilay ko sa mga narinig ko. Mga duwag! Napansin ko naman ang pagkainis sa mukha ni Aisha at tinignan ako ng matalim.
"YOU BITCH!!" akmang lalapit na siya sa akin at kakalmutin ako ng kuko niya mabilis akong umiwas kaya dumiretso siya sa pader na nasa likod ko.
"Aw!! Yung ilong ko!" Dinig na dinig ko ang pagkabunggo niya at mukhang napasubra yata talaga. Nadinig ko pa ang palihim na tawanan ng iba dahil sa nangyari.
"Kamusta ilong mo? Maayos pa ba ang pag kakretoke?" Palabirong tanong ko. Kapansin pansin kasi ang pag dugo nito.
Sinamaan niya ako ng tingin dahil don.
"You see, hindi lahat ng bagay naayon sa gusto mo. Dapat malaman mo kung saan lamang ang kaya mo" salita ko.
"Fuck you!"
"Oh girl, hindi tayo talo" ngumisi ako sa kaniya.
"Anong nangyayari dito?" Napatahimik kaming lahat at tumingin sa kakadating lang. Napakunot ang noo ko dahil bigla nalamang may kung anong emotion ang gustong lumabas sa dibdib ko.
"Ang Nakahara"
Nakahara..naikuyom ko bigla ang kamay ko at nawala ang ngisi sa mukha ko kanina. Nakatingin lamang ako sa kanilang lima at hindi ko inalis ito.
Napansin kong napatingin sa akin ang nasa unahang lalaki.
"You! Kabago bago mo palang gumawa kana nang gulo" I cross my arm dahil sa sinabi niya.
"L-ance..look at me..siya may kasalanan nito" pagsusumbong nong Aisha sa isang lalaki at hinawakan ang kamay nito.
Alam na alam talaga kong sino ang mga magkakauri
"Aisha, we saw everything" salita nong Lance at halos balutin ng kaba si Aisha.
"N-o..ba-by common you know me hindi ko magagawa--"
"Stop! Please umalis kana..kami na ang aayos nito, and please ayusin mo ang sarili mo..ang panget mong tignan"
"W-hat!"
"Sabi ni Kuya Lance panget ka daw" salita nang isa sa kanila at wala nang nagawa si Aisha kundi umiyak habang tumatakbo palabas ng cafeteria.
Ramdam ko pa din ang tingin ng nasa unahan sa sakin.
"You go to detention office" napataas ang kilay ko. Bakit ako pupunta?
"The last time I check. Hindi ako ang nagsimula nang gulo, and I know to my self na inosente ako" balik na sabi ko sa kaniya. Ano yun? Yung isa pinaalis nila at ako paparusahan
"You will go to detention kahit sa ayaw o gusto mo...lets go" halos hindi ko na nakayanan pa ang galit ko at dinampot ang isang upuan sa kilid ko. Tinapon ko yun sa kanila at napatigil sila sa paglakad.
"Nako! Pinalala niya pa"
"Dapat sumunod nalang siya"
"Shut up! Hindi ba kayo tatahimik?" Inis na tanong ko sa kanila. Ramdam kong natakot sila dahil sa pagtaas ng boses ko. Bigla silang lahat nagsiyukuan at hindi makatingin sa akin maliban nalang sa limang lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Matapang ka"
"And so?" Pambabara ko sa kaniya.
"Kuya..dapat diyan dinidisiplina" gatong naman nong isa pa. Yung tumawag na kuya kay Lance.
"You think so?" Tanong nong lalaking nasa unahan. Mabilis naman itong tumango.
"Get her" the next thing I knew hawak hawak niya na ang dalawang kamay ko. Dahil sa reflex ko mabilis ko siyang naibalibag.
"Aw..ang likod ko! K-uya help!" Sigaw niya. Hindi ko pa din binitawan ang kamay niya na hawak ko ngayon. Gusto kong baliin ang kamay niya ngunit may pumipigil sa akin.
"Let him go. Lady" binitawan ko nalang siya. At mabilis itong tumayo at nag lakad pabalik sa mga kuya niya.
"You don't have a rights para mag desisyon sa buhay ko. I don't even know you People" huling sabi ko at iniwan na sila don.
Hindi ko aakalain na makakatagpo ko sila. Nakahara..the people that I hate the most. The people na gusto kong patayin sa mga kamay ko.
Nawalan na ako nang gana pang pumasok kaya tumambay na ako sa garden. Nakita ko to kaninang naglalakad ako. Umakyat ako sa puno at sinandal ang katawan.
Gusto ko nalamang magpahinga, ayaw ko silang maalala pa. Those faces... I don't want to see them anymore.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top