CHAPTER 34
Sick
Nicole Pov.
"Achoo" bahing ko sabay punas nang ilong, mangiyak ngiyak na din ako sa sobrang sama nang pakiramdam ko.
Halos balutin ko na ang katawan ko nang kumot dahil sa sobrang lamig nang pakiramdam ko, akala ko talaga kanina nasa loob ako nang ref.
"Here"pagaabot sa akin ni Renz nang gamot. Tinulungan niya naman akong makaupo, Mabilis ko lang ininom ang gamot at bumalik na kaagad sa pagkakahiga.
Napahawak ako sa ulo ko nang biglang sumakit yun, parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit, samahan mo pa nang dahil sa sipon ko nahihirapan akong makahinga.
"Let me do it" presenta ni Renz at siya na ang nag masahe sa ulo ko.
"Ayan! Maligo pa sa ulan leader!"
"P-ag ako gu-maling malilintikan ka sa akin Nine *acho*" tinapon ko pa sa gawi niya ang gamit kong tissue.
"Kadiri!" Sigaw niya sabay iwas nang tissue. Tunawa naman ang nga kapatid niya sa kaniya samahan mo pa nang hindi magkamayaw sa kakatawa si Third.
"Umayos kayo para kayong mga bata" sita sa kanila ni Renz at tumahimik naman sila kaagad.
"Opo tay!" Napailing nalang ako dahil sa sinigaw ni Nine.
"Hindi mo ko tatay tanga!" Pagaapila ni Renz. Sinamaan pa niya ito nang tingin.
"Hindi ba? Akala ko ikaw ang tatay namin, ayaw mo lang sabihin" natatawang sabi ni Nine sabay tingin sa kapatid niya na kanina pa nagpipigil nang tawa sa kagagawan nang kapatid.
"Prfft..hahahahah Tay! Ang gwapo naman nang mga anak mo"
"Hahahahahaha" hindi na napigilan pa nila Ten at Eight ang tawa nila nang sabihin yun ni Third.
"Isa ka pa!" Nako! Sasabog na ang bulkan. Meron na namang maglilinis sa baba mamaya.
Paano nga ba ako gagaling kung sila lang din naman ang makakaharap ko araw araw. Parang gusto ko nalang yatang mapunta ulit sa gubat kung sila lang din naman ang makakasama ko sa bahay na to.
"I-wan niyo na m-una ako. Ang iingay niyo" paos na turan ko kay Renz. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya bago siya tumango.
"Labas!" Utos niya sa mga kasama niya.
"Opo tay lalabas na. Leader pagaling ka!" Rinig kong sigaw ni Nine bago naunang lumabas sa kwarto ko. Sumunod naman sa kaniya ang iba at ang huli ay si Renz.
Nilagyan niya pa muna nang basang panyo ang noo ko bago niya ako iwan. Nang mawala na sila, inalis ko naman ang panyo sa noo ko at pinikit ang mata sabay masahe sa noo ko.
"F-uck! Ayaw na ayaw ko talagang magkasakit" bulong ko sa sarili. Sobrang bigat nang katawan ko na kunting galaw ko lang parang nakaapak ako nang karayom sa sobrang sakit nang katawan ko. Akala ko nga binugbog ako nang sampong boxer.
Narinig kong may kumatok, napatingin ako sa pinto at nakita kong pumasok si Butler Jorge. May dala dala siyang isang mangkok at may isang basong tubig
"Kumain kana muna iha"
"Wala po akong gana"pagaako ko. Parang hindi yata kayang idigest nang katawan ko ang kakainin ko.
"Kahit kunti lang iha, magkalaman man lang ang tiyan mo" nakaramdam naman ako nang awa dahil alam kong nagaalala lang siya sa akin.
"Kunti lang po ah" tinulungan niya akong makaupo at bigla niyang nilapit ang kutsara sa bibig ko.
Sinubo ko yun at halos wala akong malasahan. Tangina ganito ba talaga kapag may sakit? Wala akong panlasa.
"Masarap ba iha?" Tumango nalamang ako.
"Kumain ka pa" sinubuan niya ako ulit hanggang sa hindi ko na namalayan na naubos ko na ang isang mangkok nang sopas.
"Sobrang lakas pa din nang ulan sa labas"tinignan pa ni Butler Jorge ang labas nang bintana at halos rinig na rinig sa loob nang bahay ang lagaslas nang ulan.
"May bagyo po ba?" Pagtatanong ko. Wala din naman kasi kaming signal simula kanina. Mukhang naputulan kami nang linya.
"Meron yata" napapaisip na din ako baka nagaalala na si SP dahil hindi niya kami ma contact simula pa kanina.
Nabigla naman kami nang mamatay ang ilaw at sinabayan pa ito nang malakas na kulog at kidlat. Napatakip naman ako sa tenga ko dahil sa gulat.
"Ayos kalang iha?"
"O-po" sagot ko. Sobrang dilim at halos wala akong makita. Naririnig ko ang yabag ni Butler Jorge, mukhang naghahanap siya nang ilaw.
"Leader ayos lang kayo diyan?" Narinig kong boses ni Ten sa pinto, may hawak naman siyang lampara kaya nagkaroon na din nang ilaw.
"Nasan ang iba?" Pagtatanong ko. Hindi ko kasi napansin na nakabuntot sa kaniya ang mga kaibigan.
"Nasa baba. Naglalagay nang ilaw sa bawat parte nang bahay, sobrang dilim kasi" hindi naman ako nagsalita after he said it. Kinuha naman no Butler Jorge ang hawak niyang lampara at nilagay yun sa mesa.
"Okay na ba ang pakiramdam mo lead?" He ask. Umiling naman ako dahil masama pa din ang pakiramdam ko. Naisipan ko namang bumalik sa pagkakahiga dahil wala din naman akong magagawa pa.
"Matulog kanalang muna iha, para mabawi mo ang lakas mo pagkagising mo"Tumango ako at pinikit nalamang ang mata. I really should sleep now. Baka paggising ko umayos na ang pakiramdam ko.
Renz Pov.
"Ahhhhh!" Pagsigaw ni Nine nang biglang mawalan nang ilaw. Gusto kong tanongin ang sarili ko kung bakit naging kaibigan ko sila?
"Tangina Nine! Lalaki ka ba talaga?" Pagtatanong ni Third sa kaniya. Parang nawalan lang naman nang ilaw akala mo kakatayin na sa sigaw niya.
"Gagu! Pakitaan pa kita nang sandata ko eh"
"Sira! Hindi ko naman makikita yan madilim kaya!"
"Hoy! Kahit madilim nangangagat to!"
"Sus! Baka nga maliit yan"
"Mahaba to!"
"Maliit!"
"Mahaba!"
At nagsimula na naman sila sa bangayan nila. Hindi ko nalang sila pinansin pa at ginamit ko ang phone ko bilang ilaw, humanap ako nang lampara at meron naman akong nahanap sa kusina. Sinindihan ko yun at nilagay sa pwesto kung saan parin nagbabangayan ang dalawa.
Natahimik lamang sila nang mapansin nila ako. Tinaasan ko sila nang kilay.
"Tumahimik na kayo, baka magambala niyo ang mga natutulog na espirito"pananakot ko sa kanila.
"Shit! Walang ganyanan pre!"
"Ha-ha..nakakatawa yun?" Sabay reklamo nila but I can clearly see Thier faces how scared are they. Mga bata talaga.
"Meron kaya tumahimik kayo"
"Gagu seryoso? Di ka nagbibiro?"pagtatanong pa sa akin ni Nine. Tumingin pa ito sa likuran niya na parang may hinahanap.
"Oo meron nga diyan sa tabi mo"
"Ahhhhh!"
"Putangina! Ahhhh"pagsigaw nilang dalawa at nagyakapan. Napatawa naman ako ng palihim dahil ang duduwag nilang dalawa.
Mukhang napansin nila ang nangyari kaya nagsilayo naman sila sa isat isa.
"Bagay kayo"
"HAHAHAHAHAH!" tawa ni Ten dahil sa sinabi ni Eight.
"Kadiri!"sabi ni Nine.
"Di ko palatulan yang kapatid mo!"
"Ayaw mo sa lahi namin? Maganda naman ah" gagu talaga tong si Eight. Napansin ko naman ang pandidiri ni Nine sa sinasabi nang kapatid niya.
"Kahit matira na sa mundo yang kapatid mo hindi ko papatulan yan!..hugis bote ang hanap ko hindi hugis poste"
"Sabagay. Wala namang shape ang katawan ni Nine"
"Tangina niyo!" Bulyaw Nine sa kanila. Hinayaan ko nalamang sila sa asaran nila at Inabot ko naman ang isang lampara kay Ten. Mukhang hindi niya naman nakuha ang ibig kong sabihin.
"Paki dala sa taas" utos ko dahil tinatamad na akong umakyat pa.
"Sa kwarto ni Leader?" Pagtatanong niya.
"Kaninong kwarto ba ang nasa taas?" Balik kong tanong. Obvious naman kasi dahil isang kwarto lang naman ang nandon.
"Hehe sabi ko nga dadalhin ko" tumayo na siya at dinala ang lampara. Ako naman ang pumalit sa inuupuan niya kanina at pinikit ang mata.
Nakakaantok pala kapag walang ginagawa. Bigla namang tumunog ang phone ko.
"May signal na?"biglang tanong ni Ten nang makababa siya. Nagkibit balikat lang ako at tinignan ang phone ko.
I saw an image galing kay SP. Hindi ko kilala ang babae na nasa litrato but I can see the details attached on it.
"Mission?" Pagtatanong ni Third.
"Yah" sagot ko nalamang. Akala ko magiging okay na ang lahat habang nandito kami. Mission pa din pala ang dapat mauna.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top