CHAPTER 33


Lost/Forest

Nicole Pov.

Bagot..yan ang nararamdaman ko ngayon. I can walk now and it's almost 6 days since we got in here. Parang gusto ko pa yatang tumira sa probinsya kaysa sa gubat na to.

Wala akong magawa, halos lahat ng gumagawa ng gawaing bahay ay yung mga kasama ko. Hindi din kasi ako pinapayagan ni Renz na magbuhat ng mabibigat. Anong akala niya sa akin hindi ko kaya, gusto ko na silang pagbabarilin lahat dahil pinagbabawalan nila ako.

Ngayon nandito ako sa second floor kung saan ang kwarto ko. Nakatanaw lamang ako sa malawak na kagubatan. Sa baba naman nandon sila Ten at Nine na nagwawalis nang mga damo.

"Leader!" Tumaas ang kilay ko nang tawagin ako ni Nine. Halos iwagayway na niya ang walis na hawak niya sa ere.

"Ano namang kailangan nang isang to?"pagtanong ko sa isipan ko. Binigyan sila ni SP nang palugit kaya nandito pa din sila, but after everything is okay to me ay kailangan na nilang umalis kaagad.

"Leader! Laro tayo don sa gubat! Tagu taguan!" Napangiwi ako sa sinabi niya. Ang ganda talaga nang idea niya, sa gubat pa talaga.

"Gagu! Pag nawala ka hindi ka namin hahanapin!" Singhal sa kaniya nang kapatid niya.

After 30 mins. Nakatayo lamang ako sa gitna nang gubat at hindi alam ang gagawin. Bakit nga ba nandito ako?

Napatampal ako sa noo ko dahil sobrang bilis nang pangyayari dapat pala hindi ako umoo. Ngayon hindi ko na alam ang daan pabalik.

Tahimik kong binabagtas ang malawak na gubat na to, halos nagtataasang puno lamang ang nakikita ko. Meron din akong napapansing mga natumbang puno sa mga daanan. Halos ang iba nilulumot na at madaling maputol.

Napalayo na yata ako kakakalakad, hindi ko na din napansin kanina kung san ako napadaan. Napaupo ako sa isang malaking puno, pagod na ako, napapansin ko na ding nagsisimula nang kumirot ang sugat sa paa ko. Mukhang napasubra na yata ako kakalakad.

Tinignan ko yun at kapansin pansin na din ang kunting dugo mula sa sugat ko. Lagot ako Kay Butler Jorge nito.

Tumayo ako at nagsimula na ulit maglakad. Halos napapahawak na ako sa mga puno dahil kaunting sagi lamang ay sumasakit na ang paa ko.

"Shit!" Mura ko nang meron akong makasalubong na ahas. Halos bumilis ang kabog nang dibdib ko dahil sa pagkagulat. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa makaalis na ito.

Don lamang ako nakahinga nang maluwag, ayaw na ayaw ko talaga sa ahas, ipapatay niyo na sakin lahat wag lang ahas.

Binagtas ko ulit ang napakalaking gubat na to hanggang sa makarating ako sa malawak na ilog.

I didn't know na meron palang ganito dito. I think nasa dulo na ako. Halos kapansin pansin na din ang falls kung saan nanggagaling ang tubig. Malakas ang bagsak nang tubig maybe it's because umulan kaninang madaling araw.

Tumingin ako sa tubig at malinaw din ito. Kapansin pansin ang maliliit na bato sa ilalim ng tubig. Gusto ko sanang maligo ngunit inaalala ko ang paa ko. Medyo dumudugo na kasi ulit at baka ma impeksyon kapag nilusong ko sa tubig.

"Worth it din naman pala ang pagsali ko sa larong to ni Nine" sabi ko sa sarili dahil kung hindi ako sumali hindi ko to makikita.

Alam kong hinahanap na nila ako ngayon, hindi din naman ako aalis sa gubat na to, dahil kapag nagkataon mas lalo lamang ako malalagot.

Napapansin ko na din ang paglubg nang araw. "Pagabi na" usal ko. I know it would be hard for me dahil pagabi na at wala man lang akong dalang ilaw dito. Nakakaramdam na din ako ng gutom.

Sobrang tahimik nang paligid, halos huni nang ibon at lagaslas nang tubig lamang ang naririnig ko.

Yumuko ako st pinagcross ang mga tuhod. Umobob ako don at pinatong ang baba ko sa tuhod ko.

Ang dami kong alala sa mga gubat. Halos gusto ko nang ibaon sa limot lahat. Ny first training is in the forest, I tried to survive for almost 2 years sa loob nang gubat.

Those moments, yun ang mga panahong ayaw ko nang balikan pa.  SP's training are so hard to the point gusto ko nang mag give up.

"Get up!" Halos habol ko ang hininga ko dahil sa training na to. Matalim kong tinignan si SP habang hawak hawak niya ang isa mahabang latigo at kanina ko pa ito iniiwasan.

"Ganyan nalang ba? Diyan nalang ba ang kaya mo?" No..hindi ako susuko. I tried my best to stand up halos manginig na ang mga tuhod ko at kapansin pansin na doon ang bakat nang mga latigo.

Where here in the middle of the forest, meron training ground dito na si SP lang ang maaring gumamit.

Hindi paman ako nakakatayo ng maayos nang linatigo niya ako ulit, pilit ko itong iniiwasan at halos maiyak na ako sa sakit.

"Ahhhhh" daing ko nang matumba ako ulit.

"TAYO!" sigaw niya at nilatigo ako ulit. Paulit ulit niya itong ginawa hanggang sa mapagod siya. Hindi ko na magawa pang makatayo. Nakahiga na ako ngayon sa lupa at nakatingala nalamang sa kalangitan.

Bigla nalamang kumulog at bumuhos ang napakalakas na ulan. Ramdam kong tumutulo na ang luha ko at sumasabay na ito sa ulan.

Why? Bakit ganito ang sitwasyon ko. The next day ganon pa din ngunit ngayon ay mabilis akong tumatakbo, pinakawalan niya ang mga alaga niyang lion at hinahabol ako nito.

Sobrang bilis nang takbo ko, wala na akong pake kung saan man ako umabot, ang nasa isipan ko lamang ay makatakas sa mga lion.

Kinabahan ako ng marinig ko ang malakas na pagtalon sa likuran ko, tinignan ko iyon at halos mabingi ako sa alulong ng lion..

Kagat man ang labi at ramdam ang kaba mas binilisan ko pa ang takbo ko hanggang sa makarinig ako ng daloy ng tubig. Pinuntahan ko kung saan nang gagaling iyon at nang makita ko ito ay mabilis akong tumalon sa ilog. Medyo malalim ito ngunit mabuti nalamang ay marunong akong lumangoy.

Nang makalayo na ako ay umahon ako sa tubig at kita ko ang matalim at galit na tingin sa akin ng dalawang lion. Gumawa pa sila nang ingay.

Walang katapusang pageensayo ang ginawa ko. Hanggang sa makarating ako sa puntong nakahawak na ako ng baril.

"Pull the trigger" nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa baril. Takot kong tinignan si SP ngunit walang emosyon niya lamang akong tinignan.

"Show me what you got Kid" nilakasan ko ang loob ko at tinutok ito sa ulo nang isang spy na nahuli nila.

Napatingin ito sa mga mata ko at halos kapansin pansin ang pagsusumamo nitong wag ko siyang patayin.

I can't.. natatakot ako...

"PULL IT!" Dahil sa gulat ay napaiputok ko ang baril. Huli na para mapansin ko ito dahil bumagsak na sa lupa ang katawan nang taong tinamaan ko.

Nabitawan ko ang baril at ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko.

"Good job" bulong sa akin ni SP, ngunit ang atensyon ko ay nasa bangkay na nasa harapan ko.

Naalala ko na naman ang mga panahong yun. I think it's already 6pm. Gusto ko nang magpahinga. Nagugutom na din ako.

Tumingala ako at ramdam kong meron tumulo sa mukha ko, hanggang sa bumuhos na ang malakas na ulan.

"Ang malas ko talaga" bulong ko sa sarili ko. Hindi na ako nag abala pang maghanap nang masisilungan dahil basa na din naman ako ng ulan. So what's the point for that.

Pinagdikit ko ang palad ko para masalo ko ang tubig ulan. Napakapayapa nang gubat, halos ang bagsak nang ulan lamang ang naririnig ko ngayon.

"Leader!!!"

"Nicole!"

"Leader nasan ka!!"

Mabilis akong tumayo at tumingin sa paligid ko. Narinig ko ang mga boses nila Renz.

"Leader!" Hinanap ko kung san nanggagaling ang boses, but I can't see them.

Hanggang sa maramdaman ko nalamang may mga yabag nang paa sa likuran ko. I look at it at halos makahinga ako ng maluwag dahil naaninag ko ang mukha ni Renz.

"Nicole!" Sigaw niya at mabilis n tumakbo papalapit sa akin. Nagulat nalamang ako ng bigla niya akong yakapin.

"Thank god! Akala na namin di ka na namin mahahanap" bulong niya. I just tap his back para pakalmahin siya.

"Pasensya na. Naligaw kasi ako" bigla siyang kumalas sa akin at ngumiti.

"Uwi na tayo..baka nilalamig kana" tumango naman ako sa kaniya at hinawakan niya ang kamay ko. Sobrang higpit nito at parang takot na takot siyang bitawan ako.

Lumapit na din kami kila Butler Jorge at mabilis akong binigyan nang tuwalya at pinsilong sa payong niya.

"Okay kalang ba iha..?" Tumango ako sa kaniya. Alam kong pinagalala ko sila

"Lead! Hindi na kita aayain ulit!"napatawa naman ako dahil sa sinabi ni Nine.

"Ikaw talaga may kasalanan nito" sabay tadyak sa kaniya ng kuya niya.

Napailing nalamang ako dahil sa kakulitan nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top