CHAPTER 32

SP's Mansion

Nicole Pov.

"Ayusin mo ang pagtulak"pagbabanta ko kay Ten dahil siya ang nagtutulak sa wheelchair ko. Hindi pa din kasi ako makalakad ngayon dahil medyo hindi pa magaling ang tahi sa paa ko.

"Leader naman! Hindi ko naman bibit-shit!"

"Tangina!" Mura ko nang bigla niya nalamang nabitawan ang wheelchair ko at muntik na akong malaglag. Tinignan ko siya ng masama.

"Hehehe sorry di ko sinasadya"

"Tabi nga ako na diyan..dalhin mo to!" Pagtataboy sa kaniya ni Renz at ito na mismo ang tumulak sa wheelchair ko.

"Pagnakalakad na ako...malilintikan sa akin yun"

"Ako na ang gagawa"napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi ni Renz. Narinig pala niya ang sinabi ko. Muntik na kasing humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.

Hindi kasi patag ang daan kaya medyo pababa ito. Nandito pa din kami sa hospital at pauwi na kami ngayon.

I insist na don na sa bahay ko didiretso, but they won't allow me. Kaya sa bahay nalang kami ni SP pupunta.

"Tara na" aya sa amin ni butler Jorge nang makalabas na kaming lahat. Inalalayan ako ni Renz na makapasok sa sasakyan hanggang sa makaupo ako. I'm thankful dahil nandito na sila sa tabi ko ngayon.

"Pinabibigay ni SP sayo iha"biglang abot sa akin ni butler Jorge nang isang envelope. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam kung para saan ito but i just accept it.

"Para san yan?" Curious na tanong ni Renz sa akin. I just shrugged my shoulders dahil hindi ko din alam. Naramdaman ko namang umandar na ang sasakyan namin at umalis na kami.

"Do you want to see?" I ask him. Mabilis naman siyang umaling. Napatawa nalamang ako ng bahagya dahil takot niya lang kapag nalaman ni SP na siya ang bumasa nang pinadala niya.

Tinabi ko na muna ito, mamaya ko na titignan yun kapag nakarating na kami sa bahay niya. Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Halos malalaking building lamang ang nakikita ko.

Someday I want to build a big building. Gusto kong makita ang pangalan ko na nasa monument ng mga buildings kung sino ang nag construct non. I want to be known not just by name but also my works.

Hindi ko alam kung kanino ako nagmana but I want this field. It's always be my dream halos mawalan na ako ng pagasang kunin ang kursong to dahil I'm already contented of what I have.

Napansin ko namang pumasok kami sa isang gubat. Ito ang ayaw ko sa bahay ni SP dahil nasa gitna ito ng gubat. Ewan ko sa babaeng yun bakit dito siya nagpatayo ng bahay.

Halos magiisang oras na kaming paikot ikot sa gubat na to hanggang sa matanaw na namin ang isang malaking lumang gate.

"Dapat yata nag hotel nalang tayo"

"Ang creepy talaga ng bahay niya" napailing nalamang ako dahil sa kaniya kaniyang reklamo ng mga kasama ko. Nang tumigil na ang sasakyan ay nagsibaba na sila.

"Dahan dahan" pagaalalay sa akin ni Renz. Nang makaupo na ako sa wheelchair ko ay tinulak niya na ito papasok sa loob. Nakasunod lamang sila sa amin. as far as I know no one lives in her house anymore. The tree branches on the walls are almost noticeable. Ten opened the door and almost all of us winced because of the noise of it. Tangina! Parang nasa horror yata kami ngayon.

"Please do remind her na ayusin niya naman ang bahay niya"pagpapaalala ko sa mga kasama ko.

Kaya ayaw kong tumira sa bahay na to. This is the first house that I refused to leave when I got here in the Philippines.

Mag hohotel nalamang ako kung wala akong mahanap na bahay ng mga oras na yun.

Napaubo naman kami dahil ang kakapal nang alikabok sa mga gamit.

"Ahhhhh"

"Fuck!"mura ko nang bigla nalamang sumigaw si Nine. Ngayon nakayakap na siya kay eight dahil sa takot.

"Tangina baba!" Sigaw ni Eight sa kaniya.

"Bakit ka ba kasi sumigaw?" Pagtatanong ko. Wala naman segurong multo dito no.

"I-pis" napangiwi nalamang ako dahil sa sinagot niya. Kalalaking tao takot sa ipis.

"Bakla" bulong ko. Narinig ko naman ang pagtawa ni Renz kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ang lapad naman nang tenga tong isang to at nadinig niya pa yon.

"Maglinis na kayo"utos ko sa kanila but they just looking at each other.

"Maglinis ka na daw third"

"Tangina bakit ako! Tayo daw!"

"Anong tayo! Ikaw lang"

"Oy ten maglinis kana"

"Tangina niyo!"

"AKO NALANG!" inis na sigaw ko dahil ang tatamad nila.

"Maglilinis kayo o sa labas kayo matutulog" bigla nalamang sabi ni Renz at pinigilan ako sa pagtayo.

Mabilis naman silang nagsikilos. Ang titigas talaga ng ulo.

"Iha..bibili nalamang muna ako ng makakain...anong gusto mo?" Biglang tanong ni butler Jorge nang matapos niyang ipasok lahat ng gamit.

"Hmmm..kahit ano nalang po. Alam ko namang alam niyo na ang gusto ko"

"Ikaw talaga..sandali lang ako babalik ako kaagad... Renz ikaw na muna bahala sa kaniya"

"Sure po" nagpaalam na samin si Butler Jorge kays ngayon nakatingin lamang kami sa mga kasama naming naglilinis.

Tumingala ako at tinignan si Renz. "Ikaw?"napturo pa siya sa sarili niya.

"Ako?bakit?"

"Hindi ka maglilinis?" Mukhang nakuha niya naman ang gusto kong iparating kaya napakamot siya sa ulo niya.

"Ito na nga. Maglilinis na" napatawa nalamang ako ang palihim dahil tumulong na din siya.

Lumalabas ang pagiging ako dahil kasama ko na sila. Sila talaga ang mga naging kasangga ko maliban kay SP. This guys are very important to me. Nakita na nila kung paano ako maiyak, paano maging malungkot at sumabak sa laban. They're already saw me on my biggest downfall and they lift me up.

That's why I'm Very thankful to them. If I given a chance to choose who's I'm going to be with...always...I will choose them.

"Hanggang sa kusina maglinis kayo"

"Yes leader!" Sabay sabay nilang sigaw at napangiti na ako ng tuluyan. I hope they won't leave me alone.

Hindi din nagtagal natapos sila sa paglilinis. Natawa nalamang ako dahil kaniya kaniya silang bagsakan sa sofa.

"Tangina! Ilang dekada ba hindi na linis ang bahay na to!" Pagrereklamo ni Ten sabay punas nang pawis niya gamit ang damit niya.

"Hindi yata na inform si SP nang ibig sabihing Monthly cleaning"

[Anong sabihi niyo?]

"Shit! Leader!" Halos hindi na ako matapos sa pagtawa ko nang palihim kong tinawagan si SP. Halos mamutla na silang lahat dahil sa narinig nilang boses ni SP.

[Ten! Ulitin mo ang sinabi mo!]

"SP...hehe nandiyan ka pala" gagu talaga tong si Ten. Kumaway pa siya kay SP sa screen.

"A-no yun SP..namali kalang nang dinig..diba..kuya" sabay siko ni Nine sa kuya niyang si Eight.

"O-o namali kalang...tangina! Yang bibig niyo magpapahamak sa atin"halos hindi na ako magkamayaw sa kakapigil nang tawa dahil sa mga pagdadahilan nila.

Napatingin ako kay Renz nang bigla niya nalamang kinuha ang phone ko at siya na ang kumausap kay SP.

Nagtaka pa ako nang bigla siyang lumayo at naka off ang speaker. Anong pinaguusapan nila na parang napaka private nito.

Napatingin ako sa iba at halos sabay sabay silang lumihis nang tingin sa akin. May tinatago sila sa akin.

I cross my arm and wait for Renz. Hindi din nagtagal binalik niya na sa akin ang phone,but this time naka patay na ang tawag.

"Anong pinagusapan niyo?" I ask him. Napansin ko ang pagaalinlangan niya habang nakatingin sa akin. I raise my brows at hinintay siyang magsalita.

"Promise me you won't be mad at us?" Mas lalo pa akong na curious dahil sa sinabi niya. Takte talaga kapag hindi to maganda, ipapabalik ko sila sa pinanggalingan nilang bundok.

"I promise" sagot ko. Bigla naman siyang huminga nang malalim at akmang magsasalita na siya nang bigla nalamang magsalita si Ten

"Tumakas kasi kami sa mission"

"Tangina mo Ten!" Sabay tapon sa kaniya ng unan ni Renz. Nabigla naman siya don at napalakas yata ang pagkabato ni Renz dahil tumama ito sa mukha niya.

"Aray!"

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig ko. Hindi yata ako nabingi..alam kong tama ang pagkakasabi sa akin ni Ten. They left their mission undone?

"Tumakas kayo?" Sabay sabay naman silang napakamot sa mga batok nila. Napahilot ako sa noo ko dahil matinding problema na naman to.

"You know the rules Renz"

"I know Leader" kita ko sa mukha niya ang pagkalungkot. Napabuntong hininga ako at tinignan sila isa isa.

"After these bumalik na kayo" nagulat sila sa sinabi ko.

"Lead! Ayaw namin" pagaapila ni Nine

"Ayaw ko din..dito lang ako" sunod na sabi ni Third.

"Babalik kayo sa ayaw at sa gusto niyo. Kakausapin ko si SP para hindi kayo bigyan nang matinding parusa"

Wala na silang nagawa pa at sumang ayon nalang din naman. Kung alam ko lang na tumakas sila. Pagkadating palang nila dito sa pilipinas ay pinabalik ko na sila kaagd.

Akala ko hindi na ako makakaramdam nang problema. Binigyan pa pala nila ako. Takteng buhay to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top