CHAPTER 31

She know/missing

"Hindi siya pumasok?" Pagtanong sa isipan ni Gray nang makapsok siya sa loob ng silid nila. Hindi niya nakita si Nicole sa upuan niya ganon din ang mga gamit nito.

"Absent siya?" Pagtatanong sa kaniya ni Brian.

"I don't know..she didn't text me if papasok siya" Naisipan naman niyang kunin ang phone niya at tinawagan si Nicole. Ilang segundo lamang ay napakunot ang noo niya dahil out of coverage ang phone nito.

"Bakit? May problema ba?" Nagtatakang tanong sa kaniya ni Kiel.

"She's out of coverage" pagsagot niya sa kaibigan. He keep on calling her pero ganon pa din.

"Baka nakapatay ang phone niya"Dugtong ni Kiel.

"Nigel can you track her phone"agaran naman sinunod nang kaibigan ang pinagutos nito. Nakaramdam na siya nang kakaiba sa mga nangyayari.

Alam niyang hindi basta basta pinapatay nang dalaga ang phone niya. Naghintay sila nang ilang minuto hanggang sa mapansin nilang parang nahihirapan si Nigel.

"Hindi mo ma track?" Gulat na tanong ni Kiel sa kaniya. Umiling naman si Nigel bilang sabihin na hindi niya mahanap ang dalaga.

Napahigpit ang kapit ni Gray sa phone niya at dali daling lumabas sa loob ng silid.

"Gray! San ka pupunta!" Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kaniya ng kaibigan at pumunta ito sa sasakyan niya. Sumakay siya dito at pinaandar kaagad.

He decided to go to her house. Hindi siya mapapanatag hanggang hindi niya nalalaman ang nangyayari sa dalaga.

Nang makarating siya sa bahay nito napakunot ang noo niya dahil nakabukas ang pinto ng bahay. Pumasok siya sa loob at halos balutin ng kaba ang dibdib niya nang bumungad sa kaniya ang mga nakakalat na gamit.

Napatigil siya sa pagpasok ng mapansin niyang maraming basag na bubog sa sahig. Meron din siyang napansing kunting dugo na rito.

"Shit! Nicole!" Pagtawag niya sa pangalan nang dalaga ngunit walang sumagot.

Umakyat siya sa taas at pinuntahan ito sa kwarto nang dalaga ngunit wala siyang nadatnan na tao doon. Tinignan niya ang banyo at ibang kwarto at wala siyang mahanap ni isang bakas nang tao sa pamamahay na to

"Where are you? Fuck!" Mura niya at napasabunot sa buhok. Kinuha niya ang phone sa bulsa at tinawagan si Lance.

"I can't find Nicole" bungad niyang sabi nang sagutin ni Lance ang tawag niya.

"Ok...I will find her" yun lamang ang sinabi ng kaibigan at binabaan na siya ng telepono. He also informed the others of what happened. Napaupo siya sa sahig at napasandal sa pader. He keep on looking on the wall at ang nasa isipan lamang niya ngayon ay mahanap ang dalaga.

Alam niyang may kakayahang makipaglaban ang dalaga dahil nasaksihan niya ito noong muntik na itong mamatay. Hindi man niya lubong maisip kong paano natutunan nang dalaga ang mga yun, but he keep his mouth shut.

"Kuya" napatangin siya sa tumawag sa kaniya at ngayon lamang niya napansin na nandito na pala ang mga kasama niya. Nilapitan siya ng kapatid at niyakap.

"We will find her"bulong nito sa kaniya.

"Lance and Nigel are already trying thier best to find her"bigla namang kumalas si Julia sa pagkakayakap sa kaniya at tinulungan siya nitong makatayo.

Parang nawalan nang lakas si Gray at hindi nito alam ang gagawin. "the police are on thier way" pagpapaalam sa kaniya ni Brian

Tinanguan niya nalamang ang kaibigan at bumaba na sila. Nang makalabas sila ay siya naman dating ng mga police.

Nagsimula nang mag imbestiga ang mga police sa loob ng bahay at sila ay nasa labas lamang at naghihintay.

Bigla nalamang tumunog ang phone ni Gray at nakita niyang si Blake ang tumatawag. Sinagot niya naman ito kaagad.

"Gray..you need to know something" napatigil siya at bigla nalamang nagtaka.

"What is it?" Nakaramdam siya ng kaba.

"Nicole heard everything" parang pinagsakluban siya ng lupa dahil sa narinig.

"Kuya..anong sabi ni kuya Blake?" Parang hindi niya narinig ang tinanong ni Skit.

"W-hat do you mean?" Pagbabasakali niyang Hindi totoo ang sinabi ni Blake..

"Gray... Nicole already heard everything kahapon noong nasa kwarto tayo"

"No...I need to tell her the truth..mali ang nadinig niya" sabi niya sa isipan niya at kusa nalamang nabitawan ang telepono. Kinuha naman ito kaagad ni Julia at na siya na mismo ang kumausap kay Blake.

"Bro...anong sinabi ni Blake?" Pagtatanong ni Kiel sa kaniya.

"She..knows everything" Hindi man sabihin ng kaibigan, alam na ni Kiel ang ibig sabihin nito.

"Shit! Malaking gulo to"

"We need to find her as soon as possible. If she knows everything then...hindi natin alam ang gagawin niya"

"Fuck!" Mura ni Gray dahil sa frustration. Hindi dapat sa ganito humantong ang lahat. Hindi ito ang nasa plano niya...he already made sure of that..bakit napunta sa ganito?

Tumayo ang binata at pumasok sa kotse niya.

"Kuya sandali!"

"Gray!" Mahigpit niyang hinawakan ang manibela at pinaandar ang sasakyan niya. Siya na mismo ang hahanap sa dalaga. Kahit anong mangyari he need to find her at makausap siya.

"Where are you Nicole.. please.." halos malibot niya na ang buong lugar ngunit hindi pa din niya ito mahanap hanggang sa mapadpad siya sa bahay nila Blake.

Hindi niya alam kung bakit siya napunta dito. Nakarinig siya nang pagkulog at sinundan ng kidlat.

Hindi kalaunan ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Napayuko siya sa manibela at inaalala ang mukha nang dalaga.

Napaayos siya ng upo nang makarinig siya na nang malakas na katok sa kaniyang sasakyan. Nakita niya si Tita Kye na nakatingin sa kaniya habang may hawak itong payong.

Binuksan niya ang kotse niya.

"Tita?"

"Gray..bakit nandito ka sa labas..dapat pumasok ka sa loob"

"Napadaan lang po ako"

"Nako..pumasok ka na..hindi magandang nagpapaulan ka dito" wala na siyang nagawa pa at bumaba na sa sasakyan niya. Agaran naman siyang pinasilong nang ginang sa hawak nitong payong.

Pumasok sila sa loob ng mansion ng mga Nakahara at mabilis silang binigyan ng towel ng mga tagasilbi.

"Anong nangyari bakit nandito ka Gray?" Alam nang ginang na hindi ito dito pupunta kung wala itong iniisip na mabigat.

"She's missing po" agaran namang niyakap nang ginang ang binata dahil sa nalaman niya.

"We will find her...we will make sure of that"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top