CHAPTER 3
Kingdom Empire University
Nicole Pov.
Maaga akong nagising at halos casual clothes lang ang suot ko. Fitted jeans, black boots and white top. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na nang bahay. Hindi na ako nag almusal pa dahil medyo malayo layo pa ang pupuntahan ko.
Ayaw kong malate sa unang araw nang klase ko. Baka tatawagan na naman ako ni SP kapag nagkataon. Marami pa namang tenga at mata non at alam na alam niya ang nangyayari sa akin.
Sumakay ako sa bus at marami rami din ang nakikita kong naka suot ng uniform ng KEU. Scholar?.. hindi naman sila mag cocommute katulad ko kung mayaman sila.
Nag stop ang bus sa isang gate at napansin kong nagsisibabaan na ibang estudyante. I think this is the school. Bumaba na ako after I pay. Napabuga ako ng buntong hininga bago naisipang pumasok.
Mabilis naman akong hinarang nang guard.
"Miss bawal pong pumasok nang walang ID"
"Late enrolled" maikli kong sagot sa kaniya. Mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya pinapasok na niya ako.
Napansin ko ang panaka nakang tingin sa akin ng mga estudyante. I can also hear some gossips. Sana nilakasan na nila, nahiya pa sila.
Hinayaan ko nalang sila at dumiretso na sa Dean's Office. Ang alam ko don kinukuha ang ID at tyaka schedule.
After I got my ID. Tinignan ko ang class schedule ko.
"Hydraulics" unang subject mabigat agad. Tinignan ko nalang ang asign room at ngayon hindi ko alam kong na saan ito.
"Fuck this life" bulong ko at naiinis na naglakad. Ayaw na ayaw kong napapagod ako.
Hinanap ko ang Engineering Department dahil yun ang nakalagay sa schedule ko. Nang mahanap ko na marami akong estudyanteng nakikita may bitbit ng tube at mga plates. Oh well engineering nga naman.
Hindi ko na sila pinansin pa at pumasok na sa building. Hinanap ko ang room 6 dahil at mabilis ko namang nakita.
Napansin kong nagsisimula nang magturo ang Prof. na nasa unahan. I knock three times bago ko buksan ang pinto.
Napatigil silang lahat at napatingin sa gawi ko.
"Late enrolled sir" sabi ko sa Prof.
"Ikaw pala yun, sabi nga ni Dean may isang bagong students ngayon. Halika pasok ka" pumasok naman ako at tumayo sa gitna.
"Class this is your new classmate. Please be good to her..You came from?" Tanong sakon ng Prof.
"Australia" maikling sagot ko. Mukhang nagulat naman sila dahil ang layo nang pinanggalingan ko.
"Okay..you can introduce your self to them" pagutos niya sa akin. I let out a heavy sigh bago magsalita
"I'm Nicole Dee. 17"
"Is Dee your surname?" Bigla nalamang may nagtanong nito. I look at the girl who ask a question.
"No, its Santiago" after I introduced my self umupo na ako sa bakanteng upuan and discussion continued.
Hindi ako nakinig sa sinasabi ng Prof. Halos naman lahat napag aralan ko na. So what's the point of learning it again.
"Ms. Santiago are you listening?" Napatingin ako sa Prof nang tanongin niya ako.
"No sir" honest kong sagot. Napansin ko naman ang pagtawanan nang lahat habang nakita ko ang pagkainis sa mukha ng Prof. namin.
"I will give you a module for this semester and please study well" yun lang ang sinabi niya at pinagpatuloy ang sinasabi sa unahan.
After the class napansin kong nagsisilabasan na ang lahat. I think next subject na. Tinignan ko ang schedule ko ulit at mukhang vacant ako ng isang oras.
Hindi kasi same ang schedule ko sa mga regular students nila dito. Marami akong subject na kailangang kunin bago maging regular.
Lumabas nalang din ako at naghanap nang mapagtatambayan. Ang boring ng buhay ko. Kaya ayaw na ayaw kong bumalik sa pagaaral.
Nakarating ako sa likuran ng building nang makarinig ako nang ingay.
"You should know your place"
"St-op!-- argg"
"Wag ka kasing sumali. Hindi naman ikaw yung pinagiinitan eh"
"You! Bitawan mo ako!"
Bully? Napansin ko ang pagsipa nang isang lalaki sa lalaking nakaluhod na ngayon. Maraming pasa sa mukha niya at nakatingin lamang ito sa babaeng hawak hawak nang dalawang panget na lalaki.
Para silang mga adik sa ayus nila. Blonde pa ang buhok ng isa, anong akala niya sa sarili niya Kpop?
Akmang lalapit na ako sa kanila nang bigla nalang may sumulpot na mga estudyante. Sumandal nalamang ako sa pader at hinayaan sila.
Bigla nalamang nagsalita ang isa sa 6 nalalaking bagong dating. Pamilyar naman sakin ang isa sa kanila. He's the guy last night. Napangisi naman ako sa isipan ko, so he's still a minor and nagagawa niya yun. Ibang klase.."Nangugulo na naman kayo?" napataas ang kilay ko. Malamang hindi ba nila nakikita nagkakagulo sila. Nagtanong pa.
"N-igel" napaayos ako ng sandal dahil mukhang natakot sa kanila ang mga ito. Who are they? Na curious naman ako kung anong posisyon nila sa paaralang to.
"What punishment do you want?" Biglang tanong ng isang lalaking nakangisi ngayon sa kanila.
Halos hindi na makatayo sa sobrang takot ang tatlong lalaki. Lumapit sa kanila ang isang lalaki na nasa unahan. Nakaagaw ng pansin sa akin isang cross na hikaw sa kaliwang tenga niya. I find it cool..
Yumuko siya at may binulong sa isa sa kanila at halos mapatakip ako sa ilong ko ng bigla nalamang ito napaihi sa pantalon niya.
"H-indi, pa-tawad aalis na kami!" After they said that nagsitakbuhan na silang tatlo paalis. Naiwan naman ang babae at ang lalaking binugbog nila.
"Brian dalhin mo na sila sa clinic, mukhang malala ang tama ng lalaki"
"Bakit ako?" Biglang apela nito at parang nanlumo siya dahil pinagkaisahan siya ng mga kasama niya.
"Bilisan mo nalang!" Bigla siyang sinipa ng katabi niya at tinulak. Wala na itong nagawa kundi alalayan ang lalaking hindi na makatayo. Tumulong na din ang babae na ngayon ay hindi pa din tumitigil sa pagiyak.
Nang makaalis na silang tatlo, akmang aalis na din ako ng bigla nalang may nagsalita.
"You find it amusing huh" tumingin ako sa kanila at ngayon nakatingin na silang lahat sa akin. How they know that I'm here? Alam ko sa sarili ko na inalis ko ang presensya ko kanina.
"Me?" Pag aangal ko.
"Sino sa tingin mo?" Napaseryoso ako ng tingin sa kausap ko ngayon.
"What's with that question, do I need to give you an answer for that?" I ask them.
"No.. what's your name?" Tanong sa akin ng Nigel.
"Dee" maikling sagot ko. "And it's non of your business if manonood ako or hindi" huling sabi ko bago ko na sila iwan pa. Ayaw kong makihalubilo sa kanila. Iba ang pakiramdam ko sa kanilang lima.
Napadpad ako sa canteen dahil sa kakalakad ko. Bumili nalamang ako ng makakain para may silbi naman ang paaralang ito sa buhay ko.
I order 2 piece of burger and one orange drink. Healthy living muna tayo ngayon. Lately halos beer na ang tinutungga ko sa bahay.
Naghanap na ako ng mauupan ko at pinili ko ang bandang sulok. Nang magsisimula na sana akong kumain nang makarinig na naman ako ng ingay.
Napabuntong hininga ako dahil bakit pakiramdam ko ang daming mangyayari sa araw na to. Ganito ba talaga sa paaralang to maraming gulo?.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top