CHAPTER 28
Inis
Nicole Pov.
After an hour of doing nothing, bigla nalamang siyang tumayo. Nakasunod lamang ang paningin ko sa kaniya hanggang sa pumasok siya sa kusina ko.
Hindi na ako nagabala pang sumilip sa ginagawa niya, dahil nakarinig na ako ng pag chop ng pagkain sa chopping board.
"Is he cooking?" Tanong ko sa sarili. Ano namang niluluto non? Marunong ba yun? Hindi man lang nagpaalam na magluluto siya, naalala ko naman ang pang tetresspass sa akin ni Julia. Magkapatid nga sila walang duda.
Nakaupo lamang ako ng bigla nalamang akong nakarinig nang pagkabasag, hanggang sa nasundan pa ito ng isa. Dali dali akong pumunta sa kusina at halos manlumo ako dahil yung dalawang paborito kong pinggan dumami na sa sahig.
"What the hell did you do?" Medyo gulat na tanong ko sa kaniya at tinignan ang kawawa kong mga plato.
"S-orry nadulas sa kamay k--" halos mapatanga ako ng bigla niyang nabitawan ang mangkok.
Tangina! Napapikit ako at parang pinipilit na magtimpi.
"May plano ka bang ubusin ang gamit ko dito?" Napakamot naman siya sa batok niya at napailing.
Tumayo ako at nilinis ang mga basag na pinggan sa sahig. akmang aalis si Gray nang pigilan ko ang paa niya.
"don't move, baka masugatan ka" pagpapaalala ko sa kaniya. Hindi naman siya gumalaw pa hanggang sa matapos ko na ang pagliligpit, napatinignan naman ako sa ginagawa niya.
"Anong niluluto mo?"
"I'm trying to cook adobo.. it's almost lunch time at para makakain kana" napatingin ako sa wall clock at tama siya it's 12:15pm. Hindi ko man lang napansin ang oras.
"Tulungan na kita. Baka magbasag ka na naman"
"Sorry" bakit ang cute niya kapag nagsosorry? Tinampal ko naman noo niya para umayos siya. Nadidistract ako sa pagmumukha niya.
"Aray!"pagdaing niya. Mukhang napalakas ang ginawa ko.
"Umayos ka.. kukuha ako ng panibagong pinggan" habang nakahawak sa noo ay tumabi siya para makadaan ako.
after I took a piece of plate I immediately returned to where he was. I saw that he was just waiting for whatever I did. I started cutting the chicken and I also chopped onion and garlic.
"Paki handa naman yung paggigisahan" utos ko sa kaniya. Dali dali naman niyang sinunod ang utos ko. Napatingin ako sa ginagawa niya at halos manlaki ang mata ko nang nilakasan niya ang apoy.
"Fuck!" Dinig kong mura niya.
"Ano ba yan!" Sigaw ko at pinahinaan ang apoy. Parang tataas ang high blood ko sa taong to.
"Ako na dito, kunin mo nalang yung sibuyas at bawang para makagisa na ako" habang kinukuha niya ang pinaguutos ko ay naglagay na ako ng mantika sa pan.
"Here" kinuha ko naman ang inabot niya at magsimula nang maggisa.
Sinunod ko naman ang mga manok, then I sear all the sides, until I can see a little browning in the chicken skin. Ramdam kong nasa tabi ko lamang siya at tinitignan ang ginagawa ko. Kunuha ako ng suka at soy sauce at naglagay sa pan. I also add some water, pepper, leaves and knor chicken cubes para magsumarap pa. Hindi ko na muna siya tinakpan. Pinahinaan ko naman ang apoy para mag simmer siya at naghintay ng 10 mins.
Kumuha ako ng panibagong pan at kinuha ang mga manok don. I fried it again in another pan at binalik naman kaagad sa naunang pan ang mga manok. I add some sugar para may kunfing tamis. I let it simmer for 10 mins before it serve.
Ako na mismo ang kimuha ng bowl dahil baka mabasag na naman sa kaniya. Nilagay ko na doon ang abodo at inihain sa mesa.
Kumuha na din ako ng dalawang pinggan and spoon and pork at baso.
Napatingin ako sa rice cooker at buti nalang meron pa akong nasaing kanina kaya kakasya pa to.
"Lets eat" I said to him at umupo na kami.
"Wow..marunong ka pala magluto"
"I'm leaving alone... remember?" Hindi pa ba obvious? Narinig ko naman ang mahina niyang tawa. Hindi ko nalamang siya pinansin at nilagyan ang pinggan niya ng pagkain. Mukhang walang balak kumuha eh.
"Try that. Masarap ang luto ko"
"Even though I haven't tasted it yet masarap na to" napangiwi ako sa banat niya at tinampal siya ulit sa noo.
"Umayos ka" napatango naman siya habang nakangiti.
Nagsimula na kaming kumain, hinintay ko ang reaction at napangita nalamang ako ng kumuha pa siya ng kanin.
Kumain nalang din ako ulit, hindi nagtagal natapos na kaming dalawa.
"Wahhh nabusog ako..sobrang sarap" sabi niya habang nakahawak sa tiyan niya.
"Pwede na."
"Anong pwede na?" Tanong ko sa kaniya. Ngumisi siya sa akin bago magsalita"pwede nang maging asawa ko" ramdam ko ang pamumula ng tenga ko kaya mabilis akong dunampot sa mesa at tinapon sa kaniya. Nasalo niya naman ang table napkin habang natatawa sa akin.
"Kung ano ano na diyan lumalabas sa bunganga mo"
"Ayaw mo ba?" Napatigil ako sa tinanong niya. Kalaunan hindi ko sinagot ang tanong niya at nagligpit nalamang.
"Gusto mo din naman no. Kaya hindi ka makasagot?" Gusto ko ba? Ewan...hindi ko alam.
Hinugasan ko nalamang ang mga pinggan at nakaramdam ako ng presensya sa likuran ko.
"Gray naghuhugas ako" pagpapaalam ko sa kaniya. Naramdaman ko namang pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Ambango mo" palihim akong napakagat sa ibabang labi ko dahil bakit ang sarap pakinggan ng mahinang boses niya.
Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at ano mang oras ay rinig na rinig ko na ito.
"Gray tigilan mo yan" pagbabanta ko sa kaniya but ang lintik niyakap pa ako sa likod.
"Gray!" Sigaw ko. Tinignan ko siya at umiling lang siya sa akin. Napabuntong hininga naman ako dahil siya lang ang taong nakakagawa nito sa akin. Ayaw na ayaw kong hinahawakan ako ngunit hindi ko magawang magalit sa kaniya ngayon. Ano ba tong nararamdaman ko?
"Hayaan mo na ako" wala na akong nagawa pa at hinayaan nalamang siya. Habang naghuhugas ako ay nakayakap lamang siya sa likuran ko at tahimik na nakatingin sa ginagawa ko.
After I've done cleaning ay kusa naman siyang kumalas. Hinarap ko siya at tinampal ulit ang noo niya.
"Nagiging hobby muna ang pagtampal sa noo ko"
"Sira ulo ka kasi" yun lamang ang sinabi ko bago ko siya iwan sa kusina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top