CHAPTER 27
Gift
Nicole Pov.
After 3 days nakauwi na din kami dito sa manila. Nandito lamang ako sa bahay ko dahil hindi muna ako pinapasok ni Gray para makapagpahinga. Hindi pa masyadong magaling ang sugat ko kaya bawal pa akong mapagod.
I tried to do everything I can para hindi ako mabagot dito. Halos nagawa ko na yata halat, magluto ng kung ano ano, manood ng TV na wala namang kwentang palabas, maghanap nang games sa phone ko but at the end wala pa din.
Gustohin ko mang lumabas but ang inaalala ko lang ang sugat ko dahil ayaw ko na ulit mapasok sa hospital.
Bigla naman akong napatingin sa pinto ko ng biglang may nag doorbell. I check the footage who is it.
"What is he doing here?" Pinagbuksan ko siya ng pinto at sinalubong.
"Hi"bati niya sa akin. I look at the paper bag that his holding. It's exactly the paper bag na hawak hawak niya noon sa party ni Blake.
"Anong kailangan mo dito?" I ask him. Napansin ko naman ang pagaalinlangan niyang magsalita.
"Can I come inside?..I have a lot to talk to you" pinapasok ko naman siya sa loob at nakasunod lamang ako sa kaniya. I'm just looking at him while he keep on looking around.
"Your living alone?" Biglang tanong niya. I just nodded my head to him. "what do you want to drink?" I ask. "anything" napatango nalamang ako at pumunta na sa kusina.
I get some beer dahil sabi niya naman kahit ano lang. I'm giving him a hospitality, you see I'm good to my guest.
"Here" abot ko sa kaniya. Bahagya pa siyang nagulat pero kinuha niya na din yun at binuksan.
Umupo ako sa harapan niya at ngayon magkatapat na kami. "so what are you want to talk about?" Agarang tanong ko.
"How are you?" Napataas ang kilay ko sa narinig ko.
"I'm good.."
"S-orry" paghingi niya bigla nang tawad. Yumuko pa ito upang hindi ko makita ang mukha niya.
"I'm sorry...for neglecting you"napaiwas ako ng tingin ng bigla ko nalamang narinig ang mahihina niyang hikbi.
"Stop crying, I don't want to see you in this kind of situation" bahagya naman siyang ngumiti sa akin.
"Y-ou grow up fine and kind person.."
"How do you know it?" Curious kong tanong.
"The doctor said to me when I first donated my blood to you" napatango naman ako dahil don.
"So bakit ka nagpunta dito?.. Wala naman sakin Kung malaman mo ang totoo..hindi ko guguluhin ang masaya niyong buhay" napansin ko ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko
"An-o--"
"Kenneth..wala akong planong sabihin sa inyo ang totoo in the first place..dahil wala akong pake sa nakaraan ko" hindi siya makapaniwala sa narinig.
"I already have enough..and I don't want to be hurt again"
"But let me be your kuya.. please..gusto kong bumawi sayo"
"You don't have to.."
"I want to be with you in every occasion I've missed in your life. Your birthday..when you graduate in elementar--"
"Enough" pagpapatahimik ko sa kaniya. Hindi ko kailangan yan ngayon. Masaya na akong wala sila sa buhay ko. All I want is to be gone in thier life totally.
"N-icole..please.."pagmamakaawa niya. napakagat ako sa ibabang labi ko dahil pakiramdam ko ano mang oras ay kakawala na ang mga luha ko.
"H-ere...I brought this in Roxas..gusto ko sanang ibigay sayo to nong gabing yun but the incident happened"
At inabot sa akin ang isang paper bag. "Ako ang pumili niyan..I don't know if you would like it but when I saw it naalala kita" I looked what is inside of it and it's a snowball.
Napakaganda nito at kitang kita mo ang isang doll na ballerina sa loob.
"I-f h-indi mo nagustuhan papalitan ko..hahanap ako ulit..kahit saan pang lugar yan.. just please.. hayaan mong punan ko ang pagkukulang ko sayo bilang kuya.."
"D-o you know when is my birthday?" I ask him na biglang napatigil sa kaniya.
"You don't do you?" Bahagya akong napangiti dahil alam ko namang hindi niya alam. He doesn't know anything about me.
"You should go" sabi ko at tumayo na.
"S-orry.." paghingi niya ng tawad.
"Please umalis kana..and don't ever wish to be my kuya.. because I don't have a family"after I said that umakyat na ako kwarto ko sa taas at iniwan na sa siya sala. Nang makapasok ako ay kumawala na sa akin ang pinipigilan kong hikbi kanina pa.
Bakit ngayon lang? Bakit ngayon lamang siya lumapit sa akin...nakarinig naman ako ng pagsara ng pinto kaya dali dali akong pumunta sa bintana upang tignan ito. Nakita ko si Kenneth na papasok sa kotse niya at umalis na. Nakatanaw lamang ako sa sasakyan niya hanggang sa mga wala ito sa paningin ko.
Napaluhod ako at napahawak sa bibig upang hindi ako makasigaw. Gusto kong ilabas tong nararamdaman ko.
Iyak lamang ako ng iyak hanggang sa mapagod na ako. When I felt I'm ok bumaba na ako ulit. Nang makarating ako sa baba napansin ko ang paper bag na regalo sa akin ni Kenneth.
"He left it?" Kinuha ko yun at tinignan ulit ang laman. Hindi ko alam sa sarili ko ngunit nakita ko nalamang ang kamay kong nilalagay na ang snowball sa mga collection ko.
It's really fit in it. Sobrang ganda niyang tignan na nakahilira sa mga snowballs ko. I don't know why he choose this.
Nakarinig ako ulit ng katok sa pinto but this time malakas na ito. Dali dali kong binuksan iyon at nakita ko si Gray na sobrang pagod at hinahabol pa niya ang hininga niya.
"What are you doing here?" I ask him. Inaya ko naman siya sa loob at pinaupo sa sala.
"Where is he?" Agarang tanong niya. Napakunot ang noo ko dahil sa tinanong nito.
"What are you talking about?"
"Kenneth..where is he?" Napatigil ako sa sinabi niya. Paano niyang nalaman na pumunta si Kenneth dito?.
"Wh--"
"Kiel told me....nakita niya ang kotse ni Kenneth sa tapat ng bahay mo. Nicole...anong pinagusapan niyo?"
"It's non of your business Gray."
"It's my business! Fuck!" Parang naiinis na turan niya dahil sinabayan pa niya ito ng mura.
"It's my business because it's you"dugtong pa niya. Halos hindi ako makapagsalita sa narinig ko. Bakit ba palagi nalamang siyang nakaka sorpresang sinasabi sa akin.
"He just want to visit me. That's all" sagot ko. Napansin ko namang hindi siya na naniniwala.
"Is that all?"
"Ayaw mong maniwala..fine do whatever you want" Pagsuko ko at umupo nalamang sa katabing upuan. Bakit ba ako nagpapaliwanag sa kaniya? Hindi ko din alam sa sarili ko parang tanga din naman ako eh.
Napansin ko naman ang biglang pananahimik niya at nakayuko na siya ngayon. Napabuntong hininga nalamang ako dahil pakiramdam ko nagkasala pa ako ng wala sa oras.
"He gave me a gift, yun lang ang pinunta niya" napansin kong bigla siyang napatingin sa akin at kumunot ang noo.
"Bakit ka niya binigyan ng regalo"
"Hindi ko alam" agarang sagot ko.
"Is he like you?" Parang nasamid yata ako ng sarili kong laway dahil sa sinabi niya.
"What the hell! Bakit mo naman na isip yan!?" Medyo napalakas ang boses ko dahil sa pagkagulat.
"Wala siyang reason para bigyan ka niya niyan, kung hindi ka niya gusto"
"Kung ano ano ang iniisip mo Gray, he just gave me that for thanking me, for saving his life that's all"
"But he also save your life, so patas lang kayo" talagang hindi siya magpapatalo sa akin.
"Bahala kana kung ayaw mong maniwala"pagsuko ko. Ayaw ko na pang makipagpatalo sa kaniya. Mapapagod lang din naman ako.
Nang mapansin niyang ayaw ko na siyang kausap pa, tinikom niya nalamang ang bibig niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top