CHAPTER 23


Disaster

Nicole Pov.

We have the same eyes.. I can take away my on him. Masaya nilang sinalubong ang mga bisita nila at nakipagusap.

Narinig kong tinawag na ang pangalan ni Blake at lumabas na siya. Sunod sunod niyang kinamusta ang mga bisita niya at nakipag kwentuhan.

Bigla namang may nag abot sa akin ng isang wine of glass. Kinuha ko naman ang inabot sa akin ni Gray at uminom kaagad.

"You look tense.. ok kalang?" He gently ask. I just nodded my head dahil parang ayaw mag proseso ng utak ko.

"Do you want to eat something? Kukuha kita"

"Sure" after I said it, tumayo na siya at nagpaalam na muna sa akin. Tinignan ko ulit ang pamilya nila at magkakasama sila sa isang mesa.

Napatingin sa gawi ko si Kenneth at nawala ang ngiti niya. Why he always making that face whenever he see me? Bakit pakiramdam kong naaawa siya sa akin.

Bumalik naman kaagad si Gray at ang dami niyang kinuha. Halos lahat ay gulay. Is he feeding a goat?

"Tsk..I want meat" i said to him. Napatigil naman siya at parang nakuha ang gusto kong sabihin.

"Eat this. Palagi kanalang hindi kumakain ng gulay" napangiwi ako dahil hindi niya ba alam na halos gulay nalang ang kainin ko sa Australia??

"I have done enough of this kind of food kaya ayaw ko na siyang kainin pa" mukhang hindi niya naman alam yun kaya napabuntong hininga nalamang ako.

"Gusto mo palitan ko nalang?" He ask, mukhang na offend ko naman siya. "give me the spoon I will eat this" napansin ko naman ang pagsigla ng mukha niya dahil sa sinabi ko.

Nagsimula na akong kumain, halos nangangalahati na ako sa pinggan ko ng bigla nalamang nagsitayuan ang iba.

"They're dancing" dinig kong sabi ni Gray. Napansin ko ang pag aya ng Papa nila Blake kay Tita Kye na sumayaw.

It's a slow dance at nagsitayo na din ang ibang matatanda para sumayaw.

"Can I have this dance?" Biglang aya niya sa akin.

"I don't do dance" pangaasar ko sa kaniya. He just shrugged his shoulders.

"Then I will take a lead" I just smiled and put my hands on his. Naagaw namin ang atensyon ng lahat ng dinala niya ako sa gitna.

Napansin kong umiba ang music, hinawakan niya ang bewang ko and I put may arms around his neck. We just made a slow dance while looking at each others eyes.

"You're really beautiful tonight"

"I know that" napansin ko naman ang pagkamangha niya sa sagot ko at kalaunan ay natawa ng bahagya. He lean closer to me and whisper something.

"Do you know what is the reason why I like you?" Naitagilid ko ang ulo ko dahil gusto kong malaman.

"Why?" I ask.

"There's no reason" halos hindi ko na mapigilan ang ngiti ko sa naging sagot niya. "I just like you the way you are, everything about you" naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko. I don't what's on me, but I feel my heartbeat so fast.

Hindi din nagtagal tumigil na kami sa kakasayaw at bumalik sa upuan namin. Hindi din naman kami nakawala sa tukso ng mga kasama namin.

Masaya lamang kaming naguusap ng bigla nalamang nakarinig kami ng putok ng baril. Huli na para hanapin san galing yun dahil haloa nagkagulo na ang mga bisita.

"Fuck! What's happening!?" Sigaw ni Kiel. Hinawakan ni Gray ang kamay ko at tinago sa likuran niya. Napatingin ako sa gawi nila tita Kye at halos balutin ako ng kaba ng makitang ang asawa niya ang natamaan sa balikat.

"Tito!!"

"Dad!" tumakbo ang iba sa pwesto nila Blake at inilalayan ang papa niya papasok sa loob ng mansion. Parang tinusok ng libolibong karayom ang dibdib ko dahil nasasaktan siya ngayon.

"Nicole!" Nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni Gray. Kita sa mata niya ang matinding takot.

"You need to go inside..hindi na ligtas dito sa labas" sabi niya at hinila na ako papasok sa loob. Napansin ko pa ang pagpalibot ng mga bantay sa buong mansion.

Nang makapasok kami sa loob halos pinapatahan at pinapakalma nila Kiel sila Sky dahil kanina pa ito umiiyak sa takot.

Kumunot ang noo ko ng mapansin kong may mga hawak nang baril sila Blake ganon din sila Nigel. Pinaupo ako ni Gray sa sahig at hinarap sa kaniya.

"Stay here. Wag na wag kang lalabas"

"Gray..anong nangyayari?" Paanong nangyayari to sa kanila ngayon.

"I will tell you everything later.. please just stay here..okay" tumango nalamang ako at nakarinig naman ulit kami ng putok sa labas.

Sumunod na din silang lahat sa labas at halos ang palitan lamang ng putok ng baril ang naririnig ko. Napakagat ako sa labi ko at tinignan kung nasaan ngayon ang papa nila Blake.

Lumapit ako sa kaniya at nakita kong matindi ang tama niya sa tiyan. I look at my dress at walang pagalinlangang pinunit ang ibabang bahagi nito.

"N-icole"

"Help me tita..we need to stop the bleeding" i said to her at tinalian ang sugat ng asawa niya.

Napansin kong napatingin sa gawi ko ang asawa niya at bakas sa mukha nito ang pagkagulat habang nakatingin sa mukha ko. Hindi ko na ito pinansin pa at ginawa ang lahat para matigil ang pagdugo ng sugat niya.

"Y-ou"

"You need to stay awake po..wag na wag po kayong pipikit no matter what"  I just said to him. Napabuntong hininga nalamang ako ng makarinig na ako ng pagsabog sa labas.

Hindi na to biro lang. I stood up and face the window. I can clearly see what's happening outside. More blood and more lifeless bodies on the ground. Sira na din ang venue.

"Nicole san ka pupunta!" Sigaw sa akin ni Julia but I ignore her. I pulled my gun on my legs and open the door.

I aim the head of the first person I saw. Halos gulat na napatingin sa akin ang iba.

"Nicole!" Dinig kong sigaw ni Gray but I also ignore him. Bigla nalamang may sumugod sa akin but I kick him at binaril siya sa ulo. Walang awa kong pinagbabaril ang makakasalubong ko.

This party should be happy but because of them it's all ruined. Nang maubos ko na ang bala ko tinapon ko ang baril ko and pulled my kunai.

May isang tumutok ng baril sa akin and before he can pull the trigger I easily throw my kunai to his head.

Hinila ko si Kiel nang mapansin kong may tatama sa kaniyang dagger. Halos gulat siya nang mapansin ako but I don't care. I catch the dagger and throw it again to the person who throw it. Hindi niya naman inaasahan yun at tumama sa dibdib niya.

"N-icole? " Hindi to matatapos hanggang hindi sila nauubos. Hindi ko man kilala kung sino ang mga kalaban nila but I don't want to see them hurt.

Nagulat ako ng mapansin ko ang isang kalaban na tatamaan na sana di Kenneth nang mabilis akong tumakbo dito at sinalo ang tinapon niyang dagger.

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Kenneth sa akin.

"Saving your ass" I answered him at sinuntok ang kalaban niya sa mukha. I use him to throw some kicks to other person but it's wrong because i didn't notice the other enemy who pulled the gun, mabilis kong tinulak si Kenneth padapa at huli na para yumuko pa ako.

Naramdaman ko nalamang ang paglandas ng sakit sa tiyan ko kasabay ng pagdura ko ng dugo.

"F-uck! " Mura ko at napaluhod.

"Nicole!" Sigaw ni Kenneth at dinaluhan ako. Hinawakan niya ang sugat ko para tumigil ang pagdugo don.

"Id-iot" sabi ko sa kaniya, kita ko ang paglandas ng kaba at takot sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Your the idiot..wag kang pipikit dadalhin kanamin sa hospital" napaubo lamang ulit ako at halos mapangiwi na ako dahil alam kong ang lalim nang narating ng bala sa loob ng katawan ko.

Nanlalabo na ang paningin ko, shit anong klaseng bala ang tumama sa akin bakit nanghihina ako.

"D-ont sleep! Hindi ka pwedeng mawala not now... please hayaan mo munang makabawi ako sayo.."napansin ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

What?

"Y-ou--" hindi ko natapos ang dapat ko pang sabihin dahil dumating na si Gray mabilis niya akong kinuha sa pagkakahawak ni Kenneth at tinignan ako.

"Shit! Nicole! What happened!" Dinig kong sigaw ni Gray nang makalapit siya sa amin.

"Fuck!! Kiel get the car!!" Narinig kong nagkakagulo na sila halos wala na din akong mapansin pang kalaban nila.

Hindi ko na kaya..Nanghihina ako..

"Nicole!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top