CHAPTER 20
Body
Nicole Pov.
Nandito ako ngayon sa cafeteria at kanina pa ako panaka nakang tinitignan ng katabi ko.
"You want some?" Alok ko sa kaniya ng burger na kinakain ko. Walang pagalinlangan naman siyang kumagat doon. Wala talagang hiya.
"Masarap pala ang burger" dinig kong salita niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kailan pa naging hindi masarap to? Ito lang yata ang pagkain na gusto ko sa cafeteria na to.
"Gusto mo pa?" Alok ko. Tumango naman siya "here" pinatong ko ang burger sa kamay niya at halos napasimangot siya.
"Kainin mo..Anong akala mo susubuan kita?" Narinig ko naman ang mahinang tawanan ng ibang nakarinig sa amin. Sinong niloko niya..
"Wala ka talagang ka tamis tamis sa katawan" rinig kong bulong niya bago sinubo ang burger.
"Mabuti alam mo" balik kong sagot. Napansin ko ulit ang pagsimangot niya, I suddenly smiled because of it, I kinda find him cute..
"You smiled!!" Napasimangot ako kaagad at hindi siya pinansin. "Ubusin mo na yan" pagutos ko sa kaniya. Kung ano ano pa ang nakikita.
"Ehh..ngumiti ka..dahil ba sa akin..hmm?" Napalayo naman ang ulo ko ng biglang lumapit ang mukha niya sa akin. I looked at his eyes bago umiwas.
"Tsk. Ang kulit mo." Sabay tulak ng mukha niya palayo sa akin.
"Sus..dahil sa akin yun" napailing nalamang ako dahil ayaw niya akong tantanan.
"Ang sagwa niyong tignang dalawa..bakit ba dito ako naupo sa harapan niyo?" Biglang reklamo ni Brian at tinignan kaming dalawa ni Gray ng masama.
"Hahahaha gago kanaman kasi sa dami dami nang upuan diyan kapa" tawang turan ni kiel sa kaniya.
"Hindi ko naman alam na maglalandian tong dalawa sa harapan ko"naiinis na saad nito at kumuha ng fries.
"Makakain na nga lang" dagdag pa niya at umiwas ng tingin sa amin. Halos mapuno ng tawanan ang mesa namin dahil sa ingay nila.
Natigil lamang iyon ng bigla nalamang may nag flash sa screen sa malaking TV dito sa cafeteria.
"Shit! Is that Sharmaine?"
"Omy God!! Ang brutal!"
"Fuck! Parang nasusuka ako!"
"Anong nangyari?"
"Sinong pumatay sa kaniya?"
Kitang kita sa monitor ang katawan ni Sharmaine na wala nang buhay, habang maraming police ang nakapalibot sa crime scene, I also saw on the screen the police I called last night.
Kapansin pansin ang paglapit sa kaniya nang isang reporter to interview him pero tumanggi siya.
"Sinong may gawa diyan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Celina habang gulat na gulat sa nakikita.
Napatingin ako kay Gray nang mapansin nakakuyom na ang kamao niya. Is he mad? Because of what?..
Napatingin ako sa iba at halos tutok na tutok sila sa balita. Ako? I felt happy seeing her being on the news while not breathing.
It's satisfying...
I sip on my juice habang nakikinig din sa balita. The reporter got some news to the police and they trying to narrate in the news.
"As of now the police doesn't know the exact what happened to the victim, they're trying to find some clue here in the crime scene but because of the rain last night all of the evidence have been washout. This is Noy Cuancho your daily news reporter Update. We will right back" and the news stop.
Walang ni isang gustong bumasag sa katahimikan hanggang sa tumunog ang phone ni Blake. He picked it and answered.
"Yes" dinig naming sagot niya.
"Ok we will go there right now..thank you officer" after the call ended tumingin siya sa amin.
"Lets go to the police station" tumayo naman kaming lahat at sumunod sa kaniya palabas. Gusto ko lamang sumama para manood. This live show is so interesting...
Nang makarating kami sa parking area nang akmang papasok na ako sa kotse ko ng hilahin ako ni Gray papasok sa sasakyan niya.
"What the hell!"
"Sakin kana sumabay" at wala na akong nagawa pa at pumasok nalamang. When I entered his car I can clearly smell his perfume.
It's nice and hindi siya matapang sa ilong. Nang pumasok na siya he check my seatbelt at nang mapansing hindi ko pa yun suot siya na mismo ang nagkabit non sa akin.
Sobrang lapit nang mukha niya kaya mas lalo kong natitigan ang mukha niya. Halos wala man lang pimple and hindi mo makikitaan nang kapintasan sa mukha. Nang malagay niya na ang seatbelt sa akin umalis na kami kaagad.
Halos magkakasunod lamang kami sa iba at hindi nagtagal nakarating na kami sa police station. Inalis ko naman ang seatbelt ko at akmang bubuksan ko na ang pinto nang mapansin kong pinagbuksan ako ni Gray.
Tinaasan ko siya ng kilay pero ang loko nginitian lang ako.
"Let's go" aya niya at pumasok na kaming lahat sa loob. Unang bumungad sa akin ang napaka raming reporter at ang iba pa sa kanila ay hindi magkamayaw sa pagpasok, but the other police are trying to stop them.
Napansin naman nila kami at gustong makalapit sa amin but it's too late nakapasok na kami sa loob at sinalubong kami ni officer Triñas.
"Officer what happened?" Agarang tanong ni Blake sa kaniya. Napatingin pa siya sa akin bago sumagot. "this morning someone call the station that they found a body near the cliff"pagpapaalam nito sa amin.
"And you found, its Sharmaine ,but how come nakakulong siya sa dito?" Parang naguguluhang tanong ni Kenneth sa kanila.
"We don't know what happened..but we checked the CCTV footage and no one caught the camera"
Parang hindi na nila alam ang gagawin nila. Naghanap naman ako ng mauupuan at nang meron sa gilid ay umupo ako. Gusto kong kumain ng popcorn habang nanood sa kanila.
"The body?" Tanong ni Gray. Tinuro naman ni officer ang isang kwarto. Hindi na nagsalita pa si Gray at pumasok sa loob, ganon din ang iba ako?? Wala nakaupo pa din..
Nakarinig naman ako ng kaniya kaniyang singhapan sa loob at ingay. Napangisi nalamang ako sa isipan ko. Tinignan ko si Officer Triñas at umiling nalamang siya sa akin.
Napansin kong bigla nalamang lumabas si Kristine at sumunod sa kaniya si Derrick. Inalalayan siya nito dahil nasusuka siya. Bumaliktad yata ang sikmura niya.
Tumayo na ako at naisipan na ding pumasok sa loob. Walang emotion kong tinignan ang katawan ni Sharmaine... she's beautiful..ang daming pasa at sugat ang katawan niya, kapansin pansin ang makaling marka sa mukha niya.
Naramdaman kong merong humawak sa kamay ko. "Don't look" utos sa akin ni Gray at pwersahan akong tinago sa likuran niya.
Akala niya ba ay magugulat ako sa bangkay?
"We will contact you after the autopsy report" turan ni officer kay Blue.
"Thank you officer"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top