CHAPTER 16

Danger

Nicole Pov.

I'm here right now inside the classroom and I'm just looking out the window because Prof. Kenji hasn't arrived yet. Hindi naman bago yun, palagi naman late yun. Yumuko nalang ako sa desk ko at pinikit ang mga mata. I should go to sleep, hindi ko naman aasahan na maaga pala ako.

Naramdaman ko namang meron umupo sa tabi ko I look to that person at bumungad sa akin ang mukha ni Gray. Mag isa lang yata siya. Hindi niya kasama ang mga kaibigan niya?

"Aga mo ah. Hinihintay mo ako?"

"Maaga pa Gray, wag mo kong simulang mainis sayo" banta ko sa kaniya. Narinig ko ang mahina niyang tawa dahil don.

"Inagahan ko takaga kasi alam kong maaga kang umalis, Kiel told me nakita ka niya" tangina kailangan ko nang lumipat nang bahay. Nagkaroon pa ng spy ang isang to.

"Tell your friend na pakibawasan ang pagdadala ng hayop sa bahay niya at hindi ako kakatulog dahil sa ingay"

"That's Kiel, wala na akong magagawa pa sa kaniya"

"Tsk..bukas na bukas kapag di pa tumigil ang kaibigan mo ipapapatay ko yan" pagbabanta ko. Tinawanan niya lang ako. Do i look like I'm joking?

Natigil lamang ang usapan namin ng sunod sunod na nagsidatingan ang mga kaklase namin. Ganon din ang mga kaibigan niya na abot ang tenga ang ngisi ng makita kaming dalawa.

"Agang aga ang date niyong dalawa ah" bulong ni Kiel kay Gray ngunit dinig ko naman. Hampasin ko kaya sila ng mesa ng matigil sila.

"It's just a small talk kiel"

"Sus....ayaw kong maniwala..diyan din nagsisimula ang lahat small talk tapos nagiging wil--"

"Aray...nigel ang sakit.." bigla nalamang hinila ni Nigel ang tenga niya kaya narinig ko naman ang malakas na tawa ni Brian.

"Hahahaha deserve mo yan!" Sigaw nito may pahampas pa siya sa mesa kaya halos napapatingin sa amin ang lahat. Napahalumbaba nalamang ako sa mga pinaggagawa nila.

"Titigil kayo o itatapon ko sa inyo tong mesa sa unahan ko" pagbabanta ko sa kanila dahil naiingayan na ako. Natigil naman silang tatlo at nagsiupo. Napatingin ako kay Nathan at nakatingin siya sa akin ngayon.

Tinaasan ko siya ng kilay at binalik niya lang ang atensyon niya sa libro niya. Now it's better, wala nang ingay.

"Tangina yari talaga si Gray diyan pag nagloko" nagpantig ang tenga ko nang bigla nalamang narinig ko ang bulungan sa likod.

"Lagot kamo...mukhang amozona pa naman si Nicole pag nairita..paano pa pag galit" mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa nadinig kong sabi ni Warren.

"Nako tapos si Junior niyan! Hhehe"

"Gagi anong tapos...mapuputol kamo.. hehehe"

"Shhhh...baka madinig kayo" rinig kong pagpapatahimik sa kanila ni Brian. Talagang magkaugali si Warren at Kiel.. yung alaga kaya nila ang putulin ko muna para hindi na sila makapag palaganap ng lahi nila.

"Ikaw tumahimik ka bata.." napabuntong hininga nalamang ako. Napansin ko na parang may nakatingin sa akin. Tinignan ko si Gray ngunit nakayuko lamang siya sa desk niya. Mukhang puyat na puyat to at nakatulog kaagad.

Hinanap ko ang taong kanina pa nakatingin sa akin at napansin ko ang isang babae sa unahan. Masama ang tingin niya sa akin at parang papatayin niya na ako. What the hell is her problem?

Sinalubong ko lang ang tingin niya at ganon nalang ang pagiwas niya at tumingin sa unahan. Tsk... Binaling ko ang tingin ko sa katabi ko at ang himbing pa din nang tulog niya.

"Anong ginawa nito kagabi?" Tanong ko sa mga kaibigan niya. Napatingin sila kay Gray at bumalik sa akin pagkatapos ay nagkibit balikat.

"We don't know.. ako masarap ang tulog ko kagabi" ngisi ni kiel sa akin.

"Lagyan mo nang soundproof ang kwarto mo dinig na dinig sa bahay ko ang ingay ng mga hayop mo" pagpapaalam ko sa kaniya.

"Sorry naman...hayaan mo papalagyan ko yan. Salamat sa idea " napangiwi ako dahil sobrang kadiri niya. Mag ka aids ka sanang animal ka.

"Nigel...alam mo ba ang dahilan bakit antok na antok to?"

Napabuntong hininga na muna siya bago magsalita"he's have a little problem that's why hindi siya makatulog kagabi"

"What is it?" Kumunot ang noo niya.

"Why do you keep asking? You're concern right?" Napatikom naman ako sa bibig. Concern ba ako?

"Curious lang" napailing naman siya sa akin. Hindi ko nalang din sila pinansin pa at yumuko nalang din.

Natapos ang klase namin ng hindi nagigising ang kasama ko. Tinapik ko naman ang balikat niya kaya nagising siya."hmmm"

"Wake up..the class is over" mahinang saad ko. Nagmulat siya ng mata at nag kusot kusot pa.

"Do you want to eat something?, Papabilhan kita alam ko namang hindi ka sasama sa cafeteria"

"Don't bother..sasama ako" ayaw ko na siya ng magabala pa. Parang nagliwanag ang mukha niya dahil don. Bigla niya nalamang hinawakan ang pulupulsuhan ko at hinala ako palabas sa kwarto.

"Gray! Dahan dahan" napatigil naman siya at tinignan ako.

"Sorry, excited lang.." i let out a heavy sigh at nag simula nang maglakad nang matiwasay. Nakasunod naman sa amin ang lima. Nakita ko sila Julia kasama nila sila Blue.

Seguro kailangan ko na talagang masanay na kasama silang lima. Pumunta na kami sa pwesto nila at halos agaw pansin kaming lahat. Halos tatlong Mesa ang napagsama sama namin dahil subrang dami naming lahat.

Katabi ko sa upuan si Gray at sa kabila naman ay si Kenneth. Nginitian pa niya ako kaya I smiled back to him.

"Look this way not that way" tinampal ko nalang ang kamay ni Gray ng pwersahan niyang hawakan ang mukha ko at ibaling sa kaniya.

"Ang possessive mo Gray..di ko aagawin yan" turan ni Kenneth na natatawa pa.

"I'm just making sure...here kainin mo to" nilagyan niya ang plato ko ng mga gulay kaya halos sumama ang tingin ko sa kaniya.

"Hindi ako kambing...alisin mo yan.." napakamot naman siya sa ulo at inalis ang nilagay niya sa plato ko. Kumuha ako ng isang burger sa mesa at Fries. Nakaorder na kasi sila ng marami kaya hindi na kailangan pang umorder ulit.

Napatigil ako sa pagsubo ko ng maramdaman kong may tatama sa akin. Huli na para maiwasan ko yun dahil kapag umiwas ako matatamaan si Kenneth.

Nakaramdam ako ng hapdi sa kanang leeg ko at kitang kita ang pag daloy ng dugo don. Hindi naman siya tumama talaga ngunit nadaplisan lang ako.

Nakarinig ako ng kanya kanyang singhapan at ang iba ay napamura pa.

"Fuck! Your bleeding!" Sigaw ni Gray at kinuha ang panyo upang ipang takip sa sugat ko. Hindi ko sila pinansin na natataranta dahil nakatingin lamang ako sa taong gumawa nito.

She's smiling on me at halos parang baliw na nakatingin sa akin. Humanda ka sa akin kapag naging maayos na ako.

"Shit ayaw tumigil nang pagdugo" hinawakan ko sa kamay si Gray dahil natataranta na siya.

"C-alm down" napabuntong hininga ako ng kumalma na siya nakahawak lang siya sa sugat ko at pilit na pinipigilan ang pagdugo nito. Sumandal ako sa kaniya dahil nakaramdam ako ng hilo..

"P-oison" bulong ko sa kaniya and the next thing I knew nawalan na ako ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top