CHAPTER 13

Parents

Nicole Pov.

Nagising nalamang ako nang makaramdam ako ng ngalay. Hindi ko na din nararamdamang umaandar kami. Napansin ko namang gumagalaw ang sinasandalan ko and to my surprise nakita ko nalamang ang malapit na mukha ni Gray sa akin.

Nakapikit siya hakbang nakasandal ako sa kaniya. Dahan dahan akong umayos ng upo at tumingin sa labas. Nandito na kami. Ang haba pala nang tulog ko. hindi ko na din mahanap pa ang iba dito sa loob.

Iniwan talaga nila kaming dalawa ah. Dahan dahan kong ginising si Gray.

"Hmm"

"Wake up. Were already here" dahan dahan siyang nagmulat but sakin siya tumingin ka agad.

He smiled and mounted something. "Hi"
Anong nakain ng isang to? I pushed him para magising siya ng tuluyan.

"Bumaba kana. Kanina pa tayo nandito" utos ko sa kaniya.

"Yes madam" agarang sagot niya at bumaba na din. Nang maramdaman ko ang buhangin una kong napansin ang napakalawak na dagat. Amoy na amoy ko yung tubig.

"Let's go. Nandon sila" tinuro ni gray kung nasan ang iba at napansin ko pa ang pagkaway sa amin ng kambal.

Napatingin ako sa mga kasama nila dahil kapansin pansin na hindi lamang sila ang nandoon sa cottage. Napatigil ang mga paa ko sa paghakbang nang meron akong mapansin.

Why? Bakit sila nandito. Halos hindi ko na magawang makahakbang pa at gusto nalamang umuwi. Dapat pala hindi na ako sumama pa. Dapat pala nag stay nalamang ako sa bahay ko

"is there a problem?" Nabaling kay gray ang tingin ko dahil sa tanong niya.

"N-o.. I'm just surprised nandito din pala sila Blue" ngumiti naman siya sa akin.

"Ah..Oo they're family friends kaya nandito din sila. Halos pamilya na kaming lahat na nandito" family... that's the only thing I can't have.

"Ganon ba...tara na" aya ko. Naramdaman ko nalang hinawakan niya ang kamay ko at dinala na ako sa cottage nila. Hindi ko alam sa sarili ko dahil bigla nalamang akong kumalma ng hawakan niya ang kamay ko.

"Naks naman improvement na si master!" Dinig kong sigaw ni kiel habang nagpapaypay ng iniihaw niya.

"Omg.. holding hands na sila" dinig kong tili ni Kristine. Mabilis ko namang kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak ni Gray at nagulat pa siya sa ginawa ko, pero ngumiti din kaagad.

"Tara ipakilala kita sa kanila" napatango nalamang ako. Pumasok kami sa cottage at dinala niya ako sa mga matatandang nag uusap.

"Mom" biglang tawag niya sa isang ginang. Tumingin naman ito sa amin at ganon din ang iba.

"Son, akala ko maghapon kana don sa Van"

"Mom stop it" parang naiirita niyang sabi dito.

Narinig ko naman ang tawanan nilang lahat. Tumingin sa akin ang mama niya at hinawakan ang kamay ko.

"What's your name iha?" Bigla niyang tanong. Naka silay sa mukha niya ang isang ngiti habang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako pabalik. Ayuko maging bastos.

" Nicole po" magalang kong sagot. Napansin ko pa ang hindi makapaniwalang mukha ni Gray sa tabi ko.

"Ang gandang pangalan. Bagay sayo iha..so anong status niyo nang anak ko? Kayo na ba?" Halos lamunin ako ng lupa dahil sa tanong ng mama ni Gray.

"Prffftt.. hahahahaha tita sa bagal pa naman ni Kuya Gray hindi ko nalang alam kung sasagutin yan ni Nicole" dinig kong sigaw ni Celina

Narinig ko pa ang tawanan ng iba dahil sa sinabi niya. " So true.. hahahaha umabot pa ng isang linggo bago magsalita eh" hindi ko sila maintindihan.

Parang ako lang yata ang walang kaalam alam dito. Tinignan ko si gray at ang sasama ng tingin niya sa mga kaibigan niya.

"Ang bagal pala ng anak ko. Hayaan mo iha. Pahirapan mo yan para magtanda" ngumiti nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Son hiramin ko na muna itong baby mo ha" baby?? Namali yata ako ng dinig.

"Go mom. Basta ibalik mo kaagad"

"Nako...don kana sa mga kaibigan mo" umalis na din naman si Gray at ngayon naiwan ako dito sa harapan nila.

"Halika dito iha. Upo ka" sumunod naman ako sa mama ni Gray.

"Ang swerte naman nang anak mo kay Nicole ang gandang bata"

"Ano kaba Steil, magaling kasing pumili ang anak ko" gusto ko natalang makaalis dito. Ang awkward...

"Hi iha" naagaw nang atensyon ko ng bigla nalamang may nagsalita. Hindi ko napansin na malapit lang pala ako sa kaniya.

Ngayon ko lamang siyang nakita ng malapitan. Noon sa litrato ko lamang siya nakikita at sa malayo ngayon nandito na siya sa harapan ko.

Meron sa loob ko na gusto siyang yakapin at gusto umiyak sa balikat niya.

"Iha. Ok kalang ba. Bigla kana lamang nalungkot" napatingin ako sa kamay ko ng hawakan niya ito. Her touch it's so warm.

"Ok lang po ako" mabilis kong sagot sa kaniya.

"Mabuti naman. Hindi pa pala ako nakakapag pakilala sayo. I'm Nakye you can call me Tita Kye" gusto kong sabihin sa kaniya na ayaw ko siyang tawaging ganon. I don't want to call her tita. I should call her Mom.

"T-ita kye" she smiled then put her hands on mine. "if sasaktan ka ni Gray sabihan mo lang kami. Kaming bahala sayo"

"That's right... Lagot samin ang batang yan" after ng Mom ni Gray sabihin yun sabay silang nagtawanan. Natigil lamang iyon ng bigla nalamang may tumawag kay Tita Kye.

"Mom let's eat..the barbeque is almost ready" napatingin ako kay Kristen dahil sa tinawag niya sa taong katabi ko. Parang tumigil ang mundo ko dahil don.

"Tinatawag na tayo ng mga bata. Tara na doon at kumain..iha halika kana?" Aya niya sa akin. I hide my emotion to her and nod my head. Lumapit na kami sa malaking mesa at halos ang dami nilang pagkaing handa.

Do I belong here? Halos lahat sila ay may kaniya kaniyang ginagawa, parang isang pamilya silang lahat.

"Hey..do you want me to get you a food?" Hindi pa man ako nakakasagot ng kusa nalamang kumuha si Gray ng pagkain at kung ano ano ang nilagay niya don.

Nang makabalik siya sa pwesto ko halos samaan ko siya ng tingin dahil ang dami. "do you think I can finish this?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya. Napakamot naman siya sa ulo niya at parang nahiya.

"Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo" napabuntong hininga nalamang ako.

"Let's finish this both" utos ko sa kaniya at itinaas ang spoon na hawak ko at itinaas ito sa kaniya. Napatingin naman siya sa ginawa ko

"Open your mouth" wala naman siyang nagawa at kinain ang sinubo ko sa kaniya. Ganon lang ang ginagawa namin hanggang sa maubos namin ang laman ng pinggan.

"Ang tamis..parang dumami yata ang langgam Brian?" Dinig kong tanong Kiel sa taong kanina pa kumakain.

"Huh?" Takang tanong ni Brian kay Kiel habang may laman pa ang bibig.

"Tsk. Kumain kanalang epal ka!" Nagsitawanan naman sila dahil don. Napailing nalamang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top