Refrain
Refrain
◦ ❖ ◦
La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la
Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na himig. Palakas 'yun ng palakas pero hindi ko alam kung saan nanggagaling. Hanggang sa tumambad sa harap ko ang isang pinto. Nakabukas 'yun at tila iniimbitahan akong pumasok.
Lakas-loob kong inihakbang ang mga paa ko papasok at sumalubong sa'kin ang pamilyar na sala. May maliit na telebisyon doon, CD player at mikropono. Doon nanggagaling ang musikang kanina ko pa naririnig.
“Ging, ikaw na ba 'yan? Kanina ko pa hinihintay ang pagdalaw mo.”
Napaamang ako sa narinig na boses. Lumingon ako at nakita ko s'yang nakatayo, nakatalikod sa'kin. Pinilit kong ihakbang ang nanginginig kong mga tuhod palapit sakanya.
“P-papa?” Nanginginig at namamaos ang boses kong tawag sakanya.
Dahan-dahan s'yang lumingon sa'kin at napalu
ha nalang ako nang makita ang mukha n'ya at makaharap ko siya ng malapitan. Nakatingin siya sa'kin — nakangiti ang malamlam n'yang mga mata.
Ganitong-ganito ang itsura n'ya ng huli ko s'yang makita. Ganito ko na-i-imagine ang itsura n'ya sa t'wing naiisip at naaalala ko siya. Ganito ang itsura n'yang nakatatak at nananatili sa isipan ko. Ganito ko siya gustong makita ulit — yung malakas at masigla.
Lumapit ako sakanya at yumakap ng mahigpit. Ibinuhos ko sa paghagulgol at mahigpit na yakap ang matinding pagkasabik ko na mayakap ulit siya.
Labing-pitong taon ko ding hinintay ang pagkakataon na muli s'yang makasama.
Sampung taong gulang palang ako noon nang umalis siya papuntang Canada. Magmula 'nun hindi na siya nakapag-bakasyon, hanggang sa nagkasakit si Papa, lung cancer... tanging ang urn na naglalaman ng kanyang abo ang nakabalik ng Pilipinas at nakauwi sa'min.
Kung maibabalik lang sana...
Mas hinigpitan ko ang yakap ko sakanya habang sinasabi ang mga salitang hindi ko nasabi noon, “P-patawad... Papa. Hindi kita napuntahan at naalagaan. I'm a failure, Papa. Patawarin mo ako, mahina ako, binigo kita.”
“Tahan na,” malumanay ang boses n'yang sabi. “You're not a failure, anak. Kung ano 'man ang mga pagkakamali na nagawa mo, kung ano 'man ang mga bagay na hindi mo nagawa, hindi 'yon kabawasan sa pagkatao mo. Don't let it define you. Ging, you're weakness makes you stronger than you think.”
Iniharap n'ya ako sakanya, “I am proud of you, anak.”
“S-salamat, Papa,” Humihikbing tugon ko. Yumakap ulit ako sakanya at ibinulong ang mga salitang matagal ko nang gustong sabihin, “I love you, Papa.”
Nagising akong umiiyak yakap-yakap ang picture ni Papa habang tumutugtog ang Refrain ni Jose Mari Chan na paborito n'yang kanta.
No use searching for I'll never find you there
For you are far beyond compare, mmm
Maikli man ang ibinigay na oras para sa'min, hindi ko man maibabalik ang nakaraan ngunit, sapat na ang mga alaalang iniwan n'ya na patuloy na mananatili sa puso't isipan ko.
Sabi nga ni Papa sa'kin noon, ang buhay ng isang tao ay hindi nasusukat sa kung gaano ito katagal o kahaba, kundi sa paano siya nabuhay.
✄┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top